bc

The Contracted Girlfriend

book_age18+
847
FOLLOW
15.8K
READ
love-triangle
HE
independent
boss
sweet
bxg
bold
campus
office/work place
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Sikat at magaling na basketball player si Braeden at soon to be CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Kylie without knowing na nasa iisang kompanya sila. Gustong-gusto ni Kylie si Braeden at hindi niya inaasahan na magiging contracted girlfriend siya ng lalaking kinahuhumilingan niya at sa hindi rin inaasahan magkakaroon ng bunga ang gabing may nangyari sa kanilang dalawa.

Ipapaalam kaya ni Kylie ang naging bunga sa nangyari sa kanila ni Braeden o tatakas na lamang siya habang hindi pa nalalaman ni Braeden ang totoo? Who knows?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 So close
"Ano na, Kylie? Puro ka na lang ba gan'yan?" Bumuntong hinga siya. Hindi akong nag-abalang tumingin sa kan'ya at patuloy pa rin sa pagpindot ng heart react sa posts ng crush na crush kong sikat na basketball player na si Braeden Powell. "Sa ngayon, ito palang ang magagawa ko," sagot ko sa kan'ya habang hindi siya nililingon. "Hay naku! Sandali nga at may kukunin ako sa bag ko," aniya at naramdaman ko ang paglabas niya ng kuwarto ko. I'm Kylie, isa ako sa fan ni Braeden na sikat at gwapong basketball player. Kabilang siya sa sikat din na basketball team. Unang kita ko palang sa kan'ya automatic na nag-heart na ang mga mata ko. He is magnificently handsome! Sobrang attractive niya dumagdag pa na magaling siya sa larong basketball. Tapos na ang game nila ngayon na napanood ko lang sa tv at heto naman ako ngayon, abalang mag-message sa kan'ya. Gusto ko lang siya i-message kahit naman alam kong malabong mangyari na mapansin niya ako at sure ako na marami rin ang nagme-message sa kan'ya. "You really play so well," nakangiti kong sambit habang tina-type ito. "Lagyan ko pa ng heart." Humiga ako sa kama ko na kanina lang ay nakadapa. Nakatingin ako sa kisame habang nakangiti. Kahit ano naman ang papansin ko kay Braeden I'm sure naman na hindi niya ako papansinin, but it's okay. "Sigurado akong nag-message ka na naman sa kan'ya," ani naya. Si Naya ay childhood best friend ko at she's really supportive sa akin kahit na medyo mapang-asar siya. "Ano pa nga ba? Katulad nga ng sinabi ko, iyon lang magagawa ko pero soon mapapanood ko na siya ng live, as in live!" sagot ko. "Don't worry, Kylie... matutupad mo na 'yang pinapangarap mo." Agad akong tumingin sa kan'ya at nakita ko ang ngiti niya sa kan'yang labi kaya mabilis akong napabangon. Inabot niya sa akin ang isang ticket dahilan para mapangiti ako ng matamis. "N-nakabili ka na ng ticket?" "Yep! Kahapon pa at sa next game nila, mapapanood mo na si Braeden ng live! At hindi lang 'yan ah? Iyong seats natin malapit lang sa kanila." Nanlaki ang mga mata ko na napatingin sa kan'ya. "S-seryoso ba? Hindi ba ang sabi ko kahit sa pinamataas na basta makapanood lang ako at makita siya in person?" "Oo, 'yon nga ang sinabi mo pero dahil supportive akong kaibigan at alam na alam kong gusto mo siyang makitang malapitan, 'yong seats na malapit sa kanila ang in-avail ko," nakangiti niyang sagot. Mas malawak ang ngiti ko nang makumpirma ko na totoo ang sinasabi ni Naya. Kinurot ko ang sarili ko para lang makumpirma ko na totoo ang lahat nang ito at hindi panaginip. Sobrang saya ko! The day after tomorrow ang next game nila kaya agad na akong nag-ayos ng susuotin ko para sa araw na iyon. GAME DAY... Nakasuot ako ng brown tube na fit sa akin at denim na cargo pants. May dala akong plain black jacket na nakapatong lang sa dalawang balikat ko. Nakaupo na kami ni Naya ngayon dito malapit sa court at sobrang laki. Ilang sandali lang lumabas na isa-isa ang mga players at automatic akong napangiti nang makita ko si Braeden na lumalabas habang seryosong naglalakad. Walang emotion ang kan'yang mukha pero kahit gano'n sobrang gwapo talaga niya! Kung anong hitsura niya sa tv gano'n din sa personal, matangkada, maputi, and he's eyes are like storm clouds. Iyong katawan niya ay well-built. Hindi ko masisisi ang sarili kung bakit ganito na lang ako kahumaling sa kan'ya. Madami na rin tao ngayon at hinihintay na lang magsimula ang game nila. Sa hindi ko inaasahan, nagtama ang mga mata namin sa isa't isa. Dahan-dahan akong napangiti ng matamis habang nakatingin pa rin sa mga mata niya. Hindi siya ngumiti, as in emotionless lang talaga. Tumingin lang siya sandali at iniwas din kaagad ang tingin niya at pagkatapos no'n ay tinuon na niya ang atensyon niya sa mga team niya. "Nakita mo ba 'yon?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Naya. "Kitang-kita ko! Mukhang napahinto pa siya sa pagtingin sa'yo bago muling iniwas ang tingin niya e! Mukhang nakuha mo na yata ang atensyon niya na walang ginagawa ngayong gabi," sambit ni Naya habang nakatingin din kay Braeden. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Grabe 'to! "Kahit hindi siya ngumiti okay lang, ang mahalaga nakita niya ako at nagtama ang mga mata namin sa isa't isa." "Naku! May hindi na naman makakatulog ngayon," natatawang saad niya. "Parang hindi na nga e. Sino ba kasi ang makakatulog ng maayos kung nagtama ang mga mata niyo ng matagal mo ng crush." "Exactly!" Inayos ko na ang upo ko nang magsimula na ang game nila. Malapit lang talaga ang upuan namin sa kanila. Nasa bandang likod lang nila kami sa right side nila at isang row lang talaga ang pagitan namin sa kanila at siguro tatlong hakbang lang katabi ko na siya, oy! So ayon nga... halos mawalan na ako ng boses sa kakasigaw. Tamang cheerleader mo muna ako ngayon, Braeden. Ngayon lang ito kaya talagang binuhos ko na ang energy ko lalo na sa tuwing makaka-shoot ang team ni Braeden at syempre lalo na siya. Napapangiti na lang talaga ako sa tuwing nakikita ko siya, mukhang sobra na akong tinamaan sa lalaking ito. Ang lalaking malabong mapasa akin pero masaya na rin ako kahit hanggang dito na lang kami pero syempre kung sakaling mabigyan ako ng chance na mapansin niya ako ng sobra ay talaga naman! I'm sure pulang-pula na ang mukha ko no'n. Nanalo sila at talagang kinasaya ko 'yon! Kitang-kita ko ang matamis na ngiti niya na kaya akong ligawin. Ang gwapo talaga niya, hindi ako magsasawang sabihin 'yan dahil sobrang gwapo talaga! Papalapit na siya sa upuan nila at kitang-kita sa kan'yang hitsura kung gaano siya kasaya. Sa kan'ya lang nakatuon ang atensyon ko dahil wala naman nang kasiguraduhan kung kailan ulit ako makakanood ng game nila in person dahil baka team bahay na naman ako no'n kaya pinagmasdan ko na talaga ang kan'yang hitsura. Sobrang lapit lang niya sa akin. "I want to take a picture with him. Is it possible?" tanong ko habang nakatingin pa rin kay Braeden na nagpupunas ng pawis niya. "You want to take a picture with him?" tanong ng isang assistant coach nila sa akin habang nakangiti. Hindi ko inaasahan na mapansin niya ako pero alam kung naririnig niya ang usapan namin ni Naya dahil nasa harap lang namin siya. Pasimple at mahina akong binangga ni Naya habang nakangiti ng malawak. Hindi niya tinanong kung kanino ko gustong magpa-picture pero mukhang alam na niya dahil nga for sure naririnig niya kami kanina pa. Nanlaki na lang ang mga mata ko habang pakurap-kurap na nakatingin sa kan'ya. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil na rin sa hiya ko. Grabe! Gusto kong itago ang hitsura ko sa hiya dahil ang dami ko pa naman sinasabi tungkol kay Braeden sa sobrang tuwa ko na nakatungtong ako dito sa kanilang game at home court pa nila. Ngumiti siya ng malawak. "It's okay, don't be shy. I'll talk to him." Agad siyang lumapit kay Braeden at bumulong. Bumulong din sa akin si Naya. "Unti-unti nang natutupad ang pangarap mo. Kaya kung ako sa'yo ayusin mo na ang sarili mo bago pa lumingon dito si Braeden." Katulad ng sinabi ni Naya, mabilis kong inayos ang suot ko pati na rin ang buhok ko. Hindi na ako nag-abalang tingnan pa ang hitsura ko sa cellphone ko dahil alam ko namang hindi pa ako haggard ngayon. At ayon nga ang isa pinapangarap ko, tumingin siya muli sa akin habang kausap siya ng assistant coach nila. Ngumiti naman siya sa tumango, aww! My heart! Tumingin din sa akin ang assistant coach nila habang nakangiti at pinapanood si Braeden na lumalapit sa amin. Tinuon ko muli ang atensyon ko kay Braeden na sobrang lapit sa akin. Mas lalo kong napansin ang kagwapuhan niya nang lumapit na ito sa akin at nasa harap ko siya na nakangiti. Ngumiti ako ng sobra at alam kong namumula na ang pisngi ko. Binigay ko ang cellphone ko kay Naya na kanina pa nakaabang sa paglapit sa akin ni Braeden. "Hello," nakangiti niyang bati. "Hello, I'm your number one fan! I always watch your game," nakangiti kong sambit. "Oh..." Sa sobrang tuwa niya napapikit ito pero mabilis din minulat ang mga mata niya. "Thank you so much!" Ngumiti ako ng matamis. "C-can we take picture?" "Yeah, sure." Agad na tumabi sa akin si Braeden at grabe hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya at kinikilig ngayon. Dati pangarap ko lang 'to, ngayon natutupad na! Sh*t! I'm so happy! Habang pumupunta si Naya sa harap namin para kuhanan kami ng litrato ni Braeden... hindi ko naman mapigilan na hindi lingon si Braeden at I'm sure mas lalong namula ng pisngi ko nang tumingin din siya sa akin at sa pagtama muli ng mga mata namin, unti-unti siyang ngumiti sa akin kaya napangiti rin ako. Ang lapit ng mukha namin ngayon, isang dangkal siguro ang pagitan. Ako na ang umiwas ng tingin at tumingin kay Naya na ready na kumuha ng picture namin. Nanlaki naman ang mata ko nang dumikit ang balat namin sa isa't isa nang sabay kaming gumalaw. Parang ayaw ko nang gumalaw at manatili na lang sa posisyon na iyon. "Oh, I'm so sorry," aniya sabay layo sa akin. "It's okay." Ngumiti ako. Okay lang, Braeden... lapit ka na ulit sa akin. "Smile," sabi ni Naya. Agad naman namin inayos ang tayo namin para sa picture. Hindi ko alam kung ilang litrato ang kinuha niya basta todo ngiti lang ako. "Thank you so much, Braeden." Ngumiti ako ng sobrang tamis habang nakatingin sa mga mata niya. Ngumiti rin siya. "No problem. I'll see you soon!" "Let's see each other again very soon," nakangiti kong saad. Hindi pa rin naaalis ang ngiti niya sa kan'yang mga labi hanggang sa tumalikod na ito at umalis na. Nandito pa rin ang kilig na nararamdaman ko at todo hawak pa ako sa braso ko. "Thank you so much po!" Ngumiti ako ng malawak nang makita ko ang isang assistant coach nila na nakarinig sa amin ni Naya. "Don't mention it," aniya at ngumiti rin sa amin bago umalis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook