CHAPTER NINE(CHRISTMAS BREAK:FIVE DAYS WITH HIM: BOBBY’S PAST)

906 Words
SABI KO NA nga ba magugulat siya. Hindi lang siya kun’di lahat ng kasama namin sa lamesa. I even saw the reaction of the great Xander Luis Montenegro. Hindi ako bobo at lalong hindi ako tanga para hindi matunugang nagkakagustuhan na sila Luis at Armina. Hinding-hindi ako papayag na mawala si Armina. Ang tagal ko nang naghihintay na magdalaga siya. Ilang taon na lang. After three year, eightheen na siya. That was the right age. Ayaw kong masalisihan ng sino man. I will do everything to win her dahil ang akin ay aking lamang! Wala akong pakialam kung manggamit ako ng iba to win her! I will do everything to win Armina’s love . . . isinusumpa ko sa aking sarili. “Yeah, we’re cousins,” tila may bikig sa lalamunang sabi Vanessa. “So, cousins pala kayo,” walang anu-anong sabi ni George. “Yup, pare! Sorry pala sa mga nagawa ko in the past,” ang labas sa ilong na sabi ko. “Okay,” maikli niyang sabi at nagpatuloy lang sa pagkain. Lumipad ang tingin ko sa katabi niyang babae. Beautiful, though she is not my type. Mas nakasentro ang isip at puso ko kay Armina. I don’t know but my heart only beats for Armina. Siya lang naman kasi ang dumamay sa akin nang mamatay ang mga magulang ko dahil sa airplaine crush. Ang sakit-sakit ng naramdaman ko noong mga panahong iyon. Akala ko, hinding-hindi na ako ngingiti. But just because of Armina, my whole life changed a lot. Nagkaroon ito ng kakaibang kulay. Nang ibinaling ko ang aking pansin, kitang-kita ko ang pagka-disappoint ni Xander. Wala na itong alas dahil ang gagamitin niyang babae ay pinsan ko. Tawa ko lang sa kaniya. I took a sip of my coffee. I was drown back from my memory few years ago. The year when my Dad and Mom died. “Aking apo, calm down. Magiging maayos din ang lahat,” pilit na pagpapakalma sa akin ng aking Lolo na si Carlos. “Paano ako magrerelax, Lolo, nabalitaan kong bumagsak ang sinasakyang eroplano ng Dad at Mom?!” hysterical kong sabi. “Ang lahat ay may dahilan, Bobby,” Lolo Carlos said with a sympathy in his face. Dumating ang libing nina Dad at Mom. Hindi matigil ang pag-iyak ko. I was six years old then. Sa murang edad, naranasan kung mawalan ng magulang. Parang guguho ang mundo ko nang mga panahon iyon. Nang makauwi ang mga bisita sa libing ng aking mga magulang ay nag-umpisa na naman akong umiyak ng sobra. Biglang may lumapit sa aming mag-anak. Nagpaalam saglit si Lolo upang pakiharapan ang mga dumating. Nanatili akong nakatayo sa puntod ng aking mga magulang. My eyes was still messed with teardrops. Lumapit sa aking tabi ang isang munting bata. Nakatingin lang ito sa akin at tila nag-iisip kung bakit ako umiiyak. Then I suddenly heard Lolo’s violent voice. Hindi raw niya matatanggap ang naturang pinansyal na tulong kahit kailan dahil hindi mapapalitan ng salapi ang mga nawalang buhay dahil sa kapalpakan ng naturang eroplano. Hindi raw namin iyon matatanggap, lalung-lalo na sa tulad kong nawalan ng magulang sa isang iglap. Pati ng kapatid na rin pala dahil buntis ang aking ina nang limang buwan. Minura sila ni Lolo at hinayaan lang ng mag-asawa ito. Dahil sa aking narinig, muli kong ibinaling ang aking pansin sa batang nakatunghay sa akin. Siguro nasa edad tatlo na ito. Dahil sa poot na lumukob sa munti kong puso at malakas kong itinulak ito. Gusto kong patayin sa mga oras na iyon ang batang ngayon ay nagpapalahaw na ng iyak. Halatang nasaktan sa ginawa ko. Nagsisigaw na lumapit ang mag-asawa. Pati si Lolo ay napalapit din. Marahang binuhat ng ina nito ang batang ngayon ay tumindi pa ang pag-iyak. Ang ama naman niya ay nanlilisik ang mga matang napatingin sa akin. “Isa kang walang modong bata!” marahas na sabi sa akin ng lalaki. “Tumahimik ka, Franco! Magmula sa araw na ito ay inaalis ko na ang anumang ugnayan ng angkan namin sa angkan ninyo!” walang anu-anong bulyaw rin ni Lolo Carlos. Iiling-iling na lang na lumisan ang lalaki at susukot-sukot namang sumunod ang asawa nito. Nanatili namang nakatunghay sa akin ang batang bitbit ng babae. Nanatiling nakaagapay ang aking paningin sa kanila. Hanggang sa pagsakay nila sa magarang kotse ay tuloy pa rin ang aking pagdadalamhati at paghihinagpis. “Apo, sila ang may-ari ng eroplanong sinakyan ng mga magulang mo.” Dahil sa narinig, napatigil ako sa pagluha. “Sinu-sino po sila, ‘Lo?” tila wala sa huwisyo kong saad. Sapagkat sa napakabata ko pang edad ay ramdam ko ang poot na namuo sa aking kaibuturan. “Sila ay kasali sa mga buena familia sa alta-siyudad. Pamilya Montenegro, Franco Montenegro. Huwag na huwag kang lalapit sa kanila. Tandaan mo iyan, Bobby.” Kaya sa murang edad ay tumimo sa utak ko ang habiling iyon ng aking Lolo. Kamakailan ko lang napag-alamang si Xander Luis ang nag-iisang anak ni Franco Montenegro. Buti at patay na ang ama nito. Bagay lang iyon sa kaniya dahil sa sama ng ugali niya. “Tiyak na ganoon din si Xander Luis,” salit ng isip ko habang inaalis ko ang tingin kay Xander. “Balang araw, magagantihan at mapapabagsak ko ang lahat ng ari-arian ng pamilya Montenegro!” Mahina kong bulong na tanging ako lamang ang nakaririnig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD