CHAPTER TWENTY ONE(HOPEFUL DAYS)

2176 Words

ILANG ARAW na hindi kami nagpansinan ni Armina. Kahit pagkatapos ng pasko ay wala pa ring naging matinong usapan sa pagitan namin. Si Luisa ay bumalik na sa America. Nang gabing iyon ay minabuti ko nang kausapin ito nang masinsinan. Iginala ko ang tingin sa buong sala ngunit wala siya roon. Tatanungin ko sana ang mga katulong namin nang maalala kong pinag-day off nga pala sila ni Armina dahil sa katatapos na pasko. Dahan-dahan kong tinungo ang silid naming mag-asawa. Nabungaran ko sa labas ng pintuan ang alagang aso ni Armina. Iwinagaway pa niya ang buntot na tila binabati ako. Ngunit 'di ako natutuwa sa ginagawa nito. Kapag nakikita ko itong si Puti ay nasusuklam na ako. Naaalala ko kasi si Xander sa asong ito. Naging usapin pa nga namin itong mag-asawa noong bagong kasal pa lamang kami.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD