CHAPTER SEVEN(CHRISTMAS BREAK: FIVE DAYS WITH HIM!)

2408 Words
SA WAKAS ay natapos din magligpit sina Yaya Trining nang pumarito ako sa ibaba. Tumingin ako sa relo kong suot. "It is 7:00 in the evening na," I stated. As I watch everyone na naglilinis ng paligid ay mabilis kong tinawag ang pansin ng matandang mayordoma na matagal nang naninilbihan sa aming pamilya. "Imelda, pakiayos na lang ang mga dapat ayusin dito. Asikasuhin ang dapat asikasuhin. Bahala ka na sa mga bata. Limang araw din kaming mawawala ng Ma'am Ysabellita mo," maikli kong paliwanag. Agad namang naintindihan nito iyon. Dahan-dahan akong pumanhik sa itaas. Nadatnan kong nagsusuklay na ng kaniyang mahabang buhok ang pinakamamahal kong esposa. Narinig ko rin sa cassette stereo ang musikang pinapatugtog niya . . . ang "You and I" ni Frank Myers. I just kiss her forehead. I wanted to tell her something. When I dropped my lips to hers . . . she just closed her eyes instantly. I want to be with this woman until my last breath. I thank God so much for this Grace. Maingat ko siyang binuhat at inilapat sa malambot na kama. Pagkatapos ay itinigil ko ang paghalik sa kaniya. "Why did you stop, honey munch?" wala sa huwisyong saad ni Ysabellita sa akin. "Hindi ka ba pagod kanina, honey blood? Baka pagod ka. Lalo ka lang mapapagod sa gagawin natin. It was a long night, honey blood," nanghihipnotismo kong saad. Malambing niya akong tinitigan as her lips started to speak, smelling her sweet scent. Hudyat iyon para mag-umpisang mag-init ang aking katawan. Dahan-dahan ko siyang tinitigan at sa nag-aalab na titig ay unti-unti kong idinantay sa kaniyang naghihintay na labi ang aking maalab na halik. Nanaig sa akin ang makamundong pagnanasa na umaalipin sa aking buong sistema. Hearing these words from her, making my system go beyond my limits. "I do not care. All I want is to make love to you now, honey munch." Iyon ang huli niyang sinabi. Hudyat iyon upang bigyan ko ng katuparan ang hinihiling ng aking pinakamamahal na esposa. WAAAHHH! Hindi ako makatulog! Namamahay yata ako. It was my first time to sleep in another house. Gusto ko tuloy umuwi sa dating mansyon namin. But it will result to my mother's another heartache. Pabiling-biling tuloy ako sa kama. Geez! I checked the clock in the side table and it's already 12:05 in the midnight na. Mariin akong napapikit at iinot-inot na bumangon. I just made a decision. Iinom na lang ako ng alak para antukin. Habang naglalakad sa malaking mansiyon ng mga Deo Gracia, napansin ko ang pagka-classic ng bahay. Mula sa mga kagamitan at disenyo ay puro iyon antigo. Napansin ko rin ang mga photo frames na nakasabit sa mga dingding. Tingin ko ay mga kaninunuan nila ang mga iyon. I just stared at her mother's picture and it amazed me a lot. Her mother was so stunning but there's a blend of strictness in her aura. Nagpatuloy akong lumakad hanggang sa makarating ako sa sala ng mansiyon. Ayon sa kalkula ko'y nasa second floor na ako ng bahay. I saw the mini bar stool at dali-dali akong umupo sa isang upuan. I chose what liquor will be nice to drink at this late hour of the night. Oh, umaga na nga pala. Habang sumisimsim ng alak ay hindi ko mapigilan ang aking utak na mag-isip. Ngayong nasa iisa na kaming bahay, mapipigilan ko ba ang damdaming nag-uumpisa nang umusbong? Yeah, alam kong napansin na iyon ni Armina at ang masama ay parang may iba rin sa kaniyang mga titig. Is she feeling the same way, too? "Urgh! No! Imposible!" mariin kong bulong habang inihihilamos ang aking kamay sa aking mukha. Nang ipikit ko ang mga mata ko ay biglang sumulpot ang imahe ni Armina. I remember the way she stared at me when I kissed her hair. "God, help me," mahina kong bulong. "Hey, Xander, what's the matter?" Napakurap-kurap ako ng biglang sumulpot si Armina sa harapan ko. May hawak siyang isang baso ng gatas. Tiyak na mainit-init pa iyon dahil umuusok pa. "Nothing, stepsister," patuya kong saad habang umiinom ng alak. Nakita kong umismid siya. Napalingon ako sa kaniyang direksyon. "What?" nagtataka kong sabi. "Umiinom ka na naman ng alak," she stated. Then my eyes flew to the liquor which I'm drinking in. "Eh, sa hindi ako makatulog. Pampaantok kumbaga," I simply replied. "Edi naggatas ka na lang sana," mahina niyang bulong. Pagkatapos niyang masabi iyon ay humigop siya ng gatas sa basong tangan niya. As her lips started to sip her milk ay tila naumid ang aking dila. Pinanood ko siyang uminom ng gatas niya. Kahit alam kong mali ang pagtitig ay hindi ko mapigilan. Dalawang beses akong napalunok habang pinapanuod ko siyang umiinom ng gatas. Then I shut my eyes tightly, iiling-iling akong sumisimsim ng alak. Ewan, pero mali talaga ang nararamdaman ko. Habang umiinom siya ng gatas sa aking tabi, dalawang dipa lang ang layo ng stepsister ko. I know this is not good to hear but the truth keeps on knocking in my mind. The truth is. . . I have a secret desire with my step sister. And it's God damn freaking me out! I want to kiss those pretty lips of her. This is driving me crazy! "Hoy, Luis, what's wrong?" she asked. "Nothing. Bakit gising ka pa pala?" walang anu-anong balik tanong ko sa kaniya. "Tulad mo, 'di rin ako makatulog," simpleng sagot niya. Mahabang sandali ang lumipas bago ko narinig muli ang kaniyang tinig. "I'm just wondering kung ano na kayang ginagawa nina Dad at Mama Ysabellita," out of the blue na sagot nito. "Ewan ko? Malay mo nasa. . ." then I stopped at mid-sentence. Mabilis kong ibinaling ang aking tingin sa kaniya. Nanlalaking mga mata ang tumambad sa akin, habang ako naman napakunoot-noo na. "Ah, Eh. . . ikaw kasi kung anu-ano ang mga tinatanong mo!" mabilis kong pag-iiba sa usapan namin. Mas itinuon ko na lang sa alak na aking iniinom ang aking pansin. "I was curious lang naman," painosente niyang sabi. Dahil sa sinabi niyang iyon ay mariin akong napapikit. Inisang lagok ko ang alak na tangan-tangan ko. Then I stand up and walk away. Away from her side, from her sweet fragrance. And damn this unwanted desire! Kahit ilang beses ang ginawang pagtawag sa akin ni Armina ay hindi na ako muling lumingon. Wala na akong balak pang bumalik sa tabi niya at baka makagawa pa ako ng 'di nararapat. Maingat kong inihiga ang aking pagal na katawan, pati ang aking mga mata ay napapapikit na rin. Ngayon ko naramdaman ang pagod sa buong magdamag na nangyaring kasalan ng aking ina. Just as my eyes were starting to drop . . . the sound of her lovely voice and beautiful face appeared in my mind. The words she said still echo in my mind. "I was curious lang naman," the last sentence I heard. Then my mind drifted somewhere. Somewhere I didn't expect. EWAN ni Armina pero naiinis siya sa ginawi ng stepbrother niya. Sa sobrang inis niya, mabigat niyang ibinababa sa counter ang baso ng gatas niya. Dahil sa ginawi niyang iyon ay nasabuyan ng mainit na likido ang makinis niyang balat. "Ouch! Kainis, ba't kasi ganoon ang iniakto niya? Parang nailang siya, eh, iyon lang naman ang sinabi ko!" mariing bulong ng dalaga. "Ano ba kasi ang sinabi mo, hija?" walang anu-anong tanong ni Yaya Imelda mula sa kung saan. Sa gulat ay napahawak si Armina sa kanyang dibdib. "Oh my, Yaya! Nanggugulat ka!" "Sorry, hija, pero ano ba ang sinabi mo kay Xander at nagwalk-out siya?" ang maudyok na tanong ni Imelda sa dalaga. "Kasi, Yaya, itinanong ko lang naman kung ano na kayang ginagawa nina Dad at Mama Ysabellita. I'm just curious and. . ." Hindi pa natatapos ni Armina ang sinasabi ay sumabad na ang matandang mayordoma. "Jusmiyo naman, Armina. Iyan ang itinanong mo kay Xander Luis? Hija, lalaki ang kausap mo, kaya 'wag kang magtaka kung maiilang siya at lalayasan ka nya ng walang pasabi," tila sermong sabi ni Yaya Imelda sa dalaga. "Po?" medyo gulat na sabi ni Armina at muling inalisa nito ang mga nasabi niya sa binata kanina. Iiling-iling na umalis si Yaya Imelda. Napabuga na lang si Armina ng hangin. Ngayon ay tiyak nyang siya ang may mali sa nabuksang paksa kani-kanina lang. Inilapag niya ngayon ang wala nang laman na baso ng gatas. Nasa ganoon siyang ayos nang maramdaman niya ang pagkahapo. Sunod-sunod siyang napahikab. Dahan-dahan siyang tumayo sa kinauupuan at hinayaang iwan ang basong wala nang laman. Habang naglalakad papunta sa kaniyang kuwarto si Armina ay tila kay bigat ng bawat hakbang niya. Nang sa wakas ay nakarating din siya sa malaki at malambot niyang kama ay unti-unti niyang ipinikit ang namimigat nyang mga mata. Pumaimbabaw sa kaniyang isip ang guwapo at nang-aakit na pamatay na ngiti ng binatang si Xander Luis. Hinihila na ng antok at pagod ang katinuan ni Armina nang biglang naging totoo ang bawat eksena. Hinayaan ni Armina ang binata sa ginagawa. Sa totoo lang ay matagal na niya iyong inaasam. Hindi niya akalaing mabibigyan ng katuparan ang ninanais. At iyon na nga ang nangyayari ngayon sa kanila ng binata. Nasa isang malawak at mabatong bahagi ng ilog sila ng binata kung saan kitang-kita ang malaking talon ng Marivelles Falls. Iba't ibang klase ng damong ligaw, puno at mga namumulaklak na halaman ang makikita sa paligid. Tila balsamo sa kanilang mga pagal na katawan ang paraisong kinaroroonan nila. Dahan-dahang tinitigan ni Xander ang nakangiting dalaga sa kaniyang tabi. Nang sa wakas ay napatingin ito sa kaniyang tabi ay ubod tamis itong ngumiti. Iyon na pala ang hudyat na hinihintay ng binata, tiyak niyang wala nang makakapigil sa kanila. Dahan-dahang idinampi ni Xander Luis ang mga labi sa naghihintay na mga labi ni Armima. Tila inaantay naman iyon ni Armina dahil kusang pumikit ang mga malalantik na pilik mata ng dalaga nang maidaiti ang kanilang mga labi. Tila paru-paro lang na padapyo-dapyo sa umpisa, kay sarap ng unang halik. Dahan-dahang itinaas ni Xander ang paningin at hinanap sa mukha ng dalaga ang bakas ng pagtutol. Ngunit wala siyang nakitang senyales rito na ayaw nito. Bagkus ay nabasa niya sa mga mata ni Armina ang lalo pang pag-aasam. Unti-unting inilapit ni Xander Luis ang mga labi niya sa naghihintay na labi ni Armina. Mas maalab sa naunang ginawi. Hindi pa sana sila titigil ngunit kailangan nilang sumagap ng kaniya-kaniyang hangin. Matapos ang ilang segundo, muling ibinaling ni Xander ang paningin sa dalaga. Muli ay pinagbigyan nila ang ninanais ng bawat isa. Mas maalab sa naunang subok, dahan-dahan niyang inihiga sa mabulaklak na damuhan ang manipis na katawan ng dalaga. Hanggang sa nang bumaba ang mga labi ni Xander sa makinis at maputing leeg ng dalaga ay tila naghahanap pa siya ng higit doon. Nakaputing bestida ang dalaga kaya kitang-kita sa manipis na kasuotan nito ang angkin niyang karikitan. Mayamaya pa ay isa-isa nilang naalis ang saplot ng bawat isa. Lalong naging mas agresibo ang binata nang matunghayan nito ang alindog ng dalaga. Sinapo niya ang maumbok na dibib ni Armina. Tila naman nagpaubaya ang dalaga sa ginagawang paglalaro ng binata sa dalawang korona sa kaniyang dibdib. Ngunit hindi napigilan ni Armina ang mapaungol sa labis na kaluwalhatiang ipinapadama ng binata sa kaniya. Ang lahat ng naranasan niya ngayon . . . ang kanilang nararanasan sa bawat isa na ipinadama nila ay puro banyaga. Kaya hindi niya alam kung paano niya patutunguhan ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Hanggang sa matagpuan ng sariling mga palad ni Xander ang hinahanap. Lalong napaungol si Armina at tila nagwawala naman ang pagnanasa sa ibabang bahagi ng katawan ni Xander. Hindi na siya makapagpigil ngunit gusto niya pang malasin ang kagandahang ngayon ay nasa harapan niya. "A-Armina, you can also touch me if you want," wala sa sariling bulong niya sa dalaga. Nasa mga mata ni Xander ang labis na pag-iinit at pagnanasa sa dalaga na gusto niyang iparamdam. Hanggang sa tinupad ni Armina ang hiling ng pinakamamahal na lalaki. Yeah, in love na siya sa binata at sana ganoon din ito sa kaniya. Hindi nila aakalain sa kanilang sarili na may ganoon silang kakayahan na bigyang katuparan ang intensidad na kanilang nararamdaman. Pagkat wala pa silang karanasan sa mga nangyayari sa kanila ngayon. Ngunit binalewala nila ang isiping iyon, bahala na ang bukas. Matapos ang ilang beses na pagpapadama ay muling nagtagpo ang paningin nina Xander Luis at Armina. Pinagsawaan nila na titigan ang isa't isa. Napansin ni Armina ang dalawang beses na paglunok ni Xander, tila kinakabahan. Hindi niya alam ang gagawin. Tiyak niyang nasasabik na itong isakatuparan ang matagal nang ninanais. "A-Armina, are you ready?" ang naghihintay na saad ng binata sa dalaga. Isang tango ang isinagot ni Armina, hudyat upang maisakatuparan ni Xander ang naumpisahan. Unti-unting ibinaba ni Xander ang mukha at isang maalab at mapusok na halik ang iginawad niya sa dalaga. Dahan-dahang ipinuwesto ni Xander ang sarili sa ibabaw ng dalaga. Bago niya gawin ang ninanais ay sinapo nito ang maselang parte ng dalaga. And she wasn't dismayed. In fact, Armina felt the same. Same intensity of desire. Nang matiyak niya ang kahandaan ng dalaga ay dahan-dahang siyang pumatong dito. Hudyat niyon ang pagragasa ng pagnanasa ni Xander. L Ramdam ni Xander ang pagbaon ng mga kuko ng dalaga sa bandang likuran niya. Ngunit hindi niyon napigilan ang kaniyang pagnanais. Ang dahan-dahan lang sa umpisa na paggalaw niya ay unti-unting bumibilis. Sumasabay ang ungol ng isa't isa sa bumababang ragasa ng tubig sa talon. Alam na nilang ang intensidad ng kanilang nararamdam ay nasa itaas na level na. Hanggang sa hindi na nila namalayan ang ritmo na kanilang pinagsasaluhan. Mahigpit na iniyakap nila ang sarili sa bawat isa nang marating nila ang sukdulan. Sabay nilang isinigaw ang kaniya-kaniyang pangalan. Tigib ng pagmamahal ang makikita sa bawat isa. Maingat na inalis ni Xander ang katawan sa pagkakadagan sa dalaga. Tumabi ito sa tabi niya at muli ay masuyo niyang hinagkan ito sa mga labi. "I love you. I wish you feel the same too, Armina," mahina niyang bulong. "Mahal din kita," sagot ni Armina. Sa ganoong posisyon ay tinitigan nila ang mga mukha ng bawat isa . . . na parang wala nang makapipigil pa sa kanilang umuusbong na nararamdaman. Even if they knew that their love is in the wrong time. Hinayaan na lang nilang tangayin sa hangin ang bawat agam-agam habang ang mga mata nila'y nakatanglaw sa asul na langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD