Twenty Second Chapter

2563 Words

"Ano ang intensyon mo sa kaibigan namin?" "Ano ang trabaho mo?" "Kung may binabalak kang masama ay huwag mong ituloy at apat kaming yayari sa'yo." "Daks ka ba?" Napatapik na lang ako sa noo ko sa sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko habang nakapaikot kami sa bonfire. Nang matapos lang kaming kumain ng hapunan kung saan bulalo at barbecue ang ulam namin. Binaon namin ang bulalo na luto ni Mamu habang ang barbecue naman ay dito na namin inihaw.  Dahil weekend ay marami-rami ang mga tao sa paligid namin. Halos magkakadikit na ang mga tents sa pampang kung saan ay matatanaw mo ang payapang dagat, at maya't-maya ay maririnig ang alon na talaga namang makakapawi ng stress mo. Ito man ay dahil sa trabaho o dahil sa problema. Kahit panandalian lamang. Kahit na saglit lang habang narito ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD