Samantha's Pov
Mahigit isang linggo narin ng mas maging malapit kami ni Miguel, hindi ko lang alam khng ganito din ba siya sa iba niyang mga kaibigang babae..
I cant deny, Im falling inlove with him. There's something to him na hindi ko mawari kung bakit ganito nalang kabilis lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya.
Maybe by his looks? Pero hindi e. Deep down inside there is something special, na tanging sa kanya ko lang nakikita at nararamdaman. Miguel Anthony Arcela is one of the goddest pagdating sa physical appearance and what even makes him special is by his character.
When it comes to work and family he is very responsible and hard working, he knows how to respect people and how to deal with different attitude he encounter.
He's a perfect guy and Ideal boyfriend. No wonder why everytime he walk down towards me, Im completely amaze by his gorgeous muscular body with his genuine smile. He has this quality of a real man who desire of every girl.
He's totally hot, walking towards me, I can see his pandesal, I couldnt control my eyes staring at his body, myghadd he's dripping wet with his trunks.
He's really the man who trully makes me feel complete. While having this dream, he sudden snap at my face.
Ng makabalik ako sa kabihasnan, natawa lang siya ng mahina habang nakatingin sakin na ngayoy nagtutuyo ng buhok.
"Hindi ka pa ba magbababad sa tubig?" Tanong nito na ngayon at kinuha mula sa maliit naming table ang juice niya.
Ngumiti lang ako. "E tara na ulit. Samahan mo ako don." Tumawa ako at hinila siya bigla sa braso patalon muli sa pool..
Nagtampisaw at nagbasaan lamang kami, para kaming mga bata na naglalaro mula dito sa swimming pool, Migs invited me to his pad at nag aya ng swimming which is love na love ko, tutal mainit narin naman ngayon, tumagal din kami ng sandali. Hanggang sa umahon na ulit siya.
Sinundan ko lang ng tingin ang likod niya. Kulang na lang kanin dahil siya ay pwedeng pwede ko ng gawing ulam.
Binalikan niya ako ng tingin bago may damputin ang phone niyang nakapatong doon, pinakita niya sakin ito saying na may tatawagan lamang siya. Lumayo ng kaunti si Miguel kaya naman ibinalik kona ang sarili sa paglangoy.
Isa ito sa mga gustong gusto ko since highschool kasi ako ako ang laging representative ng school namin para lumaban sa division sa isang swimming competition.
Inalon alon ko ang sarili mula sa ilalim ng tubig at naglaro lamang mula dito sa pinakang ilalim.
"Hi.." Napatingin ako ngayon sa isang lalaking nakasisid din at nasa tapat ko. Kaya naman agad kung iniahon ang sarili mula dito at pinunasan ang muka. Maging siya naman. "James." Sabi nito sabay ng pagkakalahad sa kamay sa harapan ko.
I smiled at him, ngiting ngiti naman siya na hindi mo namamalayan nadadala kana pala. Panibagong gwapong nilalang na naman itong nasa harapan ko.
"Samantha." Sabi ko at tinanggap ang kamay niya, binawi ko agad ang kamay ko mula sa kanya ng maramdaman kung ayaw pa niya itong bitawan.
Naglakad ako papunta sa side ng pool upang sumandal ang magpahinga sandali. Pagkasandal ko nagulat ako ng sinundan niya ako. Nakasandal narin siya dito habang nakapatong ang dalwang braso mula sa side ng pool.
"Lagi kaba dito?" Tanong niya. Tumingin lang ako sandali sa kanya at muling tumingin sa mga maliit na alon mula sa pool na ito.
"Hindi. Actually first time ko lang dito."
"I see." Ramdam ko padin ang tingin niya mula sa gilid ko kaya naiilang akong napapatingin sa kanya na agad ko din binabawi. "Boyfriend mo ba siya?" This time napatawa akong napatingin sa kanya.
"So, can you straight to the point, why you started a conversation? Do you know him? Are you interested in me?"
Natawa siya bigla sa sinabi ko. Napakunot noo ko ng lumakas pa tawa niya.
"M-may nakakatawa ba?" Nawiwirduhan kung tanong sa kanya. This time tumigil na siya pero halata dito ang pagpipigil.
"Nothing, nakakatuwa ka lang magtanong. Okay. Let say na, nagandahan ako sayo? Na gusto kitang mas makilala? Na kanina pa kita pinagmamasdan?"
Ako naman natawa sa sinabi niya.
"So boyfriend mo nga ba siya?" Muli niyang tanong. Nawala agad ang ngiti sa labi ko, may kung anong tumurok sa puso ko.
"Nope." Matipid kung sagot sa kanya.
"Well, that's great. So can I get your number?"
"Ang bilis mo." Sabi ko saka binasa siya ng tubig at naglakad paahon. "Hey samantha." Tawag nito sakin. Alam kung sinusundan niya ako. Pataas na sana ako ng hagdan mula sa pool ng makita ko ang dalwang paang nakatayo don habang darechong nakatingin sakin.
"Miguel." Seryoso lang siyang nakatingin sakin at saka inilipat ang tingin mula sa likod ko kaya napatingin ako dito, kasunod ko si James pala mula sa likod ko.
"Mag hahamog na, baka magkasakit kapa. Tara na." Sabi nito at saka tumalikod mula sakin.
Kumunot ang noo ko dahil sa inasal niya at tumingin kay James na nagkibit balikat lang. Nagtuloy nakong umahon para sundan siya.
"See you around Samantha." Sigaw ni James na kumakaway pa sakin. Kinawayan ko lang siya pabalik upang magpaalam.
Pagkatapos kung magbihis, lumabas narin si Miguel. "Ihahatid na kita." Sabi nito at dare darechong naglakad papunta sa kotse niya. Problema ba ng taong to? Kanina pa siya tahimik at seryoso.
"I thought after this we're going to have a drink." Nilingon niya lang ako sandali.
"Much better for you to take a rest." Sagot lang nito. Ngayon naman nagmamadali na siyang ihatid ako. Hindi ko maintindihan ang sarili bakit kailangan bumigat ang pakiramdam ko.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya pagkasakay namin pareho sa kotse inistart niya lang ang engine at saka nagmaneho.
"Wala." Seryoso nitong sabi habang nakatingin sa daan, hindi siya lumingon sakin kahit sandali darecho lang siyang nagddrive.
Hindi na lang ako umimik pero sadyang naninibago ako sa kanya. Hindi manlang siya nagsasalita.
"Migs, kanina kapa tahimik, you sure na okay ka lang?." Pagbasag ko sa katahimikan na iyon.
Lumingon lang siya sakin at ngumiti. "Okay lang ako." Tipid na sagot nito atsaka tumingin muli sa unahan ng dinadrive niya.
Matapos nitong sumagot hindi na ako muling nagsalita, think Samantha? What should you do para mapatawa siya?
Nilingon ko siya sandali na seryoso padin bago tingnan ang radio niya. Pinalitan ko ang music namin ng rakrakan.
At tinodo ang volume bago sumabay sa kanta at nagsusumayaw sa loob ng kotse na para bang timang.
Bakas ang gulat sa muka niya sa gulat sa ginawa ko. "Samantha what are you doing!?" Gulat na gulat na tanong nito.
Pero bilang sagot ay ginawa kung microphone ang phone ko saka sinabayan lalo ng may malakas na boses ang tugtog. "Oh yeah!!" Sabi ko.
Mukang timang na ako siguro sa mga pinaggagagawa ko. Pero masaya ako ng makabawi siya sa gulat ay napangiti nadin habang nakatingin sa daan.
"Yan." Lumingon siya sakin ng nagtatanong. "Mas bagay sayong nakangiti." Sabi ko at saka ngumiti ng pagkalapad lapad na siyang dahilan para mapabuga siya ng ngiti.
Ilan pang sandali pareho na kaming natahimik.
"You look sexy earlier." Sabi nito ng nakaharap padin sa daan.
Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa tapat kung bintana habang pinagmamasdan ang mga punong nadadaanan namin.
"Thanks." Tanging nasagot ko na lamang bago, hilahin na muna ang sarili ko sa antok.
Kanina padin ako pagod kakalangoy. Kaya hinayaan kona muna ang sariling magpahinga.
***
Matthew's Pov
"Pagkatapos ng fiesta father pwede bang magstay na muna ako dito ng mga ilang araw pa?" Tanong ko kay Father.
"Matt alam mong laging bukas ang tahanan ng Diyos para sayo." Buong sinseridad na sinabi nito bago tapikin ako sa balikat. "Sa susunod nga lang, hanggat maaari umiwas ka na muna sa gulo. Nakikita ng mga bata ang nagiging pasa mo sa muka."
Huminga ako ng malalim hindi ko alam pero lagi nalang malapit sakin ang gulo.
"Yes father." Matipid na sagot ko na lamang at ngumiti bago ibalik ang tingin sa mga batang kinupkop ng simbahan na ito.
Isa si Father Arthur sa mga tumulong sa akin sa Manila ng mga panahong hindi ko alam kung saan ako pupulutin, siya ang tumulong sakin ipakilala ang Panginoon at siya din ang nagturo sa akin kung paano maging mabuting tao.
Ngayon na napalipat na siya dito sa Cebu, hindi ko maiwasan na hindi siya bisitahin dito at ang mga batang minahal kona din.
"Kuya Matthew, magaling na ba kami tumugtog!?" Nananakbong palapit sakin ng mga batang to.
"Oo, kaya mas galingan niyo pa okay?" Sabi ko sa kanila saka ginulo ang mga buhok nito.
"Opo naman kuya, idol kaya namin ikaw. Diba? Lester? Barbie?" Nagtawanan nalang kaming lahat.
Isa ito sa mga unang naging tahanan ko, dito sila lang ang tumanggap sa akin bilang ako. Si Father Arthur ang nagsilbing ama amahan ko habang okupado ang tatay ko sa ibang bagay at paghahanap ng mga mali ko.
***
"H-hey?" Unti unti kung naimulat ang mata. Malabo pa sa una pero siya na agad ang nakikita ko? Napakagandang gising naman nito. Muka ng taong mahal ko ang unang makikita ko? If I could stay here for the rest of my life hindi nako aangal.
Ng tuluyan na ngang luminaw ang paningin ko. Nakita ko si Miguel na halos ang lapit lapit ng muka sakin.
Hindi pa man ako nakakabawi sa bigla, nilibot ko ang tingin, nandito na kami sa tapat ng bahay namin at muling ibinalik ang tingin sa kanya, na seryoso padin nakatingin sakin.
Pakiramdam ko ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, dahil sa sobrang lapit niya sakin ramdam ko ang init at bango ng hininga niya.
"M-migs.." Utal utal kung banggit sa pangalan niya, ngunit hindi siya nagpatinag, is he going to kiss me? Binaba niya ang tingin sa labi ko. I suddenly bit my lower lip dahil dito.
Pakiramdam ko rinig ko ang sinasabi ng puso niya, mabilis din ito, parehas ba kami ng nasa isip. Palipat lipat lang ang tingin naming dalwa sa mga mata at sa labi kaya naman tuluyan ko ng ipinikit ang mata ko upang hintayin na lamang ang mga susunod pang mangyayari.
Pero napamulat lamang ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng malambot niyang labi sa noo ko. Napasinghap ako ng kaunti dahil dito.
"Take a rest." Bulong nito na siyang dahilan para mapamulat ako na ngayon ay tinatanggal ang seatbelt ko saka nakangiting umayos ng upo upang bumalik sa upuan niya pero nakapatong padin ang isang kamay nito sa may sandalan ko.
I smiled. "Ikaw din." Sabi ko na lamang saka bumaba ng sasakyan niya. Sumilip pako sa kanya at kumaway maging siya bago siya umalis.
Pinagmamasdan ko lang ang likod ng sasakyan niyang paliit ng paliit sa paningin ko hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Natulala ako at napahawak sa noo ko, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kung ano man nararamdaman ko sa mga pagkakataon na to? Ito ay ang isang bagay na malinaw lang sa akin. Ito yung masaya ako. Masaya ako na dumating siya sa buhay ko. Masaya ako sa nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay walang paglagyan ang sayang ito na ayoko ng matapos.
Kung may isang bagay man akong takot na mangyari, iyon ay ang matapos ang sayang ito ng diko namamalayan.
Agad akong napahawak sa dibdib ko sa biglaang bigat ng pakiramdam ko dahil sa isipin na iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari yon.