“YES, this is my wedding day!”
Nasa harap ako ngayon ng malaking salamin habang inaayusan ng mga sikat na hair dresser at make-up artist sa panahon namin.
8:00 A.M. ang oras ng umpisa ng kasal ko kay Armando. Ang saya-saya ko. Alam ninyo ‘yong feeling na ikaw na ang pinakamasayang babae sa buong mundo? Na finally makakasal ka na rin sa pinakamamahal mong lalaki? Kahit na kailan ay hindi ko ito naramdaman sa una kong pinakasalan. Ayoko na ngang maalala, naiinis lang ako. Nagpatuloy pa rin sila sa pag-aayos sa akin.
After nilang mailagay ang lipstick ko ay lumabas na sila para maisuot ko na rin ang wedding dress ko. Napakurap ako nang ilan beses sa salamin na nasa harap ko.
Ako ba ‘to? Chos! Alangang iba?! Napailing-iling ako. I love the style of my wedding dress. Empire cut na itinahi pa sa Europe at gawa ng favorite kong best friend na si Hannah David. Yeah, it’s worth a million peso. Pero sulit naman. It suited me as if it was my second skin. Medyo vulgar nga lang dahil kita ang flawless kong likod. Yes, it’s backless and I don’t care.
Artista ako sa henerasyon ko kaya naman kayang-kaya kong irampa sa harap ng media ang gown ko. Lalo na naman silang maiinggit, lalo pa’t marami na naman ang mga dadalo. Especially, mga fake people in our industry.
Hay nako, ayoko na nga silang isipin! Ayokong masira ang maganda kong mood for my wedding day. So, I just smiled at the front mirror then I saw the clock in the wall. It’s already 7:20 at kailangan ko nang pumunta sa simbahan.
But wait . . .
Asan ang aking unico hijo? I didn’t see him on breakfast and I can’t remember if he’s home or not. Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. I just picked up my beeper and beeped my son. A minute passed but there’s no response from my son. Hindi tuloy ako mapakali. Nang pumasok ang maid na nag-check sa kotseng ginamit ng anak ko ay negative na sagot ang dala niya. Bigla akong kinabahan. It means hindi umuwi ang anak ko.
Nagpalakad-lakad ako sa buong living room na parang ito ang makakatulong sa akin. Then my eyes flew at the phone. Dali-dali kong dinampot iyon at tinawagan si Armando.
“Hello, honey munch, hindi umuwi ang anak ko and nag-aalala ako!” nanginginig na boses na sabi ko kay Armando.
“Relax, honey blood, he will get home soon. Hindi naman niya siguro aabandunahin ang kasal mo,” Armando said in the other line.
Matagal akong ‘di nakapagsalita
bago sumagot. “Siguro nga. Sige, I’ll wait for him na lang.”
Dahan-dahan kong ibinaba ang telepono. Nang lumipad ulit sa antigong orasan ang tingin ko ay 7:45 na. I still can’t stop myself to think of my son.
HINDI KO alam kung ilang oras akong nakatulog sa kotse ko. Kung saan lang ako tumigil kagabi dahil sa sobrang kalasingan ko. Yeah, I was very much drunk last night. Dahil lang naman iyon sa magiging stepsister ko. Hindi ko matanggap na binalewala niya ang pagiging concerned ko sa kaniya.
Nasaling lang naman ang pride ko. Muli ay naramdaman ko ang vibration sa kaliwang bulsa ng pantalon ko. Marahan kong kinusot ang mga mata ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at hinayaang bumagsak sa headrest ng kotse ang aking ulo.
“Geez, my head aches so much. Asan ba ako?” wala sa sarili kong tanong.
Again, my beeper vibrated again. Finally, I read it. There’s four messages. Iyong unang dalawa, galing kina George at Nicko. They were asking if I came home safely. Obvious naman ang sagot . . . hindi pa ako nakauwi.
The other two messages came from my Mama. I just read it.
“Son, where are you?” she asked in the first message. I just smiled, so sweet of my Mama. Then I finally read the second message and the reality awakes me.
“Xander, nasaan ka na? Kung saan-saan ka na naman nagpupupunta! Ilang beses na nating pinag-usapan ito. Don’t you dare disappoint me on my wedding day. Go home as fast as you can. Kapag hindi ka umuwi at pumunta sa simbahan ngayon . . . itatakwil talaga kita bilang anak ko.”
“Oh, s**t! It’s my mother’s wedding day! Nawala sa isip ko iyon ah,” mahina kong bulong sa sarili ko. Dali-dali kong ini-start ang kotse ko. I checked my Seiko wrist watch.
7:50 A.M
Damn! Ten minutes before my mother’s wedding. As I reached our home, dali-dali akong pumasok sa kuwarto ko at naligo. Iyon na yata ang pinakamabilis na ligo ko sa tanang buhay ko. Agad kong isinuot ang American suit ko at saka nagsapatos. Muli ay tiningnan ko ang wrist watch ko.
8:01 A.M. na. Hindi na ako nakapagsuklay. Mabilis akong nag-drive papuntang simbahan at habang nagda-drive ay sinuklay ko ng daliri ng aking kamay ang buhok ko. Napatingin ako sa side mirror ng kotse ko. Mariin akong napapikit dahil hindi pala ako nakapag-ahit. Napaka-haggard tuloy ng pagmumukha ko. Malakas kong ipinalo sa manibela ang aking kamay. Sa pagkatanga ko ay nagkamali ako.
“Ouch! ‘Nyeta, what have I done?! Damn!” sunod-sunod kong sigaw.
Sa wakas ay nakarating din ako. I see the expression on her face.
Napakagat-labi ako. Grabe, galit na galit siya. Nagmamadali akong bumaba. As we face each other, marahan niya lang akong tinapunan ng tingin.
“Mama,” takot kong sabi.
“Huwag ka munang magpaliwang, Luis,” then she just left. Nag-umpisa nang luminya ang buong entourage.
Bumuga muna ako ng hangin bago ako pumaroon sa puwesto ko. I just go at my line. Nakita ko si Armina. Yeah, siya ang partner ko. Lalo akong naiinis sa pagkakatitig niya sa akin ngayon. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya tungkol sa akin. Alam ko. Alam niya ang mga nangyayari . . . na ‘di kami okay ni Mama.
“Kainis! Lagi na lang bang ganito? I’m always a failure to my Mother,” bulong ko sa sarili.
NASAKSIHAN ko lang naman kung paano magkatampuhan sina Tita Ysabelita at Xander Luis. Sa araw pa naman ng kasal ng huli.
“Ewan ko ba sa Xander na ‘to? Ang hilig i-disappoint ang ina,” bulong ng isip ko habang nakatitig sa kanya. Maang lang niya akong tiningnan. Tila isinali pa ko sa inis niya.
“Duh? Kasalanan ko bang maatraso siya sa kasal ng kaniyang Mama at Dad ko? How hypocrite of him!”
Mayamaya’y nag-umpisa nang pumailanlang sa loob ng simbahan ang awit pangkasal. Nag-umpisa na rin kaming maglakad. Siyempre, humawak na ako sa braso ni Xander.
“Hoy, Xander! Umayos ka nga, nakakahiya sa mga bisita,” mariin kong bulong sa kaniya.
Tila wala itong narinig kaya minabuti kong kurutin siya.
“Ouch! Ano ba, Armina, masakit!” mariin niyang sigaw. Kahit malakas ang sound ng kanta ay hindi naiwasang marinig ng sinusundan at kasunod namin sa pila ang bangayan namin. Pumaikot ang mga eyeballs ko sa inis sa mga nangyayari. Muli ay pinakatitigan ko siya. May mga maliliit na buhok na tumutubo sa kaniyang panga. Parang hindi ito nakapag-ahit. Natawa ako nang kaunti. Yes, konti lang.
“Hey what are you laughing at?!” inis pa rin niyang tanong. Maghihiwalay na dapat kami dahil magkaiba ng upuan ang babae at lalaki. Pero ‘di niya binitiwan ang kamay ko.
“Ano ba, Xander? Bitiwan mo nga ang kamay ko. Nakakahiya!” I hissed.
Then he let go of me with blazing eyes. Nag-iwan iyon ng kakaibang kaba sa aking dibdib. God! What is the meaning of that? Tinatakot niya ba ako? Pero sa totoo lang, ‘di ko naman siya pinagtatawanan. Bagay nga sa kaniya ang may mustache! Naaaliw lang ako. Nang makaupo ako ay tiningnan niya ako uli. Nasa kabilang bahagi siya ng church. Magkasalubong ba naman ang makakapal niyang kilay? Aba, hinayaan ko na lang siya. Ayaw kong masira ang maganda kong mood at make-up.
As the wedding goes by, napaka-solemn lamang ng paligid. Kay tahimik ng lahat . . . hanggang sa dumating ang exchanging of ring nina Dad at Mama.
“This ring symbolize my long and lasting love for you, my sweet, gorgeous wife. My heart is filled with love for you, so, take it, my honey blood,” my Dad said lovingly to Tita.
“Armando, take this ring as the sign of my long and lasting love for you. My heart and life are all yours now,” madamdaming bigkas din ni Tita Ysabellita.
After the vow, the priest says,
“You are now husband and wife. . . sa mata ng tao. . . batas at Panginoong Maykapal. You may now kiss the bride.”
Dahan-dahang itinaas ni Dad ang belo ni Tita at isang maalab na halik ang aming nasaksihan. Hindi lang basta smack, huh! Kun’di, alam niyo na!
“Hay, sana ganito rin ang maging kasal ko,” nagde-daydreaming kong sabi sa sarili.
Then I just figured that somebody pushed me! Konti lang naman, para siguro magising ako? I hate that.
“Ano ba, Xander, nandito pa lang tayo sa simbahan! Lumalabas na naman iyang pagkademonyo mo!” pasimple kong angil. Nanggagalaiti na talaga ako sa lalakeng ito.
Nag-cross arms lang naman siya habang hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa akin.
“Lagot ka sa akin mamaya.”
“What did you say?!” pagalit kong sita sa kaniya.
“Oras na makauwi tayo. . . tingnan lang natin Armina,” pang-uulit niya. Naka-poker face pa sya habang sinasabi iyon.
Pagkatapos niyang masabi iyon ay mabilis syang pumunta sa harap. Kukuhanan na kami ng picture. Yeah, as a family ba naman at kasali doon si Xander.
Artista ang Mama ni Xander Luis kaya medyo natagalan ang photo op. Maraming priest people ang kumukuha pa rin sa pinakaprestihiyosong kasal ng taon . . . ang Deo Gracia at Buenavista wedding. After that, we proceed to the reception at our mansion.
“God, ba’t ang daming tao? Ganito ba talaga kasikat ang napangasawa ng Dad ko?” shocked na tanong ko.
Pagkababa namin ng wedding van ay sabay-sabay na nagflash sa harap namin ang camera. Then I just felt someone lift an arm at my shoulder. Ang magaling ko lang namang stepbrother iyon.
“What are you doing?” bulong ko.
“Just smile, Armina! Minsan ka lang madiyaryo. Ayaw mo niyon? Mailalabas ‘yang matabang pisngi mo sa telebisyon,” pang-iinis niya. Then he put a fake smile in his lips as the flash of camera keep flashing.
“Oh, the plasticity of media."
Napailing-iling ako at nakiayon na rin sa sitwasyon. Parang instant artista ako. Pagkatapos niyon ay nagkaniya-kaniya na kami. My Dad and Mama Ysabellita proceed to the front and made some intro. Then after that, the other activities of the wedding was done and of course, lastly, the cutting of cake.
Mayamaya, throwing of bouquet na. My two bestfriends approached me.
“Tara, Armina, ano pa bang ginagawa mo diyan?”
“Ba’t pa tayo sasali diyan? Kay babata pa natin!” naiirita kong sabi.
“Nah, puwede na ‘yan!” The girls gigled. Iiling-iling lang akong napasunod sa kanila.
Nang makalinya kami ay dahan-dahang itinaas ni Mama Ysabellita ang bouquet niya. Nang bumagsak na ito, my eyes flew to the girl who catched it. Maganda ito at may maputi at makinis na features na parang sa gatas.
“Wait, girls do you know that girl? Parang familiar siya, eh! Saan ko na nga ba siya nakita?” bulong kong sabi sa mga kaibigan ko.
“Ano, Armina? Teen star kaya siya ng Ramirez Recording Company. Sikat na sikat siya. Siya ‘yong umawit ng “To be with you is heaven,” mabilis na bulong sa akin ni Mikaela.
“Ah, ganoon ba? Hindi ko alam, eh,” nahihiya ko pang saad. Mukhang nahuhuli na talaga ako sa mga sikat sa henerasyon namin.
Matapos nitong masalo ang naturang buquet ay isa-isang naglapitan ang mga lalaki at babae na nasa edad namin. Pati bata at matatanda ay lumapit para makipag-picture dito at makapagpa-autograph. Then I saw my bestfriends na lumapit din sa dalaga. While I saw Xander Luis in the buffet, nag-uumpisa na itong kumain.
“Hey, kilala mo ba siya, Luis?” I asked habang pinapanood siyang nag-uumpisa na siyang ngumuya.
Maang siyang napatingin sa babaeng aking itinatanong. Nangunot lang naman ang noo nya tapos sinagot na rin niya ang naghihintay kong katanungan.
“Don’t you know her. Armina? Siya si Vanessa Ramirez, sikat siya at kasali din sa mga buena familia sa Maynila,” tila wala sa mood na sabi niya at nagpatuloy lang ito sa pagkain.
Dahan-dahan na rin akong kumuha ng pagkain sa buffet table. Nang makakuha, ang balak ko sanang paglapit kay Xander ay naudlot nang mapansin kong palapit sa kaniya si Vanessa na kanina’y paksa ng aming usapan.
Nasa bibig ko na ang hotdog na aking tinitikman nang mapansin kong biglang ikinawit ni Vanessa ang kaniyang braso kay Xander Luis at marahan itong hinalikan sa pisngi.
Sa sobrang shock ko ay nagkasamid-samid pa ako. Muntik ko nang ‘di malunok ang pagkain na nginunguya ko. Malapit pa naman ako sa puwesto nila . . . kung saan sila nakaupo. Ang ibang mga nakakita ay nagbubulungan kung magnobyo ba sina Xander at Vanessa. Hindi ko maintindihan, pero iritado ako sa mga naririnig ko. Nawalan ako ng gana dahil sa mga iyon.
“What’s wrong with me? Pake ko naman kung may relasyon sila? Damn!” mariin kung bulong sa isip ko. Inilibot ko sa bulwagan ang aking pansin. Kung saan puwedeng umupo na malayo sa kanila.
Nakita ko ang mga bestfriend ko. Unfortunately, they’re chatting some people. Alangan naman makisali ako? Ayaw kong ma-O.P.
Then napalingon ako ulit kina Xander Luis with another scene. Nakita ko lang naman na inihilig ni Vanessa ang ulo niya kay Xander. Pero si Xander, mukhang hindi niya nagustuhan ang ginagawa nito sa kaniya. Tila nga lumayo siya ng pag-upo kaya napaisip ako.
“Wow, huh, ang babae pa talaga ang naglalapit sa sarili niya kay Xander?” bulong ko naman sa aking sarili. Tila nanonood ako ng pelikula sa nangyayari.
Until my father announced something in front. One by one, the boys filled the ground. Bugnot na tumayo si Xander para sumunod doon. Afterwhich, my father threw the garter.
Si Xander ang nakasalo niyon. Automatic na lumipad ang tingin ko kay Vanessa. Hindi naman ako bobo, alam ko ang susunod na mangyayari.
Alam n’yo na rin na isusuot ng guy ang garter sa girl na nakasalo naman sa buquet ng bride. Seductive smile were printed on her beautiful face.
Then she sat on the chair. Tila slow motion ang mga sumunod na eksena. Lumuhod si Xander at unti-unti lang naman niyang itinaas ang garter. Tila naman nakikiliti ang babae. Unti-unti kong ibinababa ang kutsara at tinidor na hawak ko.
This time, nawalan na talaga ako ng gana kaya ibinaba ko na lang ang platong pinagkakainan ko. Hindi ko alam, pero inis na inis ako. Nang mag-umpisa na silang magsayawan ay umupo na lang ako. Para akong tanga sa kinauupuan ko. Hindi naman sa mga nagsasayaw ang nasa isip ko, kun’di nasa sarili ko.
Unti-unti kong inanalisa ang sarili ko. Tila may ipinaparating ang isip ko pero hindi ko iyon pinapakinggan. Natigilan na lang ako nang may naglahad ng kamay sa harap ko. Bigla kong itinaas ang aking mukha, then I saw my stepbrother’s hand.
“Tara, Armina, sayaw tayo.” Tila musika sa aking pandinig ang malalim niyang boses.
Biglang pumailanlang sa bulwagan ang kanta ni Imelda Papin na “You’re the closest thing I ever found to love” at napapitlag pa ako nang biglang hapitin ni Xander ang beywang ko palapit sa kaniya.
“Ano ba?” mahina kong bulong sa kaniya. Halatang na-conscious ako sa posisyon namin.
“C’mon, Armina, what’s wrong with this? It’s just a simple dance,” malambing niyang bulong habang nakatunghay sa akin. Tila sinusuyod ng kaniyang mga mata ang buo kong pagkatao.
“Huwag na nga. Huwag mo na nga lang akong pansinin!” mariin kong bulyaw sa kanya.
“You’re the closest thing I ever found to love,” bulong niya sa akin kasabay ng chorus ng kanta. Hindi ko namalayang unti-unti ko nang itinataas ang aking paningin sa kaniya.
Tila nag-lock ang aming mga mata. Habang nakapagkit ako sa mga titig niya ay may nabasa ako sa kaniyang mga mata. Isang emosyong hindi nararapat.
Tila nag-init ang aking mga mata. Marahan kong idinantay ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Dinig na dinig ko ang mabilis na pintig ng kaniyang puso na sumasabay sa kanta. I just closed my eyes at biglang pumailanlang sa aking isip ang mga katagang iyon.
. . . Huli na.
I felt him plant a kiss on my head. Hindi ko napigilang titigan siya uli. Pero likod na lang niya ang nakita ko dahil bigla na lang niya akong iniwan sa gitna ng malaking bulwagan. Bigla kong inilibot ang paningin ko at kitang-kita ko sina Dad at Mama Ysabellita na masayang-masaya na sumasayaw.
There’s so much happiness in them. I don’t understand but despite the happiness I have for them . . . I can feel something piercing my heart.
Hanggang sa namalayan ko na lamang ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa aking mga mata. I just realized I have a feeling that I should not have. A person that I cannot have.