Chapter 2: The President

916 Words
Samanthan's POV "Hoy Sammy!" Napabalik ako sa wisyo ng bigla nalang akong tinapik sa ulo ng kaibigan kong si Jane. Nakatingin lang sila saking tatlo at inirapan lang sila. "Alam mo friend. Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko lang ha. Parang nagiging weird ka." Seryosong tingin naman si ni Michelle. "Look girls, wag nating ipressure si Sam." Nagkatinginan silang tatlo sa isat isa bago binalik ang tingin sakin ng napakaseryoso. "Guys! Okay lang naman ako." Saad ko. Pero sa totoo lang. Okay nga ba talaga ako? Bakit ko ba kasi iniisip pa yun. Isang linggo na nakakalipas. Simula ng mangyari yun at isa pa wala namang mababago na. Nangyari na. Hindi kona maibabalik pa yung virginity ko. "Aish!!" Nasabunot ko ang buhok dahil sa muling pagbalik sakin ng mga nangyari ng gabing iyon. Ang tanga tanga ko. Naipangako ko sa sarili ko na sa lalaking mamahalin ko lang at papakasalan ko ibibigay ang bagay na iyon. Pero wala na! Eto na. Nangyari na. Muli kung ibinalik ang tingin sa mga kaibigan ko ngayon mas naging seryoso na at takang taka na sakin. "May problema ba? Kanina mo pa hindi ginagalaw yang cheesecake mo." Tanong ni Mich. "Friend, kaibigan mo kami. Magtiwala ka samin kung ano man yang pinagdadaanan mo. Maiintindihan namin yan." Sincere na hinawakan ni Anne ang kamay ko at bakas dito ang pag aalala niya sakin. "Sammy basta nandito lang kami palagi ha." Dagdag ni Jane. Nagtataka na sila sa mga kinikilos ko. Siguro nga dapat malaman na nila. Kaibigan ko sila at alam kung mapagkakatiwalaan ko sila. Nakatingin lang sila sakin at naghihintay pa sa pagsasalita ko. Huminga ako ng malalim. "Girls..." Panimula ko. Darecho ko silang tiningnan sa mga mata at bago pako pangunahan ng kaba sinabi ko narin agad. "Naalala niyo ba yung lalaking nakilala ko sa Bar nung nag night out tayo?" Nagkatinginan sila at para bang inaalala ang mga nangyari nung gabing lasing na lasing kami. "Si Mr. President?" Sabay sabay kaming nagkatinginan kay Michelle. "Bakit anong meron sa kanya?" Tanong ni Jane. Ibubuka ko palang sana bibig ko para sumagot ng magsalita si Anne. "Oh my ghaad!!!" Napatingin kami sa kanya. "Sammy dont tell me na...." Hindi maituloy ni Anne ang sasabihin niya habang di makapaniwalang nakatingin sakin. "Bakit ano yun Anne!?" Tanong ni Jane na hindi padin nagegets ang ibig ipahiwatig ni Anne. "Myghad Girl kaya kaba nawala that night?" Di rin makapaniwalang tanong ni Michelle. Nahihiya naman akong napatango tango na lang. "s**t talaga? Oh my ghadd! Ang gwapo gwapo non diba!" Tuwang tuwang saad ni Anne. "So? Kamusta naman? Malaki ba?" Halos pabulong na tanong ni Michelle sa part na kung malaki ba. Dahil baka may makarinig samin na ibang costumer dito sa coffee shop na pagmamay ari ko. Yung kaba na naramdaman ko kanina at pagaalinlangan, napalitan ng maalala ko yung lalaking yun.  Nagtawanan na kaming magkakaibigan. Kaya tumango tango ako. Gigil na gigil naman silang parang kinikilig. "OP ako. Ano ba kasi yon!?" Taka pading pagtatanong ni Jane. "Natatakot ako." Bulong ko. ------- Nandito na kami sa bahay. At lahat kami nakatingin sa PT. Halos lahat kami kinakabahan sa magiging resulta ng PT. Sa totoo lang di pa po ako ready maging ina, lalo na at hindi deserve ng magiging baby ko na magkaron ng pamilyang walang ama. Hindi ito ung perfect family na gusto ko. Hindi ito yung gusto ko. Kaya sana...sana po talaga! "s**t" Bulong ni Jane. Nagkatinginan kaming apat bago muling ibaba ang tingin sa PT na nakalapag sa center table ko mula dito sa sala ng bahay ko. "Hayy.." Buntong hininga nila. Ako naman hindi makapaniwala, hinang hina akong napaupo at agad na tumulo ang luha ko. Nilapitan nila akong tatlo sa sofa na inuupuan ko at niyakap. ------ "Bottoms up!!" Sabay sabay namin inangat ang basong hawak namin at sabay sabay itong ininom. "Sayang talaga." Bulong ni Michelle samin. Pero sapat na marinig namin sa gitna ng ingay mula dito sa loob ng Bar. "Sana ninang na tayo." Bulong naman din ni Anne. "Guys!" Tiningnan ko lang sila at pinahihinto na. And yes! Negative ang result. Lahat ng research kasi ginawa kona. Dahil mataas daw talaga ang possibilities na mabuntis lalo na at pinutok niya sa loob. Alam ko naman dahil naramdaman ko iyon. Hindi naman sa ayoko ng baby pero kakagraduate ko lang ng college. Ako na nagmamanage ng iniwang negosyo nila Papa at Mama na Coffee Shop. Career ko muna sa ngayon ang mahalaga, nagkamali ako sa nagawa ko. Pero isa na yun sa mga natutunan kung pagkakamali. Kung magkakababy man ako, pangarap ko ay dun sa taong mamahalin ako at mahal ko din. Hindi sa isang taong hindi ko kilala. Pagkatapos ng celebration na yon, kanya kanya na kaming umuwi, hindi naman kami nagpakalasing ng sobra. At kaya kopa din naman magdrive. -- Pagkagising ko sa umaga nagdarecho na ko sa coffee shop. "Goodmorning Ma'am." Bati ng mga staff ko sakin. "Goodmorning din." Nagdarecho ako sa counter at umorder na. "Kuya Raffy, one americano without sugar." Order ko. "Okay mam. Serve nalang namin sa table niyo." Tumango nalang ako. Pagtalikod ko naman para tumungo sa pwesto ko. "Ah!" Napahawak ako sa noo ko ng tumama ito sa isang matigas na bagay. "Are you okay? Im sorry." Nakakunot naman noo akong humarap sa kanya. At tila ba para akong natauhan sa nakita ko. Oo natulala ako sa nakita ko. Lalo na ng mamukhaan ko siya. "Ikaw!" Sabay pa naming halos pasigaw na pagkakakilala sa isat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD