Chapter 10: Cookies

1490 Words
Mga limang segundo kami sa eksenang iyon. Hinayaan ko lang liparin kami ng kung ano mang mahika na siyang nagpapaangat ng katawan ko mula sa kinatatayuan ko. Wala na akong ibang maisip kundi ang damdamin lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Alam kung masyadong mabilis. Pero sa mga sandaling ito. Alam ko sa sarili kung may espesyal na akong nararamdaman sa kanya mula ng magusap kami. Mabigat ang nasa damdamin ko. Ngunit ano mang bigat nito alam ko dahil ito sa overflowing na nararamdaman kung galak. Sa bilis ng pangyayari ito na agad ang nararamdaman ko mula ng magdamping muli ang mga labi namin. "S-sam." Banggit nito sa pangalan ko habang magkapatong padin ang labi namin, bumitaw ako sa kanya at dahan dahang iminulat ang mata upang tingnan ang reaction niya. Nakabilog lamang ang mga mata nito, walang salita tanging nakatingin lamang siya sakin na hindi padin nakakabawi. Bumalik nako sa pagkakaupo ko at itinuloy ang ang ginagawa ko. "Di tayo matatapos agad kung tutunganga ka lang dyan." Tumayo ako at umikot papunta sa kanya, napalunok siya at muling natauhan. "O-onga.." Napangiti ako habang nakatalikod mula sa kanya upang ilagay na sa Oven ang nagawa kung fondant. Maya maya pa bigla na lamang nagring ang phone niya. Napatingin ako mula sa screen ng phone niyang kinuha sa bulsa. Ngunit hindi ko nakita ang pangalan ng caller niya. "Excuse me? I have to take this call." Tinanggal niya ang apron niya at lumayo papuntang sala. Nakatingin lamang ako sa kanya na mukang seryoso sa kausap. Ilang sandali pa mula sa pagmamasid ko sa kanya. Napahawak na lamang ako bigla sa ilalim ng labi ko. Ginawa ko ba talaga yon? Nagawa ko ba talaga yon? I kissed him. Shocks! I kissed him!!!! Napangiti at napapikit ako mula ng maalala ko at damdamin muli sa isipan ang lambot ng labi niya. "Sam.." Napamulat ako bigla ng makitang nasa harapan kona siya. s**t! Nakita ba niya akong mukang tanga dito. Tinaasan ko lang siya ng kilay upang itanong kung bakit. "Im sorry but I really have to go." Sabi nito. "Ha? E dipa tayo tapos.." "Emergency lang. Im really really sorry.. You can finish it then call me later if you like it." Hindi na siya mapakali nakapamewang ang isang kamay habang ang isa naman ay sapo sapo ang noo. "Is something bad happened?" Napapailing lang siya. "Nothing.. Sam thank you. Aalis na ako." "Okay sige magiingat ka." Sabi ko lang at hinayaan na siyang tuluyang umalis. At dahil andami naman namin naiprepare, tinawagan ko na lamang si Mich at Anne na magpunta dito sa bahay upang kami nalang ang kumain. "So galing siya dito." Taas kilay na tanong ni Mich habang nakaupo sa bar stool mula dito sa kitchen ko at hawak hawak ang isang cookie. "Anong meron? Girls, napaghuhulihan na ba ako sa balita? Anong meron na ba?" Napatawa ako kay Jane mula sa kabilang line, ka skype namin siya mula sa Laptop ko. "Hay nako, ask her jane much better." "Pagkatapos ng nangyari sa inyong dalwa, e baka mamaya mabalitaan namin jowa muna ha." Si Anne habang kain din ng kain ng cookies. "Girls, magkaibigan lang kami ni Miguel. Tsaka diba mas magandang maging okay na kami pagkatapos ng gulong kinasangkutan naming dalwa." I explained ang dudumi naman kasi ng mga utak ng mga to. "Pero ikaw iba yung ngiti mo kanina e, pinapanuod ka namin mula sa labas ng coffee shop mo." Inirapan ko sila at pinagtaasan ng kilay. "So the whole time nandon kayo?" "Oo, nandon kami kahit sa grocery store. Nandon kami." Darechong sagot ni Anne. Inirapan ko sila, loka loka mga to, sinusundan pala kami kanina pa "Type mo no?" Tanong nilang dalwa. "Hahaha. s**t magkaka love life na bebe girl natin." Sabay sabay kaming napatingin kay Jane na ngiting ngiti sa screen naman. Napatawa din ako dahil sa sinabi niya. Ano pa bang kailangan kung itago, mga kaibigan ko sila, at kung mayron may natitira sakin ngayon na pamilya yun ay ang mga kaibigan ko na lamang at ang isa kung Uncle na malayo naman sakin dahil sa Cebu siya nakatira. My uncle was already commited by Father God. Yea he is a priest. "So type mo nga?" Tinitigan nila akong mabuti. At tanging hinihintay na lamang ay ang sagot ko. Panandalian akong tumahimik at pinakiramdaman ang puso ko sabay ngiti at tango sa kanila. "Sabi na e!" Napatahampas sila bigla at bakas ang kilig sa mga muka. "Alam mo Sam, kung type mo siya? Magpakipot ka muna ha. Wag basta basta, hindi porket gusto muna siya e bigay lang." "E teka single ba?" Tumango akong muli ngunit naalala ko ang reaction niya kanina everytime na ibibring up ko sa kanya ang tungkol sa ex-girlfriend niya. Pakiramdam ko may something pa na hindi niya sinasabi. "Sabi niya wala na." Nagkatinginan naman si Anne at Mich. "Basta, kung san ka masaya dun kami. Lagi mo lang din tatandaan, pamilya mo hindi ka sinasaktan, mga kaibigan mo hindi ka sinasaktan at iniiwan. Kaya sana isipin mo ang halaga mo kesa ang hayaan na saktan ka." Agad kaming napatawa sa sinabi ni Jane. "Teka nga..." Pinigilan ko sila agad sa kung ano mang iniisip ng mga to. "Kami ni Miguel ay magkaibigan lang, saka bago palang kami nagkakakilala. Kung ano ano agad sinasabi niyo. Saka isa pa, sabi ko type ko lang diba? Diko naman sinabing mahal ko na. Ang ooa niyo." Sabi ko saka kinuha ang pinaglagyan ko ng cookies dahil naubos nilang dalwa ang binake ko kanina. "Sus dun narin papunta yon." Inilingan ko nalang sila. "Sam meron paba? Ang sarap ng cookies mo, pwede bang maguwi kami saka yang chocolate volcano na yan." Umiling ako sa kanila. "Hindi, yang mga kinain niyo ako lang gumawa nan." Kumunot agad nilang dalwa. Saka nagkatinginan at sabay pa akong pinagtaasan ng kilay. Natawa naman ako habang hawak ang bagong mga cookies na kakatanggal ko lang sa oven. "Si Migs ang gumawa nito." Sabi ko at hindi na napigilang hindi mapangiti pa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay napakaespesyal ng mga cookies at chocolate volcano na to para sakin. Ayokong ipatikim sa kanilang lahat at gusto ko ako lang. *** Nagiisa nalang ako sa bahay. Nakaalis narin ang mga kaibigan ko. Nagshower lang ako saglit at saka humarap sa laptop ko. Marami na nga akong bashers at private messages, nandon na yung karamihang nagsasabing famewhore ako, bayarin, maninira ng buhay, malandi at kung ano ano pa. Masyadong maganda ang araw ko ngayon para sirain sa mga hindi naman healthy sa isipan na basahin na to. Pinatay ko din agad ang laptop at saka kinuha ko ang phone upang tawagan siya. Matagal bago sagutin pero bago maputol ang tawag ay nasagot din naman agad. "Hello.." Napangiti ako agad ng marinig ko ang paghinga niya bago magsalita. "Sam? Napatawag ka?" "Oo wala lang, mangangamusta lang sana. Is everything okay?" Ilang sandali siyang hindi nagsalita. "Yeah. Everything is okay. Anyway about earlier Im sorry, sorry kasi..." I cut him off. "Okay lang." Sagot ko saka kumagat ng cookies niya. "Anyway masarap yung cookies. Nagustuhan ko siya tama lang ang pagkabake." Sabi ko. I heard him chuckle at saka kami parehong natigilan na para bang walang may balak na magsalita. "Hmm nakauwi kana?" Pagbasag ko sa katahimikan. "Hindi pa, nagdarecho ako sa office, actually yung assistant ko yung tumawag sakin kanina, saying na finally nagpaset na ng appointment yung nililigawan naming cliente para samin na kumuha. Malaking kumpanya kasi yon." Nagtuloy tuloy pa ang usapan namin ni Miguel hindi ko namamalayang mag 10 na pala ng gabi. "Akala ko ba day off ka so bakit nasa office kapa?" "Nagdarecho na kasi ako kanina dito. Pagkatapos kung makipagmeeting." "Alam mo siguro napakaworkaholic mo. Alam mo mas makakabuti kung umuwi kana at magpahinga." Sabi ko. "Oo, tapos naman nako dito, binalikan ko lang yung ibang naiwang trabaho kaninang umaga bago ako kumuha ng day off." "Oh e bat hindi kapa nauwi? Tapos ka naman na pala. "E ikaw kasi nilibang mo ko pakikipagusap." Ramdam ko ang uminit kung pisngi dahil sa sinabi niya. Pinaglaanan niya ako ng oras. "Sam magpahinga kana, pauwi narin ako." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Kung kilig man ang nararamdaman ko ngayon. Siguro nga ay kinikilig ako. "Magiingat ka paguwi." Sabi ko na lamang. Matapos namin magusap ni Miguel, tumitig lamang ako sa kisame ng kwarto ko. Muka na siguro akong timang dito habang nakangiti. -- Lumipas pa ang mga araw, mas naging close kami ni Miguel, madalas siyang dumaan dito sa Coffee Shop ko. Minsan din sinusundo niya ako para sumabay sakin ng lunch or dinner tapos balik na kami ulit sa mga trabaho namin. Madalas narin kaming nagkakausap sa phone, paggising at bago matulog. Sa bilis ng pangyayari hindi kona alam kung pano at kung kelan ang saktong araw ng maramdaman ko ito, dahil habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD