SA RESTAURANT kung saan niya ako dinala ay magana lang kaming kumakain. Nagutom ako sa kalilibot namin kanina sa zoo at batid kong siya din.
Naka-focus lang kami sa kinakain namin. Kapag nagtatagpo ang mga mata namin ay para kaming mga tangang mag-ngingitian, paulit ulit lang 'yon.
Saktong twelve na nang hapon nang mapatingin ako sa orasan ng resto. Hindi ko namalayan na kalahating araw na pala kaming magkasama ng lalaking 'to. Hindi ko namalayan ang mabilis na pagdaan ng oras dahil kasama ko siya na pakiramdam ko lahat ng mga pangyayari ay parang dahan dahan na malinaw kong nakikita.
"Are you done?" kapagkuwana'y tanong niya.
Kumuha ako ng tissue at marahan 'yung pinahid sa bibig ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil nakatunghay ito sa ginagawa ko.
"Ayan, tapos na." saad ko matapos pahiran ang bibig.
Nakita kong inangat niya ang kaniyang kamay at maya maya lang ay may lumapit na sa aming waiter. May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya. Wallet. Kumuha siya ng ilang libo bago 'yun iabot sa waiter at nagpasalamat.
Nang magtama ang paningin namin ay marahan itong ngumiti nang nagpabilis ng t***k ng puso ko. Malikot ang mga mata ko pero sinubukan ko rin siyang ngitian.
"Tara?" tumango lang ako.
Medyo nagulat pa ako nang dali dali siyang tumayo at inilahad ang kaniyang kamay sa harapan ko. Nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi bago dahan dahang ipatong ang kamay ko sa kaniya.
Agad niyang pinagsiklop ang mga daliri namin nang makatayo ako. Magkahawak kamay kami nang lumabas sa resto na pinagkainan namin. Doon niya lang binitawan ang kamay ko nang makarating kami sa sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto. Dalagang dalaga naman akong pumasok sa loob.
Huminga ako nang malalim nang makaupo ako. Pakiramdam ko mawawalan na naman ako ng ulirat dahil sa mga sweet gestures niya. Naman kasi, paano ba kumalma?!
Lumingon ako sa gawi niya nang pumasok siya sa loob ng sasakyan. Nang magtama ang paningin namin ay agad itong ngumiti kaya wala akong ibang ginawa kundi gumanti din ng ngiti sa kaniya.
Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko.
Shh, kalma lang puso. Hindi p'wedeng hindi tayo umabot sa kasal.
Tumingin lang ako sa labas nang paandarin niya ang sasakyan. Minsan kaming nagsusulyapan at nag-ngingitian. Parang tanga lang.
Umabot siguro nag kalahating oras ang biyahe papunta sa club na sinasabi ng lalaki. Nang makarating kami sa paroroonan ay kagaya ng nauna ay siya ang unang lumabas upang pagbukasan ako ng pinto. Syempre, aangal pa ba ako kung kinikilig na ang sikmura ko? Aba, masamang pinipigilan ang kilig. Masama sa kalusugan.
"Salamat." aniko nang makababa ako ng sasakyan.
Agad naman itong ngumiti nang matamis sa 'kin. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay nilalanggam na ang lalaking 'to. Pero pwede namang ako nalang ang langgam 'di ba? Para ako lang ang makakakagat sa kaniya—syet. Ang isip ko! My virgin coconut mind!
Habang papasok kami ay hawak niya ang braso ko. Kahit pilitin ko ang sariling 'wag pansinin ang kamay niya na nakalapat sa balat ko ay 'di ko talaga mapigilan. Napapangiti ako nang kusa. Malala na yata ako.
Kunti palang ang tao sa loob dahil siguro masyado pang maaga. Ala-una palang ng hapon.
"Kunti palang ang tao." mahinang usal ko.
"Yeah, it's a good thing. Makakapag-prepare pa tayo."
Sa unahan ay may kalakihang entablado. May naka-set na ring instruments doon pero walang tao. May mga mangilan-ngilang nag-iinuman, ang iba naman ay kumakain lang. Mukhang hindi lang ito inuman, mukhang parang cafe din. Ang astig lang.
"Ano ba 'to? Café sa umaga tapos bar sa gabi?" tanong ko.
"Kinda," maikling sagot niya.
Napasimangot naman ako nang palihim. Ang ikli ng sagot niya!
"Kyler!!"
Napatingin kami sa unahan nang may isang lalaking kasingtangkad lang din ni Kyler ang papalapit sa gawi namin. May itsura din ito at mukhang lapitin ng mga babae. Nakangiti ang lalaki na nakalabas ang kaniyang mapuputi't pantay pantay na mga ngipin.
"Ang aga niyo namang nakarating! Pero ayos lang, makakapag-prepare pa kayo!" napatingin sa gawi ko ang lalaki kaya ilang na nag-iwas ako ng tingin.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pasimple niyang paghagod ng tingin sa kabuuan ko na ikinailang ko nang husto!
Pakshet, parang gusto kong magtago sa likuran ni Kyler!
"And who's this girl beside you?" tanong ng lalaki.
Medyo na-dissapoint pa ako dahil walang kasamang compliment 'yung pagtatanong niya. Karamihan kasi sinasabing who's this beautiful girl beside you? Ayun,nagkulang lang siya. Pero okay lang naman, sino ba naman ako 'di ba? Syete, 'di ko rin naman siya type!
"She's my girlfriend...Salve." lihim akong napangiti nang ipakilala ako ni Kyler. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na ipakilala niya ako bilang girlfriend niya hihi.
"Oh..." reaksyon ng kulot na lalaki. Kalauna'y ngumiti ito at naglahad ng kamay. "I'm Oriz. Jin's friend from Athena." patukoy nito sa dati nilang paaralan.
Akmang aabutin ko na sana ang kamay niya nang biglang pigilan 'yun ni Kyler gamit ang isa niyang kamay at marahan 'yung ibinaba. Nagtataka ko naman itong tinignan.
"Hindi naman kailangang mag-shake hands pa." nakasimangot nitong sabi.
"What—why? Eh, 'yun naman talaga ang ginagawa kapag nagpapakilala 'di ba?" protesta ni Oriz. Ang kamay niya ay nananatili pa rin sa ere.
"Y-yeah. But pwede namang hindi na 'di ba?" may inis na sabi naman nitong isa.
"Eh bakit naman hindi pwede?"
"Manahimik ka nalang." palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan dahil bigla nalang nitong kinuha ang kamay ko't pwersahan 'yung pinahawak sa kaniya.
"Ayan—!"
'Di na natapos pa ni Oriz ang sasabihin dahil bigla nalang itong napahiga sa sahig. Gulat akong napatingin kay Kyler.
"B-Bakit mo sinapak?" gulat kong tanong sa kaniya.
Tinignan lang ako ng lalaki na para bang wala lang 'yung ginawa niya kay Oriz!
Normal lang ba na manapak ang gwapo na ito nang walang dahilan? Nang tignan ko si Kulot ay umiling iling lang ito at hinawakan ang bibig niyang tinamaan ng kamao ni Kyler. May bahid ng dugo ang daliri niyang ipinunas dito!
"Grabe, ang lakas mo pa ring manapak, Jin." iiling iling na ani nito.
"Kyler, bakit mo siya sinapak?" baling ko sa lalaki.
Nagkibit balikat lang ang lalaki at hinawakan ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi magpatianod nalang nang hilahin ako nito tungo sa isang room na may nakasulat na 'VIP'.
Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kanina kaya para lang akong nakalutang nang makaupo sa sofa na naro'n.
Bakit niya sinapak si Kulot? Wala namang ginawang kasalanan 'yun ah? Nakaramdam naman ako nang kunting awa dahil mukhang malakas ang pagkakasapak ni Kyler sa kaniya. Pero ano ngang dahilan?!
Tinignan ko si Kyler na prenteng nakaupo lang habang hawak pa rin ang isa kong kamay.
"Kyler..." pag-agaw ko ng pansin sa lalaki.
Nakataas naman ang kilay nito nang lumingon sa 'kin. Napalunok ako nang magtama ang paningin naming dalawa.
"I did it because I have a reason." inunahan na niya ako bago pa ako makapagsalita. Sa pagkakatanong niya ay para bang nabasa niya ang laman ng isipan ko.
"A-Ano ngang rason mo?"
"Are you on his side?" kunot noo nitong tanong. Matindi naman ang ginawa kong pag-iling.
"Hindi ah! Gusto ko lang naman malaman ang rason mo!"
Ilang minuto muna ang lumipas bago ito sumagot. "I'm just jealous."
Natigilan ako. Katahimikan ang namutawi sa pagitan namin nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kaniya samantalang siya naman ay todo kung makailag sa tingin ko.
"A-Ano? Nagseselos ka? Lang?" tanong ko.
Tumango naman ito pero nasa ibang direksyon ang mga mata. Bigla'y 'di ko malaman kung ano bang magiging reaksyon ko sa nalaman ko. Nagseselos siya kaya niya sinapak si Kulot? Dapat ba akong mairita o kiligin do'n? Ang isip ko'y naiirita pero ang puso ko ay kinikilig! 'Nak ng...'di marunong magkaisa!
"Kyler..." kinalabit ko ito ngunit 'di pa rin ito lumingon sa gawi ko.
"Kyler tumingin ka sa 'kin..." para naman itong batang agad na lumingon sa 'kin nang marinig ang seryoso kong boses.
Para akong Nanay na pinagsasabihan ang anak niya amp!
"'Di mo naman kailangang gawin 'yun eh. Nagpapakilala lang naman kami sa isa't isa at hindi naman niya ako makukuha sa 'yo sa isang hawak lang ng kamay.." lintaya ko na ewan ko kung saan ko ba nahugot.
"Alam ko, hindi ko naman kasi hahayaang mangyari 'yun.." parang batang sagot niya. Pigilan niyo 'ko, nak-kyutan ako sa kaniya!
"K-Kaya nga 'wag mo nang uulitin 'yun ah?"
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko at hindi ko magawang iiwas ang paningin ko sa kulay tsokolate niyang mga mata.
"Pwede bang hindi mangako, kwago ko?" matindi akong napalunok nang banggitin niya na naman ang endearment niya sa 'kin.
"B-Bakit naman?"
"Dahil hindi ko talaga minsan mapigilan eh.."
Hindi ako makasagot sa kaniya. Ano namang sasabihin ko? Hindi talaga ako nakaka-get over sa kwago ko kwago ko na 'yan eh!
Biglang bumukas ang pinto kaya doon natuon ang atensyon naming dalawa.
"Sila nga pala muna ang papalit sa dalawang member na kulang niyo! Wala naman kayong magiging problema, marurunong naman ang mga 'yan...well, I guess."
Pasimple kong tinapunan ng tingin ang tatlong lalaking nakatayo sa tabi ni Kulot. Ang isa sa kanila ay may hawak na gitarang nakasukbit sa likod nito. Lahat sila ay nakangiti sa gawi namin kaya alanganin nalang din akong ngumiti pabalik.
Tumayo ako nang tumayo si Kyler at seryosong hinarap ang tatlong lalaki. 'Wag lang sana siyang mananapak ngayon.
Nagsimula na kaming magpalitan ng mga pangalan at nang mag-aabot na sana ng kamay ang isang lalaking nagpakilalang Kio sa akin , ay mabilis pa sa alas-kwatro na pumagitna si Kulot sa pagitan namin.
Taka naman kaming lahat na tumingin sa kaniya.
"'Wag mo nalang iabot ang kamay mo kung ayaw mong dumanak ang dugo dito sa kwartong 'to.." nagtataka man ay ibinaba nalang ni Kio ang kamay niyang nasa ere.
Nahihiwagaang napatingin naman ako kay Oriz na ngayon ay palihim na sinasamaan ng tingin si Kyler.
"Tsh, seloso ampucha."
NANG sumapit ang oras na magpe-perform na kami sa stage ay nakatanggap ako ng text mula kay Papa. Tinatanong kung nasa'n na daw ako. Alam kong nag-aalala lang ang gwapo kong Tatay kaya sinabi kong kasama ko naman si Kyler kaya wala siyang dapat na ipag-alala. Hindi na siya nag-reply pa matapos kong sabihin 'yun.
Our performance goes well and smoothly. Five na ng hapon ng lumabas kami ng cafe na bar na 'yun. Wala na kasing banda sa gabi kasi nagiging bar daw ang cafeteria na 'yun. Sinabi pa sa 'kin ni Kyler na pamilya daw ni Oriz ang owner no'n at siya ang nagmamanage.
"Anong iniisip mo?" tanong niya.
Nakatanaw kami sa magandang tanawin ng paglubog ng araw. Tanda na tapos na ang araw na ito at manghuhula na naman ako kung ano ang mga posibleng mangyari sa kinabukasan.
"Iniisip ko ang mga posibleng mangyayari kinabukasan...at sa mga susunod na bukas pa." wala akong may natanggap na tugon mula sa kaniya.
Habang nakatingin sa ulap na ngayon ay malapit nang sakupin ng kadiliman, ay maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko. Kagaya ng, may magbabago ba ngayong kami na ni Kyler? Bukod sa araw araw akong kukumbulsyunin sa mga ginagawa't sinasabi niya, ano pa ba ang mga maaaring mangyari sa aming dalawa? Magtatagal ba kami?
Ang isip ko ay kusang bumalik sa mga pangyayari noon sa pagitan namin. Kung ga'no ba kabilis ang mga pangyayari ay gano'n din ba kabilis umusbong ang nararamdaman niya para sa 'kin? Ayaw ko mang mag-isip ay minsan hindi ko talaga magawang iwasan.
Kami na.
Kanina lang..
Bakit parang pakiramdam ko...ang bilis?
Bakit parang ang bilis lang ng lahat sa pagitan namin? Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin kung totoo nga ba ang nararamdaman niya para sa 'kin. Pero sinabi niya namang sa bawat pagdududang mararamdaman ko ay handa siyang magbigay ng patunay 'di ba? Ramdam ko naman sa unang halik niya doon sa hospital na sinsero talaga siya sa sinasabi niya. Isabay mo pa ang isang butil ng luha na nakita kong tumulo sa isang mata niya. Sapat na siguro 'yun para paniwalaan ko siya. Pero...sapat na nga ba?
Aish kainis. Napapraning lang siguro ako. Hobby ko talagang mag-overthink kapag nakakakita ng sunset eh!
"Ang lalim ng iniisip mo.."
"H-Ha?"
Tuluyan na itong humarap sa 'kin. Ilang metro ang layo namin sa isa't ngunit para akong nalulunod sa mga tingin niya.
"Nagdududa ka pa rin ba, Salve?" mahinang tanong nito na sapat lang para marinig ko.
"Kyler..." hindi ko alam kung ano bang salita ang sasabihin ko habang nakikipaglabanan sa mga tingin niya.
"Iniisip mo ba na baka hindi totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo dahil sa ikli ng panahon na nakilala natin ang isa't isa?" mas lalo akong hindi nakasagot.
Dahan dahan itong humakbang palapit sa 'kin hanggang sa wala nang may natira pang espasyo sa pagitan naming dalawa. Napatingala ako sa seryoso niyang mukha.
"Handa akong magbigay ng patunay, Salve. Sabihin mo lang.."
"Kyler..." napasinghap ako nang bigla nitong ikulong sa malalapad niyang mga palad ang mukha ko.
'Nak ng...oily pa naman ang mukha ko ngayon!
"Iniisip mo bang hahalikan kita bilang patunay?" mahina itong natawa at sa ginawa niyang 'yun ay naamoy ko ang mabango niyang hininga dahil sa magkalapit naming mga mukha.
Shems, kapit lang puso. Malayo ang hospital dito!
Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Mark my words Salve."
"Never in my entire life I lied about my feelings. I'm always honest to what I feel. Kaya pagsinabi kong gusto kita...gusto talaga kita.."
"...and no one can change that."