Tulala lang ako sa kisame ng kwarto ko matapos ko makita ang mga kumakalat na larawan sa social media. Bukod sa mga pictures kasama narin doon ang video kung saan sinampal at sinabihan siya ng r****t.
Nabalik lang ako sa ulirat ng magring ang phone ko sa tabi ko. Nakita ko dito ang pangalan ni Mich. Kanina pa sila nag aalala sakin.
Hayys. Bagkus na sagutin ay hinayaan ko na lamang ito na tumawag hanggang sa matapos.
Katangahan ba tong nagawa ko? Pakiramdam ko ang pagkaguluhan kami sa social media ay hindi na magandang nangyayari. Pero, pero kasalanan niya ito. Kung humingi nalang sana siya ng sorry sa nangyari o hindi na lang nagmatigas hindi naman mangyayari yon.
He deserve to be bashed in a social media! Tama, hindi ako dapat magalala, ang totoo pa nan nakuha ko ang simpatya ng karamihan. Marami dito ang galit na galit sa kanya.
May nagsabi panga na gwapo nga manyak naman. Hayy ipinilig ko ng bahagya ang ulo. I texted my friends Mich and Anne, I invited them to drink.
"So anong plano mo?"
"Sikat kana sa social media friend."
"Alam mo girl, kahit gwapo pa siya. Deserve niya."
"That's true! He's a p*****t sick man."
I took my last sip of frappe bago sila lingunin. Pakiramdam ko mas lalo akong tumatapang sa mga sinasabi nila. Tama sila. Deserve niya yon. But still at the back of my mind, may nagsasabing tama bang humantong sa ganito? To think na yung nangyari ay hinayaan ko din naman dahil sa kagustuhan ko?
"Girls, tingin niyo? Tama to? I mean yung mga kumakalat na false accusations na to in social media? Hmm. I was just thinking is this too much?" Tiningnan lang nila ako ng mataman. "That night, we both know what we were doing. And I was thinking also is this fair? I went with him willingly." I added.
Nagkatinginan silang dalwa. Nagalit ako kasi nabastusan ako sa hindi niya pagpansin sakin at pagpapahiya. Natapakan ang pride ko ng mga oras na yon. Pero hindi naman siguro tamang mangyari to.
"Oh my ghad! Are you Sam?" Napatingin kaming tatlo nila Mich at Anne sa apat na babaeng nasa harap namin ngayon.
"Yes?" Takang tanong ko. Hindi ko sila kilala.
"You are Sam the viral girl on social media." Napabulong ng myghad si Anne sa tabi namin.
"Nako Sam kung ano man pinagdadaanan mo ngayon. Malalampasan mo din yan. At yung lalaking gumawa nan sayo. Mahahanap din niya katapat niya."
"Saka hindi porket gwapo siya at mayaman e may karapatan na siyang gawin ang mga ganyang bagay sa kahit na sino!"
"Na sayo ang suporta namin. Fighting!"
"Fighting Miss Sam!"
Natahimik ako at nagkatinginan kaming magkakaibigan, tumango lang ako sa kanila habang naiwang nakaawang ang bibig.
"One big problem." Bulong ni Mich habang natulala sa mga narinig.
******
Miguel's POV
"So what's the meaning of this!?" Nabasag ang pagkatulala ko sa glass window mula dito sa loob ng opisina ko ng marinig ang boses niya. So nakarating na pala sa kanya. "Tell me Miguel? How could you!"
Umikot ako mula sa swivel chair ko paharap sa kanya. Nakita ko ang mapula niyang mga mata, bakas dito ang kagagaling lamang sa iyak.
Tumayo ako sa kinauupuan at lumapit sa kanya. "If I tell you the truth would you listen to me? Mababago ko ba ang desisyon mo? Babalik kaba sakin?"
Natahimik kami pareho panandalian.
"Migs, napagusapan na natin to diba? At malinaw na satin kung anong nararamdaman ko para sayo, Im still your bestfriend, you and Matthew at hindi magbabago yon. But how could you do this?"
Ramdam ko ang sakit sa muling sinabi niya. Sandra was my fiancee, my runaway bride. She used my bestfriend, my lover. I thought our relationship was smooth, till that wedding day. She didnt showed up in our wedding, and it breaks my heart. She never showed up to me for almost a year, I was miserable. She's my childhood sweetheart, my first love, girlfriend and became my fiancee. My life was perfect when Im with her. I cant imagine myself living without her, it breaks me into pieces when she runaway from me. For almost a year I tried so hard to be okay.
"Sandra would you at least listen to me?" Mahinahon kung sabi. "I cant do that! And I would never do that! Its just a malicious accusations" Kunot noo kung sabi sa kanya.
Kalat na kalat na ang akusasyon sakin ng babaeng yan. She will pay for this!
Nakita ko ang pagkawala ng pagaalala sa mga mata niya. "I know, I trust you!" Nilapitan ko siya at niyakap. "I'll sue her." Bulong niya sa gitna ng yakap naming iyon. Lumayo siya sakin at tumingin sa mga mata ko. "And I will make sure she will go to jail."
Hindi ko alam bakit sa kabila ng lahat ganito padin siya magreact. Naging maayos padin naman kami ni Sandra. We're still friends sa kabila ng mga nangyari. Im still trying to prove myself to her. Maybe she got shocked that moment kaya siya umatras sa araw ng kasal namin.
Maya maya pa nagulat nalang kami bigla ng magbukas ang pinto at nakita namin dito ang Daddy kona dali daling lumapit sakin at inihagis sa table ko ang hawak niyang newspaper at saka galit na galit na humarap sakin.
"What is this Miguel!!"
"Dad let me explain." Napatingin si Daddy kay Sandra na bakas ang gulat padin sa muka.
"Sandra will you excuse us." Mahinahon kung sabi kay Sandra. Tumango lang ito at lumabas na muna ng opisina ko.
"You are such a disappointment!!" Bulyaw ng Daddy ko kaagad.
"Dad, hindi ko alam yang mga yan. She's just accussing me!"
"How can someone accuse my son from this malicious matter!?"
"Dad, let me handle this. Tinawagan kona si Alfred para patigilin ang kumakalat na maling balitang to! At ipadelete lahat ng mga kumakalat na pictures at videos sa social media."
Habol hininga ang daddy ko sa galit. "Miguel!!" Tinapat niya sakin ang hintuturo niya. "Fix this!! As soon as possible!!" Dagdag niya. Palabas na sana siya, pero sandali siyang nagbalik lingon sakin. "At yang babaeng yan, pagbabayaran niya to!" Huling sinabi niya bago tuluyang lumabas.
****
Lumabas na muna ako para magunwind. Tulala lang ako dahil narin sa matinding stress sa trabaho at sa nangyayari.
Ininom ko na ang huling lagok ng brandy ko. At humarap sa dance floor. Pero laking gulat ko ng mahagip ng mata ko si Sandra. Nasa kabilang table siya. Nandito din pala siya?
Pinagmamasdan ko lamang siya habang sabay siyang nakikipagusap at tawanan sa mga kasama niyang kaibigan. Kilala ko ang mga kasama niya. Mga college friends niya.
Napangiti ako, patayo na sana ako para lumapit sa kanila ng makita ko ang isang lalaking lunapit sa kanila. Nakita kong hinalikan niya si Sandra at tumabi ito sa kanila.
Napaiba ang tingin ko sa gulat ng makita ko iyon.
***
Napangisi ako ng muling maalala ang nakita sa loob ng bar kanina.
"Kaya ba di ka sumipot sa kasal natin?" Bulong ko sa sarili. Bago tuluyang sumakay sa kotse ko.
Napakaswerte ko talaga! Napagpasyahan kung magdaan muna sa isang coffee shop para magpahulas ng kaunti doon. Bukod sa maganda ang ambiance nila masasarap pa ang kape nila.
Sana lang, hindi ko makita ang babaeng yon don. Dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya.
Pagkadaan ko, pinark ko agad sa tabi sasakyan at bumaba. Pero kamalas malasan nga naman talaga. Papasok palang ako. Nakita kona siyang palabas naman.
Napansin niya ako at bigla nalang nagtakip ng muka at tumalikod sakin at muling naglakad pabalik sa loob.
"Sandali!" Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso paharap sakin. Dahandahan siyang napalingon sakin habang may takip padin ang muka.
"Help!!!" Agad na sigaw niya. Sa pagkabigla ko sa pagkakasigaw niya nabitawan ko siya, mabilis siyang nanakbo. Pero agad ko din naman siyang hinabol!
"Miss!!!" Tawag ko habang hinahabol siya. "Miss!" At dahil gabi na bigla na lamang siyang nawala sa paningin ko. "s**t" buntong hininga ko.