Chapter 12: Effort

1982 Words
Samantha's Pov "Saaaaaaammy!!!" Napakunot ang noo ko kasabay ng pag inat. s**t! Aga aga pa para sa alarma ko "hey saaam!!" Ramdam ko ang dalwang sunod na pagtalon nila sa kama ko. Binuksan ang isang mata ko at nakita ko dito si Mich at Anne. Ano na naman kayang ginagawa ng dalwang to ngayon dito. "Girls, ano na naman ba?" Medyo iritable kung tanong. "Sam gumising kana dyan." Sabi nila na sinusubukan pang tanggalin ang kumot ko. "Ang aga pa. Hayaan nio muna ako makapagpahinga" "Hoy Sam 8am na may usapan tayo ng 7am kaya kami nagdarecho dito dahil nawala kana sa meeting place natin." Iminulat ko ng tuluyan ang dalwang mata saka humarap sa orasan ko, 8am na nga. Late na pala Napatingin ako dito sa dalwang seryosong nakatingin sakin. "Bumangon ka na sasamahan pa natin si Anne para mamili ng mga dadalhin bukas sa outing natin." Napakusot ako ng mata, naalala ko may outing nga pala kami, kasama ang mga friends namin in College. Gaganapin lamang ito sa isang resort sa Batangas. Isang friend namin ang galing America na siyang gagastos para sa outing na ito. Ngayon naman maghahanda kami para sa mga ootd naming tatlo. Kusot kusot ko ang mata at saka bumangon. "Maliligo lang ako." Pupungay pungay kung sabi sa kanila na agad naman nilang sinagot ng ngiti. Pagkatapos kung maligo at magbihis, bumaba na ako nakita ko silang dalwa. Si Mich na nakaupo sa bar stool mula sa kusina at si Anne na dala ang jar ko kung saan nakalagay ang mga cookies na bake ni Miguel. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nakapagteleport ako agad sa harapan niya at kinuha ang jar na hawak niya. "Anne" kunot noo ko siyang tiningnan. Napatawa naman ang dalwa. "Sam ang damot mo kumuha lang ako ng isa."  Sabi nito na nakanguso pa. "Akin to. Alam niyo namang..." They cut me off. "Si Miguel ang nagbake nan? Alam namin yon Sam." Tatawa tawa ang dalwa. Pagkatapos ng senaryong yon napagpasyahan na naming umalis, namili lang kami ng pang ootd namin at kaunting snacks para sa long drive bukas. Patanghali na ng matapos kami, kaya naman nagkaayaan na kami kumain sa isang malapit na Italian Restaurant. "Good afternoon, table for three please." Sabi ko pagkapasok namin. Agad kaming binati nito at hinaya sa loob. "Okay this way mam." Sabi nito at hinaya kami papasok sa loob. Pagkaupo namin, binigyan agad nila kami ng Menu nila at pinagsalin ng tubig sa tigi tigisa naming baso. "Mam, would you like to take some starter?" Tanong ng waiter. "Yea, we would to have, A creamy buratta and smoke salmon bruschetta." "Okay thank you mam." "And we are also ready for the main course. I would like to have a british trout." Order ko. At pinagtaasan ko ng kilay ang dalwa para umorder na din "Grilled chicken for me." Ordee ni Mich. "And a sirloin steak." "And a kale salad." Yun lamang at sabay sabay na naming sinara ang menu para ibalik ito sa kanya. Ilan pang sandali dumating na ang starter namin. Marami na kaming napagkwentuhang tatlo. Nakakamiss din pala ang dalwang to. Halos di namin to magawa na dati ay halos araw araw. Night out, minsan tambay sa bahay namin, kain sa isang restaurant. "Halos si Miguel na kasi ang nakakasama mo kesa sa amin." Nakangusong sabi ni Mich. "I agree. Nakakaselos na ha." Sabi naman ni Anne. "Sorry na eto na oh kasama niyo na ako." Sabi ko sa kanila. "Oo nga sa bahay mo kami matutulog ha." Galak na galak na sabi ni Anne. Kaya naman tumawa nalang ako at tumango sa kanya. Kasabay non ang pagvibrate ng phone ko na nakapatong sa table namin. Agad na nakuha nito ang atensyon namin tatlo. Sa diko inaasahan agad na kumabog ang dibdib ko ng makita ang pangalan niya. A one text message from him. "Hayy.." Tiningnan ko silang dalwa na nakangiti lang sakin. Kinuha ko phone ko para basahin ang text niya. "Been busy Im sorry, ang daming trabaho. Anong ginagawa mo?" Hindi ko mawari kung bakit ako nakangiti sa simpleng message niyang iyon. Hayy stress na naman ang baby Miguel ko. Kaya naman pagkatapos naming kumain, inuwi na muna namin ang pinamili, ako ang nakatoka ngayon sa kusina para magluto ng dinner namin at dahil stress na naman ang bebe ko. I texted him earlier to come over para dito na magdinner kasama namin, dahil nagluto ako. Pero hanggang ngayon na gabi na wala padin siyang reply. Tambak na naman ang trabaho niya, so I decided na siya na ang puntahan doon, Im sure na hindi pa din siya nakain. Pagkaluto ko ng Pork Sinigang, pinaghanda kona sa isang tupper si Miguel. Pupuntahan ko na lamang siya sa office niya. At dahil late na at gutom narin kami, umuna na kaming magdinner. "Samahan kana kaya namin, o kaya kumain na muna tayo." "Hindi na. Mabilis lang ako." sabi ko saka kumaway pagpapaalam sa kanila. Napapailing na lamang sila sa akin. Pagkasakay ko sa kotse, nakatingin ako sa dala dala ko habang nakangiti. Pagdating ko sa office niya. Nagdarecho ako sa information desk. "Good evening is Mr. Arcela here?" Tanong ko sa isang medyo nasa late 40s na babae. Nagtatanong ang tingin niya sakin. Alam ko hindi niya ako kilala. Dahil ito yung first time ko na magpunta dito. "Wait.." Kinuha niya ang phone at may dinial dito. "Sino daw ho kayo?" Tanong nito. "Pasabi Samantha po. Salamat." Ngiting ngiti kung sabi. Ilan sandali pa siyang nakayuko habang may kausap sa telepono at saka naman ngumiting humarap muli sakin. "Leny" tawag nito sa isang babaeng nakaoffice attire. Mukang intern pa. "Yes mam sally?" Nakangiti siya sakin bago ibalik ang tingin dito sa babaeng nasa information desk. "Pakisamahan si Mam Samantha sa office ni Mr. President." "Okay Ms. Samantha, this way." Nakangiti nitong pagaaya sakin, nakasunod lamang ako. Napakalaki ng Company nila, inililibot ko lamang ang tingin dito ng tahimik hanggang sa magsalita si Leny. "Girlfriend po kayo ni Sir?" Agad nabalik ang tingin ko sa kanya na ngayon ay ngiting ngiti sakin. Napangiti ako ng tipid at umiling iling, kumunot ang noo niya ng bahagya. "Sorry too personal po Mam, pero ang ganda ganda niyo po kasi akala ko girlfriend kayo ni Sir." Ngumiti lang ako sa kanya. But at the back of my mind Im wishing na sana nga girlfriend na lang niya ako. "Nakakagaan dito sa office niyo, lahat nakangiti lang." Sabi ko. Dahil halos ng madaanan namin at makasalubong e nakatingin sa amin. "Oo naman Miss Samantha, yun kasi ang gusto ni Sir." Sabi nito. "Saka happy lang dapat, dahil kapag masaya ka, hindi narin maiiwasan ng isang tao ang mapangiti kahit ano pang problema ang dala dala nito. Mas mahirap magtrabaho ng palaging nakamungot na parang laging pinagsakluban ng langit at lupa. Dahil makakaapekto yun sa mga kasama dito sa opisina." Dare darechong sabi nito. Napatawa ako dahil dito. Mukang bata pa si Leny siguro ay nasa 20+ lang. "Bago ka lang dito?" Tanong ko. "Yes mam, kakagraduate ko lang ng business ad." "Talaga? Ako din graduated ng business ad." Sabi ko. Napangiti siya na parang di makapaniwala. "Alam mo Miss Samantha, sana ikaw nalang ang girlfriend ni Sir." She blurted out. Na siyang nagpakunot ng noo ko. "H-ha?" Natauhan naman si Leny dahil sa sinabi niya at napatakip sa bibig nito. "Sorry mam ang daldal ko. Anyway wala naman sigurong mali sa sinabi ko." Ngayon ay bakas ang kaunting takot sa muka niya. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "What do you mean? May girlfriend si Miguel?" May kung anong tumusok sa dibdib ko ng mga sandaling iyon. Nagkibit balikat lamang siya. "Hayy mga lalaki kasi hindi marunong magbring up ng topic pagdating sa past relationship nila." "Anong ibig mung sabihin?" "Si Sir kasi nagkaron ng 8 years girlfriend, at sa pagkakaalam ko dahil narin sa mga naririnig kung chismis mula dito sa opisina, itong si Girl ay hindi sumipot mismo sa araw ng kasal nila." Natahimik ako dahil sa narinig. f*****g feelings, past relationship ibig sabihin wala na. Past na! Pero bakit ang bigat padin sa pakiramdam nito. "Pero alam mo miss sam, mahal na mahal daw ni Sir yon, kahit na hindi siya nito sinipot. Naghintay padin si Sir na magbalik ito upang ipaliwanag ang sarili, tinanggap niya itong muli pero yung babae na ang may ayaw kay Sir. Sobrang sakit ng pinagdaanan ni Sir sa ex niyang iyon, at hanggang ngayon mahal na mahal padin niya ito. Kaya nga nakangiti kami kasi bago ka sa paningin namin Miss Sam, akala namin girlfriend ka niya." Sabi nito na may halong lungkot. At tumingin sakin. "Pero ano mo nga ba si Sir?" Tanong nito. "A friend." Tipid na sagot ko. "Bagay kayo ni Sir." Hindi kona siya pinakinggan pa, hindi ko mawari dahil ang weird ng nararamdaman ko sa mga pagkakataon na to. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Kahit kailan hindi namin napagkwentuhan ang tungkol sa ex niya dahil ayaw niya itong pagusapan. May kung anong mabigat sa pakiramdam ko dahil dito. Sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko na ultimong paghakbang ko ay bumibigat. "Hayy miss sam tara na, nagiging madaldal na ako." Sabi nito na matawa tawa sa sarili pa. This time natahimik nako habang sinusundan siya. Ilan pang sandali narating na namin ang office niya. Kumatok muna siya. "Come in." Sabi mula sa loob. Pagbukas ng pinto, siya agad ang nakita kung nakatuon ang pansin sa mga papeles na nasa harapan niya. Binalingan niya kami ng tingin, sa pagkakataon na to medyo gumaan narin ang pakiramdam ko simula ng makita siya at ang ngiti niya ng makita ako. "Maiwan kona muna kayo Miss Sam." Bulong ni Leny sa tabi ko at umalis na. Tumayo si Miguel paglapit sakin "Napadaan ka dito." He gladly say. I just smiled at him saka tinaas ko ang dala ko. "Im sure hindi kapa kasi kumakain." /nagtataka lang siyang nakatingin sakin habang inaayos ko ang dala kung pagkain sa mini table niya mula sa side. "Salamat." Bulong nito. "Alam mo, ipagpabukas muna yan, kumain kana at magpahinga." Sabi ko sa kanya na kinakunot ng noo niya pero nakangiti padin naman. "Eto may dala akong stress reliever mo." Natawa siya ng kuhanin ko sa isang paperbag ang dala kung malaking lalagyanan ng flavored strawberry stick-o. "Wow, halika dito sabayan muna akong kumain." Sabi nito at umupo nasa pinaghainan ko ng dinner niya. "Kumain na ako. Para sayo talaga yan."sabi ko habang titig na titig sa mga mata niya. Hindi ko alam pero nandito padin sa puso ko ang lungkot dahil sa nalaman. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain, gusto kung magtanong sa kanya. Gusto kung malaman ang nangyari sa kanila ng ex niya. Gusto kung malaman kung bakit? "Ang sarap, ang tagal ko na ulit ng huling makakain ng lutong bahay" he said "Im sorry, hindi ako makasagot sayo kanina. Ang dami ko kasing ginagawa, nagkaron pa ng kaunting problema sa board meeting kanina." Saad nito. "Masyado ka na namang nagpapaka stress sa work. Alam mo bukas? Sumama kana lang sakin." Napaangat ang tingin niya sakin habang sarap na sarap sa kinakain. "Saan?" Kunot noo nitong tanong. "May outing kami bukas with college friends. So para makapagrelax ka na din. Masyado mong pinapagod ang sarili mo." Sabi ko, mahinahong umangat ang gilid ng labi nito. "Gustuhin ko man pero..." "Walang pero pero, sumama kana." Matigas na sabi ko. Tumingin lamang siya sa mga mata ko panandalian bago hawakan ng isang palad ang pisngi ko. Sa pagkakataon na to pakiramdam ko huminto na naman ang takbo ng oras. "Sa mga ganitong pagkakataon na ito, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Sabi nito habang hinihimas ang muka ko. Napapikit ako dahil sa ginagawa niya. "Alam mo namang nandito lang ako palagi para sayo." Out of nowhere kung sagot. He just smiled at me. And mouthed thank you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD