Chapter 3: Denied

1366 Words
"Ikaw!" Halos pasigaw naming pagkakakilala sa isat isa. Itong lalaking ito. Hinding hindi ko makakalimutan ang muka niya. Siya lang ang tanging lalaking nakausap ko ng mga gabing iyon. "Excuse me." Ng makabalik ako sa sarili ko, nilampasan na niya ako at nagdarecho siya sa counter. Napakarude ng lalaking ito. Wala siyang pinagkaiba sa mga lalaking kilala ko. Matapos magamit ang mga babae ay basta basta nalang ito iiwan. Nalungkot ako sa isipin na yon. Nagamit ako ng lalaking ito para lang masatisfy ang pangangailangan niya. Muli kung binalik ang tingin sa kanya. Sakto naman na paharap na siya sakin dala ang inorder niya, take out. "Hey!" Tawag ko sa kanya ng muli akong lampasan at hindi pansinin. Hinawakan ko siya sa coat niya. Lumingon naman siya sakin ng nakakunot ang noo. "What?" Malamig na tanong niya. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang sisihin sa nangyari. Lasing ako. Lasing na lasing ng mga oras na yon. "Miss, what? You need anything?" Tanong niyang muli, kung kausapin niya ako. Ramdam ko ang pagiging strangers namin sa isat isa. Siguro nga yun lang yon. Isang gabi! Isang gabing nangyari na para sa kanya ay wala lang. Ng makilala ko tong lalaking ito, alam ko tandang tanda ko. Flashback "Girls, this will be a looooong night" Tuwang tuwang saad ni Anne. "Waiter please." Tinawag kona ang waiter na agad din namang lumapit sa amin. "Four shots of tequila. Please" Order ni Jane sabay kindat saming tatlo. Napakalakas talaga ng babaeng ito. "Girls, cheers!" Sabay sabay naming itinaas ang shot glass namin at sabay sabay namin ininom ang laman kasabay ng pagkagat sa tigitigisa naming slice ng lemon. "Wooo!!" Sasayaw sayaw naman si Michelle na papunta sa dance floor. "Let's go girls." Hinila naman kami ni Anne. Masikip, mausok at maingay sa loob ng bar na ito. Pero wala kaming ibang nararamdaman kung di ang saya. Masaya kaming magkakaibigan dahil naapprubahan na ang Visa ng kaibigan naming si Jane sa Japan. Matagal na niya kasing gustong sundan ang fiance niya don. Masaya pero nandon padin ang lungkot dahil mababawasan ang isa sa barkada. Nagsusumayaw lang kami sa gitna na para bang huli na ito sa buhay namin. "Tara na umupo na muna tayo." Niyaya na kami ni Anne na maupo na muna at umorder pa sila ng maiinom namin. Napatingin ako kay Michelle na darechong nakatingin sa counter bar. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Pero isang lalaki lang naman ang nakaupo don. Isang gwapong lalaki kahit kalahati lang ng muka niya ang nakikita ko. "He's hot." Bulong ko kay Michelle. Natauhan naman siya sa sinabi ko at napatawa. "Yes he is! Hayyy.." Buntong hininga niya. "Lapitan muna." Pagtulak ko sa kanya pero umiling lang siya. "No." Binalik niya sakin ang tingin. "Alam mo namang complicated pa diba?" Natawa ako sa sinabi niya. "Complicated bakit naman? Di mo naman jojowain lalapitan mo lang. Hina naman neto e. Para makamove on kana din." Sabi ko na tatawa tawa. Si michelle kasi yung tipo ng babaeng pangseryosohan ayaw niya ng mga lalaki na basta basta lang niya nakikilala. Kakabreak niya lang din sa long time crush niya kaya heartbroken si girl. Actually 2years ng break pero dipa din makagetover ang bestfriend ko. "Alam mo namang ayoko ng mga ganitong set up diba? Ano to? Girl meets boy at the bar? No way! Baka batukan langa ko ni Mama." Tatawa tawa din niyang sabi. "Ayaw mo? Sige ako nalang ang lalapit." "H-ha?" Bago pa siya makapagsalita tumayo nako at lumapit dito kay handsome guy. Hindi naman ako lasing pa dahil nakakailang shots palang naman ako at mataas ang alcohol tolerance ko. "S-san pupunta yon!?" Rinig ko pang tanong ni Jane. Pero diko na sila pinansin pa. "Two shots of tequila here please." Umorder ako agad sa bartender. Ramdam kung napatingin sakin tong nasa tabi ko. Kaya nilingon ko din siya at nginitian. "Two shots of tequila." Ibinigay na samin ang shots namin ng bartender. "Here, this is for you." Nakatingin lang siya darecho sa unahan. "Inorder ko yan para sating dalwa. So cheers." Hindi padin siya lumingon sakin. Napakasuplado naman ng lalaking ito. "Another glass of large beer." Sinenyasan niya ang bartender, na naiilang naman napapatingin saming dalwa. Pakiramdam ko natatapakan ang pride ko sa ginagawa niya. "Charge it to me." Sabi ko nalang. Kaya naman nakakunot na niya akong nilingon. Para akong nastarstruck ng makita ang buo niyang muka ng lingunin ako. Napakagwapo ng lalaking ito, pakiramdam ko ay tumigil ang mundo at naging blurred ang lahat. Nakakunot man ang noo niya ngunit ang mga mata niya. Napakaganda, nakakatunaw. "Do I know you?" "Nope. Let me introduce myself Im Samantha." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya, pero tinanggal ko din agad ng ngumisi lang siya at umiling iling na ininom ang beer niya. Napalunok ako sa ginawa niya. Hindi na niya ako pinansin pa. Kaya naman ininom ko na lang ng ininom ang shots ng tequila ko na sunod sunod ko ding inoorder. Umiikot na ang paningin ko. Halos ramdam kona ata ang pagikot ng mundo. "B-bakit ba ang rude mo! Porket gwapo ka ha!" Out of nowhere hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para hawakan siya sa braso at iikot siya paharap sakin. "Tch." May pangisingisi pa siya. "Maayosh naman a-ko nakikipagkilala shayo ah!" Dinuro duro ko siya sa dibdib. Sino ba siya sa akala niya para bastusin lang ako ng ganito. "Look, you are drunk you better go home." Napatawa ako sa sinabi niya. At ngayon concern siya sakin? Concern sakin ang lalaking ito? "Gwapo ka shana eh. Kasho hik mashungit ka hik lang." Hindi ko alam pero natatawa ako dahil nagdadalwa na siya sa paningin ko. "Ano pang shilbi na umuwi ako sa bahay namin!? Wala naman naghihintay shakin don!" Bigla ko nalang naramdaman na bumigat pkiramdam ko diko napigilang hindi maiyak ng maalala ko ang aksidente na pumatay sa pamilya ko, sa mga magulang ko at sa nagiisang kapatid kung bunso. Para nakong baliw siguro dito na iyak na ng iyak. "Thish ish my fault! Kashalanan ko kung bakit sila naakshidente! Kashalanan ko kung bakit namatay ang pamilya ko, wala nakong mga magulang at kapatid." Sunod sunod na luha ko. Isang taon na nakakalipas simula ng mangyari ang aksidente pero hanggang ngayon at fresh padin sakin ang lahat. "Hik ako nalang shana yung nawala hik hindi shila." Nagkatinginan kami ni Mr. Sungit. "Shana ako nalang aaaaaaah!!! Bakit ba napakashama hik ng mundo! Ngayon eto magisha nalang ako hik." Gusto kona mawala ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko. Kaya iniyak kona ito ng iniyak. "Bill out, isama mo narin ung bill niya sakin." "Aalish kana?" Tanong ko. Pero tumayo na siya at hindi ako pinansin. Napakawalang modo ng lalaking ito. Maglalakad na sana ako pabalik sa pwesto ng mga kaibigan ko pero di ko na ata kakayanin. Napatumba ako sa isang matigas na pader. Pinilit kung tumayo pero ramdam kung may umalalay lang sakin. Inangat ko ulo ko. Sa kanya pala ako napatumba. "Bango bango mo naman." Tatawa tawa kung sabi, nakakatawa pala talaga ang alak. "Miss get off." Paulit ulit niya akong inaalis sa pagkakahawak sa kanya, pero matigas ako. "Drive me home." Bulong konalang, blurred na paningin ko at diko na ata kakayanin pa. "What!?"  Biglang tanong niya. "Are you insane? Magpapakalasing ka hindi mo naman pala kaya." Itinutulak niya ako ng pilit palayo sa kanya pero sadyang kapit na kapit padin ako sa kanya. "Tol!" Minulat ko ang tingin ko. Lasing na lasing na nga ako siguro. Tawa ako ng tawa, para akong high, dinuduro ko tong isa pang lalaki ngayon sa harap ko. Duling na ata ako. Dalwa na tingin ko sa kanya. "Take her home. She's drunk. Check her ID." Duling na siguro ako, dalwa na tong nakikita ko. Bago pa man umalis si Mr. Sungit agad ko itong hinalikan sa labi, kasunod nito hindi kona matandaan pa mga sumunod na nangyari. End of flashback. "Nagmamadali ako Miss." Sabi nito. Agad naman nabalik ako sa ulirat ko maya agad kung binitawan ang coat niya na hawak ko. At agad na siyang sumakay sa sasakyan niya at umalis. Sa muling pagkakataon nakita kona naman ang lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD