Chapter 8: Forgiven

3113 Words
Miguel's POV Huminga ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan ko. I smiled when I got to see her inside this restaurant. She's waiting for me. Nagmadali nakong pumasok at lumapit sa kanya. Seryoso lang siya, pero agad din napukaw ng presensya ko ang atensyon niya. "Im sorry." Nilapitan ko siya upang halikan sa pisngi. "Im sorry Im late, I had a meeting with the clients and it took me so long to discuss everything." I explained. Ngunit umiwas lang siyang tumingin sakin. "For you." Inabot ko agad ang isang bouquet ng bulaklak sa kanya at umupo sa tapat niya. "Kanina kapa ba?". "No, actually nauna lang ako ng 10mins." This time nakangiti na siya. She's really beautiful with her simple floral dress. Tumawag nako ng waiter at nagorder na kami pareho. Habang kumakain. Hindi ko mapigilang hindi mapasulyap sa kanya. "Sandra. Can I ask you something?" Agad na sabi ko. Maybe this is the right time to ask her. After a months of waiting maybe she already made up her mind. "What is it?" Tanong niya habang nagsslice ng steak niya. Inangat niya ng bahagya ang tingin sakin. "I love you, and you know that I'll always do." She smiled sweetly. "Sandra, If I ask you to marry me? Would you say yes?" Dare darechong tanong ko. Ramdam ko ang pagkaiba ng expression sa muka niya. Maaaring nabigla siya sa naging tanong ko. "Migs." Bulong niya sa pangalan ko. Umiwas siya ng tingin sakin. "I thought we already talk about this." "Yeah. I know. And you know how willing I am to wait." "Migs, yun naman pala e. Alam mo naman na I need more time to think." May kung anong kumukurot sa dibdib ko sa mga sinasabi niya. After 8 years na magkarelasyon kami, hindi padin siya sigurado sa akin. Nung oras na iniwan niya ako sa ere at hindi sumipot sa araw ng kasal namin. Naghintay ako sa pagbalik niya. Dahil umaasa ako na mahal niya ako at gugustuhin makasama habang buhay. Ilang buwan siyang nawala naghintay ako sa pagbabalik niya. Maraming nagbago mula ng bumalik siya. Pero Im still willing to listen her side at inintindi ko yon. Kung kailangan niya ng time, ibibigay ko yon sa kanya. "Sandra, do you still love me?" Mas lalong naging seryoso ang muka niya. "Migs, can you please not spoil this night?" Iritable niyang sagot.. Ako naman ang nagiwas ng tingin. I tried to compose myself para hindi bumigat ng sobra ang nararamdaman ko. Nanatili akong tahimik matapos sa naging sagot niya. Panandalian at muling nagtanong. "I saw you last time at the bar." Sabi ko habang seryosong inisslice ang steak ko din. Naramdaman kung natigilan siya kaya kusang umangat ang muka ko upang tingnan siya. "And now you are following me?" Darechong sagot niya. Binaba ko hawak ko at tumingin ng darecho sa kanya. Pinunasan ko ang labi ko ng napkin bago magsalita. "It just happened na, we went in the same bar that night. I had a drink, you had yours with your friends and accidentally saw you." "Migs, I still need more time. I still need to figure out something." Tanging naging sagot niya lang "For 8 years Sandra, you still need to figure out what you really feel? You still need time? For 8 years hindi ka pa din sigurado sa akin? When you walk away from our wedding day! I tried so hard to be calm ang positive, I've waited for you to clarify things kasi gusto kung malaman at maintindihan kung bakit!? You told me na maghintay ako. You told me na magiisip ka muna, inintindi ko! But Sandra, alam mo kung anong masakit? Sa 8 years na yon? Hindi ako sigurado kung minahal mo ba talaga ako? Dahil nung iniwan mo ko sa gitna ng kahihiyan? Inintay padin kita. At ganon kita kamahal. Ganon ako kasigurado sayo." Dare darechong sabi ko na lang sa kanya. Natahimik kami pareho dahil don. "Migs.." Tanging banggit na lamang niya sa pangalan ko. Napahinga ako ng malalim at napayuko. "Im sorry." Muling napaangat ang muka ko dahil sa sinabi niya. "I think this is not the right time to ask me. Im sorry Migs, but If you cant wait, maybe it would be better if we wont see each other for the mean time?" Pakiramdam ko bumagsak ang magkabilang balikat ko dahil sa sinabi niya. Pinunasan niya ang bibig niya ng napkin inayos ang bag at tumayo. "Thanks for the dinner. Migs, take care of yourself." She took a deep breath bago muling magsalita. "If you really love me, then do it for me." Tuluyan na siyang umalis. Napabuga ako ng hangin sa sakit na naidulot ng mga sinabi at pagalis niya. Naihilamos ko ang dalwang palad sa muka. "Sandra." Napatayo ako para pigilan siya. "Kailangan ba talagang umabot sa ganito?" Tanong ko sa kanya. "Sandra I love you." "Migs, mahal din kita. Sa walong taon natin alam mong minahal kita. Kaya sana kung mahal mo talaga ako. Give me time." May kung anong kumurot sa puso ko ng sabihin ito. Pinunasan niya agad ang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata niya. "Okay." Tanging nasabi ko na lamang. Nilapitan ko siya at niyakap ng sobrang higpit. "Sshhh tama na." Bulong ko habang yakap yakap siya. Maaaring marami na ang tumitingin sa aming dalwa dito kaya naman kumalas na ako sa yakap niya at tumingin sa kanya ng nakangiti. "Migs, Im serious, it would be better if we stop seeing each other for the mean time." Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. "I promise, I will fix myself for you." Hinaplos niya ang pisngi ko at saka ako hinalikan dito ng marahan. Pagkatapos ng paguusap namin ni Sandra ay inihatid kona siya sa kanila. Napakabigat ng pakiramdam ko matapos niyang sabihin ang lahat ng iyon. Dumaan na muna ako sa coffee shop na pag aari ni Samantha. Upang kunin ang mga gamit ko. Pagpasok ko sa loob, inilibot ko ito at nahagip naman siya agad ng mata ko sa may bandang dulo, nakatingin lamang ito sa kanyang laptop. Lumapit ako agad. Napaangat ang tingin niya ng maramdaman ang presensya ko sa harapan ng table niya. "Miguel." Napatayo siya bigla na para bang gulat na gulat. "A-ahmm.." "Dumaan lang ako para kunin na yung gamit ko." Tanging nasabi ko na lamang. Nakatingin lang siya sakin. At agad agad na kinuha ang gamit ko sa loob ng bag niya. "Ito." Iniabot niya to sakin. "Salamat." Pagkaabot ko ay tinalikuran kona siya upang umalis na. "Miguel sandali." Napahinto ako dahil sa tawag niya. Nilingon ko siyang muli. "About what happened, about that viral video, about all malicious accusations, Im sorry. Im really really sorry. That night I went with you willingly, you did not force me to come over with you. About that? It happened already, you took my first, and I was being stupid for losing myself from alcohol, it was my fault." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Well she looks sincere, I can feel it in her eyes. Ngunit parang wala akong gana sa mga oras na to. "I dont know what you are talking about." Tanging naging sagot ko. Hindi ko siya maintindihan, she still insisted na may nangyari samin. "You forgotten, we were drunk that night." Pinipilit kung alalahanin ang nangyari ngunit wala talaga akong maalala. Ayokong stressin ang sarili ko kakaisip sa nangyari ng gabing iyon. "Samantha just do the right thing, clean my name." Tanging naging sagot ko na lamang at tuluyan ng umalis. Wala akong gana na makipagusap o diskusyon pa sa mga pinagsasasabi niya. Its been a long day! I need to rest. Paglabas ko ng coffee shop niya, agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot ito. Ang daming nangyari ngayong araw. Sa sobrang dami hindi kona alam ang uunahin ko pang isipin. Kung ano pang dapat kung isipin. Nakusot ko ang mata habang darechong nakatingin sa daan. "It would be better if we stop seeing each other for the mean time." Agad na bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Sandra. "Aah!" Nahataw ko ng isang palad ang manibela, kasabay nito ang biglaang paggewang ng sasakyan ko. Agad ko itong naipreno. Bumaba ako ng sasakyan para icheck ang makina, ng buksan ko ito ay mausok lamang. "s**t!" Bulalas ko. Nakapamewang lang ako habang pinagmamasdan ito. Nasipa ko ng mapansing flat din ang gulong ko. Nilibot ko ang lugar, walang masyadong sasakyan ang nadaan dahil medyo late narin naman. *** Samantha's POV "Finally!" Bulong ko sa sarili ng magupload na ang video ko. Nagpublic apology na ako. Bahala na bukas kung anong kahihinatnan ng ginawa kung katangahan na to. Inayos kona ang gamit ko at tumayo. Uminat pako ng kaunti. "Raffy kayo ng bahala dito ha. Uuna na ako." "Okay Sam. Magiingat ka paguwi." Nagpaalam nako sa mga empleyado ko. At umalis na. Habang nasa daan naman hindi ko mapigilan isipin ang reaction ni Miguel kanina. Bakit ganon siya magsalita? He's a totally jerk! How come na makalimutan niya yon? Kung sa bagay lalaki siya, maliit na bagay sa kanya ang mga ganong klaseng gawain. Huminga ako ng malalim ng mapansing may pumapara sa akin. Ng matapatan ito ng ilaw, kumunot ang noo ko ng mapansing kilala ko ang taong ito. "Miguel?" Kunot noong banggit sa pangalan niya. Agad kung itinabi ang sasakyan at bumaba. Halata ang gulat sa muka niya ng makita ako. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Huminga lang siya ng malalim "Of all people na dadaan dito ikaw pa talaga." Parang nadisappoint pa niyang sabi. "Excuse me?" Medyo iritable kung balik na sagot. Hindi ko maiwasan na mainis dahil sa sinabi niya. To think na nagpakumbaba na ako sa kanya. To think na ginawan kona ng paraan upang malinis ang pangalan niya. "kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ko. "No!" Tanging nasagot na lamang niya. "Alam mo kung magsusuplado ka lang, mabuti pang umalis na lang ako." Nakita ko ang pawis sa muka niya kahit na medyo madilim dito. Nakita ko ding flat ang gulong niya. Tinalikuran kona siya para lumapit sa sasakyan ko. Sinadya kung bagalan ang bawat paghakbang nagbabakasakaling tawagin niya at humingi ng tulong sa akin. Ngunit nakakailang hakbang nako pabalik sa sasakyan ko hindi niya ako tinatawag. Nilingon ko siyang nakahawak sa sasakyan niya habang sinisipa ang gulong na flat. "s**t s**t s**t!!" Tanging bulong niya don. "Anyway, mga ganitong oras, wala ng halos nadaan dito. Just to inform you." Napalingon siya saking magkasalubong ang dalwang kilay. "Maraming loko loko dito. Nakikita mo yang gubat na yan? Maraming NPA dyan." Umangat gilid ng labi ko ng bigla siyang mapaharap sakin. Sa totoo lang nakakatakot naman talaga sa daan na to ngunit ito kasi ung mabilis na short cut para makauwi sa bahay. "Ingat kana lang." Muli ko na siyang tinalikuran. Mababagal na hakbang ang ginagawa ko. "Magbibilang ako hanggang tatlo, kung hindi mo padin ako tatawagin para tulungan ka, aalis na ako." Bulong ko sa sarili, hindi ko maintindihan sa taong to kung bakit ang taas ng pride. Napakasuplado. "1..." Umpiasa ko. ".....2.." Napalingon akong muli sa kanya na pilit padin kinukuting ting ang makina ng sasakyan niya. "...3" pagtapos ko sa pagbibilang. Nilingon ko siyang muli kasunod ng pagpatak ng malakas na ulan. Nakita ko siyang pasakay ng sasakyan niya. "Migs" nilapitan ko siya at hinila pasakay sa sasakyan ko. "What the hell are you doing?" "Wag ka ng mapride! Sumakay ka na ihahatid na kita sa inyo." Sabi ko. Pero magpupumiglas pa sana siya ng "Ano ba!! Sabi ko sakay!!" Sinigawan ko siya na ikinagulat niya! "Kung dika sasakay pareho tayong mababasa dito!! At ikaw bukas kana makakauwi!! Delikado na!! Bukas muna balikan sasakyan mo!!" Sunod sunod kung sabi. Agad na parang bata naman siyang sumakay ng sasakyan ko. Medyo basa na kami, tuluyan naring lumakas ang ulan. Kunot noo ko siyang tiningnan at hindi sumagot. "Im sorry for blurting out those words." Agad na sinabi niya, habang nagtutuyo ng sarili gamit ang tissue na binigay ko. Napaangat ang gilid ng labi ko dahil don sa sinabi niya. I took a brief stare at him. He's wearing his office suit na ngayon ay hinuhubad na niya. Naiwan na lamang dito ang isang white shirt na pang loob. Mas bakat na bakat na ngayon ang ganda at hubog ng katawan niya. "Hey." Nabalik ako sa ulirat ng muli siyang magsalita. ". Pasensya na. Anyway yung gamit ng sasakyan mo ba? Bakit wala kang dala? Yan pa naman ang isa sa mga pinakaimportante lalo nasa mga ganitong pagkakataon. Sabi ko saka itinuro sa kanya. "Kakapalit ko lang ng tire last time, hindi pako nakakapaglagay ng bagong pamalit." "I see." Tumingin ako sa kanya na napatingin din sakin. I smiled at him na ginantihan naman niya ng isang matipid na ngiti din. "Miguel." Nilingon niya ako. "Hm?" Tipid na sagot habang nagtutuyo padin hanggang ngayon. "Cough cough" muli akong napalingon sa kanya. "Malamig ba?" Binaba ko ang aircon. "Okay lang." "Malapit naman na bahay ko. Magpatuyo kana muna don. Para hindi magtuloy yang sipon at ubo mo, I insist." Lumingon siya sakin. "Baka mascandal na naman ako." Sabi niya, kumunot noo kung muli dahil sa sinabi niya at biglang natawa. "Im sorry kung naiskandalo kita. Let's just be friends?" I confidently said. He just laugh. "Friends? Look? Samantha. I just know your name, but I dont even know you, who really you are, I dont even know why I am here inside your car, we fought so many times and now?  You are giving me a ride and asking me to be friends?" "And?" "Nothing, lets say this is a very rare situation." Nakangiti niyang sabi. "Alam mo kanina hindi maipinta ang muka mo, and now you are smiling. Tuloy mo lang yan, ang gwapo mo kapag nakangiti ka lalo." Darechong sabi ko saka biglang natahimik. Napangisi siya dahil sa sinabi ko. Nabigla ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling yon? Kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin yon. "Anyway thanks for giving me a ride." Natawa nalang ako. "We're even." Sabi ko at tumawa, napapailing lang siya dahil don, hindi ko alam kung anong iniisip niya. "Alam mo, mas mabuting tanggapin mo nalang yung offer ko." "Alin? Na magdarecho sa bahay mo? O ung pakikipagkaibigan mo?" Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng sexy, trying to tease him. "Both." Nakita ko ang bigla sa mata niya ng kinislapan ko siya ng mga ngiti at magagandang tingin ko. Napaurong siya at binalik ang tingin sa daan. "Pagiisipan ko." Bulong niya lang. I suddenly bit my lower lip. s**t! Ano ba tong mga pinagsasasabi ko at ginagawa. Ilang minuto na lang nandito na kami sa bahay ko. Pagkababa ko nagdarecho ako sa kusina habang siya naman ay pinagmamasdan ang loob ng bahay, katamtaman lamang ang laki ng bahay ko. Mula dito sa kusina nakikita ko siya. And myghadd! Hinuhubad niya ang white shirt niya at ipinupunas sa katawan niya. Napatigil ako habang nakatitig sa malamachete niyang katawan. Napakaganda ng hubog ng katawan ni Miguel. Habang pinagpapantasyahan ko ito, may kung anong kabog ang nararamdaman ko sa dibdib ko. "Sam." Nabalik ako sa ulirat ng lumapit siya. "Im sorry ha, baka kasi matuyuan ako." "A-ah o-okay lang. Upo ka. Eto oh kape mo." He just smiled. "Salamat. Umupo ako sa katapat niya. "Mabuti na lang at walang nangyaring masama sayo. Nakakatakot pa naman sa lugar nayon. Masyado naring late." Sabi ko. "Salamat din at dumating ka. Since ng nasiraan ako, ikaw palang ang nadaan." Sagot niya. Ngumiti lang ako. "Buti nalang." Napabuga lang siya ng pagkakangiti. Sa ngiti niyang iyon may kung anong pamilyar akong naramdaman sa dibdib ko. Bakit ganon? Bakit ang sarap ng nararamdaman ko ngayon. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi nakurap. "Marunong ka naman palang ngumiti." Sabi ko. "Marunong naman. Kaso sa pagkakataon na to, is not my lucky day. Daming nangyari. Tapos itong sasakyan ko nasira pa, alam mo to be honest hindi ako mapakaniwalang nangyayari to? Na kasama kita ngayon." Medyo nagalalangang sambit niya. I quickly laughed. "Ako din. But we're here." "Thank you, kasi after all ito tinulungan mo padin ako." He sip his coffee, I cant stop looking at him, hindi ko alam bakit ako nagkakaganito sa mga sandaling ito. "Samantha, I want to take this chance to prove myself, I dont know what really happened to you that night. You were drunk. When I was about to go, you held my hand saying to stay.." Napapatingin ako sa kanya na pilit inaalala ang nangyari ng gabing iyon. "...until my brother came, he ask me of something I cant remember. Okayy..." Huminga siya ng malalim at napatawa ako dahil dito. "Okay okay he ask me of something....shit hindi ko maalala. Sam, maybe I was drunk but I know I'd never do that." Sabi niya. Sinulyapan ko lang siya. Inisip ko ding mabuti ang nangyari? Kung hindi si Miguel ang kasama ko ng gabing iyon? E sino? Sino ang lalaking sinamahan ko ng gabing iyon. "So? I cant remember anything, all I know ay nakita kita." Sabi ko lamang. "Sam, Im sorry." He sincerely said. Mukang nagsasabi naman siya ng totoo, pero bakit ganon? Naaalala ko bago ako umalis sa pad niya ay ang muka niya ang huli kung nakita. Huminga ako ng malalim. "Okay. Lets not talk about this anymore. It already happen." Sabi ko nalang. "I apologize, you apologize. That's enough." Saad ko habang darechong nakatingin sa kanya. Napalingon lang siya sakin. At hindi na muling nagsalita pa. "Forgiven na kung ano man yung nagawa natin." Tinapat ko ang kamay ko sa kanya na kinuha niya sandali at ngumiti. Tahimik lang kami the whole time habang siya naman ay tuloy sa iniinom niyang kape. "So magisa ka lang dito?" Tanong niya. "Yea." "Nasan family mo?" Sa loob loob ko natatawa ako sa kanya mas nagiging matanong pa siya na parang babae kesa sa akin. "Wala na sila. Car accident." Tahimik na sagot ko. "Im sorry." Matipid akong ngumiti sa kanya. "Its okay." Naging mahaba pa ang paguusap namin ni Miguel bago siya magpaalam, natuyo narin naman ang shirt niya. Inihatid kona siya pero pakiramdam ko ay naging close na ata kami dahil sa mga sandaling iyon. "Take a rest." I texted him when I got home. Nagdarecho nako sa kwarto ko at nahiga. Hayyy. Napangiti ako, bukod sa naayos kona ang problema ko. Naging maayos narin kami ni Miguel. Tama sabi ni Alice mabait si Miguel at responsible. Kahit papano ay May magandang nangyari padin ngayong araw na to. Huminga ako ng malalim bago ipikit ang mga mata at hinayaan na ang sariling patangay sa antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD