Hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyari sa buong araw ko. Binilugan ko rin ang petsa ngayong araw sa kalendaryong nakakabit sa kwarto ko.
July 11..
Lahat ng eleven sa bawat buwan ay binilugan ko para sa mga monthsary namin hihi. May kung ano sa sistema ko na nagwawala dahil sa excitement na nararamdaman sa isiping magtatagal ang relasyon namin ni Kyler at mararansan ko na rin ang mag celebrate kada buwan.
Hindi ko alam na ganito pala ang feeling kapag may jowa kana. Buong akala ko kasi ay stress lang ang dulot nito sa 'kin kaya pinili kong mag-self love muna buong high school life ko.
Gumulong gulong ako sa higaan ko habang yakap yakap ang may kalakihan kong teddy bear. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang sinasariwa sa isipan ko ang mga sinabi niya sa 'kin kanina.
Gusto niya ako. Hindi, gustong gusto pala. At walang may makakapagpabago no'n. Shems, kinikilig ako! Bakit ba gano'n ang tabil ng dila niya? Lahat siguro nang sabihin niya ay parang may kapangyarihang kayang patalbugin ang puso ko.
Kanina, bago niya ako hinatid dito sa amin ay nagkaroon muna kami ng maikling sagutang dalawa sa loob ng sasakyan niya. Oo, gano'n kabilis magbago ang mood niya.
Nakita ko kasing may bagong labas na merch si JK ng BTS at ipinakita ko 'yun sa kaniya. Nang makita niya 'yun ay parang alikabok na hinipan ang ka-sweet-an niya't bigla nalang itong nagsungit sa 'kin. Sinabi niyang walang naman daw siyang pakialam, bakit ko pa daw pinapakita sa kaniya? Gagi rin eh. Minsan talaga 'di ko maintindihan ang sumpong niya.
Hindi ko na talaga siya papansinin no'n pero narinig kong nagpahabol pa ito ng lait sa bias ko. Kesyo, ang pangit daw ng pangalan. Pangalan palang daw sarap nang gisahin. Grr. Tapos sinabihan niya pang ang payat payat daw ni JK at bakla daw kung kumilos! Ako naman ay napikon kaya nakotongan ko siya nang wala sa oras no'n.
Napabuntong hininga ako.
Pero bakit gano'n? Kahit na-badtrip ako ay nakangiti pa rin ako? Ganito ba talaga kapag inlove? Wait, what? Inlove? Inlove na ako kay Kyler?!
Bigla'y dumagungdong na naman ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan.
Kaya ba ako nakangiti habang iniisip siya kasi inlove na ako?
Omg.
Bigla akong napabalikwas ng bangon nang biglang magtunog ang cellphone ko. Nang mapatingin ako sa oras ay halos ten na nang gabi.
May nag-pop na message. Hindi registered sa cellphone ko ang number kaya nangunot ang noo ko. Iisipin ko na sanang baka na wrong send lang kaso natigilan ako sa mensahe nito.
From: 09*********
Bumaba ka.
'Yan lang ang mensahe pero para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinauupuan ko. Sino 'to? Bakit niya ako inuutusang bumaba? Ano ba siya, gold?
Wala sa sariling napatingin ako sa maliit na veranda ng kwarto ko. Ang veranda ng kwarto ko ay nakaharap sa gate namin kaya kung sino man ang tao sa labas ay malaya kong makikita.
Handa na sana akong tumayo upang sumilip sa veranda nang maka- ulit ako ng mensahe galing sa number kanina.
From: 09*********
Faster, Salve.
Nanlaki ang mga mata ko't 'di alam ang gagawin. Kilala niya ako, shems! Bababa ba ako o hindi? Baka mamaya masamang tao pala 'to edi nalintikan ako.
Sa huli ay nadaig na naman ako ng kakulitan ko. Dahan dahan ang ginawa kong mga hakbang palabas ng kwarto ko. Maagang natutulog sina Mama dahil may pasok pa bukas. Bahagya ko pang sinilip ang sala dahil baka maulit na naman ang nangyari noong nakaraang nagulat nalang akong tahimik na nakaupo pala si Aldrin sa sofa habang naglalaro sa cellphone niya.
Madilim ang sala nang mapadaan ako pero dahil may mga ilaw sa labas na tumatagos sa mga bintana ay may naaaninag pa rin ako. Walang tao ang sala nang tignan ko kaya nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa pintuan ng bahay namin.
Dahan dahan ko itong binuksan. Malamig na hangin ang unang sumalubong sa 'kin nang makalabas ako ng kabahayan. Nakailang lunok pa muna ako bago maglakad papunta sa gate namin.
Nagpalinga linga ako sa paligid dahil baka may mahanap akong matigas na bagay na ipanghahampas sa kung sakali mang may masamang balak ang kung sino man 'tong tao sa kabila ng gate.
May nakita akong medyo may kalakihang bato kaya agad ko itong pinulot at itinago aa likod ko saka ko dahan dahang binuksan ang gate.
Nang mabuksan ang gate ay wala akong may nakitang tao sa labas. Tuluyan na akong lumabas ng gate at inilibot ang paningin ko ngunit wala talaga akong makitang tao.
"Anak ng...nan-ti-trip lang yata 'yun eh." bulong ko.
Nang ibalik ko ang paningin ko sa gate ng bahay namin ay may nakita akong paper bag. Medyo malaki 'yun at malinis na malinis ang pagkakalagay na animo'y pinakaingatan.
Kunot noo ko itong pinulot at napasinghap nang masilip ang loob no'n. Bagong merch ni JK ang nasa loob no'n!
Omg!!
Mabilis kong kinuha ang laman no'n at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang hoodie na kulay gray. May kasama pa 'yung mga pictures niya! Oh my God! Omg talaga!
"Tsh,"
Napatigil ako sa pang hahalungkat nang makarinig ako ng mahinang singhal. Dahan dahan kong tinignan kung ano 'yun.
Gano'n nalang ang pagtalbog ng puso ko nang makita ang matangkad na lalaki na nagmamay-ari ng kulay tsokolateng mga matang matamang nakatingin sa 'kin. Nakasimangot ang gwapo nitong mukha pero may kakaibang kislap ang mga mata. Parang hindi niya alam kung ano ba ang magiging dapat na reaksyon niya. Naka-cross din ang mga braso niya.
Para siyang model hihi...
Parang may sariling isip ang mga kamay ko't binitawan ang paper bag. Nakalimutan kong nagtatampo-tampuhan nga pala ako sa kaniya dahil sa nangyari kanina.
"Bakit? Don't tell me na hindi mo nagustuhan ang mga 'yan?" seryosong ani nito.
"Sa 'yo galing 'to?" tanong ko.
Shems, kung sa kaniya nga galing ang mga ito...paano niya nagawa 'yun? Eh, ilang sigundo palang ang lumilipas ay sold out na kadalasan ang mga ganito eh. Lalo na kapag galing sa mga members ng BTS.
Tumaas lang ang kilay nito. "Why? Do you think I can't buy that?"
Napaiwas ako ng tingin dahil para akong napapaso sa klase ng mga tingin niya. Nakagat ko nalang anb pang ibaba kong labi dahil sa kawalang masabi sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Idagdag mo pa na naiilang ako sa mga tingin niya. Para makaiwas sa nakakatunaw na tingin ng kulay tsokolate niyang mga mata ay napatingin nalang ako sa likuran niya. Napansin kong wala siyang sasakyang dala kaya nangunot ang noo ko.
"Nasa'n ang kotse mo?" tanong ko. Nilibot ko pa ang paningin ko dahil baka sa tabi tabi lang siya nav-park kaso wala akong makita.
"Nasa pad ko." maikli nitong sagot, ang mga mata ay nasa akin pa rin.
"Huh? Eh anong ginamit mo papunta dito?" 'di ako makatingin nang deretso sa mga mata niya.
"Mga paa ko. Alangan namang mga kamay ko 'di ba?"
At pinairal na naman niya ang kapilosopohan niya. Bwisit.
"Pwede rin naman. Pabaliktad nga lang." pagsabay ko sa trip niya.
Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa. Tanging mga huni lang ng mga kuliglig ang maririnig sa buong mapayapang gabi.
Bahagya akong napayakap sa sarili ko nang biglang umihip ang malamig na hangin at dumampi ito sa balat ko.
Nagulat ako nang biglang may matitipunong brasong kumulong sa 'kin kalaunan. Gulat akong napatingala sa mukha niya.
"Kyler..."
"I can't take it. Nagtatampo ka ba, Kwago ko? Kaya ba hindi mo ako pinapansin?"
Jusko ko po, ang puso ko!
Parang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan nang banggitin na naman niya ang endearment niya sa 'kin. Mukhang kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko.
"Galit ka ba sa 'kin kasi ininsulto ko ang crush mong bakla?"
Mahina kong tinampal ang braso niya. "Iniinsulto mo na naman eh!"
Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa 'kin. "Sorry na.."
Lihim akong napangiti. Inaamin kong kinikilig ako sa paraan ng boses niya. Masuyo 'yun at talagang nakakarupok tengene.
"So...sa 'yo nga talaga galing 'yun?" patukoy ko sa papaer bag na may lamang merch.
"Oo nga. Kahit naman naiinis ako dahil hinahangaan mo ang Koreanong 'yun ay mas pipiliin ko pa rin ang kaligayahan mo. Kung 'yan ang magpapasaya sa 'yo...hindi ko nalang iisipin pa ang selos ko."
Napabitiw ako sa pagkakayakap niya at gulat na tumitig sa mukha niya. "A-Anong sabi mo? Selos?"
Sumimangot ito. "Obvious ba? Nagseselos ako sa Koreanong 'yun."
Hindi ako makapagsalita. Nanatiling nakatitig sa kaniya ang nanlalaki kong mga mata. Selos? Nagseselos siya kaya niya iniinsulto ang bias ko?! Omg! Bakit ba kasi 'di ko naisip 'yun?!
"Kyler..."
"Okay lang. Handa akong bilhin lahat ng mga gamit ng Koreanong 'yan mapasaya ka lang, Kwago ko.."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong yumakap sa kaniya. Hindi niya alam kung gaano niya ako napapasaya sa mga simpleng ginagawa niya.
"Binuo mo ang araw ko, Kyler.." mahinang sabi ko.
Naramdaman ko ang pagganti niya ng yakap sa 'kin.
"Binuo mo naman ang pagkatao ko, Salve.."
Ilang minuto lang kaming magkayakap sa labas ng gate ng bahay namin. Ito na yata ang pinakamahabang araw na naranasan ko sa buong buhay ko. Pakiramdam ko pinabagal ang oras para sa aming dalawa, na parang naging isang taon ang isang araw para sa 'kin.
Maaga at magana akong gumising kinabukasan. Maganda ang gising ko na kahit bwisitin pa ako magdamag ng tukmol kong kapatid ay tatawanan ko lang ito.
"Anong nakain mo naman at ang lapad lapad ng ngiti mo d'yan?" puna ni Papa habang nasa hapag.
Mahina akong natawa. "Wala po 'Pa! Sadyang maganda lang po talaga ang gising ko ngayon!"
Napailing iling nalang ito at hindi na nang-usisa pa. Napatingin ako kay Aldrin na pailalim kung tumingin sa 'kin. Parang inoobserbahan ako na ewan. Amp! Bahala siya d'yan! Basta maganda ang gising ko!
Nang matapos kumain ay agad na akong nag-aayos ng sarili at bumaba. Nag-text kasi si Kyler na susunduin niya daw ako ngayon kaya bawal daw magbagal bagal kumilos. Na-i-text ko na rin naman si Camille na 'wag nalang akong sunduin ngayong araw.
Nagpaalam pa muna ako kena Mama at Papa bago ako lumabas ng kabahayan. Nakita kong pasakay na sana ang kapatid ko sa bike niya kaya binilisan ko ang lakad ko papunta sa gawi niya.
"Ingat ka sa daan, tukmol! Aral well!"
Umirap ito. "Tsh!"
Ako na ang nagbukas ng gate para sa kaniya. Agad naman itong lumabas at 'di pinansin ang mga ngiti ko sa kaniya. Tukmol talaga.
Well, sabi ko nga maganda ang araw ko.
Napangiti ako nang maya maya lang ay may humintong sasakyan sa harapan ko. Hindi ko na hinintay pa na makalabas siya dahil agad akong sumakay.
"Good morning!" bati ko.
Mula sa kinauupuan ko ay amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango na nagpapahalimuyak sa buo niyang pagkatao. Ang fresh fresh niya ring tingnan, samantalang ako ay medyo makalat pa ang buhok dahil sa hindi maayos na pagkakasuklay.
"Good morning din." ngumiti ito kaya nahawa ako't napangiti nalang din.
Pinausad na nito ang sasakyan. Akala ko tuluyan nang babalutin ng katahimikan ang pagitan namin nang magsalita siya kalaunan.
"Sa school natin gaganapin ang opening. Magpe-perform ang banda natin ngayong umaga."
Agad akong napatingin sa kaniya. "Huh? Anong petsa na ba?! Ngayon na ba ang Sport Fest?!"
"Yeah.." ani nito na parang nagtataka kung bakit 'di ko alam.
Gagi, paano ko nakalimutan 'yun?!
"Paano 'yan? Ilang linggo akong hindi naka-attend ng practice natin, hindi ko alam kung makakasabay pa ako."
"It's okay. Wala naman kaming binago sa mga arrangements eh. May dinagdag lang kaming mga kanta pero sinigurado ko namang alam mo ang mga 'yun.."
Para akong nakahinga nang maluwag sa sinabi niya. Ayan kasi Salve, landi pa!
Nang makarating kami sa school ay marami na ang tao. Marami na akong nakikitang iba't ibang mga school uniforms na nagkalat sa buong school.
Nauna na akong bumaba kay Kyler nangatapat kami sa main gate ng school. Kailangan niya pa kasing humanap ng pagpaparadahan ng sasakyan niya.
Habang papasok ay 'di ko mapigilang hindi ilibot ang paningin ko dahil sa dami ng tao. Di-diretso sana ako sa Senior High Building nang matanaw ko si Camille kasama ang SSC president na si Dimin.
May dala dalang mga papel si Camille at mahahalata talaga sa mukha niya ang pagod at inis. Nang tignan ko naman ang lalaki ay preskong presko lang ito sa suot niyang uniporme habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pants niya. Para itong naaaliw habang nakatingin kay Camille.
"Camille!" tawag ko.
Kunot noo itong lumingon sa gawi ko at kalauna'y napangiti. Sinalubong ko ito ng yakap nang magkalapit kami.
"Miss kita!"
"Bruha ka! Isang araw kang walang paramdam sa amin! Saang lupalop ka ba nagsusuot?!"
Agad naman akong napangiti nang maalala ko ang mga pangyayari sa buong maghapon ko kahapon.
"Mahabang kwento. Mamaya nalang."
Napairap ito. "Tsh, ang daya mo naman! Utang mo sa 'kin 'yan!"
Mahina nalang akong natawa sa kaniya. Sinulyapan ko ang lalaking kasama niya na nakatayo 'di kalayuan sa amin. Hindi ito nakatingin sa gawi naming dalawa.
"Camille?"
"Hmm, bakit?"
"Kamusta na kayo ni Dimin?" tanong ko.
Naging mailap ang mga mata nito sa 'kin kaya alam ko na agad na may something. Nacu-curious lang ako sa sitwasyon nilang dalawa.
"Hoy," mahina kong pindot sa balikat nito.
"A-Ano? Bakit mo naman kami kakamustahing dalawa? Wala naman kaming ganap ah? Bwisit." mahina pang bulong nito.
"Easy lang, 'eto naman!"
"Eh kayo? Dapat ako ang nagtatanong sa 'yo niyan eh! Kamusta na kayo ni Kyler?"
Pak.
Parang bigla nalang kaming nagkapalit ng posisyon. Talagang babae 'to, ang bilis mag lihis ng topic!
"Hoy bruha! Ngingiti ngiti mo d'yan?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Hinawakan ko ang bibig ko at shems! Nakangiti nga ako!
"Anong ibig sabihin ng mga ngiting 'yan ha Gondaya?"
"A-Ano... Camille..."
"Oh?"
Shete naman! 'Di ko alam kung bakit ako naiilang na sabihin sa kaniya! Wala naman sigurong mali kung sasabihin ko sa kaniya 'di ba? Kaibigan ko siya at makakapagbigay din siya ng mga advice sa 'kin total siya naman ang may experience sa mga ganitong bagay!
Pero 'di talaga ako mapalagay sa klase ng tingin niya! Nakataas ang kilay at napaka-seryoso ng mukha habang nakatingin sa 'kin. Okay, nagpapaka-nanay na naman siya.
"Ano kasi...k-kami na.." mahina kong sabi.
Itinapon ko sa ibang direksyon ang paningin ko para 'di ko makita ang magiging reaksyon niya.
"What the..." mahinang sabi nito pero 'di pa rin ako tumingin.
"Sandali lang ah? Hahanapin ko lang si Leean! Anak ng—panalo na naman ako! Lakas talaga ng karisma mo Salve, I love you!" nagulat ako nang bigla nalang itong tumakbo sa kung saan.
Napabuntong hininga ako. Akala ko pa naman papaliguan niya ako ng sandamakmak na pamahiin niya pero hindi gano'n ang nangyari. Base sa paalam niya, mukhang nanalo na naman ito sa pustahan nila ni Leean sa 'kin. Mga bruha, walang ibang ginawa kundi pagpustahan ang kyot na si ako. Hays.
Lihim akong napangiti nang makita kong agad ma sinundan ni Dimin ang kaibigan ko. May something talaga eh.
"Kayo na pala..."
Nagulat ako nang biglang may magsalita sa likod ko. Nang harapin ko ito ay nakita ko ang seryosong mukha ni Joshua habang nakatingin sa 'kin.
Alanganin akong ngumiti sa kaniya. "Ikaw pala...ano nga ulit 'yung sinabi mo?"
Wala akong may nakikitang emosyon sa mga mata niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaya 'di ko maiwasang hindi mag-alala. May problema ba?
"Sabi ko, kayo na pala. Nice. Congrats, may love life kana..."
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hindi dapat ako matuwa sa sinabi niya. Parang may nahihimigan akong sarkasmo sa boses niya bagama't napakaseryoso niya.
"Joshua.." ang boses ko ay naging seryoso na rin.
"Bakit? Hindi ba halatang masaya ako para sa 'yo, Salve?" huminga ito nang malalim.
"May tanong lang ako.."
Napalunok ako. "A-Ano 'yun?"
"Bakit napakamanhid mo?"