Chapter 15: James Saavedra

1589 Words
Pagkasakay namin ng bangka sumiksik samin agad si Tasha, na siyang ikinaiinis ko. Hindi ba makahalata ang babaeng ito? Sinabi ko ng hindi kanina. Tahimik lamang ako sa buong pag babaybay namin papunta sa malayo layong parte ng dagat. "Guys groupfie tayo." Sigaw ni Jeffrey mula sa unahan namin. Tatlo sila ni Bryan at Tony na nakaupo sa unahan, samantalang ako naman ang nasa likod nila, kami ni Miguel at Mich, sa likod naman namin ay si Shiela Anne at Alex, si Tasha nasa likod pa. Agad agad naman kaming nagsipag posing kanya kanya ng itaas ni Jeffrey ang go-pro niya. Matapos ng mga ilang shots namin, nakarating narin kami sa medyo malayo layong parte, pero mula dito, tanaw padin naman namin ang Isla. Kanya kanya na kaming suutan ng diving mask at breathing tube. I saw Miguel na naghubad ng kanyang tshirt. Naginit ang pisngi ko ng mahuli niya akong nakatingin sa kanyang buhok mula sa ilalim ng pusod niya papuntang doon! Napalunok ako at paiwas na tumingin sa ibang direksyon. Tila natawa siya sa naging reaction ko. "Lets go!" Sabi nito at bago pako makareact ay hinila na niya ako patalon sa dagat. Napapikit ako ng pakiramdam ko ay nakalunok pako ng tubig. Lumutang ako agad kasabay ng paglutang niya. Nagkatawanan lamang kami at tinalsikan ko siya ng tubig. "Ikaw ha." Tatawa tawang sabi ko habang tinatalsikan siya ng tubig. Nakangiti lamang ito sakin. "Thanks for making everything easy." Sabi nito, natahimik lamang ako at ningitian siya. May lungkot akong nakita sa mga mata niya na agad din naman nawala ng ako naman ang basain niya. "Waaaaahh!! Bwisit ka talaga Tony!!!" Napalingon kami pareho sa sumigaw. Si Shiela pala na nakahawak sa may bangka at tila ayaw umalis dito. "Halika dito! Dito tayo." Tila pang aasar naman ni Tony kay Shiela na pilit hinihigit. Nagtawanan na lamang kami lahat. Para silang mga bata, ayaw paawat ni Tony at nanghingi pa ng tulong kila Jeffrey at Bryan. Siraulo talaga tong mga to. "Natatakot nga ako! Humanda kayo sakin tatlo kapag nakabalik na tayo sa oangpang!" Sigaw pabalik ni Shiela. "Anne, sisid tayo." Rinig kung sabi naman ni Alex mula sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya na panay ang kuhit kay Anne na ngayon ay tawang tawa kay Shiela. "Tara?" Nagakatinginan kami ni Miguel at sabay napangiti dahil sa nakangiting reaction ni Anne dito. "Tol." Tawag ni Miguel kay Alex at nagkasensyasan pa ang dalwa. Napakunot ang noo ko dahil don. Anong senyasan yon? Anong ibig sabihin non? Pagkatapos ng mga yon. Sinubukan din namin sisirin ni Miguel kasama pa iba namin mga kasama. Nakailang shots ako mula sa water proof kong camera, napakaganda ng ilalim ng dagat. Isa ito sa mga yaman ng mundo. Hindi lahat ng tao may pagkakataon makita ang nakikita ko ngayon. Dahil narin sa pagod umahon na kaming lahat dahil padilim na. Bumalik narin kami agad para makapagpahinga. Ang tagal din naming nakababad sa tubig. Ngiting ngiti kaming lahat ng makita ang malapit na padaong na bangka. Pagkababa namin lahat. Umihip ang hangin, nilalamig nako, hapon narin kasi. "Here." Napalingon ako kay Miguel. "Baka magkasakit ka. Malamig na." Sabi lang nito at saka naglakad na. Nakatingin lamang ako sa likod niya na papalayo sakin. Napangiti ako ng palihim bago suotin ang tshirt niyang hinubad kanina. Nagshower na kaming lahat upang makapagpahinga na. Pero mas pinili kona muna ang maglakad lakad sa dalampasigan upang makapagisip isip. Mula dito, napakaganda ng kalangitan, tila nagtatalo ang dilim at liwanag, niyapos ko ang sarili ng umihip ang tila malamig na hangin. Habang naglalakad, sinisipa ko na lamang ang bawat madaanan kung bato. Mula dito nahulog ako sa malalim na isipin, iba padin talaga ang magisa, mas magkakaron ka ng time upang magisip, mas magkakaron ka ng pagkakataon upang maging totoo sa sarili. Napalunok ako ng marahan, masaya naman ako e. Pero bakit may lungkot akong nararamdaman ngayon? I miss my family mas masaya kung nandito sana sila. Alam kung hindi magugustuhan ng pamilya ko na sisihin ang sarili ko dahil sa pagkawala nila. "Ma Pa, Im doing well." Bulong ko sa kalangitan habang malungkot na nakatingin dito. Pinunasan ko agad ang isang butil ng luhang pumatak sa mata ko. Ngumiti ako ng mapait. Dahil sa malalim na isipin na to. Habang sa paglalakad may nakita akong isang Resto Bar malapit dito. Naglakad ako papunta dito. Pagpasok ko sa loob, may ilang mesa sila, napakafancy naman ng lugar na ito. "Goodevening Mam." bati ng mga tao dito. Ngumiti lamang ako sa kanila. Nagdarecho sa bar counter upang umorder pero tila busy tong isang bartender dito na nakatalikod sakin. Umupo ako sa Bar stool at iniikot ang tingin sa buong paligid. Napakarelaxing ng place na ito, tamang lugar lamang para makapagchill ka at relax. Napakarelaxing ng mga instrumental music nila. "One long island ice tea please." Sabi ko. At muling ibinaling ang tingin sa buong lugar. Kinuha ko ang phone ng maramdaman ko ang pagvibrate nito. I saw one text message from Mich. 'Party isnt done yet. Come on girl, where are you? Bbq party naaaa!!' Napatawa ako sa message na ito. "Long island ice tea Mam." Matawa tawa akong napalingon sa Bartender na tila sinisipat ang muka ko. "S-sam?" Kunot noo nitong pagkilala sakin. Napakunot din ang noo ko dahil bago sa tingin ko ang lalaking ito. "K-kilala mo ako?" Takang tanong ko. Agad naman siyang napatawa. "Of course! James Saavedra.Remember?" Nakangiti niyang sabing inaasahan na sasagot akong kilala ko siya. "At the pool last time?" Dagdag niya, nagisip naman ako agad. Pero agad din nakabawi ng maalala ko siya. "James! Yea." Tuwang tuwang sabi ko. "Buti naman at natatandaan mo pako." Tuwang tuwang sabi nito. "Oo naman. Anyway, you work here?" Nakangiting tanong ko. Napabuga naman siya ng tawa dahil sa sinabi ko. "Sir, two mojitos and one martini." Napalingon ako sa isang waiter. "S-sir?" Di makapaniwalang tanong ko na siyang dahilan para mag nod siya ng paulit ulit. Napabuga din ako ng tawa dahil don. "Im the owner." Pinagmasdan ko si James. Isa din tong lalaking to sa mga perpektong inukit. Mas lalo pang bumagay sa kanya ang medyo blonde niyang buhok. Nagkausap kami this time ng mas maayos ni James, pagkatapos ng isang drink na yon. "No, have it." "Sam Its okay. I invited your drink." At dahil mukang di naman siya papaawat hinayaan ko na lamang na hindi niya ako pagbayarin. "But next time, you'll have to pay for my drinks too." Sabi nito. "So??" "So I think we will see each other again." Sabi nito. Napailing iling na lamang ako. Masayang kausap si James okay siya. Kwela at hindi nawawalan ng kwento na kung ano ano. "Take care." Sabi nito habang kumakaway kaway pa sakin ng may malaking ngiti. "You owe me one okay?" Sigaw nito habang ngiting ngiting kumakaway sakin. Paglabas ko naman ng resto bar niya naglakad nako pabalik sa bahay. Habang naglalakad napapatawa ako kapag naaalala ko ang pinagusapan namin ni James. Baliw din palang kausap ang lalaking yon. Sa paglalakad kung iyon diko namamalayang malapit na pala ako sa bahay. Nalibang ako sa pagiisip masyado, hanggang sa may makapukaw ng atensyon ko. Agad nawala ang ngiti sa muka ko ng makita ko si Miguel na may kausap na tatlong lalaki. Hindi ko kilala ang mga ito. Mukang seryoso sila ng pinaguusapan kaya nanatili akong nakatingin na lamang dito hanggang sa makita kung sinuntok ni Miguel ang isa sa mga yon! Nanlaki ang mata ko dahil dito. Pero agad bumangon ang lalaking sinuntok niya at mabilis na ginantihan si Miguel, haharang pa sana yung dalwang kasama niya pero pinigilan nitong sinuntok ni Miguel. Mabilis akong nanakbo papunta sa kanila. "Bakit? Tingin mo ba gusto ka niyang pakasalan ha? Iniwan ka niya! Hanggang ngayon Miguel walang makatagal sayo." Narinig kung sigaw ng lalaking ito kay Miguel, hindi pa man ako nakakalapit ay natigilan ako agad dahil sa sinabi nito kay Miguel. "Wag na wag mung idadamay si Sandra dito!" Galit na galit na sabi ni Miguel sa lalaking yon. Natawa tong lalaking sinuntok niya habang pinupunasan ang dugo mula sa labi niya. "Talunan ka pa din Miguel. Tandaan mo yan!" Sigaw nito sabay duro kay Miguel. "Kaya iniwan ka ng fiancee mo e! Kasi loser ka!" Sigaw nito, kitang kita ko mula dito ang pagigting ng panga ni Miguel para balikan muli ito ng suntok. Napahiga muli ang lalaki at dinaganan ni Miguel para suntukin lamang.g But this time, pagtutulungan na sana si Miguel ng dalwa pa ng makita nila ako. "Raf tara na!" Napalingon sila pare pareho sakin at maging si Miguel. Agad nitong binitawan yung lalaki at tumayo. Bakas sa muka nito ang gulat ng makita ako. "Miguel! Tandaan mo tong araw na to!" Sigaw muli ng lalaking iyon. Hindi na ito pinansin ni Miguel, pero bakas padin dito ang pagngangalit ng panga niya. "Migs." Tanging bulong ko lamang. Nagiwas lamang siya ng tingin sakin. May kung anong kumurot sa puso ko lumapit ako sa kanya para iharap sakin ang muka niya, may sugat siya sa gilid ng labi. "Okay lang ako Sam." Sabi nito na siyang napalunok pa. "Who's Sandra?" Tanging lumabas lamang sa bibig ko. Napalingon siya sakin agad dahil dito. Pero hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya. "She's my ex." Tipid na sagot nito. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, dahil sa sinabi niya. Bakit ganito na lamang siya kaapektado sa ex niya? Mahal padin ba niya to? Kung mahal niya to? Ako? Pano ako? Kaibigan lang ba talaga tingin sakin ni Miguel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD