CHAPTER TEN(CHRISTMAS BREAK: FIVE DAYS WITH HIM: BOBBY’S INVATION)

1776 Words
PAGKATAPOS ng mahaba-haba pang kuwentuhan namin ay nag-decide na ang mga kaibigan ni Xander na humiwalay sa amin nina Bobby at Xander. Kahit ‘di kami masyadong close nina Betty at Alexandria ay nagbeso-beso pa rin kami. Dahil sa kaugalian na rin ng mga katulad naming nasa alta-siyudad. “So, see you na lang sa pasukan Armina,” ang magiliw na sabi ni Alex habang kumakaway pa sa amin. Mahigpit naman siyang hila-hila ni Nicholas, ang joker ng grupo. Parang aso at pusa lang sila. Pero infairness ang cute kaya nilang tingnan. Kaniya-kaniya na kaming pasok sa kotse nang marahang hinawakan ni Xander ang braso ko. “Sumabay ka na sa aking umuwi, Armina. Tutal pagkahatid ko kay Vanessa ay diretso na akong uuwi,” titig na titig niyang sabi. Habang si Vanessa naman ay nakatingin lang sa ibang direksiyon. Hindi ko tuloy mabasa ang reaksiyon sa kaniyang mukha. Lumipad ang tingin ko sa katabi kong si Bobby na tila naghihintay rin ng aking kasagutan. “Ah, kasi Xander, inimbitahan pala ako ni Bobby na sa kanila na maghapunan. Kakamustahin ko na rin si Lolo Carlos.” Gumuhit ang mahabang patlang sa aming apat nang basagin ng katahimikan ang tinig ni Bobby. “Eh, kung gusto ni Vanessa dumalaw na rin siya kay Lolo. Tutal matagal-tagal na ring ‘di nakikita ni Lolo itong si Nessa. Kung papayag lang naman siya at ayos lang sa ‘yo, Xander. Para one way na lang ang uuwian n’yo mamaya ni Armina,” pang-iimbita ni Bob na. “Okay lang naman sa akin. Tutal naka-leave na ako ngayong araw, Xander.” “Sige, kung ganoon,” maiksi namang pahayag ni Xander. Mababakas sa boses niya ang kalamigan. Ewan pero magmula nang pumasok kami sa sinehan ay tila iritable na si Xander at parang ayaw na ayaw niya si Bobby. Nagkaniya-kaniya na kaming pasok sa dala-dalang kotse nina Xander at Bob pagkatapos. Habang nasa biyahe ay pasimple akong tinatapunan ni Bobby ng tingin. Tila tuwang-tuwa ito. “I’m just wondering lang, Bob. Ask ko lang, huh? Nahahalata mo naman siguro.” “Ang alin, Armina?” “Kayo ni Xander. . . tila may kung anong ‘di nakikitang pader ang nakaharang sa gitna ninyo. Halatang-halata na ‘di kayo komportable at. . .” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Bobby. “Because that Xander Luis has a secret feeling for you, Armina. He is very jealous when I am with you. Hindi ko siya masisisi. Ganoon din kasi ang nararamdaman ko sa tuwing alam kong magkasama kayo. Lalo na’t nasa iisa kayong bubong,” sabi niya na bakas sa boses ang nagtitimping gigil. Ako naman na nakikinig lang ay napamulagat sa kaniyang tinuran. “Are you joking, Bobby? He’s my. . . stepbrother!” mahina kong sabi ngunit ang diin sa aking huling salitang binigkas ay mabuway. Dahan-dahang ipinarada nito ang kotseng sinasakyan namin dahil nasa harap na kami ng malaking mansyon ng Lolo ni Bobby na siyang mamanahin niya pagdating ng tamang panahon. Malakas siyang bumusina upang ipagbigay alam sa security guard na buksan ang malaking gate. Hindi ko alam pero parang nahihiya ako kay Bob ngayon. Tila binabasa niya kasi ang buo kong pagkatao. Titig na titig siya na tila pinapakiramdaman ang bawat kilos at pintig ng puso ko. Kinakabahan ako dahil baka malaman ng kung sino man ang nararamdaman ko kay Xander. Mabilis niyang inalis sa akin ang tingin nang kusang bumukas ang pagkalaki-laking gate. Agad na pinaandar nito ang sasakyan at marahan niyang tinapunan ng tingin ang sumusunod na kotse ni Xander Luis. Nang makarating kami sa malaking garahe ng mansiyon ay muli na naman itong umimik. Halos nga napatalon ako sa kaba dahil sa sobrang gulat. Hindi talaga ayos sa akin ang kape . . . masyado na akong nerbyosa! Nagsalita nga si Bob at tila nabanaag ko sa kaniyang mukha at boses ang kalamigan. Nag-iba ito mula sa pagkakakilala kong mapagbiro at palaasar na si Bobby. “Just as you say, Armina, stepbrother mo siya. Pero sa papel lang naman ‘yon, darling. Hindi kayo magkadugo. Puwede ka pa ring magkagusto sa kaniya. Sa palagay ko nga ay parang may gusto ka na rin sa kaniya.” Nanlamig ako sa mga binitawan niyang mga salita. Nawalan pa nga yata ng kulay ang mukha ko. Tila ako maiiyak sa sobrang kaba. At hiya? Oo, ikinakahiya ko ang aking sarili dahil tila alam na ni Bobby ang ang lihim akong pagtingin kay Xander. YEAH, andito na kami sa malaking mansyon ng mga Fontanilla. Namiss ko rin itong lugar na ‘to. Malayo sa city at may preskong hangin talaga. Pagkabukas ni Xander ng pintuan, agad na niya akong inalalayan. As usual, dalagang pilipina pa rin ako kahit may pagka-vulgar talaga ang aking mga kasuotan. Napapikit ako habang nilalanghap ang preskong hangin. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nasa lugar ka na katulad nito. Ano na nga bang tawag dito? Ah . . . farm life! But not totally, ha. Hacienda kasi ito . . . mas class. “Hey, it seems na gustong-gusto mo rito. May papikit-pikit ka pa riyan!” natatawang puna ni Xander. “You bet, Xander! Alam mo bang parati akong iniiwan dito ni Papa noon? Maraming alagang kabayo sina Bob. Kung gusto mo pa nga, mag-horse back riding tayo.” Tila naman kumislap ang mga mata ni Xander sa tuwa dahil sa narinig. “Really? Okay, game ako riyan!” Pati ako ay nasiyahan. Nang mapadako ang tingin ko kay Bobby at Armina ay seryosong-seryoso sila sa kanilang pinag-uusapan. Hindi ko alam kung namumutla ba si Armina o talagang maputi lang siya. “Hey, Bob,” agaw pansin ko sa kanila. Napatingin naman sa amin si Bob at tila napipilitang siyang ngumiti. Teka, may love quarrel ba ang dalawa? Marahan lang tinapik ni Bobby ang balikat ni Armina. Napaigtad pa siya dahil siguro sa gulat sa ginawa ni Bob. “Okay lang, Armina. I’m not mad at you. Hindi pa rin kita igi-give-up,” sabi ni Bob habang ang mga mata niya ay marahang lumipat kay Xander na nasa malayo naman ang tingin. Tila enjoy na enjoy ito at hindi alintana ang pagmamasid ni Bobby. Habang matagal kong tinititigan si Bobby, unti-unti siyang napakuyom. Tila nagpipigil ng galit. May alam si Bob na kailangan ko ring malaman. Aalamin ko iyon, para matahimik din ang isipan ko. At last, nasa loob na kami ng mansyon. Naroon lang naman ang Lolo ni Bob na nagbabasa ng mga diyaryo. Napapangiti siyang sumalubong sa amin. Nagmano na lang kami bilang paggalang. Agad namang nagpahanda ito ng memeryendahin sa mga nakakalat na katulong kahit magalang na kaming tumanggi. “So, Bobby, sinu-sino naman itong mga kasama mo?” tanong ni Lolo Carlos habang inaabutan kami isa-isa ng soda drink. “Ah, mga kaibigan ko po. Ito pala si Armina Deo Gracia, si Vanessa Ramirez, at kung naaalala mo pa ‘Lo ito si. . .” saglit siyang tumigil at seryosong tinitigan si Xander. “Siya po si Xander Luis. Xander Luis Montenegro.” Napawi naman ang masayang ngiti ni Lolo Carlos. Tila nga may kalakip iyon ng galit. Hindi ko alam kung napuna iyon ni Xander. Mahigpit na kinamayan ito ni Lolo Carlos . . . tila binabasa niya ang pagkatao ni Xander. “Ah, ikaw nga ba si Xander Luis, hijo? Ang anak ng yumaong si Franco Montenegro?” “Opo. Kilala n’yo ho ba ang Papa?” “Oo naman, kilalang-kilala ko si Franco. Kaibigan siya ng aming pamilya.” Matapos ang mahabang naming kumustahan ay pinayagan na kami ni Lolo Carlos na lumibot sa buong Hacienda ng mga Fontanilla. Nagpaiwan naman si Bobby dahil may pag-uusapan daw sila ni Lolo Carlos. Habang masaya kaming naglilibot ay napansin namin ang mga kabayong nakatali sa mga kuwadra. Puro primera klase ang mga kabayo. Mahilig kasi ang Lolo ni Bobby sa mga iba’t ibang breed ng kabayo. Agad kaming nagsilapit sa nag-aalaga at nagbabantay. Natuwa kami nang husto ni Xander dahil puwede raw kaming mamili ng sasakyang kabayo. Ang napili ko ay isang kulay puting mare na galing pa raw sa Englatera. Habang ang kay Xander naman ay maitim na stallion. Sa umpisa ay hinahaplos namin sila hanggang masanay na sila sa amin. Masaya na naming pinapatakbo ang mga kabayo nang mapansin ni Xander na tahimik lang na nakamasid si Armina. “Ba’t nakatayo ka lang diyan, Armina? Pumili ka na ng sasakyan mong kabayo tapos magkarera tayo!” pang-uudyok ni Xander. “Ah, kasi, hindi ako marunong mangabayo, Luis.” “Come on, Armina! Don’t be afraid! Madali lang ito, halika at tuturuan kita!” pilit pa rin ni Xander habang dahan-dahang niyang pinapalapit ang itim na stallion kay Armina. Tila ilag ito dahil napansin kong may takot na bumabalong sa mga mata nito. Inilahad ni Xander ang kamay kay Armina na tinitigan lang ng huli. Tila nag-aalinlangan pa. “C’mon, Armina, hindi kita hahayaang masaktan,” pagpapakalma ni Xander. Ngumiti si Armina at mahigpit na inabot niya ang naghihintay na kamay ni Xander sa ere. Pumuwesto siya sa likod ni Xander. Hinawakan naman ng huli ang mga kamay ni Armina at masuyong ipinuwesto sa beywang nito. Ako naman na nakamasid lang ay tila nanlata. Parang nanonood ako ng isang pelikula. Si Xander ang bidang lalake at si Armina ang bidang babae. Nagngingitngit kong hinila ang saddle ng aking kabayo at dumiretsong nagpunta sa mansyon nina Bobby. Nakarating naman ako agad sa harap ng mansiyon at naabutang bumababa ng hagdan si Bob. Mahigpit kong inihinto ang renda ng aking kabayo. Bumababa ako, tila naman nakahanda si Bobby sa gagawin naming pag-uusap. “Mayroon ba akong dapat malaman, Bob?” “Marami, Vanessa. Kaya dapat ihanda mo ang sarili mo,” umpisa ni Bob habang inihahayag niya ang nalalaman at saloobin. Tila may kung anong nasa loob ko. Muli akong napaharap kay Bob dahil sa huli niyang pangungusap. “Pero mapipigilan natin ito kung papayag ka lang sa gagawin nating plano para paglayuin sila!” puno ng determinasyon na saad ni Bob. Kung para sa pag-ibig ko kay Xander at para tuluyan ko nang maangkin iyon? Why not? “Sige, payag na ako.” Mataman lang na nakatitig si Lolo Carlos sa nakasarang bintana sa ikalawang palapag kung saan naroon ang library. May badha ng lungkot nang nakalambong sa mga mata niyang nakamasid. Isang ngisi ang isinagot sa akin ni Bob at sabay na kaming pumaroon sa kung saan naroroon sina Xander Luis at Armina na masayang-masayang nangangabayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD