Chapter 20: Official

2136 Words
Matthew's Pov Hindi ko maisip kung saan siya nakita. Napangisi ako sa harapan niya na siyang ikinawala ng mga ngiti niya. "B-bakit?" Takang tanong ko sakanya na parang unti unting humahakbang palayo sakin. "W-wala." Kunot noong sabi nito habang titig na titig sa muka ko at lingon pa sa braso ko. Palipat lipat lamang ang tingin nito sa braso at muka ko. Ano bang iniisip ng babaeng to? "Sam!" Agad kaming napalingon sa taong nagsalita. Napalingon ako dito sa babaeng to at kay Miguel na halata ang gulat sa muka. Pagtingin ko naman dito sa babaeng to, napansin ko ang nagbadyang luhang tumulo sa mga mata niya. Teka ano bang nangyayari naguguluhan ako. So magkakilala itong babaeng to at si Miguel? At kung hindi ako nagkakamali napagkamalan niya akong si Miguel ganon ba. Pagkalapit samin ni Miguel, lumingon siyang muli sa braso ko. At binalik ang tingin kay Miguel. Napanganga siya at tila hindi makapagsalita pero bago pa man ako makapagsalitang muli agad napukaw ng isang doctor ang atensyon namin. At pare pareho kaming natahimik. "Magandang gabi sa inyo Mr. Arcela." Agad kaming lumapit sa doctor na lumabas sa room ni Dad. "How's my Dad?" Tanong ni Miguel, muling bumalik ang kaba sa dibdib ko. Sa paghihintay ng kasagutan ni Doctor Villan. "Your Dad had a pericarditis." Nagkatinginan kami ni Miguel. "What do you mean Doc?" Tanong ko naman. "Well pericarditis, this is the inflammation of the sac surrounding your heart. It is usually causes sharp pain that gets worse when you breathe in or when you lie down." Napabuntong hininga kaming magkapatid. "What do we have to do?" Tanong kung muli. "Well, for now let him to rest and have no fever. He'll need to take some anti inflammatory medicines to reduce pain and inflammation." Matapos namin kausapin ang Doctor. Nagpunta na kami sa loob ng room ni Dad na hanggang ngayon ay nagpapahinga padin. Pinauwi narin muna namin si Mom para makapahinga ng maayos sa bahay, pinasamahan na namin siya sa driver niya. Nilingon ko si Miguel na kanina pa tulala hinatid narin niya yung babaeng kasama niya kanina at agad na bumalik dito para kami na ang magbantay kay Dad. "Bro." Tawag ko sa kanya mula sa couch, kanina pa siya tulala at hindi nagsasalita. Nilingon niya ako panandalian. "Who's that girl? I thought you and Sandra are going to get.." Hindi kona natapos ang sasabihin ng bigla siyang tumayo at tumingin ng mataman sakin. "Sandra is not going back anymore." Buntong hininga nito na ikinabigla ko. Akala ko inaayos nilang dalwa ang naging problema nila. "Anong nangyari?" Tanong ko dito. Hindi agad siya nakapagsalita kaya ako natawa. Tinapik ko siya sa balikat. "Alam kona. Because of that woman?" Tanong ko sa kanya. Sabi ko na nga ba e. May pagka womanizer din tong kapatid ko. Nawala ang ngiti ko ng tiningnan niya ako ng masama. Nagulat ako dahil don, this is not Miguel I used to know. "Matt, what happened that night?" Tanong nito sakin. Hindi ko naintindihan ang sinasabi niya, kaya tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. "Come on! Sa bar? Nung gabing yon." Pilit kung iniisip ang gustong sabihin sakin ni Miguel. Sa bar? Nung gabing yon? Madalas ako sa Bar dahil madalas may gig ako don. "Bro, straight to the point." "Matt! Nung gabing nasukahan ka? Nung gabing pinagsusuntok mo yung nambabastos sa kanya." Lalo akong nahulog sa isipin dahil sa mga pinagsasasabi ng kapatid ko. Pinipilit kung intindihin ang nais niyang sabihin pero wala akong maisip. Nasukahan ako? Ipinagtanggol ko sa mga nambabastos? Ano bang pinagsasasabi ng kapatid ko? Hindi ko talaga--- Agad akong napalingon kay Miguel ng maputol ako sa isipin na yon. Mataman lang siyang nakatingin sakin na may diin mula dito. "s**t!" Bulong ko ng bumalik sa alaala ko ang mga sinasabi niya. "T-that woman?" Hindi makapaniwalang tanong ko, inisip ko pang mabuti pero ngayon malinaw na sa akin lahat ng gustong sabihin ni Miguel dahil natatandaan ko na siya. Napabuga ako ng tawa na hindi makapaniwala. Kaya pala familiar siya sakin. "How come na kasama mo siya?" Takang tanong ko sa kapatid ko na napalunok ng mariin. "T-teka dont tell me na girlfriend mo yung babaeng yon." Sabi ko. Ano bang nangyayari sa kapatid ko? Papalitan na lamang si Sandra dun pa sa babaeng yon. "So girlfriend mo nga?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Miguel. Hindi padin siya nagsalita. Tila tinitimbang ang mga nais isagot sakin. "Oh come on bro? Seriously? Girl at the bar? I had a one night stand with that girl tas ngayon kasama mo siya!?" Kunot noo kung sabi. Napansin ko lamang ang pagigting ng panga ni Miguel bago magsalita. "She's not like what you think." Tipid na sagot nito darecho sa mata ko. "She's different!" "Different among others? Are you out of your mind? I f****d her bro!" Halos mataas na boses na sabi ko. Nababaliw na ba ang kapatid ko pero dahil sa nasabi ko bigla na lamang niyang naitaas ang kamao niya pasuntok sakin na hindi niya matuloy. Nagulat ako sa nakita ko. "You shut up!" Natawa ako sa pagkabigla dahil sa naging reaction ni Miguel. "Ok. If you love her I wouldnt mind. Im sorry sa nasabi ko para magalit at muntik ng suntukin dahil don." This time unti unti ng kumalma ang hitsura ni Miguel. "Kapatid moko bro, concern lang ako sayo." "Naiintindihan ko, Im sorry din." Napaupo ulit sa couch si Miguel at naihilamos ang palad sa muka. "Akala niya ako ikaw." Muling kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "I've been calling you to asked this but you didnt answer all my calls. So I decided na hayaan na lang. Mabuting tao si Samantha, between you and Sam is nothing Matthew. Wag na natin palakihin to. I will tell her the truth soon I get back." Totoo bang nangyayari ang lahat ng to? Tila hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Sa nalalaman mula sa kapatid ko. That girl who'd I f**k is now dating my twin brother. Sinabi sakin lahat ni Miguel ang nangyari at kung paano sila nauwi sa ganitong sitwasyon kung tutuusin mukang maayos naman talaga si Samantha base sa kwento niya. Napaisip akong muli. Nakaramdam ako ng kunsensya ng mapagtantong ako nga pala ang nakauna sa kanya. Ang mahalaga sakin ngayon ay ang kaligayahan ng kapatid ko, hinding hindi ako magiging dahilan para sirain ang relasyon niya sa babaeng yon dahil lang sa nangyari noon. Mahal na mahal ko kapatid ko para manggulo at manghimasok sa kanila. Malaki na siya at alam kunh matalino, alam ko na alam niya ang ginagawa niya, if theres no other chance to get Sandra's back maybe ito na nga ang right time para magmahal ulit ng iba ang kapatid ko after ng pinagdaanan niya kay Sandra. *** Samantha's Pov Pagkauwi ko sa bahay buong byahe lang kami ni Miguel hindi naguusap. Alam ko, nararamdaman din niya ang nararamdaman ko. Alam ko na naiisip din niya ang naiisip ko. Naghihintay nalang ako ngayon na sabihin niya sakin ang totoo. Ilang beses niya kong tinatawagan at tinetext pero wala akong nirereplyan sa mga ito. Nakatingin lamang ako sa kisame ng kwarto ko habang iniisip ang lalaking yon. Matthew? Twin brother ni Miguel? May kakambal si Miguel? May kung anong mabigat sa pakiramdam ko. Bakit ganito? Bakit may kaba din dito? Ng makita ko ang braso niya na may tattoo, nagflashback sa isipan ko ang gabing iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, kitang kita ko at tandang tanda ko ang tattoo niyang iyon sa braso. Ngayon ay halo halo na ang nararamdaman ko, kaba takot hindi ko na alam bakit kailangan maramdaman ko to? Bakit kailangan mangyari to? ** Nakatulugan ko na pala ang pagiisip, pagkakita ko sa wall clock ko 9am na pala ng umaga.  I checked my phone, puro missedcalls and text lang ni Miguel. Wala akong ganang ibinaba ang phone ko at hindi ito pinansin. Nauna na muna akong maligo bago bumaba. Nagugutom narin naman ako. Nagprepare lang ako ng sandwich at orange juice, pagkatapos kung magbreakfast papasok nako sa work sa coffee shop. Ngunit paglabas ko nagulat ako ng makita ko si Miguel sa labas. Napaayos siya ng tayo ng makita ako. May kung anong mabibigat sa mga paa ko upang mahirapan maglakad palapit sa kanya. "Pwede ba tayong magusap?" Bungad agad nito sakin. Hindi ko alam ang isasagot pakiramdam ko ay wala akong ganang makipagusap sa kanya o gumawa ng kahit anong bagay ngayong araw na to. "Kagabi pa ako natawag sayo." "Miguel yung totoo siya ba?" Agad na pagputol ko sa sinasabi niya. Nagulat siya sa naging tanong ko agad. Hindi ako mapapakali, hanggat hindi ko nalalaman ang totoo. "Sam look.." He tried to hold me but I refused it. "I was about to tell you, pero dumating yung mga kaibigan mo. Sam, pagkatapos ng lahat I realized to kept it para hindi ka masaktan. Im just protecting you. Kung mali ako sa nagawa ko sampalin moko, saktan mo ko. I was selfish! But its for your own sake." Nanghina ako sa sinabi niya? So ibig sabihin hindi talaga si Miguel ang unang lalaking nakagalaw sakin kundi ang kakambal niya? Ngayon nagsink in na sa utak ko simula ng pagbintangan ko siya at ipilit ang nangyari samin kahit na paulit ulit nitong sinasabi na wala siyang alam. "Sam come on. Now you know the truth, may nagbago ba?" Kunot noo akong napalingon sa kanya. Gusto kung umiyak pero habang pinagmamasdan ko ang muka niya ngayon. May nagbago nga ba talaga? Bukod sa nalaman ko na hindi siya ang lalaking kasama ko that night. Siya padin si Miguel, si Miguel na nakasama ko, si Miguel na minahal ko. Tinitigan ko lang siya sa muka niya at hinimas ang pisngi nito. "Hindi lang ako makapaniwala na nangyayari to. Pero yung nararamdaman ko para sayo ganon padin. Malinaw padin saking mahal na mahal kita Miguel." Sabi ko dito. Niyakap ako agad ni Miguel ng sobrang higpit. "Im sorry if I chose not to tell you.!" Hindi na lamang ako umimik. Bagkus ay niyakap lamang siya ng mahigpit "Miguel, tayo nalang!" Bulong ko sa pagitan ng yakap naming iyon. Mahal na mahal ko si Miguel, at yun ang mas importante sakin ngayon. Kumalas siya sa yakap at humarap sakin, he kissed my forehead bago ang tip ng nose at ngayon ay binigyan niya ako ng isang matamis na halik. Naghalikan lamang kami na tumagal lang siguro ng 10 seconds. Matapos nito ay nagkatitigan lamang kami at muli niya akong niyakap. ** Dinala ako ni Miguel sa office niya, halos lahat ng employees nya don ay kaclose ko na. Nilingon ako ni Miguel at ningitian, pano ba naman kami hindi titingnan ng lahat dito, hawak hawak niya ang kamay ko. Yeah he is holding may hand, napapangiti lamang ako habang tinitingnan ang muka niyang nakangiti rin. "Goodmorning Mam/Sir" bati nila sabay kindat pa sakin nung iba. Pagdating namin sa tapat ng office niya nauna siyang pumasok sa loob. Pero nagulat lamang ako pagkapasok ko sa loob ng office niya. Nakita ko din dito si Matthew na nakaupo sa office chair ni Miguel habang taas taas ang paa sa table at may hawak na rubics cube, tila nagulat siya ng pumasok kami. "Bro anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Miguel, halata din ang gulat sa muka nito ng mapansin ako sa tabi ni Miguel. Agad siyang tumayo at umayos. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dalwang katauhan, na may iisang muka. "Hmm.. Bumisita lang ako bro, pero mukang may bisita ka. Mas mabuti sigurong umalis nalang ako." Sabi nito ng nakangiti. Nilingon lamang ako ni Miguel, I know what he is trying to say with those stares kaya ngumiti lang ako at tumango. "You can stay. Hmmm.. Anyway, Matt, bro this is Samantha." He took a deep breath bago lumingon sakin. "My girlfriend." Napangiti ako sa sinabi niya. Napakasarap lang sa pakiramdam na ganito na ikineclaim ng taong mahal mo na kayo, na ikaw ang girlfriend niya. Napangiti naman ang kakambal niya at nilapitan ako, medyo naiilang panga siyang binigyan ako ng mabilis na beso. "Nice to meet you, Im sorry about last time nabigla lang talaga ako. Anyway, Im Matthew, Miguel's twin brother." Nakangiti nitong sabi at hinaya pa ang palad sa harap ko na tinanggap ko. Kung may ilang man na nararamdaman ako alam ko na mawawala din ito dahil mas nangingibabaw ang saya ko. Hindi na importante sakin ang nangyari noon, ang importante lang ngayon ay ako si Miguel. Kami ni Miguel ang importante wala ng iba. Lumipas pa ang mga araw, mas naging mabuti naman ang sa pagitan namin ni Matthew yung ilangan noon ay nawala na. Hindi naman kami ganon kaclose pero okay kami. Hindi din naman masyadong nakakasama si Matthew dahil para lang siyang kabuting biglang nasulpot at nawawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD