Chapter 9: Kiss

2971 Words
Samantha's POV Agad akong napamulat ng magtama ang sikat ng araw sa mata ko. Iniinat ko ng bahagya ang katawan bago tuluyang imulat ang mata. Sa hindi ko malamang dahilan nakangiti ako ngayon, napakaganda ng gising ko. Napatitig pako panandalian sa kisame bago tuluyang tumayo. I have this happy hormones today, cant get off my smile in my face. Everytime na maisip ko ang nangyari kagabi, nakakagaan lamang ng pakiramdam na wala ka ng kaaway at wala ng may galit sayo. Palabas na ako ng kwarto ng magring ang phone ko. "Hello Goodmorning!!!" Bati ko sa kabilang linya. "Anong goodmorning ka dyan!! Walang good sa morning, check your social media ang dami ng nangbabash sayo!!" Naiiwas ko ng kaunti ang telepono sa tenga ko. Hindi naman ako bingi. Di naman niya kailangan akong sigawan. Pero ilang sandali ay rumehistro na ang sinabi niya sa utak ko. "Mich di mo naman ako kailangan sigawan. I just did my part." May halong nerbyos padin sa puso ko pagkatapos ng ginawa ko. Alam ko at ineexpect ko naman ang dami ng mangaaway sakin online at baka kahit sa personal. "Hay nako! Nasan kaba?" "Nasa bahay, shower lang sandali at papunta ng shop." Walang kagana ganang sabi ko. "Okay sige sige. Magkita tayo mamaya." Bago pako magsalita, ibinaba narin niya ang telepono. **** Miguel's POV Kanina pa ako nakatitig sa laptop ko. Mula sa office table. Napakunot lang ako ng noo ng may notification akong narecieve from anonymous. Agad ko naman itong binuksan, isang video na hanggang ngayon nagloloading pa din. Pero ikinagulat ko ang sunod kung nakita. Si Samantha. Napasandal ako sa swivel chair ko at kunot noong pinanuod ang video. "...hmmmm hayyy. I would like to apologize to Mr. Arcela for my false accusation....hmmmm It was unwarranted and completely false. I only hope that you can forgive me for any damages this may have caused to your good name. I understand that this does not excuse my poor behavior, but I hope that you can understand where I was coming from. I was wrong for blaming the wrong person. Let's forget about all this. And let me live peacefully. Godbless us all." . Matapos kung panuorin ang video niya, napangalumbaba ako at nagisip ng malalim. Pilit ko naman inaalala ang nangyari ng gabing iyon. Muli kung binalikan simula una palang ng lapitan niya ako. **flashback* "...please s-stay." Pagsusumamo niya. Hinawakan pa niya ako sa braso para pigilan. "Im leaving. Wala ka bang ibang kasama?" Pagtatanong ko dahil mukang lasing na lasing na siya. Palagay ko ay hindi na niya kakayanin pa ang pauwi nito. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng Bar, dahil masyado ng late marami narin dito ang lasing na. "..dito ka muna inom pa tayo hihihi." Napapailing ako. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Get off me." Tanging nasabi ko nalang ulit ng muli niyang hawakan ang braso ko para pigilan. Aish! Medyo naiinis narin ako dahil sa inaasal niya. "..inom ka ng inom hindi mo naman pala kaya." Bulong ko sa kanya ng sundan ako. Napapailing nalang ako sa kanya. Binilisan ko na lamang ang lakad palabas ng Bar na ito. Ng makalayo layo nako, napabuntong hininga ko ng maramdaman kung malayo na siya. May tama narin ako pero kaya ko pa naman ang sarili ko. Nilibot ko ang tingin ng makita siyang nakasandal sa isang gilid ng nakayuko at bagsak ang balikat. "Tsk." Tatalikod na sana ako palayo ng mapansin ko ang dalwang lalaking lumapit sa kanya ng may hawak na bote ng beer nila. Kumunot noo ko ng mapansing pinagsasamantalahan ng mga ito ang babaeng lasing na to. Papalapit palang sana ako ng bigla nalang may lumapit sa kanilang isang lalaki, na mas ikinabigla ko. Pinagsusuntok niya ang mga ito at pinalayo. "Matthew?" Bulong ko sa sarili. Agad akong lumapit sa kanila. "Okay ka lang?" Tanong ni Matt dito sa babaeng ito.  Bago muling lingunin ang ngayoy nasa sahig na dalwang lalaking to. "Sa susunod ha? Ayusin nio mga buhay nio!" Sabi nito sa mga lalaking sinuntok niya na halos hawak hawak ang mga panga. "Sa-salamat." Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa maibaling ni Matt ang tingin sakin. Nagulat siya ng makita ako. "Twin brother, tamo nga naman ang pagkakataon dito pa tayo magkikita." "Matt anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa Cebu ka?" Natawa siya sa sinabi ko. Pinagmasdan ko ang kalagayan ni Matthew. "Napano na naman yang nasa muka mo?" "Wala to." Tipid na sagot niya at iniiwas ang muka sakin. "Matt, umuwi kana." Maautoridad kung sabi. Ngunit napangisi lamang siya sa sinabi ko. "Para ano? Wala naman akong pakinabang? Saka okay nako Miguel, masaya naman ako." Darechong tingin na sabi sakin nito. Sa kabila ng galit sa puso ni Matt ng kapatid ko alam kung andon padin ang pagaalala at pagmamahal. "Namimiss kana namin, pati narin si Mom." Umangat ang gilid ng labi niya sa sinabi ko. "Wag mo pababayaan si Mom, pasabi sa kanya na namimiss kona rin siya." Lumapit siya sakin at tinapik ang balikat ko. "Ikaw din tol." Hanggang ngayon ay masama padin ang loob nito sa Dad namin na hanggang ngayon ay hindi niya makasundo. "Accckkkk!!" "s**t!" Napapikit si Matt ng bigla itong masukahan ng babaeng ito na kanina pa sa tabi niya. Nilingon niya ito pero agad ulit itong nasuka. "s**t really happens." Bulong nito. "Sige na tol, ako ng bahala dito." "You sure you're okay?" Kunot noo kung sabi. Napatawa lang ang kapatid ko at tumango. Napabaling ang tingin ko sa babaeng to na ngayon ay nakaupo nasa sahig at lambot na lambot. ***end of flashback** Natulala ako ng maalala ko ang nangyari. It wasnt me. Hindi ako mabahala dahil sa muling pagbalik ng alala ko sa pangyayaring iyon. "So Its Matthew." Bulong ko sa sarili habang kunot noong nakatulala. Naiwang nakaawang ang bibig ko, s**t! So inisip ni Samantha na ako ang kasama niya ng gabing iyon. Hindi na niya naalala ang nangyari sa sobrang kalasingan, and besides Matthew is my twin brother. Kailangan kung makausap ang kapatid ko, at malaman mismo sa kanya ang nangyari pa ng gabing iyon. I get my phone para tawagan ang kapatid ko ngunit bigla itong nagring. May kung anong kaba akong naramdaman ng makita ang pangalan niya sa screen ng phone ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito o hindi. Hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman sa mga oras na to, sa biglaan niyang pagtawag after ng sinabi niya sa huli naming paguusap. Ngunit mas nanaig padin na itoy sagutin. "Hello." Bungad ko. "I miss you." Hindi ko maiwasan bumigat ang pakiramdam ng muling marinig ang boses niya. "Sandra." Halos pabulong na banggit sa pangalan niya. Hindi ko mapigilan ang sarili sa nararamdaman para sa taong ito. "I hope you are doing well." Bulong nito sa kabilang line. I cleared my throat bago muling magsalita. "For what is this sudden call?" Tanong ko. Isang malalim na paghinga lang ang narinig ko sa kanya. "Nothing, I just wanna hear your voice." Panandalian akong natigilan sa sinabi niya. "Sandra, Im sorry but..." "No Migs, Im sorry. Im sorry for keeping you wait." "Sandra, kaya kung maghintay alam mo yan, ang hindi lang ako sigurado ay kung may patutunguhan ang paghihintay ko." She took a deep breath bago magsalita. "Migs, kaya ako tumawag is to tell you this." May kung anong sunod sunod na mabibigat akong naramdaman na kaba sa puso ko. "Migs, If you want to date someone, hindi kita pipigilan." Nanlumo ako sa narinig ko mula sa kanya. Pinamimigay na ba niya ako? "Ayokong maging unfair sayo. Gusto kung malaman mo na gusto ko maging masaya ka." Kung ano mang bukol ang namahay sa lalamunan ko ay hindi ko matanggal upang makapagsalita. Isang butil ng luha lamang ang naramdaman kung tumulo mula sa mga mata ko na ngayon ay nangangati na. "Ingatan mo lagi ang sarili mo okay?" Dagdag nito, huli naming paguusap ay noong sa restaurant pa after non nagpabook na siya ng flight papuntang Singapore. "Are you totally breaking up with me?" Halos madurog na boses kung sabi. "Migs Im sorry." Nanghina ako at halos mababa ko ang cellphone dahil sa narinig sa kanya. **** Samantha's POV "Goodmorning Sam." Bati ng mga empleyado ko. "Goodmorning din." Masiglang masigla kung bati sa kanila. Napakaaga goodvibes lang, napakatatamis narin ng mga ngiti ng staff ko. "Kuya Raff one americano for table 9." Sabi ko at sabay kindat dito. "Okay Sam." Sigaw nito pabalik sakin. Wala pa naman masyadong costumer. Kaya inihad kona agad ang laptop ko. Pagbukas ko ng laptop ko, as expected marami nakong natanggap na notification. "Nako mam, napanuod namin ang video nio. Hayaan nio na sila. Ang mahalaga humimgi na kayo ng sorry." Napalingon ako kay Jenny habang inilalapag ang americano ko. Ngumiti lang ako sa kanya. "It would be better if you delete it." Agad kaming napalingon sa lalaking ngayon ay nasa harapan na namin. Napatayo ako agad dahil sa pagkabigla ng makita siya. "Excuse po." Umalis nasi Jenny pero halata naman ang mga empleyado kona parang giraffe na nanghahaba ang leeg sa pagsulyap kay Miguel na nakapamewang sa harapan ko. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ito na seryosong nakatingin sakin. Kahit ata magwacky face ang lalaking ito ay gwapo padin. "Are you busy?" Tanong nito na nakapagbalik sa ulirat ko. Hindi ko mapigilang kumabog muli ang dibdib ko sa gulat na makita siya. Pero bakit hindi padin ako nakakabawi sa gulat? Habang patagal ng patagal na nakatingin ako sa kanya ay mas lalong naninikip ang dibdib ko. "N-no." s**t ano ba tong nangyayari sakin. Bakit ako nauutal sa harapan ng lalaking to. "Can I join you?" Nakangiti na nitong tanong. Tumango lang ako. "Napadaan ka dito?" Hindi ko maiwasan na hindi mapatitig sa bawat kibot ng muka nito. Pakiramdam ko bumagal ang galaw ng mundo, at maging kumpas, pagngiti at maging pagsasalita nito ay halos wala nakong maintindihan sa sobrang slow motion "H-hey!??" Natauhan ako bigla sa kanya na ngayon ay parang nawiwirduhan na sakin. "Nakikinig kaba?" "A-ano yon? Pa-pasensya kana Migs. Medyo napuyat lang ako kagabi." Sabi ko nalang at itinuon ang tingin sa laptop ko, kunwari. "Uhh. Im sorry dahil sakin napuyat kapa. Anyway thanks for the last night." Dahil sa sinabi niya agad naiikot ng mata ko ang tingin sa mga employee kona halatang biglang nagiwas ng tingin, kanina kopa naman ramdam na nakatingin sila saming dalwa. "Wala yon." Tipid na sagot ko lamang at nakipaggantihan ng ngiti sa kanya hanggang sa pareho na kaming matawa sa isat isa. "Actually.. I have something to say...." He cleared his throat pero ramdam ko ang pag aalangan. "Migs, kung tungkol padin to sa issue natin pareho. Okay na diba? Pareho na tayong nagkapagpatawaran." "No hindi mo naiintindihan Sam, you better delete your video." He frustrated said. Napakunoot ang noo ko. "That night, I remembered everything...". Napasandal ako sa inuupuan ko at napatitig sa kanya. "I saw you with....." "Saaam!!" Hindi natapos ni Miguel ang sasabihin ng biglang napukaw ang atensyon namin ng mga kaibigan ko. "Mich? Anne?" Takang tanong ko, anong ginagawa ng dalwang ito dito ngayon. Gulat din naman ang rumehistro sa mga muka nila ng lumingon si Miguel sa kanila. Naiilang naman akong napatingin sa dalwa ng bigla nila akong pandilatan ng mata. "Hmm girls, this is Miguel. Miguel si Mich at Anne." Tumayo si Miguel at nilahad ang kamay sa kanila "Miguel, yah I saw them in the party." Sabi lang nito. "So???" Kinuha ko ang atensyon nila lalo na nitong dalwang to na pinandidilatan ko din ng mata. Alam ko naman na naiintindihan nila ang ibig kung sabihin. "A-anong ginagawa niyong dalwa dito?" Taas kilay kung tanong ng hindi napapansin ni Miguel. "Ahmm. Wala kakamustahin ka lang sana namin, regarding sa video na pinost mo." Sabi nito. Nagkatinginan kami ni Miguel. "Ako naman ang aayos nito. Alam ko na kumalat na ang videos kahit pa ipadelete ko to kay Sam, may access ako sa taong pwedeng iblock to social media." Sabat ni Miguel, nakaawang naman ang bibig ng dalwang to. "Okay sige Sam., una na kami dumaan lang talaga kami para kamustahin ka. Mukang busy kayong dalwa sa pinaguusapan niyo kaya sige go na ulit kayo." Hindi padin makapaniwalang sinabi ng dalwa at saka nagmamadaling umalis. Napatingin sakin si Miguel, ningitian ko lang ng malaki at peke. Tipid naman tong ngumiti din sakin. "Miguel, mabalik tayo ano yung naalala mo? At talagang sinadya mo pa ako dito?" Titig na titig na siya sakin ngayon, hindi ko alam kung anong sinasabi ng mga tingin niyang iyon, isa lang ang alam ko, ang pagkailang mula dito. Pakiramdam ko ay uminit pa ang pisngi ko dahil dito. "Nevermind. I got my off today, I dont have any plans so I decided to see you and to thank you about last night." Agad na sinabi nito, sa hindi ko alam may kung anong lungkot akong nakikita sa mga mata niya. May kung anong sunod sunod na kabog na naman sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya. "You want to tag with me today?" Tanong ko, na maging ako ay nabigla. Agad na naihilamos ko ang palad sa muka dahil sa nasabi ko. "If its okay? Why not? But you sure?"  Natawa nalang ako at maging siya, pilit kung binalikan ang mga malalamya niyang mata na napakaganda "Okay, plano ko lang kasi mag grocery today then magbake sa bahay." "Perfect! I love baking.." Agad na sinabi nito. *** Pagkarating namin sa grocery store. Feeling ko magjowa ang peg naming dalwa. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya na tulak tulak ang cart. Sa totoo lang hindi ako makapaniwalang all of a sudden e magkakasundo kami ng taong to. Matapos ang nangyari samin, kahit itanggi pa niya ito o hindi maalala, pakiramdam ko ngayon ay wala nakong pinagsisisihan kung siya man ang nakakuha ng virginity ko. Isang matipuno at gwapong lalaki, na ramdam kung may mabuting puso. Lalaking hindi mahirap magpatawad, lalaking kayang umunawa. "Favorite mo din yan?" I nodded. "Favorite mo din?" Tanong ko habang hawak hawak ang strawberry flavor ng stick-o. "Ever since, ewan ko ba hindi ako nagsasawa dyan. Hanggang ngayon favorite ko padin." Sagot nito, pareho lang kaming napatawa dahil dito. Patuloy lang kami sa pamimili. Ramdam ko ang mga matang hindi maiiwasang mapatingin samin. Ang mga taong nakakakilala samin matapos ang nagviral na video naming dalwa, at ang mga babaeng nandito na halos hubaran siya sa titig nila. At dahil atrimitida ako. I face him and smile. Medyo naguluhan pa siya sa ginawa ko. "Yes?" Tanong nito habang tuloy padin sa pagtutulak ng cart ako naman ay naglalakad patalikod dahil sa nakaharap sa kanya. "Wala lang. Thank you kasi sinamahan mo ako." Sabi ko. "Wala yon." Tipid nitong sagot at nagiwas agad ng tingin. "Migs, do you have a girlfriend?" Out of nowhere na tanong ko. Gulat ang rumehistro sa muka niya dahil sa tanong ko. Pero agad din naman nakabawi sa gulat at umiling iling. "Wala na." Tipid na sagot nito bago kumuha ng baking powder. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. "Wala na?" Hanggang sa makadating kami sa bahay ko ay kinukulit ko padin si Miguel na magkwento tungkol sa girlfriend niya. Pero sadyang hindi ito makwento. "Alam mo Sam, prepare me this." Sabi nito, he insisted na magbake ng cookies and chocolate volcano. "Alam mo Miguel? Ako halos naikwento kona sayo lahat lahat simula pa kanina sa grocery store hanggang sa byahe. Tapos ikaw about lang sa lovelife mo, dimo pa magawang ikwento." Nakaupo lang ako sa bar ng kusina ko habang siya naman ngayon ay nakatuon ang dalwang kamay dito at darechong nakatingin sakin. "She let me go." Matipid na sagot nito. Nakita ko ang panandaliang lungkot sa mga mata niya. May kung ano ding kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. "Ikaw!" Agad na balik sakin. "Hindi ako naniniwalang No Boyfriend Since Birth ka." Sabi nito sakin at saka muling nagbalik sa whisk na hawak upang simulan ang pagbabake. Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya with his gray long sleeve na nakatiklop hanggang sa magbago sa siko. "Wala nga." "Walang nanligaw? Kasi imposible yon, maganda ka. Siguro pihikan ka no?" Matawa tawang sabi nito. Natawa nalang din ako sa kabila ng compliment niya sakin at pakiramdam ko kasi namula ang pisngi ko dahil dito kinuha ko nalang ang pinapaprepare niya sakin na mixer para naman sa chocolate volcano niya. Ngayon ay inaayos naman niya ang masa niya sa isang bowl mixer with the small chocolate kisses para sa cookies namin. "Hindi naman. Siguro wala lang talaga akong magustuhan, I prioritized my studies for my parents." Ngumiti lang kami pareho ng tipid. "I know they are happy and proud of you." Pagpapalakas niya ng loob ko. Pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa hanggang sa mabaling ang tingin niya sakin. "Actually may nagugustuhan ako." Wala sa wisyo kung sabi habang nakatitig sa muka niya. "Sino?" Agad na tanong nito. "Well, kung sino man yan alam ko namang hindi ko din kilala.." "Actually kilala mo siya." Hindi padin nawawala ang tingin ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "Sino?" Seryosong tanong niya. Pero imbis na sumagot napatayo lang ako sa bar stool mula dito sa kusina at hinigit siya sa damit palapit sakin upang halikan siya. Ilang sandali ay pakiramdam ko huminto ang oras mula sa sitwasyon namin ngayon. Ito na naman ang pakiramdam na to. May kung anong kumulo sa tyan ko at may kung anong mahika na nagpalutang sakin mula ng maglapat muli ang mga labi namin. Halata ang gulat niya dahil sa ginawa ko, magkapatong lamang ang mga labi namin, may kung anong panginginig sa labi ko habang ginagawa ito, napakalambot ng labi niya at ramdam ko ang hininga, I tried to move my lips to open his mouth, but till now he still shock. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD