WOAH! This is my big day! Ang naisip kung birthday theme ko ay mag-out of town na lang kasama ang mga barkada!
Nagmamadali akong bumangon at nagpunta sa banyo para makaligo na rin. Magiging busy akong tiyak sa araw na ito kasi nga seventeenth birthday ko na.
After fifteen minutes ay nakabihis na ako. Agad kung hinagilap ang pager ko. Agad kong pinage ang buong barkada. Nagsasapatos na ako nang mag-beep ang pager ko. Ang mensahe ay galing kay Vanessa.
"Happy seventeenth birthday, Luis! Sana maging happy ka ngayong araw na ito. Merry Christmas na rin. Lagi lang akong nandito," basa ko sa mensahe niya. Agad ko siyang ni-reply-an at in-invite sa out of town trip ng barkada.
Wala pang isang minuto ay agad na siyang nagreply.
"Okay, sige. Diyan na lang sa place ninyo tayo magkikita-kita kung ganoon.
Then after that, agad na akong lumabas ng silid ko. Mula pa kagabi ay naayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko. Agad akong dumiretso at nakita kong nag-aalmusal na si Mama at Armina. Ngunit hindi ko nakita si Papa Armando. Tiyak na maaga na naman siyang nagpunta ng opisina.
"Hello, Mom and Armina! Good Morning!" nakangiti kong bati sa kanila at kumindat pa.
"Good Morning, hijo! Merry christmas and happy birthday na rin sa only boy ko. Halika nga, give your mom a big hug and kiss.
Nangingiting bati sa akin ni Mama. Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. Nagpasalamat ako sa kaniya kasi pinagbigyan niya ako sa hiling kong out of town trip with the barkadas. Agad akong naupo at pinagsilbihan naman ng pinaka-sexy at maganda kong ina.
"Happy birthday din, XL, and merry christmas.
"Thank you, Armina," maikli kong sabi na sinabayan ko ng ngiti.
Then she handed me her gift.
"Ano naman 'to, Armina?"
"Secret! Buksan mo na," nakangiti siya ngunit may bahid ng hiya sa kaniyang mukha.
"Later na lang pag-uwi natin galing sa isla, sis," maikli kong pahayag habang patuloy lang ako sa pagsubo.
Namilog ang kaniyang singkit na mga mata. "Really, isasama mo ako?"
"Oo naman, hindi lang kita nasabihan. Akala mo ba kinalimutan na kita?"
Mabilis naman siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Nagulat pa ako. Pero deep inside kinikilig ako. Oo, hindi lang babae ang kinikilig. Pati lalaki rin.
"Kaya ihanda mo na ang mga gamit mo dahil mamayang alas nuebe ay aalis na tayo. Yacht nina Nicko ang gagamitin natin.
"Talaga? Okay, isusuot ko 'yong bagong bili ni Mama na bathing suit."
Napataas ang kilay ko sa narinig. "Really, sis, nagba-bathing suit ka? Baka naman shirt lang 'yan at mahabang short!" pang-aalaska ko pa sa kaniya. Araw ko ngayon kaya hayaan na muna niyang asar-asarin ko siya.
"Nah! Pektusan kaya kita? Tignan natin pagdating natin sa Isla jawar kung 'di ka mabulag . . . mabulag sa angkin kong kariktan!" nagmamalaki pa niyang sabi.
Tawa lang naman ako nang tawa. Natatawa ako sa sentence na ginamit ni Armina.
"Sige nga, dare!"
Pati si Mama na tahimik lang na pinagmamasdan ang asaran namin ay nakikitawa na rin.
"Tama na nga iyan! Bilisan n'yo na lang ang pagkain at malapit nang mag-alas nuebe," iiling-iling pang saad ni Mama.
"Bakit, 'di ka pupunta, Ma? Si papa?"
"Susunod na lang kami ni Armando sa isla. Tutal naroon naman na sina Yaya Doreen."
"Okay, Mama," maikli ko namang sabi. Mabilis ko nang inubos ang natitirang pagkain sa aking plato.
Si Armina naman, sa sobrang excited ay hindi na inubos ang natirang ulam. First time kasi niyang pumunta sa Isla Jawar. Sa telebisyon lang daw kasi niya nakikita ang naturang isla. Pagmamay-ari nina Nicko ang islang iyon. It's a private island. Nasa field kasi ng aquatic marine ang business nina Nicko.
ANDITO NA KAMI ngayon sa yacht na pagmamay-ari nina Nicko. Kasama namin ngayon ang private captain nila. Habang naglalayag kami ay masaya namang kumukuha ng litrato ang dalawang kaibigan ni Armina. Nakausap ko sila kanina at masarap naman silang kasama tulad ni Armina. Mabait, kahit minsan tahimik. Inayos ko saglit ang sunglasses na nakakabit sa mga mata ko.
Grabe, ang ganda talaga ng view ng dagat! Para itong babasaging crystal. My eyes flew to Armina and Bobby. Bagay na bagay sila. Parehas din silang nakatanaw sa asul na dagat.
Namalayan ko na lang mayamaya ang paglapit ni Geo. Binigyan niya ako ng malamig na soda.
"Ayos ka lang?" matipid niyang tanong sa akin.
Tumango lang ako bilang tugon sa kaniya. Ewan ko kung ano ang nagustuhan ko kay George bukod sa guwapo talaga siya, matalino at may pagkamisteryoso. Mabait din ito at may pagkastrikto. Sa maikling panahon pa lang ng aming relasyon ay makikita ko na ang ibang side ni Geo.
Si George na nagmamahal sa akin.
MASAYA AKO dahil nakadikit na naman ako kay Armina. Wala akong pakialam sa iisipin ng birthday celebrant. Nagpapasalamat ako dahil sinabihan ako ni Vanessa na may out of town daw sina Xander at kasama raw tiyak si Armina. Hindi nga ako nagkamali dahil totoo nga ang ibinalita ng pinsan ko.
Maikli kong tinapunan si Xander ng tingin. Kahit nakangiti ay tiyak kong nagngingitngit na naman siya sa galit. Sino ba ang 'di maiinis kung may uninvited na visitor sa birthday mo, 'di ba? Sorry na lang siya dahil isinama ako ni Armina. Napapangiti na lang ako dahil dito ko uumpisahan ang matagal ko nang plinaplano. Lihim kaming nagkatitigan ni Vanessa. Ngumiti siya para ipaalam sakin na nakuha niya ang mensahe ko.
UNANG ARAW namin sa Isla Jawar. Ayos na sana ang birthday ko with the barkada kung hindi lang dahil sa uninvited na visitor sa trip namin.
Sino pa ba ang tinutukoy ko? Si Bobby Fontanilla lang naman. Maiinis sana ako kay Vanessa dahil kung hindi sana niya ipinaalam sa pinsan niya ang tungkol dito ay nakakalapit pa rin ako kay Armina. Kaso magmula nang bumyahe kami hanggang sa makasakay na kami ng yacht, eh, binakuran na siya ng walang hiya. Animo'y nobya niya si Armina. Nabubuwisit talaga ako.
Kaninang dumating kami rito sa isla ay agad na nagyaya sina Nicko at Alex na maglaro ng volleyball. Pero bago iyon ay nagpalit muna kami ng damit panligo. Nagbibiruan kami ni Nicko nang lumabas sina Betty at Alex wearing those two piece swimsuit.
Halos lumuwa ang mga mata nitong si Nicko dahil sa pagkakatitig kay Alexandra. Habang si George naman ay hindi ko alam kung ano ang reaction niya. Noong una ay parang na-starstruck siya kay Bettina pero bigla ring naging blangko ang ekspresyon niya.
Nagustuhan niya marahil ang suot ng nobya ngunit dahil nga may pagkastrikto pagdating dito ay sinabihan niyang magpalit ito. Dahil may katigasan din ng ulo ni Betty ay hindi ito pumayag. Bagkus ay pinatungan na lang ng manipis na roba ni Betty ang suot. Wala nang nagawa si Geo. Ganoon talaga, under siya kay Betty.
Habang ako naman ay hinihintay kong lumabas si Vanessa. And wow! Napaka-sexy niya sa kaniyang black bikini swimsuit. Tila second skin niya ang damit.
"Maganda ba?" tila nang-aakit na tanong niya sa akin.
"Yes, it suits you, Vanessa."
Tila kinilig ito sa sinabi ko at agad na kumapit sa braso ko.
"So, tara nang maligo?"
"Okay," maiksi kong sabi. Paalis na sana kami nang biglang mag-ring at vibrate ang beeper na hawak ko.
Agad kong tiningnan iyon. Si Mama ang kasalukuyang tumatawag.
"Excuse me lang muna, Ness. Sasagutin ko lang muna itong tawag ni Mama."
"Oh, sure. Ikumusta mo na lang ako kay Tita. Doon muna ako kina Bettina."
Tumango lang ako at agad na siyang pumaroon. Magsasalita na ako nang biglang naagaw ang pansin ko sa paglabas ni Armina kasama ang mga kaibigan niya.
Kahit one piece lang ang suot niya ay hindi pa rin maalis sa akin ang hangaan ito. Puting swimsuit ang suot niya. I was left with no words. I was amazed. Ang sexy ni Armina!
Agad akong tumalikod nang dumako ang tingin niya sa akin. Tila nahiya akong makita niya ang reaction ko. Nagba-blush yata ako.
Then napatingin naman ako kay Bobby. Maganda ang katawan nito, may abs pa nga. Pero mas maganda ang katawan ko! Wala siyang panama sa six pack abs ko! LOL!
Ang yabang ko ba? Pero totoo namang meron akong abs. Saka moreno ako. Mas guwapo kaya ang mga mas maitim na lalaki. Hayaan n'yo na kung magyabang ako, ha? Birthday ko naman, eh.
HALOS dalawang oras kaming naglaro ng Volleyball. Sila Nicko ang nanalo. Hustler kaya sila! Paano, kasama naman kasi nila si George. Captain kaya siya ng volleyball team sa school namin. Habang si Nicko ay sa soccer naman.
Nang dumating ang gabi ay inayos naman namin ang gagawin naming bonefire. Habang sina Bettina, Alex at ang dalawang kaibigan ni Armina ay tumutulong sa pag-aayos sa mga pagkain sa lamesa.
Napansin kong wala ang magpinsan kaya agad akong lumapit kay Armina. Inaayos niya ang mga blanket na uupuan namin. Napaka-romantic sana ng lugar kasi full moon ngayon tapos napakatahimik pa ng lugar. Ang maririnig mo lang ay ang pahapyaw na alon sa dagat na humahampas sa maputing buhangin.
"Magandang gabi, Armina."
Ngumiti lang siya sa akin. Tila na-mesmerized naman ako sa pagngiti niyang iyon. Totoo yata ang kasabihang "Mas maganda ang mga babae sa dilim" at isa na sa mga babaeng iyon si Armina.
"Hoy, Xander, natigilan ka na riyan."
Napakurap ako. Takte naman nakakahiya.
"Huh? Ah. . . eh. . ."
Pero sa pagkadismaya ko ay naroroon na naman si Bob na nakadikit sa kaniya. Unti-unti nang nasisira ang maganda ko na sanang kaarawan dahil sa presensiya ng lintik na si Bobby Fontanilla.
"Tara na, Armina. Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Ikaw din, Xander."
Napatango na lang ako bilang sagot pero sa totoo lang ay gusto kong sunggaban ito at ingudngod sa buhanginan.