"Friend sumama kana." Hinila ni Mich at Anne ang kumot ko.
"Kayo na lang. Alam niyo naman na sumasama pakiramdam kung humarap sa tao ngayon dahil sa scandal na nagawa ko." Muli kung ibinalot sa sarili ang kumot ko.
"Walang mangyayari kung magmumukmok ka dito. Saka isa pa sabi ni Alice sumama daw kayong dalwa ni Anne." Alice is one of my friend, cousin siya ni Mich, naging close kami since yung Papa niya ay kaibigan din ng Daddy ko.
"Maiintindihan naman ako ni Alice e." Muling reklamo ko.
"Alam mo Sam, bat di ka na lang mag public apology, that they are all a big disagreement." Napaisip ako sa sinabi niya at tinanggal ang nakatakip na kumot sa muka ko. "Or find him and apologize."
Napaupo ako sa sinabi niya. "But before that. Fix yourself and make yourself beautiful, then let's go. We'll wait for you downstair." Tumayo silang dalwa habang ako naman ay gulo gulo ichura na hindi ko malaman ang dapat kung sabihin. "Go Sam." Huli nilang sinabi bago lumabas ng kwarto ko.
**
Pagdating namin sa bahay ng mga Cruz, nagdarecho na kami sa loob. Kung saan nandon ang party. Maraming tao at kilalang officials dito.
Naiilang naman ako dahil may iilan na walang pakialam samin at may iilan na nakatingin samin, maybe we're too stunning for them.
Hinanap na namin si Alice pero ang parents niya ang agad na nakasalubong namin na agaran naming binati.
"Hello tita." Nagbeso beso kami.
"Hello hija, how are you?" Tanong nila samin.
"We're fine tita. How bout you and tito?" Tanong ko.
"We're fine hija."
"Anyway, auntie uncle where is Alice?" Tanong naman ni Mich.
"Oh, she's over there with her college friends." Tinuro ni tita ang way ni Alice. Agad kaming nagpaalam at dinako ang kinaroroonan ni Alice.
Mula dito, nakita na namin siyang may kausap, nakatalikod samin ang mga kausap niya nakabilog sila.
Napatingin samin si Alice at napakaway samin. Mabilis na kaming lumapit sa kanya para makipagbeso at batiin siya.
"Happy Birthday Alice." Bati naming tatlo sa kaya.
"Thank you. Thank you. Anyway, girls I want you to meet my friends in College." Bago pa man niya maisa isa. Nanlaki ang mata ko ng humarap samin ang mga kausap niya.
"No this cant be." Bulong ko sa sarili.
"You!" Napakunot ang noo niya.
Napatingin samin dalwa silang lahat.
"What are you doing here!?" Takang tanong niya habang may pagbabanta ang tingin.
"Ikaw!? Anong ginagawa mo dito!" Balik na tanong ko sa kanya.
"Myghassh!! Im sorry Migs.." Napatingin si Alice kay Miguel at ibinalik ang tingin sakin. "Dont tell me nasi Sam ang....." Hindi pa natutuloy ni Alice ang sasabihin ng mapatawa ibang kaharap namin dito.
"Wait guys. Dont make a scene okay? Kung gusto nio dun muna kayong dalwa sa may pool area, tutal mukang wala namang tao don." Sabat naman ni Anne.
Hindi ako makapagsalita at maging siya na bakas naman ang galit sa mata.
Umiwas na lang siya ng tingin. "Im sorry Alice, I know this is one of the most important day in your life, but I dont wanna ruin your birthday party." Tumingin siya sakin ng may diin. "I want to talk to her! I just need to talk to her."
Napalunok ako dahil sa sinabi niya.
"Guys pwede bang wag muna ngayon? I mean lets enjoy this night and after this, pwede muna siyang awayin." Sabi ni Anne samin.
Napalingon ako kay Anne at pinandilatan siya, nagsimula na magusap usap mga iba naming kaharap.
Nagkatinginan kami ni Miguel na agad din naman niyang binawi.
Katulad ng sinabi ni Anne at sa kagustuhan ni Alice na walang maging commotion. Pinagbigyan namin siya.
"That scandalous girl."
"Yah, ang kapal ng muka magbintang."
"Saka ang lakas ng loob niya at si Miguel pa talaga iniskandalo niya!"
Naririnig kung usapan ng isang kumpulang babae sa gilid habang may hawak ng baso ng champagne. If Im not mistaken, sila yung kaharap namin kanina ng magkakitaan ni Miguel. Hindi nako umimik pero timping timpi nako.
"Dont mind them." Bulong ni Alice sa tabi ko. "If its okay Sam, why dont you tell me what really happened. Kasi kahit ako? Nabigla sa issue na kinasangkutan ni Migs. I know him very well..." Hindi pa natatapos ni Alice ang sasabihin ng magsalita ako.
"I know! Mahirap paniwalaan pero totoo yung sinabi ko. Kung may pagkakamali man na nangyari siguro ay yung makunan kami habang nagtatalo at magviral yung video na yon." Pagpapaliwanag ko ng sarili.
"Okay I undestand Sam, Im sorry, I forgot to tell you that Migs is one of my friend and besides hindi ko napanuod yang viral video na yan. Nabanggit lang sakin kaya hindi ko alam na ikaw pala yon." Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Pero Sam, for almost 10 years na pagiging magkaibigan namin ni Miguel, hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin yon. Miguel is one of the top in class when we were in college, he's very studious and very responsible, also, he is consistent in everything he does. He had a long time girlfriend na sobrang mahal na mahal niya na umabot pa sa pakakasalan niya to, but this girl didnt came up at their wedding day, and that happened recently." Napatingin ako sa kanya ng taimtim.
"So, baka kaya niya nagawa yon? Kasi broken hearted siya?" Sabat ni Anne sa tabi namin.
Napalingon ako sa gawi na kinaroroonan ni Miguel, may mga kausap siya pero pansin ko ang pagtingin tingin niya sa kinaroroonan ko at bakas dito ang seryoso lang tingin sakin. Alam ko galit siya sa nagawa ko.
"Tama at baka kaya siya nagpapakalasing nung mga oras na yon." Sabat ni Mich.
Hindi nako umimik pa. Napabuntong hininga na lamang ako.
Ngunit matapos ang party, napagpasyahan na nilang umuwi kanya kanya. Nagpaalam na sila sa isat isa.
"Bye and thank you alice for this wonderful night." Sabi namin at nakipagbeso muli bago umalis.
Dali dali nakong lumabas ng sa ganoon ay mawala nako sa paningin ni Miguel na halos kanina pa ko pinapatay sa tingin.
Takbo lakad na ginagawa ko papunta sa kotse ko. Umuna nako kay Anne at Mich naiintindihan naman nila kung bakit ako nagmamadali.
Kinuha kona agad susi ko sa pouch ko.
"Samantha." Natigilan ako at napalingon sa tumawag sakin. Laking gulat ko ng makita ko si Miguel. Myghad tinawag na niya ako sa pangalan ko.
"Mi-miguel. I-ikaw pala yan." Nauutal kung sabi. Seryoso lang siyang nakatingin sakin palapit.
"You almost ruined my life for doing such thing." Sabi niya. Natahimik lamang ako sa sinabi niya. "Ano bang kasalanan ko sayo ha. Kahit maipabura kona sa social media lahat ng videos at pictures na yon, kahit napatigil kona ang nagsusulat ng article tungkol don! Hindi ko padin mabubura sa isip ng tao ang mga sinabi mo!" Seryoso at bakas ang galit nito sa bawat salitang sinasabi. "Tell me! Ano bang kasalanan ko sayo!?"
"Hindi mo matandaan!?" Tanong ko. Naguluhan siya sa sinabi ko. "Nirape mo ko. Pinagsamantalahan mo yung kahinaan ko." Alam kung may pagkakamali ako dahil sa nangyari pero hindi ko mapigilang tumulo na luha ko, dahil narin sa takot sa kanya at takot dahil sa scandalo na kumalat social media. Kusa akong sumama sa kanya pero nagawa kung palabasin na masama siya sa maraming tao. Naguguluhan nako.
"I wont do that!" Madiin niyang sabi sakin.
"Ginawa mo! Anyway wala naman ng mangyayari e. Kasi nangyari na. Wag kang mag alala hind ako magsasampa ng kaso sayo." Sabi ko.
Napangisi siya. "What!? Ikaw pa may lakas ng loob na kasuhan ako? After what you did? Ikaw pa talaga? I am the one na may kakayahang magsampa ng kaso sayo. Maghintay ka at magkita tayo sa korte." Dagdag niya at tinalikuran nako.
Naglakad na siya palayo sakin! Naramdaman ko ang kaba sa puso ko. Magkita kami sa korte? Anong ilalaban ko don? Matatalo ko. Dahil ako mismo ang sumama sa kanya? Ako yung nasa bar kasama niya? Ako yung unang lumapit sa kanya. No! Hindi pwede. Marami pakong pangarap.
"Im sorry." Bigla ko nalang nasabi.
Napahinto siya at lumingon siya sakin. "Sabihin mo sakin kung ano bang dapat kung gawin para matapos na to!?" Muli siyang naglakad palapit sakin.
"Bring back my cards and make a public apology. Linisin mo ang pangalan ko at ibalik mo ang buhay na meron ako." Sabi niya.
Hindi ko alam isasagot. Kapag ginawa ko yon. Ako naman ang masisira? Ako naman ang pagppyestahan at aawayin ng marami.
"What?" Napatingin ako sa kanya. "If you cant, then you better find an attorney right away."
Tuluyan na siyang naglakad palayo sakin.
"Okay." Tanging nasabi ko nalang. Hindi ko alam kung bakit sa kalagitnaan ng pagiging seryoso at galit niya ay napakasexy padin niyang magsalita. Hayys! Yun pa talaga unang napansin ko. Para matapos na to. Bahala na. Ayoko ng lumaki pa ang problemang to, tatanggapin kona ang katangahan na nagawa ko sa Bar palang at magskandalo sa public place.
Napangisi siya sa sinabi ko at umangat ang gilid ng labi. Bago tuluyang umalis.
****
Matthew's POV
"Aaah!!!!" Sigaw ng lalaking halos mabali kona ang katawan. "H-hindi na. Hindi na mauulit! Bi-bitawan muna ak.. Aaahhhh!!!" Muli niyang sigaw ng lalo kung ipitin mula sa likod ang dalwa niyang braso.
"Sa susunod na mangbabastos ka! O kayo!!" Dinuro ko iba pa niyang kasama na nakahandusay sa kalsada dahil sa bugbog na matamo mula sakin. "Hindi lang yan ang aabutin nio sakin! Maliwanag!!?"
"O-oo, o-oo!" Sunod sunod nilang sagot.
"Sige!!" At marahas kung tinulak ang lalaking halos sakal sakal ng braso ko. "Umalis na kayo!!"
Pagkabitaw na pagkabitaw ko nagkumaripas na ng takbo ang tatlong bugok na yon.
Napatingin ako sa isang magandang babaeng nasa sulok at nakatingin sakin.
"Sa-salamat." Ngumiti lang ako sa kanya.
"Sa susunod magiingat ka. Masyado ng delikado sa panahon ngayon lalo na at dis oras na ng gabi."
"Ano pong pangalan nio?"
"Mattew." Matipid na sagot ko.
"Salamat po ulit." Maganda siya. Sinipat ng mga mata ko ang kabuuang katawan niya. Simple lang ang babaeng to, na siyang lalong nagbigay ng ganda sa kanya.
"Taga san ka ba? Ihahatid na kita!" Nakangiti kung sabi, ngumiti lang din siya at tumango.
Napabuga ako ng tawa habang naglalakad mula sa likod niya at nakapamulsa.
--