Chapter 2

1721 Words
BUSY AKO sa kakapindot ng password ng cellphone ni Karim nang biglang umupo si Zeus sa harap ko at may dalang frappe. Huminga ako nang malalim at inilapag iyon sa lamesa. Wala talaga akong alam na maaaring maging password niya. "Nabuksan mo na?" Tanong ni Zeus at nagtaas pa ng kilay. Umiling ako at nangalumbaba. "I don't know his birthday, his parents, his address, his everything!" Tumawa naman si Zeus habang kumakain ng sliced cake. Karim is so mysterious and it makes me eager to know him more. Gusto ko siyang makilala ng mabuti. Kung may parents ba siya, kailan ang birthday niya, sino mga kaibigan niya at kung may...girlfriend ba siya. "Zeus," tawag ko sa kaibigan ko. "Hmm?" He answered, frowning. "Sa tingin mo, may girlfriend na kaya si Karim?" He shrugged his shoulder. "Siguro. Ang gwapo niya eh." Ngumuso naman ako at ginulo ang magulo ko ng buhok. Napapitlag ako nang biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa lamesa. Parehong nanlalaki ang mata namin ni Zeus nang magkatitigan kami dahil sa gulat. Agad ko iyong dinampot at sinagot. "Hello?" "Give me back my phone," sagot ng baritonong boses na iyon. I gulped. "Who you po?" "Stop playing games. Just give me back my phone or I'll kill you." Napatuwid ang likod ko sa sinabi niya at agad dumagundong ang puso ko hindi dahil sa kaba kundi dahil ang cool ng dating sa akin ng sinabi niya. Para siyang nakakatakot na gwapong goons sa mga pelikula. "K-karim?" It took a few seconds before the man answered. "I knew it. You're one of my fan. Paki-balik ang phone ko. It's my personal stuff." Nilingon ko si Zeus na subo-subo ang tinidor na naghihintay sa isasagot ko. Nakakailang lunok ang aking ginawa bago sumagot sa kaniyang sinabi. It's my chance! Opportunity na ito, kailangan i-grab nang bongga! "Let's date. Ibibigay ko phone mo," matapang na sagot ko. "No," malamig na sagot niya. I shrink against the chair and pouted my lips annoyingly. Ngumisi ako at kinagat ang aking kuko. "Itatapon ko 'tong cellphone mo. Tatanggalin ko lahat ng parts at ikakalat ko sa buong maynila." I heard him hissed and cursed under his lungs. "Where are you?" Nabitawan ko ang cellphone dahil sa gulat. Nagmamadali akong pinulot iyon at ibinalik sa aking tenga. My hands were shaking terribly because of the sudden excitement I felt. Who wouldn't? I'll be having a date with the man I really admire. Ako na ata ang pinaka swerteng fangirl. "N-nasa Starbuck ako. 'Yung malapit sa G. news channel na building." "Alam ko 'yan. Stay there. Five minutes lang." Matapos niyang ibaba ang tawag ay agad akong tumili nang malakas na nakaagaw ng atensyon at agad tumayo. Tumakbo ako papunta sa banyo at nilabas ang mga make-up na nabili ko sa bangketa nang nakaraang araw lang. "May date kami ni Karim.." Pakanta na wika ko at nag-apply ng powder at lipstick. Kinalas ko rin ang naka-pony kong buhok at sinuklay nang marahan. After making myself look presentable, I came out from the restroom and walked seductively as if I'm a beauty queen. Dire-diretso ako sa paglalakad nang bigla na lang akong natapilok at sumalampak sa sahig, sa harap ng mga kumakaing customer. Bwisit! "Lampa.." Marahas akong napatingala sa nagsalita. Nalaglag ang panga ko kasabay ng pagbilis ng aking puso. Karim's towering height makes me small. He crossed his arms over his chest and shake his head gently. Tumayo ako nang tuwid at tinitigan ang lalaking kaharap ko. Ang bilis niya namang dumating dito. My head tilt left and right, trying to figure out if he's real or I was just hallucinating. I gasped. "Totoo ka! Magde-date tayo?" "My phone," ani Karim at inilahad ang palad. "Date muna," sagot ko at hinawakan siya sa manggas ng kaniyang itim na t-shirt. Iginiya ko siya paupo at ako naman ay umupo rin sa harap niya. Ngumiti ako nang malapad at nangalumbaba sa harap niya habang nakatitig sa kaniyang pinagpalang kagwapuhan. He sighed. "Miss—" "Dessa Joy or you can call me Ligaya." I blinked my eyes. Kumunot ang kaniyang noo. "Ligaya?" Tumango ako. "Yup! Ligaya ng buhay mo!" Hinablot ko ang kamay niya at iginiya iyon para sa isang handshake. Binawi niya ang kaniyang palad at napapa-iling. Samanatalang pasimple kong inamoy ang kamay ko at marahang humagikhik. "Ligaya, kailangan ko ang cellphone ko," he said with authority. "Pero magdate muna tayo," sagot ko at ngumuso. I gently chew my lower lip. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan. Jusko! Ang bango niya! Nag-angat ako ng tingin sa lalaking kaharap ko at nahuli ko siyang nakatitig sa aking labi. His gaze suddenly turned on my eyes. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin saka humalukipkip. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil isa itong dream come true. He cleared his throat. "What's your order?" I was about to say something when someone grabs my arms. Napatayo ako dahil sa gulat at ganoon din si Karim na naka-igting ang panga. Karim's grabs Zeus collar. "Hey, kalma fafa Karim," ani Zeus at binitawan naman agad siya ni Karim. Nilingon ko si Zeus na hindi pa rin binibitawan ang aking braso. "Zeus bakit?" Takang tanong ko sa kaniya. Nilakihan niya lang ako ng mata at itinuro ang dala-dala niyang camera. "May hostage taking sa kabilang building. Kailangan natin makuhanan." I bit my lower lip and turn my gaze at Karim, who is now puzzled. Huminga ako nang malalim at ngumiwi sa lalaking iniidolo ko nang sobra. "Karim, cancel muna natin," saad ko at yumuko. Nagtiim-bagang naman siya namulsa. "My phone," he asked. My eyes widened. "No! No date, no phone!" His forehead furrowed. "What the hell?" Bumuga siya ng hangin. "Akin na ang cellphone ko?!" Umiling ako at nagmamadaling lumayo sa kaniya saka hinila si Zeus palabas. Nilingon ko si Karim na nakakuyom ang kamao at madilim ang mukha dahil sa ginawa kong pag-alis. Ang kapal ng mukha kong mang hingi ng date pagkatapos ay iiwanan ko na lang ng ganoon? "Nakakainis!" Iyak ko dahil sa panghihinayang. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang maabot namin ang banko na punong-puno ng mga pulis at civilian na nakikiusyoso. Lumapit naman ako sa kanila at tinanong ang isang ale na seryosong nakatingin sa entrance ng banko. "Ale, ano pong nangyari?" Tanong ko.  "Kanina kasi, magwiwithdraw sana ako ng pera nang biglang sumigaw ang isang lalaki sa loob kaya agad kaming nagsilabasan," sagot ng ale na mahahalata ang takot sa mukha. Lumipad ang tingin ko sa loob ng banko at agad kong nakita ang isang lalaki na sakal-sakal sa braso ang isang empleyado. Sumisigaw ito at nanghihingi ng maaaring magamit para makatakas. Iniabot sa akin ni Zeus ang microphone at tinulak ako nang mahina. Naiirita naman akong sumunod at inayos ang aking mukha. "Keribels na ang fezlak ateng! Mag-take na tayo!" Sigaw ni Zeus at minuwestra ang daliri. Tumikhim ako at humarap sa camera. Zeus hands signal me to start the news. "Nandito po tayo ngayon sa harap ng Lennox Bank kung saan nagaganap ang isang hostage taking. Makikita po sa aking likuran ang isang lalaki—Ayy!" Napatili kami ni Zeus at yumuko nang nagpaputok ng baril ang lalaki at tinamaan ang isang sibilyan. Nangangatal ang labi ko na nakatitig sa walang buhay na nakabulagta sa semento. "Kayo!" My eyes turned at the man who is choking the hostage on his folded arms. Nakaturo siya sa puwesto namin ni Zeus at matalim ang titig ang pinupukol. Lumapit sa akin ang aking kaibigan at marahan akong kinalabit. "Girl, bakit tinuturo ka?" Zeus asked. "Gaga! Tayo ang tinuturo," bulong na sagot ko. "Ikaw!" The hostage taker pointed his gun at me. "Ikaw na reporter! Lumapit ka rito kung hindi, babarilin ko 'to sa ulo!" Nanlamig ang buo kong katawan matapos makumpirma na ako ang tinatawag ng lalaki. Nilingon ko si Zeus na namumutla at bahagya pang nanginginig ang ibabang labi. "Girl, sibat na tayo," Zeus whispered, his voice was shaking. Akmang aatras ako nang binaril ng lalaki ang hita ng babaeng hostage niya. Humiyaw naman sa sakit ang biktima at halos mapuno na ng dugo ang sahig ng banko. "Lalapit ka ba o papatayin ko 'to?!" Banta nito. Nagtaas ako ng dalawang kamay. "L-lalapit na. H-h'wag niyo po siyang b-babarilin." Unti-unti akong humakbang palapit sa lalaki. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa takot pero mas pinili kong lumapit dahil ayokong may mamatay pa. Nang makalapit ako ay agad binitawan ng lalaki ang isang hostage at hinablot ang aking braso. "Mahabaging langit, Diyos ko, ayoko pa po mamatay," dasal ko nang kaladkarin ako ng lalaki papunta sa gitna ng banko at tinutukan ang aking sentido. "Dios mio marimar! 'Wag niyo po akong papatayin—" "Tahimik!" Humigpit ang sakal niya sa leeg ko. "Ibalita mo 'to, gusto kong makausap ang presidente!" Napasinghap ako at hindi makapaniwalang tinitigan ang lalaki. "Ang taray mo kuya, presidente agad? Hindi ba p'wede vice muna—" Diniin niya ang baril sa aking ulo. "Tahimik!" Kinagat ko ang aking labi at sunod-sunod na tumango. Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa kaba na baka makalabit niya ang gatilyo at sumabog ang utak ko dito. Diyos ko po! Ayoko mamatay ng virgin! "Tangina!" Mas diniin nito ang baril dahil para mapapikit ako sa takot. "Hindi ka ba magsasalita?!" "S-sabi niyo po t-tumahimik ako," sagot ko sa kaniya. Dumilim ang mukha nito at basta na lang ako tinulak at tinutukan ng baril. Pinikit ko ang aking mata para tanggapin ang aking katapusan. Mga putok ng baril ang narinig ko hanggang sa tuluyan akong sumalampak sa semento. Nanatili akong nakapikit at pinapakiramdaman ang aking sarili. Patay na ba ako? Pero virgin pa ako! Hindi ko pa nadedate si Karim! "Open your eyes Ligaya," Rinig kong saad ng isang baritonong boses. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at tumambad si paningin ko si Karim na matamang nakatitig sa akin. "Nasa langit na ba ako?" Tanong ko. Ngumiwi naman siya at tumayo. Ni hindi man lang ako tinulungan. Biglang nanlaki ang mata ko at lumingon sa aking likuran. There's a commotion behind me, cops, ambulance, rescuers and civilians. Anong nangyari? Pumikit lang naman ako, tapos agad ang scene? Hinarap ko si Karim na nakapamulsa at blankong nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako nang malapad at akmang yayain siyang ituloy ang date namin, But my smile automatically fade when he spoke.  "Nasaan ang cellphone ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD