KATATAPOS ko lang magsuka sa toilet bowl. Pangatlong beses na akong nagsusuka sa araw na ito. Lately, lagi na lang akong nahihilo at sumasabay pa ang pag-asim ng sikmura ko tuwing umaga. Ilang beses nang kumakatok sa pintuan si Benjamin ngunit wala rito ang isip ko. Pinagpawisan ako nang malamig habang pinapahiran ang luhang naglalandas sa aking magkabilang pisngi. Kahit nanlalambot ay minabuti ko nang lumabas ng banyo para kausapin ang nobyo ko. Marahan kong ipinihit pabukas ang pintuan. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Benjamin. "Are you okay, mahal? M-may masakit ba sa 'yo?" Nanatiling nakatitig ako rito habang iniisip ko kong paano uumpisahang sabihin ang nadiskrube ko ngayon-ngayon lang. "M-mahal, I-I think I'm pregnant?" nauutal kong sabi. Biglang binundol ako ng kaba.

