Chapter 19: Bump

1623 Words
Miguel's Pov Nakatitig lang ako sa manibela, hindi ko maiwasang mabaon sa malalim na isipin napabuntong hininga na lamang ako ng malalim bago lingunin ang bahay namin. Bumalik na ang kakambal ko. Masaya akong bumalik na siya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? May kung anong mabigat sa dibdib ko. Kailangan ko siyang makausap tungkol kay Samantha. Mas mabuting hindi na malaman ni Samantha ang totoo. Okay naman na, ang importante nasa ayos ang lahat. Hindi na kailangan palakihin pa ang isang bagay na nasa maayos na. Ayokong maging magulo pa ang isip niya, alam kung masasaktan siya kapag nalaman ang katotohanang kapatid ko ang kasama niya ng mga oras na iyon. Napabuga ako ng hangin at saka bumaba ng sasakyan. Pagpasok ko sa loob, naririnig ko sila mula sa Dining area, napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Mom at ni Matthew na naguusap. Nagdarecho ako don at napangiti ng makita ko si Mom na nagpeprepare ng hapagkainan. "Mom?" Takang tawag ko sa kanya. May maids naman kami so bakit siya ang nagawa nito? Agad itong napalingon sakin at ngumiti ng malapad. "Nandito kana pala hijo." Sabi nito. Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan siya. "Bro!" Natigilan ako ng marinig ang boses niya mula sa likod ko. Mabilis ko naman nabawi ang bigla dahil expected ko naman na nandito siya. Napangiti ako at humarap sa kanya. "Bro!" Sabi ko, di namin napigilan ang sarili. Lumapit siya sakin para gawin namin ang signatured twin hug namin. Tuwang tuwa si Matthew at maging ako. Namiss ko ang kapatid ko. Ang tagal din niyang nawala. Nagalala kami sa kanya maging si Mom. Hindi namin alam kung ano bang nangyayari sa kanya. Napakalapitin pa naman sa gulo ng kapatid kung to. Kung mayron man mas matapang saming dalwa. Si Matthew yon, since we were kids siya na yung protector ko. Ako kasi yung sakitin, lalampa lampa. Matthew is a strong man! We are twins but we are very different perspectives in life. He chose a different path! He never agreed about business matter, kaya madalas sila hindi magkasundo ni Dad, he doesnt want to live by anyone's expectations, he wants to live his own life by his choice. "Namiss kita!" Sabi nito na mangingiyak iyak pa. Nagkatawanan naman kaming dalwa kaya tinapik ko siya sa balikat. "Bro, namiss din kita." Sabi ko dito. "*cough" agad kaming napalingon sa umubo mula sa likod namin. Nandito narin pala si Dad. Tinapik ko sa balikat si Matthew, alam kung alam na niya ang ibig sabihin nito. "Nandyan na pala Daddy niyo." Boses ni Mom. Napalingon ako kay Matthew na napababa ang tingin sa sahig. Seryoso lang nakatingin sa kanya si Dad. Tinapik ko ito. To make a move na humingi ng despensa sa nangyari last time. Lumingon lang siya sakin. Pero bakas padin ang galit sa mga mata nito. Humarap muna siya saglit kay Mom na, naghihintay na lapitan nito si Dad. "Dad." Bati nito at niyakap si Dad na hindi naman tinugunan nito. Naglakad lamang siya papuntang mesa habang tinatanggal ang kurbata at coat. Napansin ko ang nagngalit na panga nito. Hindi na ata talaga sila magkakasundo. Nagkatinginan kami ng kapatid ko at ngumiti sa kanya. "Okay lang yan." I mouthed. Tumaas lamang ang gilid ng labi niya at umaya nadin paupo. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik ang lahat hanggang sa nagsalita si Dad. "Anong balak mo ngayon Matthew!?" Seryosong tanong nito habang nakatingin sa kinakain niya. Nabuo ang isang katahimikan sa hapagkainan at mataas na ngitngitan sa pagitan ng kapatid ko ang amain namin. "Ganon pa din." Matipid na sagot nito. Napalingon kami kay Dad na ibinaba ang hawak at nagpunas ng table napkin sa bibig Mataman siyang nakatingin sa kapatid ko na tuloy tuloy padin sa pagkain. Si Mom naman ay hindi malaman ang gagawin. Alam namin pare pareho na magsisimula na naman magtalo ang dalwang ito.. "Ahm! Anyway, Miguel so how's Sandra? Bakit hindi kona ata kayo nakikitang lumalabas? I suppose inaayos niyo ang problema niyo?" Nakangiting tanong ni Mom sakin na ikinabigla ko, upang mabago ang topic namin at hindi kung san pa mapunta ang usapan sa pagitan ni Dad at ng kapatid ko. "A-ahmm." Hindi ko alam ang dapat kung sabihin. Inaasahan ng mga magulang ko ang tuloy na kasal namin ni Sandra dahil narin sa gustong gusto nila ito para sa akin. Ngunit hindi nila alam na matagal na akong iniwan ni Sandra. Ayoko ng problemahin pa ni Mom ang naging problema ko kay Sandra dahil isip narin siya ng isip sa kalagayan pa ni Matthew. "Bands? Singing? Is just a waste of time and energy." Tuloy na salitang lumabas padin kay Dad,  na nakapagpahinto kay Matthew, nagngalit na naman ang panga ng kapatid ko. Nagkatinginan kami ni Mom sabay napalingon kay Matthew na ngayon ay masama ng nakatingin kay Dad. "Son? So how's your vacation in Cebu?" Maligayang tanong naman ni Mom upang basagin muli ang pressure na namumuo s hapagkainan na ito. "Oo nga bro, magkwento ka naman." Maligayamg dagdag ko. "Ok lang." Tipid na sagot nito. "Actually, yung mga bata sa orphans we made a group of band, I taught them to perform and make an instrument by their own." Napangiti kami ni Mom ng makita ang saya na dulot nito sa pagkukwento, kitang kita ito sa mga mata niya. "And get into trouble? Am I right Matthew?" Muling nawala ang ngiti namin sa muling tanong ni Dad. "Look at yourself, you are such a waste." Hinawakan ni Mom si Dad sa balikat upang pigilan ito sa mga sinasabi. "Dad." Tawag ko dito upang itigil na ang mga sinasabi niya. This time! Biglang napatigil si Matt sa pagkain at napatayo. "Yes maybe you are right Dad. But whatever happens, dont expect me to be like you!" Matigas na sabi nito. "Im sorry Mom, miguel, busog na ako. I have to go." Sabi nito at saka tumayo upang umalis. "Matt!" Tawag ni Mom. Napatayo si Dad. "Matthew!" Mataas na boses ni Dad na tawag sa kanya, napatayo pa ito. Agad akong umalalay sa kanya upang pigilan siya sa pede niyang gawin o sabihin. "Gusto kong mapaayos ka! Yan ang tandaan mo. Dahil anak kita." Nabigla ako sa sinabi ni Dad natigilan si Matthew ngunit nakatalikod lamang ito samin. "I've never felt to be your son." This time humarap na samin ang kapatid ko. "Because you've never been a father to me." Matigas na sabi nito. Nagulat kaming lahat sa narinig mula sa kapatid ko. "All I want for you and Miguel is the best!" Panduduro ni Dad kay Matt. "Dad I have my own life! In any way you've never support me! I've never felt being supported by my own father!" Balik na sigaw ni Matthew, napatingin ako kay Dad na halos mahirapan sa paghinga. "Hon!" Pagpigil sa kanya ni Mom na nag aalala narin sa dalwang to. "You shut up!!" Sigaw ni Dad na bigla na lamang nahirapang huminga!. "Dad!" Sigaw namin na halos matumba na. ** Matthew's Pov Punong puno ng kaba ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Napalingon ako kay Miguel na kanina pa may kausap sa telepono habang paikot ikot mula sa pasilyo ng hospital. Sinugod namin si Dad, mula sa pagtatalo namin, bakit ba hindi ako magawang suportahan ng sarili kung ama sa gusto kung gawin. Pagkanta ang gusto ko. Yun ang buhay ko. Maya maya pa naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko. "Bro puntahan ko lang si Mom." Sabi ng kapatid na bakas padin ang pagaalala. Hanggang ngayon ay naghihintay kami sa resulta ng doctor mula sa nangyari kay Dad. Tumango na lamang ako sa kanya. Pero bago pa siya umalis, niyakap ako ni Miguel. "Magiging okay si Dad, wag mo sisihin ang sarili mo sa nangyari." Pagkasabi niya non, kumalas siya sa yakap sakin. "Sabi nga niya he wants the best for us. Matt, sana maging maayos na kayong dalwa." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko nagiguilty ako, dahil sakin nandito si Dad. Hindi kona napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ngayon naman si Mom nasa ER dahil biglang nahilo dahil sa nangyari kay Dad. Umalis nasi Miguel upang puntahan si Mom! Muli akong nahulog sa malalim na isipin. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Mahal na mahal ko si Dad kahit na madalas ay puro kami pagtatalo. "Miguel!!" Agad akong nagulat sa babaeng nananakbo palapit sakin sabay yakap!! "Okay ka lang ba?" Tanong nito pagkakalas ng yakap sakin na tila habol hininga pa, mukang galing sa pagtakbo. "Im sorry about your dad. I hope you're fine." Dagdag pa nito habang ngayon ay himas himas ang muka ko. Nakakunot noo ko lang siyang tinitingnan, sino ba ang babae na to at bigla bigla na lamang akong niyakap. Hindi ako agad nakabawi sa bigla dahil isang magandang dilag ang nasa harapan ko ngayon na tila alalang alala sakin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano? Ano bang trip ng babaeng to? Himas himas niya ang muka ko. "Tsk." Agad ko siyang tinulak ng marahan na ikinabigla niya. "Are you trying to seduce me?" Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Pero bigla ding natawa. At oo literal na natawa ng malakas. "Why? Am I seductive?" Matawa tawa nitong tanong na halos makapagpahinto ng oras ko. Hindi ko alam pero para akong natutunaw sa mga tingin niya. Para siyang isang anghel. "Ano bang nangyayari sayo? Saka" muli niyang hinawakan ang muka ko. "Bat parang may nagiba sayo? Bakit parang namayat ka?" Napahawak ako sa muka ko dahil sa sinabi niya. Napalunok dahil dito. Gusto atang tamaan ng babaeng to ah. Ako namayat? Hindi ba niya nakikita ang pagkakaiba ng payat sa may magandang katawan? "You look familiar!" Sabi ko habang pinagmamasdan mabuti ang muka niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD