Samantha's Pov
Isa isa na namin inayos ang mga gamit namin ng mga kaibigan ko.
"This will be fun!" Sabi ni Mich na ngayon ay inaayos na mula sa bag niya ang gamit.
"Girls bilisan niyo na!" Sigaw ni Anne mula sa baba. Nagkatinginan kami ni Mich at napatawa.
I wear frayed denim short and white top shirt plus my gucci sunglasses.
"Lets go!" Aya ko at sakbit ng tote bag sa balikat, pagbaba namin sa hagdan nakita namin si Anne na nasa labas, kumakaway.
"Girlsss Miguel is here!!" Sigaw nito, kaya naman nagmadali na kaming bumaba.
Pagbaba ko, nauna nasi Mich at Anne na lumabas kinuha ko muna at chineck ang bahay bago iwan saka lumabas na din.
Ngunit pagkasara ko sa front door ng bahay ay para ba akong biglang natigilan paglabas ko mula sa gate.
I saw Miguel leaning on his convertible BMW M6. Ng makita niya ako agad siyang napaayos ng tayo at lumabas ang kislap ng ngiti, tinanggal niya ang gold plated rayban at sinulyapan ako ng ayos. Ganon din ako dahan dahan at tila slow motion kung tinatanggal ang shades. Hindi kona rin mapigilan ang mapangiti, looking at him is one of my favorite thing to do.
Everyday, he even more hotter. And what makes him even hotter is his glance and those killer smile. He's just wearing a grey khaki shorts and a simple navy blue polo shirt na nakaunbotton pa sa dalwa, hindi ko mapigilan ang mapatingin sa medyo lantad niyang dibdib.
Lumapit ako sa kanya pero nakatitig lang siya sakin ng nakangiti at hindi nito inaalis ang tingin. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga tingin niyang iyon sa akin. Hindi ako nagpatalo sa mga titig niya at sa bibig niyang medyo nakaawang pa, napapatawa ako ng mahina sa isip ko, pakiramdam ko he's under my spell.
Kung pwede ko lang sanang ihinto ang oras sa pagkakataon na to ginawa ko na. If they will ask me what is my favorite thing to do. I would say this! At this moment, Im stuck by his eyes. Pareho lang kaming nakangiting dalwa. Parehong nangungusap ang mga mata. Kung hindi ako nag aassumera, ramdam ko ang connection sa mga tingin niya. Pilit kung binabasa ang nasa loob niya, alam ko sa pagkakataong ito isa lang ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon.
"Magtititigan na lang ba kayo dyan!?" Napukaw ng pansin namin ang boses na sumigaw sa amin. Napakamot ako sa noo habang pasimpleng sinasamaan ng tingin ang mga kaibigan ko na nakasakay na pala sa likod I saw Mich and Anne na taas baba ang kilay samin, na tila nang aasar.
"Im sorry." Sabi nitong kaharap kona kakamot kamot pa ng batok. "You look good today." Bulong nito na pinagkakunot ko ng noo. "Well you always been look beautiful, but today you are extra beautiful." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang maginit ang pisngi dahil dito. Titig na titig lamang ako dito habang pinagbubuksan ako ng sasakyan.
Myghadd Samantha, nababaliw kana! At oo inaamin kung nababaliw na ako sa lalaking ito.
Inaya na niya ako pasakay sa sasakyan niya when I saw someone unfamiliar, na napansin ni Miguel.
"Ahmm. Si Alex, my cousin. Nagpupumilit sumama e. Okay lang ba?" Tanong nito sakin
"Hi Samantha." Masayang masayang pagkaway nito sakin bago ako sumakay ng sasakyan. Nasa likod siya na pinaggigitnaan ni Mich at Anne.
Ngayon ko lang napansin si Alex. Paano ko ba naman siya mapapansin, sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Oo naman. Okay lang." Sabi ko saka ningitian si Alex na ngayon ay kakwentuhan nasi Mich at Anne.
"Friendly kasi masyado, kaya ayan mukang close na agad silang tatlo." Bulong ni Miguel sakin bago ako pagbuksan ng pinto.
Ng masiguro naming handa na kaming lahat, I wore my floppy straw sun hat, ganon din ang mga kasama namin.
Habang nasa byahe ay napakasaya, nagplay si Miguel ng masasayang music sa player niya.
"May boyfriend ka na ba Anne?" Napatingin ako sa malakas na boses ni Alex, sumisigaw ito malapit sa tenga ni Anne na katabi lang niya, dahil narin sa malakas na hangin hindi sila magkaintindihang dalwa.
"Wala." Sagot ni Anne, nakita ko si Mich na tawang tawa sa dalwa ni Anne at Alex na ngayon ay tila nagliligawan. Halatang naaasar kasi si Anne sa kakulitan nitong si Alex.
"Bakit wala? Maganda ka naman." Buong byahe namin ay panay ang kulit ni Alex kay Anne.
"E kasi wala, wala pang magkamali!" Sagot ni Anne.
"Sus! Tumingin ka sakin! Ako handa akong magkamali para sayo!" Tatawa tawang sabi ni Alex.
Nagsimula kaming maghiyawan at magkantsawan sa dalwa, si Anne naman parang nandidiri, well Alex is also handsome and what makes him hot is his tanned skin. Malaki siya na palagay ko ay nasa 5'6 ang taas. Bagay sila ni Anne.
"Guys magtigil nga kayo." Naiinis na sabi ni Anne, tumawa lang kami ng tumawa hanggang sa napaikot ang tingin ko sa katabi kong si Miguel.
Darecho lang siyang nakatingin sa daan habang tawa din ng tawa. Nastuck na palagay ko ang mata ko sa kanya, hanggang sa natigilan ako at napatitig sa mapupula niyang labi pababa sa leeg niya na bakat na bakat ang adams apple.
"s**t Alex ano ba!? Tigilan mo nga!?"
"Hoy kayong dalwa ang likot niyo naiipit na ako dito ha!"
Muling nabalik tingin ko panandalian sa likod namin, si Alex kasi ay halatang masayahin very cheerful, inaasar si Anne, sinusundot ang kili kili.
"Alex, umayos ka dyan. Nakakahiya sa mga kasama natin." Sa buong byahe ngayon lang nagsalita si Miguel, tumatawa lang siya kanina pa.
"Sus insan, kailangan masanay na tayo lalo na ngayon girlfriend mo kaibigan nila." Sabi ni Alex na siyang ikinabigla namin. Ramdam kong natahimik din si Miguel mula sa tabi ko.
"H-ha? Girlfriend? Sam totoo ba to? Kayo na ni Miguel?" Di makapaniwalang tanong Mich.
Pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil sa biglaang init nito. Hindi ako makasagot sa biglaang tanong nila. Hindi naman kami ni Miguel, we're just friends.
Napatingin lang ako kay Miguel na tahimik lang pero bakas dito ang ngiti sa muka.
"Uyy Sam totoo ba?" Tanong naman ni Anne. "Hoy Alex imbento ka ha." Napayuko ako, ngunit napaangat agad ang tingin ko ng hawakan ni Miguel ang kamay ko sa lap ko. Nagkatinginan lang kami panandalian at muli niyang ibinalik ang tingin sa daan.
"Woooooo!!!" Napatingin kami ni Miguel agad ng magsigawan silang tatlo na pare parehong nakatingin sa kamay ni Miguel na nakahawak sa kamay ko. Nagsisigawan silang tatlo na tila nakakabingi.
"S-sammy?" Hindi makapaniwalang tanong nila Anne at Mich pero agad ko ditong napansin ang magandang ngiti na para bang malungkot na masaya. "Masaya kami para sayo." Agad akong nailang dahil sa mga reaction nila, nabawi ko ang kamay ko kay Miguel na ikinagulat niya, pero agad din naman napatawa ng mahina.
"G-guys tigilan niyo nga kami." Sabi ko na lamang.
Ng matahimik kami pare pareho, lumagapak ako sa isang malalim na isipin, may kung anong mabigat sa pakiramdam ko, pero ito yung bigat na masaya, yung kuntento, yung kilig? Pero may tanong sa isip. Bakit niya yun ginawa? Bakit ng tanungin kami kung kami ba? E hinawakan niya lang kamay ko at walang sinabi? Anong ibig sabihin nito?
Nanahimik na lamang kami pare pareho, makalipas ang dalwang oras nakatulog na pala ako. Ginagalaw ako ni Miguel upang gisingin. Pagtingin ko sa paligid. Nandito na pala kami sa Resort.
"We're here" bulong nito sakin. Naiikot ko ang mga mata sa buong lugar, parang liblib pero sapat lang.
Ngumiti ako sa kanya at bumaba na kami, sila Mich, Anne at Alex ay umuna nasa loob, kasunod lamang kami. Nakita namin dito si Jeffrey Fuentes! Siya yung sinasabi kung galing America na sumagot sa Beach House namin, na ngayon ay kausap ang isa sa mga staff dito.
"Heeeyyy" Bati niya ng makita kami. "Santos, Cruz at Marquez!!" Pagkalapit niya ay bineso niya kami.
Nakakaamaze lang tila ba natulala kaming tatlo nila Anne at Mich ng makita si Jeffrey, sino ba naman magaakala na tong lalaking to ay aayos ng ganito. Sa totoo lang kumpleto kaming barkadahan na nagpunta. Isa kaming barkadahan na kinabibilangan ng sampung tao. Kami talaga ang solid! At si Jeffrey ang madalas namin binubully noon dahil sa chubby nitong katawan.
"Wait where's Jane?" Tanong nito.
"Nako, ayun nasa Japan na." Sagot ni Mich.
"Wow, its good to hear that."
"Namiss ko kayo!" Sigaw ni Suzy saming lahat habang magkadaop pa ang dalwang palad. "Walang spoiler ha! Mag eenjoy lang tayong lahat." Tuwang tuwang sabi nito na sinang ayunan namin.
"Oo nga, minsan nalang tayo magkasama sama kaya......" Sigaw ni Tony, nagkatawanan kami dahil sa sigaw niyang iyon at nagkatinginan kaming lahat sabay sigaw din
"....walwalan na!!!" Dugtong namin sa sinabi niya.
"Hey girlsssss" Agad kaming napalingon kay Tasha na bukang buka ang kamay payakap samin. Maging sila Shiela Tony, Bryan at lahat sila ay sinalubong na kami ng yakap.
"Kamusta na kayo!?" Tanong ni Tasha. Tasha is one of the simpliest girl in our group, nerdy style kasi pero nagkatinginan kami ngayon tatlo nila Mich at Anne dahil sa pormahan nito ngayon na halos kitang kita na ang cleavage.
"O-okay naman." Sagot namin.
"Guys yung beach from our house is 10 minutes walk! So lets start to put our staffs first in our designated rooms so ng sa ganon makakain na muna tayo." Pagpukaw ni Bryan ng pansin ng lahat.
"Okay okay." Naglakad na kami at sumunod sa kanila, si Mich at Anne ay may kanya kanya ng mundo si Mich na kakwentuhan ang iba naming barkada samantalang si Anne na kinukulit padin ni Alex ngayon. Kasunod ko naman mula sa likod ko si Miguel.
"Psht." Napalingon ako sa kumuhit sakin at ngumuso papuntang likuran ko. "Jowa mo?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Tasha at sinundan ng tingin ang nginungusuan niya.
"Ha? Bakit?" Pabalik kong tanong sa kanya. Ngunit ngumiti lamang siya ng pagkalaki laki at umiling.
"So jowa mo nga?" Muling pangungulit nito. Napalingon akong muli kay Miguel habang dala ang isang nike travelling bag at bag ko din. Dala na kasi ni Alex ang bag ni Mich at Anne na umuna na samin. Nagpahuli kasi kami maglakad. "Uyy ano nga?" Muling pangungulit niya.
"Kaibigan." Tanging sagot ko, pero mas ikinakunot ng noo ko ang naging reaction niya.
"Perfect! I like him kasi. Kanina ko pa siya tinitingnan. Do you think? Matypan niya kaya ako!?" Tanong nito na ikinabuga ko lang ng hangin, hayyy tanghaling tapat pinapainit ni Tasha ang ulo ko. Ngayon na lamang kami ulit nagkita, bbwisitin niya pa ako.
"No!" Simpleng sagot ko at naglakad na upang iwan siya don na nagtataka sa naging sagot ko.