"Kylie! Naya!" sigaw na bungad ni Jasmine sa amin habang papasok kami ng kompanya. Kasama niya si Giselle. Nagtataka kaming lumapit sa kanila. Bakas sa kanilang mga mukha na excited sila kaya mas lalo pa akong nagtaka dahil doon. Wala naman akong maisip kung bakit sila excited sa araw na iyon at todo tawag sa amin ni Naya. "Ano? May nalaman na naman ba kayo?" Nagkukunwari pang walang gana si Naya na humarap sa kanila pero ilang saglit lang ay bigla itong ngumiti ng malawak. "Sabihin niyo na! Ano 'yon? May bago bang empleyado na pogi? Ano?" "Feeling ko mas gaganahan ka kapag nalaman mo 'yong reason kung bakit kami ganito," wika ni Jasmine at tumingin naman ito sa akin. "Lalo na kay Kylie." Mabilis akong tiningnan ni Naya. "Hmm? Kay Kylie? Bakit anong meron? May gusto na kaagad 'yong bag

