Nakamasid lang siya sa papel na binabasa niya kanina. Narinig niya ang pagkainis ng sekretarya niya nang makalabas ito ng opisina niya.
Nang makita niya ito na maaga pumasok at sabihin nito na kasingtigas ng pangalan niya ang ugali niya ay pinag-init iyun ng ulo niya.
Sa mundo nila,ginagalang ang kanya pangalan bilang Prinsipe ng Black Wolves District.
Hayaan mo na? Alingawngaw ng inner wolf niya.
Alam natin pareho na enteresting siyang babae..
Hinayaan niyang magsalita ang inner wolf niya. Minsan lang magsalita ito pero ngayon nang makita nila ang sekretarya niya panay na ang pag-alingawngaw nito.
Kahit hindi siya ang mate natin malakas ang pakiramdam ko na may koneksyon tayo sa kanya.
"Sinasabi mo bang umaasa kang siya ang Mate natin?"
She's really beautiful!
"Pero hindi siya iba sa ibang babae ,maingay at walang pakundangan kung magsalita..narinig mo ba ang pinagsasabi niya kanina? She's insulting my name.."
Uh-huh,alam ko,pero iba pa rin siya sa mga babae nakaharap mo na. Hindi mo nga mabasa kung ano nasa isip niya hindi ba?
Natahimik siya roon. Yes,pinagtatakhan niya yun kung bakit hindi niya mapasok ang nasa isip nito.
Kakaiba kasi siya..
Naikuyom niya ang mga palad.
Kailangan niya alamin kung ano meron sa sekretarya niya at mula ng makaharap niya ito kahapon ay hindi na ito naalis sa isip nila ng kanyang inner wolf.
Napukaw ang atensyon niya ng kumatok ito sa pintuan. Bumukas iyun at bumungad ang napakaganda nito mukha.
A very feminine face. Agad na humagod ang tingin niya sa kabuoan nito. Simple lang ang suot nito. Black pencil-cut skirt na hanggang sa ibabaw ng tuhod nito at white blouse na pinatungan ng Lady's coat na kulay itim. His color.
"Ito na ho,Sir..alphabetical.." paglapag nito sa folder sa desk niya.
Mabilis magtrabaho.
Umangat ang tingin niya sa seryoso nito mukha. Her shoulder length hair na kinulayan ng kulay light brown ay bumagay sa kulay krema nito balat.
"Anything else,Sir?"business like nito saad.
Hmm..iba ang dating nito kapag seryoso. She's look so hot.
Nakini-kinita niya ang pagsmirk ng kanyang inner wolf.
Hindi na niya maitatanggi na may atraksyon siya para sa kanya sekretarya.
" Nothing else,you can leave now.."
Walang "Okay,Sir " ito sinabi bago lumabas ng opisina niya pero narinig niya ang sinabi nito pagkasara ng pinto.
"Wala man lang " thank you",hays,hindi nga ko masisiraan ng bait dahiL sa gutom,masisiraan ako ng bait sa tindi ng saltik niya!"
Umangat ang dulo ng mga labi niya. Heck,sinisira taLaga nito ang pagiging dominante at pagiging mapanganib niya lobo sa ugali ng babae ito.