Kaibigan. Sila ang mga taong nilalapitan natin kapag cannot be reached ang pamilya natin at mga kamag-anak. Call a friend, ika nga. Sila ang mga kasabwat natin sa mga kalokohan, at mga katuwang sa gala.
Minsan, hindi mo maitatanggi na mas maaasahan pa sila kaysa sa sarili mong pamilya. Nariyan sila para damayan ka kapag may kailangan ka. Puwera lang kapag pera na ang usapan.
Dahil sa pagiging mahiyain ko, mula noon hanggang ngayon ay kakaunti lamang ang mga tunay na kaibigan na maituturing ko. Nagkaroon ako ng kaibigan noong elementary ako hanggang sa makatapos kami. Ang pangalan niya ay si Ellaine. Ang kaso, nag-migrate na sila sa America at hindi na kami nagkaroon pa ng contact sa isa't-isa. Sunod kong naging kaibigan ay si Mary Jane na classmate ko mula first year hanggang high school. Kaya lang ay nagalit siya sa akin nang malamang ako ang crush ng crush niya. Noon ko napagtanto na mababaw lang ang pagkakaibigan naming dalawa.
Nang mag-collage naman ay naging palasama ako sa limang magkakaibigan at itinuring ko na rin ang sarili kong kasama nila. Pero makailang beses silang lumakad na hindi ako sinasama. Naisip ko na friend of convenience nila lang ako. Saling-pusa ika nga.
At ngayong nagt-trabaho na ako ay nakilala ko ang apat na taong hindi ko inakalang mapapalapit sa akin. May iba't-ibang personalidad at malayo sa personalidad ko pero nakakasabay ako sa kanila at ganoon din sila sa akin.
Pero p'wede bang merong isang tao akong itakwil? Kahit isang tao lang.
"Sige na naman, beshie. One time lang naman!" pangungulit ni Maricar habang nakatambay kami sa rooftop. Nakakunyapit pa siya sa braso ko na parang isang unggoy.
"May boyfriend ako, Maricar! Nababaliw ka na ba? Alam mo namang seloso si Patrick." sinundot ko siya sa butas ng ilong niya at inilayo sa akin bago ipinunas ang daliri sa damit. Bakit parang may sumama sa kuko ko?
"Wala na akong malalapitan pang iba! Hindi puwede si Cheska at baka himatayin iyon sa harap ng ka-chat ko! Si Mayumi naman ay baka agawan pa ako. At least ikaw may boyfriend ka at alam kong loyal ka kay Pat. Sige na, mamsh. Please?"
"Bakit kasi ang lakas ng loob mong makipag-chat pero takot ka namang makipag-meet?" singhal ko sa kaniya sabay halukipkip.
Bumungisngis siya bago nagpa-cute. "Nahihiya ako, eh."
"Nahihiya pero hindi nahihiyang makipagpalitan ng nudes?" pambubuking ko sa kaniya na ikinapula ng mukha niya.
"Eh, alam mo naman kasi na katawan lang naman talaga ang hinahabol ng mga lalaki sa akin. Pero ito?" Ilang beses niyang tinapik ang mukha gamit ang kamay. "Baka akalain noon ay halloween na! You know what I'm saying?"
Napabuntong-hininga ako bago siya nilapitan at hinawakan sa balikat. "Ikaw lang naman ang nagsasabi niyan. Maganda ka, Maricar! You're more than just a sexy and f***able body, okay?"
Ilang segundo siya sa akin tumitig at maluha-luha bago niya ako itinulak sa noo gamit ang hintuturo. "As if! Kung hindi pa hipon ang tawag mo sa akin, tusta. Ayaw mo lang akong pagbigyan, eh. Pero sige, naiintindihan kita. Sino ba naman ako? Hahanap na lang ako ng ibang magpapanggap." pagd-drama niya sabay walk-out pero hinila ko siya sa buhok niya.
"Hindi bagay sa'yo, gaga. Ano ba kasing gagawin?"
Nagningning ang mga mata niya sabay hawak sa mga kamay ko. "Makikipagkita ka lang sa kaniya at magpanggap na ako. Ang balak ko kasi ay pagbigyan lang siya sa pakikipagkita, pero paano kapag na-turn off na siya kapag nakita ako?"
"Hindi ba't parang niloloko mo naman siya noon? Bakit hindi ka makipagkita tapos para malaman mo kung kakausapin ka pa niya o hindi?"
Binitawan niya ako sabay ngiti ng bahagya. "Sa ganitong panahon na puro ganda na lang ang labanan? Tingin mo ba ay makikipag-usap pa siya sa akin? Hindi siguro." sagot niya sabay yakap sa sarili. "Hindi ko naman balak na pagtagalin ang panloloko ko sa kaniya, pero nakakatuwa lang din kasi 'yung feeling na may kausap ka... na hindi hinuhusgahan ang hitsura mo."
"Oo na, sige na. Payag na ako pero isang beses lang, Maricar, I'm telling you."
Sa galak niya ay nayakap niya ako. "One more thing, beshie. Hindi ko pa rin alam ang hitsura niya, pero may feeling kasi ako na guwapo siya."
Sa sinabi niya ay nabatukan ko siya sabay tingin ng masama.
"Binabawi ko na!"
"Alam mo bang bumalik na ang kapitbahay natin diyan sa kabila? Ang pamilya Venturina. Na-miss ko naman ang chikahan namin ni Mareng Mutya. Ilang taon din ba sila sa Saudi?"
"Thirteen years po." wala sa loob kong sagot sa tanong ni Mama at wari'y isang cassett tape ang utak ko na inaalala ang nakaraan.
Nagbalik na sila? Kasama kayaang tukmol na iyon? Ang lalaking hindi pinapalipas ang isang araw na hindi ako iniinis. Nakasimangot kong tanong sa sarili.
"Oo nga pala, kababata mo nga pala ang anak nilang si Soren Kai, ano?"
Kababata. Oo nga pala. Hindi ko nabanggit kailan man kay Mama at Papa na isa si Soren Kai sa mga bully ko noon. Dahil mula noon hanggang ngayon ay wala akong boses at lakas ng loob para ilabas ang hinaing ko at magsumbong. Mula noon hanggang ngayon ay isa akong duwag na hindi mahanap-hanap ang boses para ipagsigawan sa mga taing nananakit sa akin kung gaano nila ako sinasaktan.
"Opo, Ma." tanging sagot ko n lang para hindi na humaba pa ang usapan at itinuloy ang pagtulong kong magsampay ng mga nilabhan niya.
Nang puno na ang isang bakal ay naglakad ako papunta sa malapit na bakod kung saan naroon ang mahabang kableng sampayan. Kumuha ako ng isang damit at ipinagpag ito bago kumuha ng hanger.
"Naks, lalo tayong pumusyaw, ah."
Sa narinig na boses ay nanigas ang buong katawan ko at mabilis na naalala ang mga pagkakataong iniinis niya ako hanggang sa mapaiyak. Hindi ko rin alam. Pagdating sa iba ay wala akong lakas magsasagot, ngunit pagdating kay Soren Kai ay lumalabas ang tapang ko.
Dahan-dahan ang ginawa kong paglingon na para bang may multong nagsalita mula sa likuran ko at tumambad sa akin ang mukha niya. Nakapatong ang baba niya sa mga braso niyang nakapatong sa bakod habang nakapagkit ang nakakalokong ngisi sa labi niya.
Agad kong napansin ang laki ng itinangkad niya dahil naabot niya ang bakod. Sunod ay ang mullet niyang buhok at ang kumikinang na hikaw sa kilay niya at tainga. Ang hugis almond niyang mga mata ay nakangiti kasabay ng kaniyang mga labi.
Soren Kai Venturina is no longer the boy she used to see before. That is for sure.
Mas mukha na siyang matured at mahahalata ang nagngangalit na panga niya at mga ugat sa kamay at braso.
"Natulala ka naman sa kagwapuhan ko. Easy lang, Maia Amaris. Ako lang 'to. Ang former bully mo." ang nakangisi pa rin niyang pakilala sa sarili. "Kumusta ka na?"
At dahil sa sinabi niya ay naningkit ang mga mata ko at humigpit ang hawak sa hawak na hanger. Mukhang ang pisikal na anyo niya lang ang nag-iba dahil isa pa rin siyang mayabang na nilalang.
"Mukha kang hipon na pinagulong-gulong sa harina at prinito, Soren Kai." nakasibangot kong sagot sa kaniya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Iyan ba ang ulam mo kanina?"
"Hindi, sinigang, bakit?"
Narinig ko siyang napatawa. "Hay, good to know na hanggang ngayon ay inosente ka pa rin, Maia Amaris."
"Tigilan mo na ako. Hindi tayo close para mag-usap."
"Pero balak kong makipaglapit pa sa'yo, Maia Amaris."
"Ha?" baling ko sa kaniya nang hindi narinig ang sinabi niya.
"Wala. Sabi ko minsan makikikain ako sa inyo. Sige at may mga lalakarin pa ako. Hanggang sa muli!"
"Goku?" naiiling kong bulong bago napangiti at napailing.
Do I hate Soren Kai? No. Do I like him? No. Ang totoo niyan ay kami ang matatawag niyong 'frenemy'. Dahil siya man ang bully ko noon, sa maniwala kayo't sa hindi ay siya rin ang tagapaglitas ko sa iba. Marahil ay dahil crush niya noon ang Ate kong kaedad niya. Balita ko nga ay sumubok siyang manligaw pero nabigo.
Gaya ng nalagkasunduan namin ni Maricar ay nagpunta ako sa Mall kung saan sila nakatakdang magkita ni Neros Iak na ka-chat niya. Isa kaya siyang foreigner dahil sa pangalan niya? Sana naman ay hindi siya masamang tao.
Mabuti na lang din at sa Mall at hindi sa Motel ang tagpuan nila dahil hindi ako papayag sa gusto ni Maricar.
Habang naglalakad papasok ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Patrick kaya naman kaagad akong tumigil para sagutin ito. "Hello, mahal?"
"Hi, mahal. Anong ginagawa mo ngayon? Break-time ko at gusto lang kitang makausap."
Halos mapunit na ang labi ko sa pagngiti dahil sa narinig. "Ah, may bibilhin lang ako dito sa Mall at uuwi na rin. Kakatapos lang ng shift ko, mahal."
"Date tayo mamaya, mahal? Miss na kita. Dalawang araw na tayong hindi nagkikita, eh."
"Miss na rin kita, mahal. Oo naman gusto ko iyan. Saan mo gustong magkita?"
"What time ka ba matatapos diyan? Sunduin na lang kita riyan tapos kain tayo sa MOA."
Napakagat labi ako bago sumulyap sa relo ko. Siguro naman ay hindi aabot ng isang oras ang pagkikita namin ng Nores Iak na iyon?
"Mga seven ay tapos na siguro ako, mahal. Hintayin na lang kita dito. Basta mag-text ka kapag papunta ka na ay mag-ingat ka sa pagmamaneho."
"Oo naman, mahal. Para sa'yo ay mag-iingat ako. I love you."
"I love you more."
Matapos kong putulin ang tawag ay ibinalik ko ang phone ko sa bag at naglakad na patungo sa restaurant. Ayon sa text ni Maricar ay puting t-shirt at maong lang ang suot ng lalaki at may suot na itim na sumbrero. Nang makarating doon ay agad kong inilibot ang mga mata ko sa mga tao roon hanggang sa makita ko sa dulong bahagi ang isang lalaking nakaupo at tugma ang suot kay Neros Iak. Marahan at hindi nagmamadali ang ginawa kong paglapit sa kaniya dahil maging ako ay natakot na makita ang hitsura niya. Kung titignan ang lalaki mula sa likod ay masasabi mo g maganda ang pangangatawan niya. Malapad na balikat, slim waist, matangkad at mahaba ang mga biyas.
"Neros Iak?" sambit ko sa pangalan niya pagtigil ko sa gilid ng mesa.
Nang tumigila siya ay nagkagulatan pa kaming dalawa. Siya ay nanlaki ang mga mata at ako naman ay napatutop sa bibig.
"Maia Amaris?!"
"Soren Kai?!"