CHAPTER ELEVEN(CHRISTMAS BREAK FOOLS!)

940 Words
PAGKATAPOS ng mga nangyari sa amin ni Xander noong wala sina Dad at Mama Ysa . . . feeling ko ay naging mas close kami ni Xander. O mas tama bang mas naging open kami sa isa’t isa? Yes, takot talaga akong sumakay at lumapit sa mga kabayo. But because of Luis ay na-overcome ko ang fear ko. Pagkatapos naming magdinner ay nagpresinta si Bobby na si Vanessa na lang ang ihatid. Habang ako na lang daw ang isasabay ni Xander, tutal one way lang daw ang daan namin. So, iyon nga, umuwi na kami. Habang nasa daan ay mapapansin na ang mga pamaskong dekorasyon na nagkalat sa buong siyudad. Tila kumikislap na bituin ang mga christmas lights na dinadaanan namin. Hanggang sa mariing tinapakan ni Xander ang break ng kotse. Oh! Nagulat ako pero agad akong naka-recover. Mabuti na lang at naka-seat belt ako. Kung hindi ay tumilapon na sana sa harap ng wind shield ang face ko. Kaskasero talaga! Hay nako! Parang wala siyang kasamang babae, ah? Nakaka-beast mode lang ang peg? So, ayon nga, sumunod na ako sa labas ng kotse. Medyo nahihilo pa ako. Dahan-dahan akong lumapit kay Luis na nakaluhod at tila may kung anong tinitingnan. And. . . Boom! Tuta lang pala. Yes, tuta lang pala na kulay puti ang iniwasan niyang masagasaan. Dahan-dahan na rin akong napaluhod at nag-umpisa na kong usisain si Xander. Abala niyang hinahaplos ang mabalahibong buhok nito. “Mabuti na lang ‘di kita naano, kung hindi, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.” Napangiti naman ako dahil ang isang tulad ni Xander na monster ay may good side din pala. “So, aampunin mo na si dogi-dogi?” sabi ko habang nakangiting hinihimas ang ulo ng aso. Napangiti si Xander ngunit dagli ring nawala. Nagtaka naman ako. “Oh, bakit? Ayos lang na magdala ng alagaing aso sa bahay. Si Dad? Hindi ‘yon magagalit.” Malungkot pa rin siyang napatingin sa akin habang hinihimas niya ang tuta. Tila may kung ano sa itsura ni Xander. Hanggang sa nag-umpisa niyang ilabas ang saloobin. “Mula pagkabata ay never akong pinayagan ni Mama na mag-alaga ng aso kasi ayaw niyang makakaamoy ng balahibo nito. Kaya imposible kong maiuwi sa atin ‘to.” “Nah! Iyon lang pala ang problema mo? Akala ko pa ‘man din kung ano na. Kunin mo na! Ako ang bahala kay Mama. Don’t worry, may dog house naman sa garden. Doon na lang siya. Basta ‘wag na lang nating ipalapit ang puppy kay Mama.” Dahil sa sinabi ko, dagling lumiwanag ang mukha ni Xander. Agad ding tumayo ito at binuhat ang alaga na niyang tuta. Habang nasa biyahe, ako muna ang nagbuhat sa tuta. Tulog na tulog na ngayon ito. “Siya nga pala, Xander, anong itatawag mo rito?” Mabilis lang na tinapunan niya ang nasa kandungan kong tuta. “Puti. Tutal puting-puti ang balahibo niya!” dagli niyang sabi nang nakangiti tapos saglit niyang hinimas ang tuta. Nagkatitigan kami, tila nagkaunawaan na. Doon nagumpisa ang lahat . . . ang pagiging close namin. Araw-araw ay salitan kami sa pagpapakain at pagpapaligo kay Puti. Kahit nga sina Dad at Mama Ysabelita ay nagtataka sa mga bago naming ikinikilos. One time na kumakain kami ng dinner, biglang ini-open ni Dad ang tungkol sa tuta. “Mabuti naman at nagkakasundo na kayong magkapatid.” “Yes, Dad, mayroon na kasi kaming inaalagaan na tuta. Si Puti.” Si Mama na tahimik lang na kumakain ay sumabad. Tila nga kinabahan pa si Xander. “Mabuti, hija at Xander. Maigi siguro kung ipasyal n’yo rin minsan sa parke o ipaparlor ang aso. Tiyak na mag-e-enjoy si Puti roon.” Nagkatinginan kami at palihim ko siyang kinindatan. Mukhang okay na ang pinoproblema ni Xander tungkol kay Puti. Wala naman palang magiging problema sa mama niya. Muli ay isang napakatamis na ngiti ang nasilayan ko sa labi ni Xander. And, gosh! Para akong tinutunaw sa kaloob-looban ko. MULA NANG UMUWI kami galing honeymoon ng honeymunch ko ay tila lumulutang pa rin ako sa kaligayahan. Lalo na at nakikita ko ring nagkakasundo na ang anak ko at anak ni Armando. Minsan nga habang kumakain kami ng lunch ay ini-open ko ang nalalapit na Pasko. “Xander, malapit na pala ang birthday mo. Ano palang plano mo? What theme do you want for your party?” “Ah, oo nga pala, Ma! Malapit na pala. Sabagay, ka-birthday ko si Papa G.” “Sino?” ang nagtataka namang tanong ni Armina. “Hindi mo kilala si Papa G? Hala naman, Armina!” ani Xander na medyo napapailing pa habang tatawa-tawa. “Isa, Xander, sirit na!” pilit ni Armina. “Secret!” lalo pang pabitin ni Luis. Napapangiti na lang kami ni Armando. “Birthday nitong si Xander sa December 25, Armina.” Tila naman namilog ang mga mata niyang singkit. “Ay, ba’t ‘di ko ‘yon naisip? Si Papa Jesus naman pala ang ka-birthday mo!” natatawa na ring sabi ni Armina. “Tama! And Ma, pag-iisipan ko pa kung anong klaseng party ang magiging tema sa birthday ko,” huling sagot sa akin ng aking binata. Tumango-tango naman ako bilang tugon na rin sa kaniya. “Waaaah! Twenty five na!” malakas kong sigaw sa kuwarto ko. Though, kahit magsisigaw ako ay walang makaririnig sa akin. “Oo, twenty five na pala. Ano kayang ireregalo ko kay Xander?” malalim kong isip habang nakatulala. Kayo ano ba magandang iregalo kay Xander? Na stepbrother ko? Na mahal ko rin? Teka! Bakit naisali ‘yong panghuling sentence?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD