Chapter 14: Friends

1889 Words
Samantha's Pov Pagkarating namin sa rental house na napili ng mga kasama ko, which is sobrang nakakamangha sa ganda, dahil mula dito sa tirasa ay kitang kita ang magandang view, nakakamangha din ang bahay na ito na four-storey, at may four bedrooms na pwedeng makaaccommodate hanggang 25 persons. Inilibot namin lahat ang tingin, ang mga kasama ko na naguunahan pumasok sa loob lahat kami namangha dito. Pinagmasdan ko ang loob, it has two main living room which is napakaganda ng ayos, may bar entertainment din dito na kaharap ang isang fully equipped infinity pool, bakit ko nasabi? May bose surround speaker kasi siya, magic sing system at 56 inch Bravia LED TV. Nakakamangha lang sa ganda. May Sauna room at Steam Room din. Lumabas kaming lahat, may BBQ area din. "Guys, ipanik na muna natin ang mga gamit sa taas." Napalingon kami sa nagsalitang si Tony. "Oo nga tara gutom narin ako." Saad naman ni Shiela na himas himas pa ang tyan. "Boys, kayo ang nakatoka ngayon para sa lunch natin." Tatawa tawang saad naman ni Tasha. "Oo na Tash, magayos na kayo!" Sagot dito ni Bryan. Napalingon ako kay Jeffrey na ngayon ay nasa kusina na. Nilapitan ko siya. "Kailangan mo ng tulong?" Tanong ko dito. Ngumiti lang siya sakin at umiling. "Hindi na. Magpahinga na muna kayo, tatawagin nalang namin kayo pagkaluto" nakangiti nitong saad habang inilalabas ang mga dala nilang lulutuin. Pagtingin ko sa labas which is sa may side lang mg pool, andon si Tony, Joshua, Alex at Bryan na inaayos na ang pang grill sa dala naming bbq. Nilingon ko naman si Miguel ngayon na kausap si Tasha na siyang dahilan para mapakunot ang noo ko. I was about na maglakad palapit sa kanila ng maagaw ng pansin namin ang biglang sigaw. "Wooooo!!!!" Si Mich at Shiela na ngayon ay nakababad na sa swimming pool, at si Alex at Bryan na tawa ng tawa sa kanila. Napansin ko si Anne na dali daling lumapit sa dalwa upang agad nitong itulak din si Alex at Bryan!!. "Woooo s**t anne!!!" Sigaw ng dalwa. "Nakakainis kayong dalwa!" Galit na galit na sabi nila Mich at Shiela mula dito. Habang nagbabasaan na sila don. Bumalik ang tingin ko kay Miguel na naglalakad na papuntang kusina, kasunod si Tasha. Hindi ko nalang sila pinansin, umakyat na ko sa kwarto para ilagay doon ang iba naming gamit. Pagpasok ko sa kwarto, nakakamangha lang din talaga ang ganda dito, napakalaki. Ibinaba kona muna sa gilid ang bag at saka umupo patalon sa malambot na kama. Habang nagmumuni muni ako dahil sa pagkainis kay Tasha, tumayo nalang ako upang lumabas sa balcony kung saan mas tanaw na tanaw ang beach ng resort na to. Napakaganda, mula dito pansin ang ang puting buhangin at malinis na lugar, halatang halata din ang clear water dahil narin sa linis ng buong paligid.. "Saam! Nandito ka pala." Napalingon ako sa pumasok, si Mich at Anne pala na parehong basang basa na. Pati narin pala si Anne ay naglublob. "Nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanila na pumasok sa isang pinto, ngayon ko lang napansin na may sarili pala kaming bathroom dito, at ang nakakamangha pa napakalaki nito. Ilan pang sandali lumabas na rin yung dalwa na nakabathrobe.. "Si Tony kasi tinulak din ako." Sabi ni Anne na ngayon ay sinusuklay ng daliri ang buhok. "Anong ginagawa mo dito? Bat dika pa bumaba?" Tanong ni Mich. "Oo nga. Anyway, si Miguel nag volunteer na magprepare ng ibang pagkain natin." Nakangiting sambit ni Anne. "Ganon ba." Tanging sagot ko lamang, naupo si Mich sa kama habang si Anne naman ay nakacross arms habang nakatingin sakin. Tinititigan lang nila akong ng may malisyosang ngiti. Kumunot ang noo ko, sa tagal ko ng nakakasama ng mga to. Alam kona ang nasa isio nila. "A-ano?" Tatawa tawang tanong ko habang sumandal sa sliding door at nagcross arms din. Nagtinginan si Mich at Anne na siyang mas nakapagpalaki ng mga ngniti nila. Hayy kilala kona tong mga to, at kung hindi ako nagkakamali may gusto silang sabihin sakin, at may gusto silang sabihin ako. "Ikaw ha. Baka may gusto kang sabihin samin ni Mich." Malisyosang tanong nito. Humakbang ako ng dalwa palapit sa kama. "Tama Sam, so ano na?" Taas kilay na tanong ni Mich sakin. "Anong ano na?" Patay malisya kung tanong. Pero napapangiti ako. Hindi ko alam kung bakit, ang sarap sanang isipin na sakin siya, ang sarap sanang angkinin siya. "Anong ano ka dyan!? Ikaw? Si Miguel? Kayo? Ano na?" Taas kilay na tanong nadin ng dalwa muli. "Sam, come on!" Tila natahimik ang dalwa at darechong nakatitig sakin. Naghihintay ng isasagot ko. Nahulog ako sa malalim na isipin ng mga sandaling iyon, pero ang totoo naman talaga ay wala, walang kami. Magkaibigan lang kami ni Miguel. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya para sa akin. Ayokong mag assume sa mga bagay at ginagawa niya para sa akin, para sa huli hindi ako masyadong masaktan. Pero mukang hindi kona ata control ang bagay na yon, dahil kahit yun ang nasa isip ko ang wag magassume, iba naman ang sinasabi ng puso ko, ang maniwala, ang maniwalang may pagasa. "Wala. Kayo ha, magkaibigan lang kami." Tanging sagot ko. Kumunot ang mga noo nila. Lantad ang disappointment sa muka. "Walang kayo? Pero halos lagi kayong magkasama? Saka ano yon para sa kanya? Eto? Yung mga bagay na ginagawa niyong dalwa ay hindi ginagawa ng typical na magkaibigan lang." Dare darechong sabi ni Mich, ramdam ko ang pagaalala niya sakin at pagpapalakas ng loob. "Siya ba? Wala ba siyang sinasabi?" Tanong naman ni Anne. "Well ako ha feeling ko lang, may something din si Miguel para sayo." Napangiti ako ng mapait. Gusto ko sanang paniwalaan lahat ng sinasabi nila. Pero alam ko na mali. Hindi ko alam, kung ano ba talaga. "Why dont you confront him?" Napatayo si Mich at nilapitan ako para akbayan. "Malay mo, pareho lang kayong nagkakahiyaan diba?" Sabi niya sabay kindat pa sakin. Lumapit din sakin si Anne at hinawakan ang dalwa kung kamay habang kumikislap ang mga matang nakatingin sakin. "Oo nga,di ba umpisa pa naman alam na niyang gusto mo siya, so kung alam niyang gusto mo siya? At ganito siya makisama sayo? Feeling ko girl, gusto ka din niya!" Pagpapalakas ng loob sakin ni Anne. Napaisip ako sa mga sinabi nilang dalwa sakin. Oo nga, may point sila. Alam ni Miguel na gusto ko siya. Alam ni Miguel umpisa pa lang. Alam ni Miguel na siya ang first ko. May nangyari na samin, hindi kaya malabong may gusto din siya sakin. Umalis ako sa pagkakaakbay at hawak ni Mich at Anne, naglakad ako sa kabilang side ng kama at hinarap sila na ngayon at nakatalikod sa balcony. "Ako pa? Ako yung babae, so bakit ako yung magtatanong?" Napatawa at naiiling naman ang dalwa sakin. Pare pareho kaming natigilan hanggang sa may kumatok na sa amin. "Sam?" Napairap ng malisyosa at nagpipigil ng ngiti sa kilig ang dalwa ng marinig namin ang boses na tumatawag sakin mula sa labas. "Andyan na siya." "Go na tawag kana ni 'friend mo lang'" tatawa tawang mahinang boses na sabi nila sakin with hand gesture pa ng qoutation mark. "Are you busy?" Muling katok at tanong mula sa labas. Naibuka ko lang ang bibig at tila walang salitang mailabas. Hanggang sa inayos ko ang sarili at lumapit sa pinto. "Hey.." Bati ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto. I saw him standing, napataas ang tingin niya sakin at napangiti. "Luto na kasi sa baba, halika na?" Pag aya nito. Tumango lamang ako at tumingin sa dalwang nasa likod ko na ngayon ay tila pinagtatabuyan ako, yea pinapasama nila ako gamit ang mga kamay nila pantaboy, hindi ko kasi binuksan ng malaki ang pinto konti lang at tila nakasilip lang ako pero sapat naman para makita niya ako ng ayos. "Sige." Sabi ko, lumabas narin ako para sumama pababa kay Miguel. "Si Mich at Anne ba?"Tanong nito sakin. "Pababa narin yung dalwa may inaayos lang sa taas." Sabi ko. Pagkababa namin, nakita namin silang lahat sa dining area. Kinawayan na nila ako. "Oh nasan sila Mich at Anne?" Tanong ni Shiela. "Nasa taas pa pababa narin sila." Sabi ko lamang. "Sunduin kona silang dalwa." Sabi ni Alex at umakyat na sa taas para sunduin yung dalwa. "Grabe, ang sasarap ng pagkain natin. Bigatin kana talaga jeffrey!" Manghang manghang pagkakasabi ni Bryan habang iniisa isa ng inaayos ang pagkain sa mesa. "Ikaw nagluto nan?" Tanong ko kay Migs na ngayon ay pinagayos ako ng mauupuan at umupo nadin sa tabi ko. "Oo." Nakangiting sagot lamang nito. "Woooow ang bango naman nan" Malakas na boses ni Mich habang pababa ng hagdan. "Halina kayo dito at magkainan na tayo." Saad naman ni Tony na pinaglalagay ng kanin ang mga babae sa plato. "Buti pa tong si Tony nagkalaman lang, naging sweet na e." Si Tony naman kasi ang isa sa mga pinakapayat sa barkadahan, kung asarin namin siya ay isang hangin nalang ang buhay niya. Nagtawanan kaming lahat. "Hoy Tasha, lahat tayo nagbago na, ikaw mas gumanda ka ngayon kesa dati muka kang geek pumorma!" Napatawa kami sa sagot ni Tony. "Hoy tony, iba nako ngayon no." Sagot ni Tasha. "Tama guys maganda nga si Tasha, biruin niyo hindi ko akalain na mapapanganga ako one day sa kanya." Pang aasar naman ni Joshua dito na siyang tinampulan namin ng tuksuhan. Si Joshua kasi ang ultimate crush ni Tasha dati, kung wala lang asawa si Joshua baka naitukso na namin ang dalwang to, para madivert narin ang isip ni Tasha at wag ng ibaling atensyon kay Miguel. "Hoy joshua If you are trying to flirt with me, Im sorry, Im not into married man." Sabi nito at sabay tingin kay Miguel ng nakangiti, yung ngiti niya may iba. Napatingin naman ako sa katabi kona ngayon ay pinaglalagay ako ng kanin sa pinggan, he cooked a steam crab with boiled broccolli sa side. Pinagbabasag niya ako ngayon nito at pinagtatanggal ng laman. Napalingon ako kay Tasha na iba ang tingin saming dalwa ni Miguel. "Hay nako guys kumain na tayo! Lapangan na!" Malakas na boses na sabi ni Jeffrey. Nagsimula na kaming magkainan, syempre may kasama pading kalokohang kwentuhan. Masyado naming namiss ang isat isa. Sa dami ng mga kwento namin sa mga nangyari sa buhay namin kulang ang maghapon para dito. Matapos naming kumain. Napagpasyahan namin na sulitin ang short vacation na to. Bumaba kami para magswimming at subukan ang mga water activities na naaccommodate ng binayaran namin. Pagdating namin dito, kanya kanya na silang laglagan ng mga sunglasses, hat, bags, slippers. Sayang saya at excited na excited maglalangoy. Nakatingin lamang ako sa mga kaibigan ko na pasampa ng bangka. We decided to try snorkeling first Ako naman, I wore my black one piece bikini, pero may nakapatong na see-through, mamaya ko nalang tatanggalin pag nasa tubig na kami. Naglakad ako papunta sa beach. Ngunit para akong nasa fairytale, naglalakad palapit ngayon kay Miguel na titig na titig na naman sakin. I smiled at him at kinawayan siya. Napangiti lang ito at nanakbo palapit sakin. "Let's go?" Inaya niya lamang ako. "Miguel!" Agad kaming napalingon sa tumawag, si Tasha pala na palapit samin ngayon. "Tasha." Banggit nito sa pangalan ni Tasha. "Tara?" Pagaaya nito at bigla na lamang hinigit sa kamay si Miguel. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD