Fourth Chapter

2252 Words
Karelasyon. Ang mga taong nagbibigay sa atin ng inspirasyon at gana upang patuloy na lumaban at bumangon sa araw-araw. Ang mga taong pinaglaanan natin ng oras at pagmamahal. Sa kanila ay ibinigay ang halos lahat sa atin at wala nang itinira pa sa sarili natin. Bakit? Dahil akala natin ay sila na. Akala natin ay sila na ang 'forever' natin.  Bago ko pa namalayan ay sunod-sunod na lagok na pala ng alak ang nagawa ko nang dumiretso ako sa bar na nadaanan ko. Mapait at matapang na lasa ang dumaraan sa aking dila pababa sa aking lalamunan at sikmura, pero wala akong paki. Sa totoo niyan ay hindi naman ako palainom na tao, pero p'wede bang maiba muna iyon kahit ngayong gabi lang?  "Binigay ko naman sa kaniya ang lahat. B-Bakit? Bakit hindi niya na lang kinamot ang kati niya?" tulo luha at uhog kong tanong sa sarili at ramdam ko na ang tama ng alak sa akin. "Ganoon siya kalibog at maging ang transgender ay pinatulan niyang g*go siya?" puno ng hinanakit kong tanong sa sarili at muling naalala ang tagpong naabutan ko kanina.  Nahuli ko lang naman ang magaling kong boyfriend na nakahilata sa kama habang may gumigiling sa ibabaw niya. Sarap na sarap pa ang loko at halos tumirik na ang mga mata. Hindi na ininda ang kapareho niyang sandata na humahampas sa tiyan niya sa bawat galaw nito.  "Magsama silang dalawa." Itinaas ko ang kamay ko para um-order pa at may lumapit namang waiter sa akin. "Miss mukhang lasing ka na. Wala ka bang kasama? Pasensya na pero may limit lang kami ng alcohol dito. Iuwi mo na lang iyan kaysa mapahamak ka pa. Maraming loko-loko rito."  "B-Bakit? Hik! Bar naman 'to ah. Bakit hindi na p'wede? Isa na lang please? Hindi pa ako ganoon kalasing kasi n-naaalala ko pa ang ginawa ng g*go kong boyfriend." may himig pakiusap ko sa waiter.  "Pasensya na talaga at mahigpit ang boss namin. Tara at ihahatid na kita sa labas." Nang akmang hahawakan na niya ako ay napangisi ako. "Libre?"  Natigilan siya at napakamot sabay iling. Sa bahagyang umiikot kong mundo ay inabutan ko siya ng limang daan at hinayaang tangayin niya ako palabas.  "In fairness ha, mabait ang–hik! Boss mo." turan ko nang nasa labas na kami.  "Oo. Alam niya kasi kung ga'no kagago ang mga tao ngayon. Sandali at itatawag kita ng taxi." Hindi ako sumagot at bagkus ay pinilit na mahimasmasan. Pagkuwa'y natulala na lang ako at muling sumidhi ang kirot sa aking puso.  "----iss? Miss?" "H-Ha?" tila gulat pang baling ko sa waiter.  "Sabi ko ito na 'yung taxi mo kaya sakay ka na."  Walang gana kong tinignan ang nakahintong taxi at nakabukas na pinto. "Ah, salamat." pilit na ngiti ang ibinigay ko at sumakay na.  "Boss, dating gawi. Pakihatid na lang sa kanila mismo."  Dating gawi? Nakapilig ang ulo kong tanong sa sarili at binalingan ang waiter pero tumango lang siya at pumasok na sa loob.  "Ano ho ang ibig niyang sabihin sa dating gawi?" taka kong tanong sa nakatatandang driver kasabay ng pagsigok. "Madalas kasi akong makapagsakay ng mga customers nilang lasing na. Sinisiguro lang nila na walang halong kalokohan dahil nililista nila ang plate number ng bawat maghahatid sa customers nila." "Wow." bulalas ko sa kabila ng antok na nararamdaman. "Parang ang astig naman ng boss nila." bulong ko sa sarili ko.  Nang tanungin ni Manong kung saan ako nakatira ay nagsabi naman ako kung saan at inihilig ang ulo sa sandalan. "Pakigising na lang ho ako... Manong."  Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog pero ilang sandali pa ay nagising na lang ako sa marahas na alog sa balikat ko.  "Manong naman. May g-galit ba kayo sa akin?"  "Sarap uminom?" Bahagya akong napaigtad nang mabungaran ang mukha ni Soren Kai habang nakapamaywang sa labas ng taxi.  Napatingin ako sa pwesto ni Manong at nakita ko siyang nakatingin mula sa rearview. "Dito na tayo, Miss. Aalalayan sana kita kaso lumapit ang kaibigan mo. Nagbayad na rin siya kaya wala ka nang iintindihin pa." "Salamat po." nakangiti kong pasasalamat kahit pa inis dahil sa paggising sa akin ni Soren Kai. Bumaba na ako sa taxi at tinignan ang papalayong sasakyan bago sinuntok sa balikat ang lalaking katabi. "Bakit ka ba narito?" "Sarap uminom? Buti nakakatayo ka pa. Mabuti nga kamo at ako ang nakakita sa'yo. Paano kung ang Mama o ang Papa mo?"  Imbes na sumagot ay inirapan ko lang siya at nagsimulang maglakad.  "Oi, doon ang bahay niyo!" Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa paglalakad. Muli na namang pumatak ang sariwang mga luha sa mga mata ko. Kulang pa ang nainom ko dahil hindi pa ako lasing. Gusto kong makalimot kahit isang gabi lang.  "Bingi ka ba? Iyan kasi iinom... inom... ka." bumagal ang pagsasalita niya at alam kong nakikita niya ang pag-iyak ko dahil nasa harapan ko siya. Bumuntong-hininga siya at naramdaman ko ang pagtapik-tapik ng kamay niya sa ulo ko, kagaya ng madalas niyang ginagawa noon kapag umiiyak ako dahil sa pambu-bully niya. "Ilabas mo na lang iyan kaysa sunugin mo ang atay mo sa alak. Sasakit pa ang ulo mo bukas at hindi ka makakapasok sa trabaho." "First love ko si Jason at akala ko totoo kami dati pero nakipaghiwalay siya. Masaya kami noon ni Mark pero kulang pa pala ang binigay ko sa kanila. T-Tapos itong si Patrick, hindi ko lang naibigay sa kan–kaniya ang gusto niya ay niloko na niya ako!" paglalabas ko ng sama ng loob sa kaniya kasabay ng paghagulgol. "Kulang pa ba?"  Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mga bisig niya na kaya naman sa kaniya ako kumuha ng lakas.  "Bakit sarili mo ang tinatanong mo? Tanungin mo ang mga unggoy mong ex kung bakit. At huwag mong isipin na nasa iyo lang ang pagkukulang, Maia Amaris. Love is for two people and so is relationship. Don't beat yourself over it. Someday, you will meet someone na magpupunan niyang kulang na hinahanap mo." At nang gabing iyon ay hinayaan ko ang sarili kong ilabas ang sama ng loob ko at pagkabigo sa isang taong hindi ko inakalang makikinig sa akin.  "Anong oras na bakit tatamad-tamad ka pa riyan? Hindi ka ba mahuhuli sa trabaho mo? Ganiyan na nga lang ang trabaho mo ay tatamarin ka pa? Paano na lang kami na maghapong stress ang inaabot at pagod? Aba, Maia Amaris. Paano ka aasenso niyan?" Kahit talaga sanay ka na sa naririnig mo mula sa isang tao ay hindi pa rin maiiwasang masaktan ka. Lalo na kung madalas nilang ipamukha sa'yo ang bagay na iyon. Na kahit na minsan ay hindi ko narinig sa kanila ang tanong na, 'Ayos ka lang ba?'. "At huwag mong maitanggi-tanggi na uminom ka kagabi dahil sabi ng Papa mo ay madaling-araw ka na umuwi. " Naabutan niya lang naman ako dahil nakikipagpuyatan siya sa pakikipaglandian sa kabit niya. Hindi ba ako p'wedeng mapagod, Ma? Tao lang din naman ako. Oo nga't mas karespe-respeto ang trabaho ninyo pero wala ba akong karapatang mapagod sa 'pagsagot' ko sa mga tawag? Hindi ba ako p'wedeng humingi ng break mula sa maghapong pakikinig sa malulutong na mura ng mga amerikano na akala mong kung sinong matataas, at wala naman kaming magagawa kung hindi tanggapin lang ito? Wala na ba akong karapatang ma-stress lalo na kung nalaman kong niloko ako ng boyfriend ko?  Ma, sana man lang kahit minsan lang, kahit isang beses lang, tanungin mo naman ako kung kumusta ang naging araw ko. Tanungin mo naman ako kung ayos lang ba ako.  Ngunit imbes na sabihin ang mga bagay na iyan ay hindi ko ginawa dahil mula noon hanggang ngayon ay wala akong boses. Mula noon hanggang ngayon ay padagdag lamang nang padagdag ang sama ng loob kong hindi ko mailabas. "Papasok po ako, Ma." ang tanging sagot ko lang at kumain ng kaunti bago hinugasan ang pinagkainan ko at umalis na.  Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad sa direksyon ng tulay kung saan madalas kaming maglaro noon. Nakatulala at naglalakad habang inaalala ang masaklap na pangyayari. "It's not you it's me." ang pagdadahilan noon sa akin ni Jason nang makipaghiwalay siya matapos ang anim na buwan.  "Mahal kita, pero mas mahal ko na siya." ang mga salitang isinampal sa akin noon ni Mark matapos naman ang isang taong pagiging kami.  Tapos ngayong akala ko ay makakamtan ko na ang forever ko. Nang inakala kong siya na dahil malapit na kaming mag-dalawang taon. Pero ano? Nahuli ko siyang may katalik sa condo niya. Ang masama pa? Transgender ang katalik niya.  At ano ang mga salita niya nang mahuli ko siya? Ito lang naman, "Pasensya na. Lalaki lang ako, Maia. May pangangailangan ako na hindi mo kayang punan dahil sa kaartehan mo. Kasal muna bago k*na? P***, baka puti na ang mga mata ko noon at puro sapot na iyang p*** mo. " Hiniwalayan niya ako dahil sa pagtanggi ko sa pangangalabit niya. Kasalanan ko pa na makati siyang nilalang? Putik siya. Ginawan pa niya ng dahilan ang panloloko niya.  Kaya ngayon ay tulala akong naglalakad at walang direksyon ang mga paa. Mabigat ang bawat paghakbang at dibdib dahil sa muling pagkabigo sa pag-ibig.  Ganoon ba talaga ka-importante ang s*x sa isang relasyon at iniiwan ako dahil lang sa hindi ko pumapayag? Kasalanan ko ba na iyon ang pananaw ko bilang isang babae? Hindi ba puwedeng tuhugin na lang muna nila ang palasingsingan ko bago ako? Ang sabihin mo, talaga lang hindi nila ako mahal kaya hindi sila makapaghintay.  Napahinto ako sa paglalakad at pagsipa sa bato bago napatingin sa bandang kaliwa ko kung nasaan ang ilog. Lumapit ako roon at tumingin sa baba. Malalim kaya ito? Mas magiging ayos ba ang lahat kung tumalon na lang ako?  "Malalim iyan." Napapitlag ako nang may magsalita at napasibangot nang makita ang mortal kong kaaway na si Soren Kai Venturina. Palubog na ang buwan pero tila kumikislap ang hikaw nito sa tenga at kilay. Badboy na badboy ang hitsura nito na nadagdagan pa ng style ng buhok nitong mullet.  Akala mo naman ay bagay sa kaniya.  "Pa'no mo nalaman? Nakatalon ka na?" pagsusungit ko sa kaniya bago muling itinuon ang tingin sa kulay putik na tubig.  "Tanga. Sa hitsura pa lang ay malalim na. At tignan mo nga ang kulay na kulay tae? Imaginin mo na lang kung ilang libong tao na ang tumae diyan."  Sa sinabi ni Soren Kai ay napangiwi ako at nanginig nang pumasok sa isip ko ang sinabi niya. Tumabi siya sa akin sabay patong ng dalawang braso sa tulay.  "Ano ba ang balak mo? Balak mo na bang tapusin ang buhay mo? Sus, ayos lang iyan. Pangit ka man pero may magmamahal din sa'yo." pang-aasar niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "At tignan mo 'yung kulay mo at kulay ng putik? Baka hindi ka na makita diyan." dagdag pa niya sabay tawa ng malakas.  Sa inis ay sinuntok niya ito sa braso at ang kaninang nararamdamang sakit sa dibdib ay napalitan na ng asar. "Gag* ka. Kung mambubuwisit ka lang ay lumayas ka sa paningin ko." Sa nakapatong na braso ay ipinatong niya ang baba niya roon bago tumingin sa kaniya habang hinihimas ang labi. "Seryoso ako, Maia Amaris. Kapag tumalon ka diyan, akala mo ba ay makikita ka pa? Kung makikita ka man, baka kasing laki mo na ang balyena dahil lumobo ka na. Papahirapan mo pa ang sarili mo. Ako na lang ang papatay sa'yo pero... baka sa sarap kita patayin." nakangisi at nakakaloko niyang saad.  "Hinding-hindi ako papatol sa'yo, ano? God knows kung ilang babae na ang ikinama mong hindot ka." nakairap kong pagtataray sa kaniya sabay layo sa tulay at nakahalukipkip na muling naglakad.  "Uy, pinag-isipan niya." pahabol niyang tukso at napailing na lang ako nang marinig ko ang mga yabag niyang sumusunod. "Choosy ka pa ba? Ang pogi ko kaya tapos plain ka lang. Naks, parang storya sa pocketbook, ano?" "Heh." singhal ko sa kaniya at binilisan ang paglalakad.  "Bakit ba biyernes santo na naman ang mukha mo? Hulaan ko, nakipag-break sa'yo ang mukhang kurimaw mong boyfriend, ano?" Sa sinabi ni Soren ay napahinto ako sa paglalakad para linungin siya. "Paano mo nalaman?"  Ngumisi siya at lumabas ang ngipin niyang pantay-pantay at ang maliit na biloy sa kanan niyang pisngi. "Hinulaan ko lang."  Kagaya ng madalas kong gawin noon pang mga bata kami hanggang ngayon na parehas na kaming nag-trabaho ay sinipa ko siya sa binti.  "Punyemas ka talaga kahit kailan." Muli na akong naglakad palayo sa kaniya at inayos ang pagkakasukbit ng bag na hawak.  "Pang-ilang nobyo mo na ba iyang si Patrick? Dati ay si Jason at Mark ang nakipaghiwalay sa'yo, hindi ba? Alam mo kung bakit? Kasi masiyado kang mabait at ibinibigay mo sa kanila ang lahat at wala ka na halos itira sa sarili mo." Hindi lahat, dahil ang kaisa-isang bagay na hindi ko ibinibigay ang nagiging dahilan kung bakit nila ako iniiwan. Sagot ko sa kaniya sa aking isipan. Nagsisisi ako na nai-kuwento ko sa kaniya ang lahat noong lasing ako. "May offer ako sa'yo, Maia Amaris."  Napabuga na lang ako ng hangin. "Ano naman iyon, Soren Kai?"  Mula nang maging frenemy kami ay nakagawian na naming tawagin ang isa't-isa sa aming buong pangalan. Ewan ko ba, never naman kaming naging close pero dahil magkapitbahay kami ay alam niya halos lahat ng bagay tungkol sa akin.  "Let's date and I will give you the honor of being my first heartache." At halos lumuwa na ang mga mata ko sa sinabi niya. Putspa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD