FOUR

436 Words
Hindi niya alam kung naipasa ba niya ang interview. Nanghihina siya pagkatapos siya interview-hin. Ngayon alam na niya ang sagot kung bakit malata at tuliro ang mga nauna sa kanya aplikante kasi dahil sa Mr.Lucio na yun. He's so intimidating and dark. So powerful. Gwapo sana kaso masyado seryoso sa buhay. She sighed. Hindi naman siya matatanggap kahit na hangaan pa niya ang gwapong interviewer na yun. Nasa lobby na siya at hawak-hawak ang sikmura dahiL sa pagkalam ng sikmura niya kanina pati pagkagutom niya naisama na niya sa sagot,desperada lang siguro siya kaya niya nasambit yun. Palabas na siya ng building ng harangin siya ng security guard sa exit. "Ma'am ,may itinawag po sakin na wag muna kayo umalis," anang ng gwardya. "Ha? Bakit? Sino nagsabi?" sunod-sunod niya saad. "Ang pinakaboss po namin," anito. Nanlaki ang mga mata niya. Pinakaboss? Ang may-ari ng B&L company? Iginiya siya nito maupo muna sa gilid kung saan pwede maghintay. Maya-maya pa ay lumapit sa kanya ang HR Manager. Agad na tumayo sya at binati ito. "Ms.Adriane..please come with me.." anang ng babae. Nagtataka man sumunod na lang siya. Bigla siya kinabahan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Nang hindi siya makatiis,nagtanong na siya rito. "Uhm,Ma'am,pwede malaman kung bakit ako pinaharang ng big boss niyo?" aniya. Bahagya lumingon sa kanya ang babae bago ito huminto sa tapat ng elevator. "You will know,Ms.Felixia.." Inawat niya ang sarili na ismiran ito. Paintense pa. Agad na sumunod siya sa loob ng elevator ng sumakay ito roon. Pinindot nito ang Top Floor. Lalo bumibilis ang t***k ng puso niya habang paakyat ang elevator. Nanlalamig na siya ng bumukas ang elevator at lalo siya nilamig ng sumalubong sa kanya ang malamig na aircon. "Pumasok ka sa pinto iyun,Ms.Felixia..hanggang dito lamang ako.." anang nito. Tumango siya. Naisip niya baka ito ang private office ng big boss nila. Bahala na. Kinakabahan na kumatok siya sa pinto bago niya iyun itinulak pabukas. Napakurap-kurap siya na sumalubong sa kanya ang madilim na pader. Kulay itim kasi ang kulay ng pader. Naaalangan tuloy siya pumasok sa loob. Nakakaba,pakiramdam nya para siya nasa kadiliman. "Get inside.." anang ng malagom na boses iyun. Napaigtad siya sa pagkabigla. Malakas ang galabog ng dibdib niya na pumasok sa loob. Nang makapasok agad niya nakita ang may-ari ng boses iyun. Her eyes getting widened. Nagsalubong ang kanila mga mata ng big boss. His dark eyes and his dark aura! Ito ang may-ari ng B&L Company?! Pero bakit hindi sinabi na ito pala ang pinakaboss rito?! Bigla tuloy siya nahiya sa pinagsasabi niya kanina. Patay kang bata ka,mamamatay ka na taLaga sa gutom ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD