SIX

463 Words
Sobrang saya na sa wakas ay may trabaho na uLit siya. Hindi niya pa rin mapaniwalaan na natanggap siya sa isang kilalang kompanya sa bansa. Totoo nga,there's a rainbow after the rain. Inihanda niya ang sarili para sa unang araw niya bilang sekretarya ng Sir niya na hindi marunong ngumiti. Parang ano? Para katakutan siya ng lahat kapag nasa ganun mode siya? Tss. Nasa office na siya bago mag-alas ocho,inaayos niya ang bitbit niya gamit sa ibabaw ng kanya desk. She's chuckled. "Kasing tigas ng pangalan niya ang ugali niya," tumatawa niya sabi. "Gwapo nga ang dilim naman lagi ng anyo,"natatawa pa rin siya. Nabitin sa ere ang pag-upo niya sana sa upuan ng makita ang Sir niya na seryoso na nakatayo sa labas ng elevator. Hala! Ang aga naman niya. "S-Sir..." bigla siya nataranta pero hindi niya iyun pinahalata rito. Agad na umayos siya sa pagtayo at inihanda ang sarili para sa maayos na pagbati rito. Pero bago niya iyun nagawa,walang anuman ito pumasok ng office nito na hindi man lang tumitingin sa kanya. Bigla siya napahiya sa sarili. Sumimangot siya ng tuluyan ito makapasok sa loob. Hindi man lang siya hinayaan makabati rito. Snobber,hmp! Padarag siya umupo na sa likod ng desk niya hindi pa nga nag-iinit ang puwet niya tumunog na agad ang intercom na nakakonekta sa loob ng opisina nito. "Yes,Sir?!" "Where's my coffee?" malagom nito saad. "Uh,right away,Sir.." nyemas,bakit ba niya nakaligtaan mahilig ang mga boss na magkape kapag naupo na sa desk nito. Agad na tinungo niya ang maliit na pantry,naikot na niya ang kabuoan ng opisina kaya alam na niya kung saan siya pupunta. Nang matapos,kumatok siya bitbit ang mainit na kape. Hindi niya alam kung bakit gumagalabog ang dibdib niya habang papalapit siya rito. Hindi tumitingin sa kanya ang Sir niya. Hmp,ayos lang hindi rin naman niya gusto ang tingin nito sa kung paano ito tumingin. Masyadong madilim kung tumingin. "May kailangan pa kayo,Sir?"untag niya. Hindi ito umimik nang damputin nito ang tasa na nilapag niya sa desk nito. " Masyado mapait.."malagom nito saad at agad na binalik ang tasa sa saucer. "Sige,Sir...ulitin ko na lang.."pagdampot niya sa tasa. "Ayusin mo ang mga reports,alphabetical,now..I need them after 15mins.." anito. "Yes,Sir.." aniya. "Wag mo ng ulitin,once is enough," seryoso nito saad. Ganun? "Okay,Sir.." Marahas siya napabuga ng hangin ng makalabas siya ng opisina nito. "Once is enough,bakit hindi ba ako deserving for a second chance!"inis na napasuklay siya sa kanya buhok habang matalim na nakatitig sa nakasara pintuan. Bigla tumunog ang intercom. "Sir?" "After 15 mins,Sec.Felixia.." mariin nito saad. "Yes,Sir!" pag-ismid niya turan. Bago pa man tuluyan masira ang unang araw niya sa trabaho pinukos na lang niya ang isip sa trabaho. Bagay nga sa kanya ang kulay itim na opisina niya. Tugma sa ugali niya,hmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD