Chapter 1

1628 Words
MUNTIK na akong himatayin nang ilapag sa harap ko mismo ang isang puting folder. Siniko ako ni Zeus na ang aking cameraman. Hindi ko siya pinansin at binuklat ang bagong assingnment na binigay sa amin. Isa na naman big break para sa isang frustrated na reporter na katulad ko. "Syria's Terrorist Attack," basa ko at tinitigan ang aking boss na si Sir Faustino Galvez. Tumango siya at ngumisi. "You read it right. Kailangan natin magcover sa Syria at tayo ang kauna-unahang news channel na gagawa no'n sa pilipinas." "Pero Sir, 'di ba risky po iyon?" "Tama ka Ms. Miranda," he sighed. "I'll be giving you three months to prepare. Hindi pa tayo p'wedeng pumasok sa Syria dahil sa giyera roon. Makakapagcover lang tayo once na lie low na ang mga pag-atake." Tumango ako at tinitigan ang folder. Isang malaking break ito at tiyak na matutuwa si lolo pag nalaman niyang binigyan ako ng ganitong pagkakataon. Ang kaso lang ay masyadong delikado ata ito dahil base sa CNN ay sunod-sunod ang pagsabog doon at random places pa. Huminga ako nang malalim. "Tinatanggap ko po." "Dessa Joy!" Sigaw ni Zeus na nasa tabi ko. Sinisipa-sipa niya ang paa ko para kunin ang aking atensiyon ngunit hindi ko iyon pinansin. Sir Galvez smiled. "Here," abot niya sa isang papel. "Sign it. You know how risky the project is at hindi maiiwasan na may mangyari. Letter 'yan para may patunay ang kompanya na hindi ka pinilit." Muli akong tumango at pinirmahan iyon. Matapos ang diskusyon ay lumabas na kami ni Zeus sa Chairman's Office. Yakap-yakap ko ang folder at nakatulala na naglalakad sa lobby ng kompanya. "Gaga ka!" Sabunot ni Zeus sa akin. "Aray! Bakit ba?!" Reklamo ko naman at inayos ang nagulo kong buhok. He puffed. "Boba mo! Hindi ako sasama sa'yo girl. Mahal ko buhay ko!" "Ako rin naman Zeus—" "Tigilan mo ako Dessa Joy. Kung mahal mo buhay bakit lagi mong tinatanggap ang mga delikadong assignment," ani ni Zeus. Ngumuso ako at yumuko. Ang lolo ko na lang ang kasama ko sa buhay at siya ang dahilan kaya nagsusumikap ako. Hinawakan ko siya sa braso at bahagyang niyugyog. "Be! Ikaw ang nagtitiis na cameraman ko! 'Pag sumama ka sa'kin, promise bibigyan kita picture ni Louie." His eyes widened. "Naked?" I nod and grinning ear to ear. He smirked. "Kita pututoy?" Nanlaki ang mata ko at hinampas siya ng folder sa ulo. Kahit kailan talaga napaka-manyak ng baklang 'to. Louie is one of the hottest drummer of 'The YSA' band. Parati akong VIP sa mga gigs nila dahil ako ang number one fan ng gitarista ng bandang iyon. "Ang bastos mo, ke lalaki mong tao!" Singhal ko. He pouted his lips. "Babae kaya ako. Keps na lang kulang sa'kin 'no!" "Tatapyasan ko talaga 'yang balahura mong bibig Zeus!" "P'wera biro Dess. Alam mo bang delikado sa Syria? Ayoko talaga sumama Dessa," nakangusong ani niya at maarteng humalukipkip. I rolled my eyes. "Fine! Kita 'yung toot!" His eyes grew wide and clap his hands triumphantly. Patalon-talon siyang yumakap sa akin at nanginginig pa na parang zombie. Hindi naman ako stalker, it's just that. Stalking is my specialty at kayang-kaya ko 'yon lalo na kung tawag ng puso ko. "Love na kita Dess. Sasama na ako. Kahit hanggang burol!" I stumped my feet annoyingly. I can't imagine myself seeing Louie's private part. Napahinto naman ako nang biglang pumasok sa isip ko ang isang ideya. Paano kaya ko ang hot guitarist na 'yon ang picturan ko rin? Kasya pa naman sa memory ng cherry mobile ko. I shake my thoughts away. Tinitigan ko lang siya nang matalim at hinila palabas ng gusali. Pumara ako ng Taxi dahil malapit na mag-start ang gig nila. Panay naman ang reklamo ni Zeus sa tabi ko dahil gusto niya ng picture ni Louie na hubo. Nang marating namin ang isang open bar ay agad kaming pinapasok ng bouncer. Punong-puno na halos ng mga tao at karamihan ay mga babae na panay ang tili. "Louie!!!" Tili ni Zeus at tumakbo palapit sa nagkakagulo na audience. Napapailing akong sumunod at nakipagsiksikan hanggang maabot ko ang pinakaunahan. Halos mahulog naman ang puso ko nang makita ko ang lalaking pinapangarap ko na tumututog ng gitara. "Louie! Pakiss!" "Danise! Pakasal tayo!" "Ryker! Mahal kita!" Sigawan ng mga kababaihan sa pangalan ng mga band member. Si Danise na siyang vocalista, si Ryker na keyboard, si Louie na drummer at si Karim na gitarista nila. Ngumiti ako at tumikhim, naghahanda para sa isang mas malakas na tili. "Karim!! Wooo! Ang galing-galing mo mahal ko!" Sigaw ko na hinihingal pa. Pinagtinginan naman ako ng mga ibang fans at inirapan. Tinaasan ko lang sila ng kilay inirapan. Ano bang pake nila? Masakit na ang panga ko kakatili pero hindi ko iyon alintana. As long as he still strumming his guitar professionally I'll scream louder. I won't stop until he finish the whole song. Napabaling ako pakaliwala na halos mapasubsob ako sa barandilya dahil sa isang babaeng sumisiksik sa gilid ko at tumili rin na napakalakas. Tumalim ang tingin ko sa kaniya at humarap sa lalaking patuloy na nagigitara. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bibig at huminga nang malalim. Papatalo ba ako? "Woooo! Ang galing mo talaga Karim!" Malakas na tili ko sa harap ng stage. Malapit na ang octoberfest kaya nagsisimula na ang mga iba't-ibang banda sa pagtugtog at hindi ko pinapalampas ang mga gig niya. "I love you Karim!" Sigaw ng babae at nagtaas pa ng kilay sa akin. Kahit naiirita ako ay nginisihan ko na lamang siya. Muli akong naghanda para sa isang tili na halos lalabas na ang aking ngala-ngala. "Karim! Mahal na mahal kita!" Mahabang sigaw ko na halos ikapugto ng aking leeg. Nagtataka naman akong tumingin sa paligid dahil bigla silang tumahimik. At doon ko lang napagtantong natapos na pala ang kanta kaya malinaw na malinaw ang sigaw ko. Shucks! Dumako ang tingin ko sa lalaking napatigil din sa pag-gigitara at ngayon ay gumagala ang tingin sa audience na para bang hinahanap niya kung sino ang sumigaw. Akmang magtataas ako ng kamay nang may isang babae naman sa likod ko ang tumili at patalon-talon na nagtaas ng kamay. What the hell? Ako kaya 'yon! "Karim! Buntisin mo ako!" Sigaw ng isa pang babae. "Karim! Marry me!" "Itanan mo ako Karim!" Itinirik ko ang aking mata at ibinaling na lang ang tingin sa lalaking nakangiti man ay mababanaag ang kalungkutan. Karim Immanuel Mortez He's been my long time crush na kahit isa na akong frustrated reporter ay siya pa rin talaga ang gusto ko. Halos punuin ko ng stolen picture niya ang cellphone ko na cherry mobile. Kung minsan ay lumalabas ang warning na insufficient storage dahil sa videos, records at picture niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang pababa ng stage. Kamuntikan pa akong madapa dahil sa sobrang pagmamadali hanggang sa naabutan ko naman siyang umangkas ng motor. "Wait!" Sigaw ko at humarang sa kaniya. Hinihingal akong tinitigan siya at nginitian nang matamis. "Sino ka naman?" Naiiritang tanong niya. "Ha? A-ano.. Ahmm, ako si Dessa Joy!" Pakilala ko at naglahad ng kamay. Sinulyapan niya lang ang palad ko at tumango. "Rim," maikling sagot niya. Nahihiya akong binawi ang kamay ko at tumawa. "Ang..ang galing mo po." He smirked. "I know." Bakit ang ikli niya sumagot? P'wede niya naman sagutin ng 'I know kasi pogi ako, ikaw maganda ka naman, gusto mo ligawan kita' gano'n ka simpleng sagot keribels na sa'kin. Akmang magsasalita ako nang tumununog ang cherry mobile kong cellphone at agad sinagot iyon. Nakatitig pa rin ako kay Karim na ngayon ay nakahalukipkip na. "Hello?" ("Dessa! Nasaan na kayo ni Zeus? Start na ng meeting nating, sigurado nasa gig ka ni Mortez ano?" "H-ha? Ma'am ano.. Papunta na po." ("Ewan ko sa'yo! Bilisan mo, galit na si Sir. Sabon ka na naman.") "Opo—" Karim started his engine and drive away slowly. "s**t!—Karim! Wait!" Habol ko sa motor niya na hindi pa nakakalayo. Kailangan ko kasing makapagselfie kami together dahil minsan lang siya maharang. Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa mapatid ako ng isang bato na nagpatumba sa akin. Nagkanda gulong-gulong ako sa pathway. Agad kong naramdaman ang sugat sa aking siko at tuhod pero nagulat ako nang bigla akong umangat mula sa lupa. "Okay ka lang?" Karim asked. "Ang lampa mo naman." Impit akong tumili at niyakap siya sa leeg. Inamoy-amoy ko ang mabango niyang balikat at napansin ko ang paninigas niya sa ginawa ko. Nilapag niya ako sa isang upuan na malapit at lumuhod sa aking harap. "Lampa mo," ani niya at nilapatan ng band-aid ang sugat ko. "Hindi ako lampa," sagot ko at ngumiti ng malapad. He raised his brow. "Kung hindi ka lampa? Eh ano?" "Na-fall," I blinked my eyes stupidly, trying to be cute. Malapit ang mukha ni Karim sa akin kaya kitang-kita ko ang facial features niya. His eyes looks chinky and very expressive. His straight proud nose and luscious pinkish thin lips are perfect. And that stubborn jawline and what the? Is that a... "Cleft chin ba 'to?" Tanong ko at hinawakan ang baba niya. He shake my hand off from his chin. Tinitigan niya ako nang masama at tumayo. Na-guilty naman ako dahil sa basta-basta ko siyang hinawakan. Napapailing siyang tumayo at naglakad sa kaniyang motor. Agad siyang umangkas at sinuot ang helmet. Madali naman akong tumayo at akmang yayakapin siya nang biglang humarurot ang kaniyang motor. Sumalampak naman ako sa kalsada dahil sa gagawin kong pag yakap sana sa kaniya. Chansing na naging bato pa! "Girl! Bakit ka lumalangoy diyan?!" Napatingala ako kay Zeus na tumatawa at hawak-hawak pa ang tiyan. Nginisihan ko siya at inilahad ang aking kamay na may hawak-hawak na cellphone. Napatili ako at tumayo saka tumalon-talon. "Nakuha ko ang cellphone niya!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD