Third Chapter

2294 Words
"Ano ang... ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong habang magkaharap kami.  Binaliktad niya ang suot na sumbrero kaya kitang-kita ko ang mga mata niya. "Ikaw ang ano ang ginagawa mo rito? At bakit alam mo ang pen name ko sa TanTan?" humalukipkip siya sa ibabaw ng mesa at itinaas ang isang kilay. "Maupo ka nga at para kang namamalimos diyan." hinila niya ako at napaupo naman ko sa katapat niyang upuan.  "Ikaw si Soren Iak? Ang baho ng pen name mo, ha?" napapantastikuhan kong tanong kay Soren Kai na may halong pang-iinis at inilagay ang dala kong bag sa kandungan ko.  "Bakit ba nakikialam ka? Teka, teka nga, huwag mong ibahin ang usapan, Maia Amaris. Bakit ka narito?"  Naging malikot ang mga mata ko bago pilit na nilakasan ang loob para magsinungaling. "Ako si Maricar, duh. Nagkasundo tayong magkita, hindi ba?" "At tingin mo maniniwala naman ako?" bahagya siyang lumapit sa akin at lumayo naman ako. "Maputi ang kausap ko, Maia Amaris. Huwag mo nga akong gawing tanga." bahagyang inis na sagot ni Soren Kai.  Sasagot sana ako pero may lumapit na waiter kaya itinaas ko ang kamay ko. "Hindi pa kami o-order, Kuya." sabi ko sa waiter nang hindi inaalis ang tingin ko kay Soren Kai. "Fliter lang 'yon, `yung–`yung 370 ba iyon? Basta iyon. Iyong halos mawala ka na sa screen sa sobrang puti." pagdadahilan ko habang pilit na inaalala ang App na ginagamit ng mga gustong pumuti.  "365." pagtatama niya. Napapitik ako sa hangin. "Tama iyan nga."  Napatawa si Soren Kai sabay pitik sa noo ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Tanga, x-rated movie ang 365. 360 naman iyong App. Magdadahilan ka na lang hindi mo pa galingan."  Bahagya akong napahiya at umurong ang dila ko. Pero hindi ako dapat na magpatalo. "Nakalimutan ko lang iyong tawag! Ako nga si Maricar, kaya nga narito ako sa harap mo,  `di ba? Anong pruweba ba ang gusto mo?" panghahamon ko sa kaniya.  Sumilay ang nakakalokong ngisi sa mukha niya kasabay ng paghimas sa baba. "Kung ikaw nga si Maricar ay may ang bagay na magpapatunay." matapos sabihin iyon ay bahagyang bumaba ang tingin niya sa katawan ko kaya mabilis kong natakpan ito na para bang nakikita niya talaga ang hubad kong katawan. "Kabisado ko pa ang nunal malapit sa pu----"  Bago pa maituloy ni Soren Kai ang sasabihin niya ay tinakpan ko na ang bibig niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at agad na inilibot ang mga mata para siguruhing walang nakarinig sa amin. Napaigtad na lang ako nang makaramdam ako ng malagkit at magaspang na bagay sa kamay ko kaya agad kong naialis ang kamay ko sa bibig niya at impit na napatili bago ipinahid sa damit niya ang laway niya.  "Kadiri ka! Napakababoy mo." "---so. Tanda ko ang nunal na malapit sa puso mo. Ano ba ang iniisip mo, Maia Amaris?" naiiling niyang tanong bago sumeryoso. "Kahit na maghapon mo akong kumbinsihin na ikaw ang kausap ko ay mag-aaksaya lang tayo ng oras." "Uhm, Sir, Ma'am?" muling pagsingit ng waiter sa kanila at sa pagkakataong ito ay si Soren Kai na ang nagsalita.  "Ilang beses ba naming sasabihin na hindi pa kami o-order?" inis niyang turan.  "Ah, kasi po wala po kayo sa restaurant. Fastfood po ito at marami pong naghihintay na makaupo." Sa narinig ay kaagad akong napatingin sa entrance at nakita nga ang ilang naghihintay. Ang iba sa kanila ay masama ang tingin sa amin ni Soren Kai.  "Sorry, Kuya. Aalis na kami, sorry sa abala." nahihiyang tugon ko sabay dampot ng bag ko at tumayo na. Bahagya kong itinakip ang kamay ko sa mukha ko para itago ito nang makalabas ako ng fastfood.  "Bakit tayo lumabas? P'wede naman tayong mag-bonding for old time's sake, right? And then, you will tell me why the heck you're pretending to be someone you're not?"  Pabigla kong hinarap si Soren Kai. "Because we are not exactly friends, okay? At kung alam ko lang na ikaw iyon ay hindi ako papayag sa gusto niya. Look, Maricar is my friend, Soren Kai. Natakot lang siya na husgahan mo ang hitsura niya kaya niya ako pinakiusapan." "Oh, what are the odds?" sarkastikong sagot nito at ipinamulsa ang mga kamay. "Sabihin mo sa kaniya na hindi naman ako sa hitsura tumitingin at hindi ako nangangain ng hindi nila gusto–este–ng tao." Bahagya akong napangiwi sa sinabi niya. "Anyway, pasensya ka na kung niloko kita. Ngayong alam mo na ang totoo ay aalis na ako." pinakitaan ko siya ng palad ko bilang pamamaalam at tumalikod na.  "Bakit ka ba nagmamadali? Ganiyan mo ba ako kaayaw na kasama? Alam mo ba kung ilang babae ang naiinggit sa'yo na may kasama kang mukhang artista?" pagyayabang niya habang naglalakad katabi ko.  "Tss. Hangin." Nakairap kong wika bago binilisan ang lakad.  "Sus. If I know crush mo ako noon." Ngani-ngani ko siyang patirin sa sinabi niya. "Mandiri ka nga sa balat mo." Kailangang mawala sa tabi ko si Soren Kai dahil ayaw kong makita kami ni Patrick at magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Para matigil ang kakulitan niya ay hinarap ko siya at nanlaki ang mga mata ko nang halos magdikit na ang mga katawan at mukha naming dalawa. Agad ko siyang naitulak sa dibdib para magkalayo kami.  "May date ako, okay?" Napataas ang kilay niya sa sagot ko. "May nagkamali?" pang-aasar niya.  "Oo kaya lumayas ka sa landas ko at maghanap ka ng ibang lalandiin." "Okay. Have fun on your date." panunuya niya kasabay ng pagsaludo. "Or not." pahabol niya sabay belat.  Habang palayo si Soren Kai ay natagpuan ko ang sarili kong napapangiti. Pamilyar kasi ang tagpong ito dahil madalas aalis si Soren Kai na bebelatan muna ako. Maya-maya ay napasimangot ako at napailing bago naisipang padalhan ng text ang boyfriend ko.  Matunog na pagsasalpukan ng dalawang uhaw na labi ang maririnig sa loob ng sasakyang aming kinaroroonan. Ang aming mga dila ay parang mga espadang nagsusubukan ng lakas at sa huli ay nagpagapi ako sa kaniya. Naglumikot ang matulis at matamis na dila ni Patrick sa aking bibig kasabay ng mahinang ungol na nagmula sa aking lalamunan. Nang humiwalay siya at bumaba ang halik niya sa leeg ko ay bahagya akong napaigtad at napahigpit ang hawak ko sa braso niya, ang mga kuko ay marahang bumaon sa balat niya. Nakagat ko ang labi ko upang pigilan ang mga nakahihiyang tunog na nais na lumabas mula roon. Libo-libong boltahe ng kuryente ang idinudulot ng bawat pagdila, paghalik at pagkagat niya sa aking leeg.  Kasabay ng nararamdamang sensasyon ay ang marahang pagmasahe niya sa aking dibdib. Wala sa loob na nasabunutan ko siya. Maya-maya pa ay napamulat ang aking nga mata mula sa mariing pagkakapikit nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking kaselanan. Ang sensasyong naramdaman ay nawala at tila ako binuhusan ng malamig na tubig. Kaagad akong lumayo sa kaniya at inalis ang mapangahas niyang kamay.  Oo nga't pumapayag akong mahawakan niya ang likuran at dibdib ko basta't may damit ako, ngunit kailanman ay hindi ako pumayag na mahawakan sa parteng iyon. Dahil mayroon akong paniniwala at paninindigan. Isang paninindigan na naging dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa akin noon ang dalawa kong nobyo.  Ngunit masama bang umasa na naiiba si Patrick?  Narinig kong bumuntong-hininga si Patrick at napapiksi nang hinampas niya ang manibela ng secondhand niyang kotse. "Tang*** naman, Maia. Mag-i-isang taon na tayo. Hanggang kailan ba ako maghihintay? Hanggang paglamas na lang ba talaga ang kaya mong ibigay sa akin? Lagi na lang may kalyo itong kanang kamay ko oh." Napakagat ako sa labi at napayuko bago niyakap ang sarili. "Sinabi ko naman na sa'yo, Pat." "Nasa anong taon at henerasyon na ba tayo? Ikaw na lang yata ang napag-iwanan ng panahon, eh. Maia, mahal kita, mahal na mahal kita, pero may limitasyon naman ako. Paano naman ako?" may himig panunumbat niyang saad. "Minsan iniisip ko kung talagang mahal mo ba ako, eh."  Pang-ilang beses ko na bang narinig ang linya na iyon mula sa mga lalaking gustong gamitin ang pagmamahal? Mga lalaking gusto lamang maka-iskor kaya nangongonsensya.  "Alam mo ang sagot ko diyan, Patrick. Hindi sukatan ng pagmamahal ang s*x." nasaktang sagot ko sa kaniya at inayos ang sarili ko. "Magj-jeep na lang ako." hindi ko na siya hinintay pang makasagot at bumaba na.  Habang patungo sa sakayan ng jeep ay hindi ko naiwasang malungkot at masaktan sa nangyari. Ilang beses na ba itong nangyayari? Mahirap ba talagang intindihin para sa kanila na gusto ko muna ng kasal bago ang s*x? Ganoon ba ka-importante sa isang relasyon ito para tumibay ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan? Mali ba na ito ang itinuro at iminulat sa akin mula noong bata pa ako?  Ayaw ko ng katulad ng pagsasama ng mga magulang ko na nangyari lamang nang dahil sa panandaliang saya. Ano na ang nangyari sa kanila ngayon? Nagkasira sila at ang Papa ay hayagang nambababae. Ang gusto ko ay pagsasamang katulad ng sa Lolo at Lola ko na nabuo dahil sa pag-ibig.  My Mother was conceived by love while my sister was conceived by lust.  Kaya siguro ganoon ang ugali ng Ate ko. Wala sa loob kong sabi sa sarili bago natigilan at napatingin sa langit. Sorry po, Lord. Dagdag ko at sumakay na sa jeep.  "Naiintindihan naman kita, girl. Laki ka sa lola at gusto mo ng katulad ng love story nila. Pero hindi mo ba naisip na iba-iba naman ang kapalaran ng tao? Iba-iba tayo ng love story, bes. Kadalasan,  malalaman mo ang kahalagahan ng isang bagay ay wala na ito sa'yo." ang matalinhagang sabi sa akin ni Maricar habang kumakain kaming lima sa cafeteria.  Nai-kuwento ko na kasi sa kanila ang pangyayari at ngayon ay inaatake na naman ako ng dèja vu. Ganitong-ganito kasi ang pakiramdam ko at ang pangyayari noon kapag makikipaghiwalay sa akin ang nobyo ko.  "Mahal ko siya. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon?" nakatulala kong sagot habang kinakagat ang straw sa baso ko.  "Oo na, nandoon na tayo sa punto na conservative ka at may paninindigan at saludo kami sa'yo, Maia. Pero ito ang tanong, kailan mo masasabi kung ang pag-aalayan mo ng sarili mo ay ang nararapat sa'yo? Sabihin natin na naikasal ka na tapos ay hindi mo pala makakamtan ang dream happy ending mo sa kaniya dahil pinakawalan mo ang taong totoong nagmamahal sa'yo? Hindi ba't magsisisi ka noon?" sa pagkakataong ito ay si Gabriel naman ang nagbigay ng payo.  "Let's be honest, ikaw na lang ang birhen sa ating magkakaibigan. While naaawa ako kay Pat na malamang kasing asul na ng avatar ang bay**, s'yempre ay ikaw ang kaibigan namin. Nai-kuwento ko na sa'yo ang first time ko, `di ba? Granted na hindi kami nagkatuluyan. Pero hindi ako nagsisisi na sa kaniya ko ito naibigay kasi mahal ko siya noon at alam kong minahal niya rin ako." tinapik-tapik ni Mayumi ang kamay ko. "Do not use your virginity to make a man stay. They will stay because you're worth it, and not because you made them feel like they're worth it." "Alam mo sa palagay ko, hindi ka naman sa pakikipag-s*x takot, eh. You're afraid of the outcome. Na kapag naibigay mo na sa kanila ang gusto nila ay iiwanan ka pa rin nila. Pero you know what? That's life, Maia. Either you f*ck or life f*cks you up." ang walang pasubaling sabi ni Cheska.  Kaya ayaw kong nagsasalita si Cheska dahil prangka siya at kadalasan ay sasampalin ka niya ng katotohanan.  "Ayoko siyang mawala sa akin." nanlalabo ang mga matang pag-amin ko sa mga kaibigan ko.  "But you know what? Kung iiwan ka niya dahil sa mababaw na dahilan na iyan ay wala rin siyang k'wentang lalaki." pahabol ni Maricar habang nilalabas-pasok ang straw sa butas ng cup niya.  "But I made him wait for so long." pagtatanggol ko kay Patrick.  "Still. Gulo mo rin, girl. Ano ba talaga ang nararamdaman mo? Just follow yourself." "Basta't narito lang kami at handang rumesbak."  Humugot ako ng malalim na hininga bago determinadong tumayo. "Okay. I'll do it. Ramdam ko na mahal talaga ako ni Patrick at hindi ko siya hahayaang mawala katulad ng iba." "Woohoo. Let's get it!" eskandalosang sigaw ni Maricar.  "Madidiligan na rin ang kaibigan namin!" segunda ni Cheska.  "Hoy, magsitigil nga kayo, mga sira!" nahihiyang suway ko sa dalawa at akmang aalis na.  "Saan ka pupunta?" habol ni Mayumi sa akin.  "Kay Patrick!" sagot ko naman.  "Gaga, may shift pa tayo!"  Kaagad akong bumaling pabalik sa kanila. "Oo nga pala." natatawa kong sabi at muling naupo.  "Dapat din ay handa ka." Bukas ang mga tenga na inilapit ko ang mukha ko sa kanila para pakinggan ang mga payo nila. At kada payo nila ay papula nang papula ang mukha ko.  Bitbit ang mga pinayong bilhin sa akin ng mga baliw kong kaibigan ay nakatayo ako ngayon sa labas ng bahay ni Patrick. Palihim kong inamoy ang sarili ko para siguruhing mabango ako. Kinakabahan man at nakikipag-unahan sa kabayo ang t***k ng puso ay naglakas-loob akong kumatok at naghintay. Ilang sandali ang lumipas at walang sumagot kaya naman nagtaka ako. Alam kong mga ganitong oras ay nasa bahay na si Patrick.  Bahagya kong inilapit ang tenga ko sa pinto at nakarinig ng mga kaluskos sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pag-ungol at inisip na baka may nangyaring masama kaya agad kong pinihit ang seradura ng pinto. Nang bumukas ito ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at tumakbo na sa loob.  "Nakabukas iyong pinto kaya nangahas na akong pumasok. Ayos... ka... lang... ba?" unti-unting bumagal ang pagtakbo at pagsasalita ko sa nasaksihang tagpo.  Ilang sandali pa ay nabitwan ko ang supot na dala ko dahilan para mahulog ito sa lapag. At kasabay nitong nahulog ay ang determinasyon at tiwalang naramdaman ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD