Episode 15

2931 Words
Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung hihimatayin ba ako sa mga lintaya niya pero hindi! Gising na gising ang diwa ko! May kung anong bagong pakiramdam sa akin ang kasalukuyan kong nararamdaman ngayon. Bago ito sa 'kin. Parang masaya na kinikiliti na ewan. Basta something like that. "S-seryoso ka?" mahinang tanong ko sa kaniya. 'Di ko namalayang nakahinto na pala ang sasakyan namin. "Seryoso ako, Salve. Hindi naman na siguro normal na dalawang beses ka nang hinimatay sa harapan ko 'di ba? Lalo na noong umamin ako sa 'yo sa loob ng sasakyang 'to." Napalunok ako at 'di agad nakasagot. Ang dibdib ko ay malakas ang t***k at baka nga naririnig niya pa 'yon. Bakit ba kasi kailangan niya pang ipaalala 'yon? "Eh b-bakit kapa nagtatanong kung gano'n?" usal ko. "Dahil gusto kong marinig." "Ang alin?" "Tsh, na may gusto ka rin sa 'kin." Hindi ako nakasagot at napatitig nalang din sa kaniya. Para lang kaming mga tangang nagtititigan sa loob ng sasakyang 'to na nababalot ng katahimikan. Tumikhim ako. "Ah-ano.." nag-iwas ako ng tingin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "It's okay. Baka nag-a-assume lang ako." "Kyler..." Nag-iwas ito ng tingin at binuksan ang pintuan ng sasakyan. "Tara na, ayaw kong sirain ang araw na 'to. We must enjoy this day." Nang akmang lalabas na siya ay awtomatikong pumigil ang mga kamay ko upang hawakan ang laylayan ng shirt niya. "S-sandali.." nakatungo lang ako habang kagat kagat ang pang-ibabang labi. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nakatingin na ito sa kamay kong nakahawak sa damit niya. "G-gusto mong marinig 'di ba? Sasabihin ko na." Doon na siya tumingin nang diretso sa 'kin. Kahit pa nakakapanghina ang mga tingin niya ay nilakasan ko nang husto ang loob ko upang masabi ko ang mga katagang gusto niyang marinig. "G-gusto kita. Gusto-gustong gusto, Kyler. Bet na bet gano'n." lakas loob kong sabi habang nakatingin sa kaniya. Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng kaniyang bibig dahil sa sinabi ko. Maging ako ay nabigla rin sa biglang pagkalas ng mga salitang 'yun sa bibig ko bagama't, may kung ano sa loob kong nakakaramdam ng saya at ginhawa. Parang sipon na matagal nang naipon sa ilong ko, gano'n. Hindi siya nagsasalita at nakatitig lang sa 'kin. "Kyler... Magsalita ka naman 'oy!" Nang ipitik ko ang mga daliri ko sa harap ng mukha niya ay parang doon lang ang lalaki natauhan. "Ah-yeah! Ano nga palang sinasabi mo back then?" "Sabi ko, magsalita ka naman! Nakaka-nerbyos ka eh!" "No, not that. 'Yung una mong sinabi." Napatanga ako. 'Wag niyang sabihing hindi niya narinig? "H-hindi mo narinig?" medyo inis kong tanong. "I heard, pero 'di ko naintindihan." Ay susmaryosep! Sa lakas ng loob na inipon ko, sa ginawa kong paglaban sa malakas na kalabog ng puso ko kanina habang umaamin sa kaniya, hindi niya lang maiintindihan? "Repeat it, Salve. Gusto kong maintindihan." Ayan! Kapag talaga binabanggit niya ang pangalan ko, may kung ano sa katawan kong sumusunod sa mga sinasabi niya! Parang magic word ang pangalan ko kapag binabanggit niya! "Fine. Gusto kita-gustong gusto. Nahulog na ako sa mga tingin mo nang 'di ko namamalayan, at mukhang kahit ang pinakamagaling pang swimmer sa buong mundo ang sumubok na ako ay iahon, mukhang imposibleng mangyari 'yun." mahabang lintaya ko. Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya kahit pa sa loob loob ko ay gusto ko nang sumigaw nang malakas dahil sa ginhawang nararamdaman. Nakaawang nang bahagya ang kaniyang bibig habang nakatitig sa 'kin. Maya maya lang ay nagsalita rin siya. "Ha..." huminga pa siya nang malalim at marahas 'yung pinakawalan. "I don't know what to say." "Pwede ring namang himatayin ka nalang kagaya ko, 'di ba?" biro ko. "Hindi pa naman ako gano'ng patay na patay sa 'yo para mangyari 'yun." "Aba gag-" "Dahil dapat buhay na buhay ako para palagi kitang nadadala sa clinic kapag nahihimatay ka sa kilig. To be clear, ikaw ang patay na patay sa 'kin." Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Lalo na noong dahan dahang umukit ang mga ngiti sa labi niya. Jusko talaga, ang puso ko! "Let's go. I want to enjoy this day with you." Bumaba siya at umikot para pagbuksan ako ng pintuan. Hindi ko na napigilan ang ngiting lumabas sa mga labi ko nang pagsiklupin niya ang mga kamay naming dalawa. "Feeling ko mag-jowa na tayo sa lagay na 'to." aniko habang nakatingin sa magkahawak naming mga kamay. "Well, I already introduced you as my girlfriend earlier, so why not?" Napatingala ako sa kaniya. "Anong why not?" "Bakit hindi pa maging tayo? Now." Pakiramdam ko tumigil lahat ng bagay sa paligid ko dahil sa sinabi niya. Ako? At siya? Equality of 'kami'. Natulala lang ako sa mukha niya at 'di makapagsalita. Parang 'di ko mahanap ang dulo ng dila ko. "Salve, you making me nervous." "S-sigurado ka ba?" mahinang tanong ko. "Mukha ba akong nagbibiro? Pilosopo ako minsan pero 'di ako nagbibiro sa mga ganitong pagkakataon." Napalunok ako. Mukhang seryoso nga. Matagal muna bago ako makapagsalita. "A-ano...gusto mo ba talaga?" Nangunot ang noo niya. "Tinatanong pa ba 'yan? Of course I want." Nag-iwas ako ng tingin. Ngayon ko lang napansin na nasa harap kami ng zoo at ang ibang mga tao ay panay ang tingin sa aming dalawa. "Kyler, ang daming nakatingin sa 'tin." mahina kong sabi, 'di pa rin lumilingon sa kaniya. "As if I care." Hinawakan ko ang laylayan ng shirt niya at hinila siya papasok. Hindi pa siguro nagmiminuto ang mga kamay ko sa laylayan ng shirt niya nang maramdaman kong ipinalit niya ang kamay niya sa damit niya. Syete! 'Wag lang sana akong hihimatayin! Malawak ang zoo, kalahati yata sa kabuuan ng campus namin. Iba't ibang klase rin ang mga hayop na nakikita ko pero naagaw ng atensyon ko ang unggoy na nasa loob ng kulungan. Wala manlang may tumitigil sa harap niya para tignan siya o 'di kaya'y aliwin. Kunti lang din ang taong napapadaan sa gawi niya. Nagpasya akong doon nalang kami mag-usap ni Kyler dahil hindi masyadong ma-tao. Nagpahila naman ang lalaki nang hinila ko siya. "Monkey, annyeong!" bati ko sa unggoy. Nakita kong nagulat ang hayop sa biglaan kong pagsulpot pero maya maya lang ay naging maliksi ito na parang naaaliw. "Salve..." pagtawag ng pansin ni Kyler na nasa tabi ko. "Hmm?" sagot ko, nanatiling sa unggoy ang paningin. "Naghihintay ako sa sagot mo.." Umayos ako ng tayo at humarap sa kaniya. "Sigurado ka ba talaga?" muling tanong ko na ikinakunot ng noo niya. Mayroon pa kasi akong pag-aalinlangan sa loob loob ko dahil ito ang unang beses na papasok ako sa ganitong klaseng relasyon. Wala akong experience sa mga ganitong bagay. Sabi nga ni Leean, inosente pa ang puso ko. Shocks. "Salve, I already answered that. Ikaw? Gusto mo ba?" natigilan ako at napatitig sa kaniya. Gusto ko ba? Nararamdaman kong gusto ko pero may pag-aalinlangan ang isipan ko. Maraming what if na pumapalibot sa utak ko dahilan para 'di ako makasagot agad. "Salve...hindi naman kita pinipilit. Okay lang." nakita ko kung paano nalungkot ang mga mata niya kaya agad akong nakonsensya. Bahala na nga! Akmang tatalikod na siya nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Natigilan siya at agad na napatingin sa 'kin. "Kyler, sandali." huminga ako nang malalim. "H-hindi naman sa ayaw ko. Sinabi ko naman na sa 'yong gusto kita, 'di ba? Kaso lang...n-natatakot ako. Natatakot ako Kyler." pag-amin ko. Hindi na ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Nanatili nalang akong nakatungo habang pinaglalaruan ang mga mahahabang daliri sa kamay niya. Hanggang sa naramdaman ko ang isa niyang kamay na humawak sa dulo ng baba ko at inangat ito upang maiharap ang mukha ko sa kaniya. "Look at me, Salve." tumingin naman ako sa kaniya. Malamlam na kumikinang ang mga mata niya dahil sa sinag ng araw na tumatapat sa mukha niya. Napalunok ako bago salubungin ang mga tingin niya. "Wala kang dapat ikatakot, Salve. I promise not to hurt you." Ang huling salitang binitawan niya ang pinakatumatak sa isipan ko. Siguro, kailangan ko lang magtiwala sa kaniya at sa mga salita niya. "Pangako?" Matamis itong ngumiti. "Pangako, kwago-" "Aba't gago!" Mahina siyang natawa saka marahang hinaplos ang ulo ko. "-ko. Ikaw naman, 'di mo muna ako pinapatapos." Medyo nagulat pa ako nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Jusko naman ang puso ko! "Kwago ko hehe." Shuta, ang cute cute niya! Pa'no kumalma?! "Kwago ko.." aba't inulit pa! "Do you think it sounds good?" tanong niya. Wala sa sariling napatango ako. "So, we're on now, right?" Muli akong tumango. "Ako na ngayon ang amo mo at ikaw ang alaga ko. Ikaw ang kwago ko." Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o maiinis sa mga sinasabi niya. Dapat ba akong mainis dahil tinatawag niya akong kwago? O dapat na matuwa dahil may kadugtong na 'ko' ang salitang 'yon? Pero isa lang ang alam ko sa ngayon. Kinikilig ako, syete! Buti nalang at 'di ako nahihimatay amp! Napasinghap ako nang bigla niya akong ikulong sa mga matitipuno niyang braso. Amoy na amoy ko ang pinaghalo niyang natural na amoy at pabango. "Ang saya ko Salve." aniya. Humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin. Dahan dahan ko namang iniangat ang mga kamay ko upang gantihan ang yakap niya. Ito ang unang beses na nakaramdam ako nang ganito. Kakaiba pero masarap na nakakagaan sa pakiramdam. Hindi ko minsang inakalang ganito pala 'yun. "Tara," humiwalay na siya sa 'kin at pinagsiklop ang mga daliri naming dalawa na siyang nagpawala na naman sa puso ko. Jusko, mukhang palagi akong aatakihin kapag kasama ko ang lalaking 'to! Masuyo niya akong hinila at nagpahila naman ako. Bago kami tuluyang makalayo ay nilingon ko muna ang unggoy na siyang naging saksi sa pagiging magkasintahan namin ngayon ni Kyler. Kung baga sa kasal ay siya ang witness hehe. Ang unggoy ay ngayon ay nakatunghay sa amin. Pansin ko pang bahagyang gumagalaw ang buntot niya na para bang nagpapaalam. Maliit akong ngumiti bago tuluyang sabayan si Kyler sa paglalakad. "Sa dinami-dami ng lugar, dito mo pa talaga ako naisipang dalhin." nangingiting puna ko. Nakangiti siyang lumingon sa 'kin. "Alam ko kasing dito natin makikita ang mga kalahi mo, Kwago ko." Enebe! "W-walang hiya ka ah!" tumigil ako sa paglalakad. 'Di ko alam kung ano bang reaksyon ko habang nakaharap sa kaniya. "What?" natatawang aniya. Napakurap ako, 'di alam kung anong sasabihin. Nakakainis naman eh! Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko! "H-halika na nga!" nasabi ko nalang at nauna nang maglakad sa kaniya. "Hintayin mo 'ko!" Binilisan ko pa ang lakad ko. Pakiramdam ko, ang init init ng mukha ko ngayon! Bakit ba naman kasi 'yun pa ang naisipan niyang itawag sa 'kin? Dahil matangkad siya kesa sa 'kin at mahahaba ang biyas ng binti niya ay naabutan niya ako. Inakbay niya ang kaniyang isang braso sa 'kin kaya pakiramdam ko ay mas lalo pang uminit ang pisngi ko! Engot, Salve! Masanay kana kasi kayo na! Masanay ka nang himatayin araw araw! "Dadalhin na ba kita sa hospital, Kwago ko?" Napapikit nalang ako. "B-bakit naman?" "Baka kasi mahimatay kana sa kilig eh." aniya na sinabayan pa ng pagtawa. Napatitig lang ako sa kaniya. Sa paningin ko ay parang siya lang ang aking nakikita at ang kaniyang pagtawa lang ang tangi kong naririnig. Syet, mukhang may mas mailalalim pa ang nararamdaman ko. Hinila niya ako papunta sa mga iba't ibang klaseng ibon na nakakulong kung saan makikita ang kwago! Pucha. "There!" tinuro pa niya ang kulungan nito. Napatingin ako sa ibon. Ang malalaki nitong mga mata ay nakatingin sa 'kin. Titig na titig ito sa 'kin. Pinandilatan ko pa ito ng mata pero parang wala lang epekto dahil nanatiling nakatuon sa 'kin ang mga malalaki nitong mga mata. "Tsk, hindi ko alam kong dapat ba akong magselos o matawa." napatingin ako kay Kyler. Bago pa ako makasagot ay agad siyang nagsalita. "Should I'll be jealous dahil titig na titig siya sa 'yo o dapat ba akong matawa dahil para siyang nagulat nang makita ka?" Nangunot ang noo ko. "Nagulat? Pa'no mo naman nalaman na nagulat 'yan?" tinuro ko pa ang ibon na titig na titig pa rin sa 'kin. "Kasi nanlalaki ang mga mata niya." "Gagi! Eh, talaga namang malaki ang mga mata niyan! Kwago nga 'di ba?" natatawang aniko. "Gano'n ba 'yun? Kaya pala naiiba ka." bigla nalang naging seryoso ang boses niya. "Naiiba?" "Naiiba ka sa lahat ng kwagong nakita ko." Kahit pilitin kong mainis ay kusa talagang lumalabas ang mga ngiti ko! Tengene, may deperensya na yata ang bibig ko! "Ikaw kasi ang reyna ng mga kwago." Parang bulang nawala ang kilig ko. Lakas talaga makasira ng moment ng lalaking 'to! "Bahala ka nga d'yan!" Sa ikalawang pagkakataon ay nauna akong maglakad sa kaniya pero dahil sa matangkad siya at mabilis maglakad, agad siyang nakahabol sa 'kin. "Hindi ko alam na may ganiyang side ka." Iniakbay niya sa 'kin ang isa niyang braso. "Hindi ko rin alam na mahilig ka rin palang mang-asar." ganti ko. "Well, pili lang naman ang mga inaasar ko." Halos dalawang oras din kaming nagpalibot libot sa buong zoo. Sa loob ng dalawang oras na 'yun ay parang may sarili kaming mundo na tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam. Ang sarap sa pakiramdam at ang gaan. Hindi ko pa naramdaman ang ganito noon! Ngayon alam ko na kung bakit nakakasampung jowa na ang mga highschool sa mga edad nila ngayon. "Hindi ko alam na paborito mo rin pala ang ube." puna ko. Nakasandal kami ngayon sa railings ng isang 'di kahabaang tulay. Sa ilalim no'n ay may lawa na hindi rin kalakihan kung saan makikita ang mga isdang nakikita sa bansa. "Yeah, sapat na siguro na patunay ang dalawang beses kong pagkuha ng ube ice cream mo noon." Naalala ko ang dalawang beses niyang pagnakaw ng ice cream ko. Muling sumagi sa isip ko ang mga katagang binibitawan niya sa huli bago niya nilalaklak ang ice cream. A pay for bothering the precious me... Jusko, ilang araw din akong 'di pinatulog niyang mga salita niyang 'yan! "Kyler?" "Hmm?" "Anong ibig mong sabihin do'n?" tanong ko. Tumigil siya sa pagkain ng ice cream at itinuon ang atensyon sa 'kin. "Ng alin?" "A pay for bothering the precious me...anong ibig mong sabihin do'n?" Nakita ko kung paano siya lumunok bago nag-iwas ng paningin sa 'kin. Ilang beses niya pa 'yung ginawa bago magsalita. "Uhm...ah-because..." parang nag-aalangan pa siyang sabihin. "Because?" "B-because you've been occupying my head since the first day our eyes met. " Napanganga ako sa kaniya. 'Di siya makatingin nang diretso sa 'kin kaya batid kong naiilang siya sa ginawa niyang pag-amin. So, ako pala ang tinutukoy niya noong minsang nag IG story siya? "Ikaw? Did you feel the same way?" alalang tanong niya. "Tsk, tinatanong pa ba 'yan? Kung wala kang tama sa 'kin, sa tingin mo, aatakihin ako nang dalawang beses sa harapan mo?" Napangiti siya sa sinabi ko. Nagulat pa ako nang dumukwang siya para pagpantayin ang mga mukha naming dalawa! Gamit ang isa niyang kamay ay hinawakan niya ang isa kong pisngi. Gustuhin ko mang pumikit ay 'di ko magawa dahil sa kulay tsokolate niyang mga matang malalim na nakatingin sa 'kin. "Alam mo bang hindi mo ako pinapatulog gabi gabi simula noong magtagpo ang mga mata natin? At mas lalo pa yata 'yung lumala noong nagka-chat tayo." Naalala ko ang gabing nagka-chat kami at ang ikli ikli ng reply niya! Tapos seen niya lang ako and worst ang haba pa ng last chat ko! Letse! "Natatandaan ko 'yun, tukmol ka. Ang ikli mo pa namang magreply! Nagmukha tuloy akong kahiya hiya noong hindi ka magreply tapos ang haba haba pa ng chat ko!" Mahina itong natawa. Ang kamay niyang kanina ay nasa pisngi ko lang ay nasa ibabaw na ng ulo ko ngayon at marahan 'yung hinahaplos. "Sorry na haha. Alam ko kasing hahaba pa ang usapan natin kapag nagreply pa ako sa 'yo." "Paano mo naman nasabi?" "Dahil sigurado talaga akong hindi kita patutulugin hanggang sa maging sabog ka pagkagising mo." Pareho lang kaming natawa. Ako man ay natawa kahit wala namang katawa tawa. Feeling ko lang ba't ba? Gusto ko lang sabayan ang tawa niya. Pagkatapos naming magharutan sa railings ng tulay ay lumabas na kami ng zoo. Ngunit bago 'yun ay muli naming dinaanan ang unggoy kanina na naging maliksi nang makita kami. "Pagkatapos nating kumain, saan na tayo pupunta?" tanong ko. Lulan kami ng sasakyan niya at magkahawak ang kamay naming dalawa habang nagmamaneho siya. "May kaibigan akong may club 'di kalayuan, doon nalang tayo." Nanlaki ang mga mata ko. "Teka, iinom tayo?" "Nope. Kakanta tayo. Nasabi kasi sa 'kin ng kaibigan ko na kulang ng dalawang vocalist ang bandang naka-scheduled ngayong hapon kaya sinabi kong tayo nalang dalawa." Napatango naman ako. "Good idea." sabay pa kaming ngumiti sa isa't isa. Halos kalahating oras din kaming lulan ng sasakyan at sa loob ng kalahating oras na 'yun ay nakatingin lang ako sa magsiklop naming mga palad. Hindi ko inakala na kami na ngayon gayong hindi naman siya nanligaw sa 'kin! Ini-imagine ko naman na magiging kami pero 'di ko inakalang matutuldukan ang imahinasyon ko at mapapalitan ng totoo! At mas lalong 'di ko inakalang ganito kaaga! Napatingin ako kay Kyler. Ang atensyon niya ay tutok na tutok sa daan ngunit ang isa niyang kamay ay marahang pinipisil ang ang aking kamay. Iniisip ko palang na sasaktan ako ni Kyler ay ang sakit sakit na! Partida, iniisip ko pa lang 'yun ah! Paano pa kaya kung mangyari na! Baka maloka na ako! "Kyler please...'wag mo 'kong sasaktan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD