Tulala habang daig pa ang gripo ng tubig ang aking mga mata dahil sa walang patid na pagluha. Hindi ko na namalayan pa kung paano akong nakaalis sa lugar na iyon nang hindi gumagawa ng eksena. Gusto kong sigawan si Soren ng mga oras na iyon. Gusto ko siyang kastiguhin, gusto kong magalit sa kaniya. Gusto kong tanungin kung sino ang babae at kung tapos na ba ang lahat sa amin. Bakit ngayon? Bakit kung kailan alam niyang kailangan ko siya? Bakit sa araw na ito? Bakit kung kailan sinabi niyang pwede akong tumakbo sa kaniya? At ang dahilan kung bakit para akong pinapatay nang paulit-ulit. Kung bakit tila may mga kamay na sumasakal sa akin sa mga sandaling ito dahil sa nasaksihan ko. Ang dahilan ay dahil mukhang ako ang talo. Mukhang ako ang unang bumigay sa aming dalawa. Dahil tang***, ma

