Episode 12

3350 Words
"HOY SALVE!" Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pangalan ko. "Ano 'yun?" "Salve Gondaya..." Agad akong napatingin kay Ms. Yuna. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin. 'Di ko namalayang nasa kalagitnaan pala ako ng klase dahil sa pagkalutang ko. "Y-yes ma'am?" kinakabahang sagot ko. Tinignan ko pa ang mga kaibigan ko pero umismid lang sila. Mga fake friends. "I've been calling you four times from now. What are you thinking? Are you tired to my subject?" "N-no ma'am. Sorry po." napayuko ako. "You can go out if you're tired." Todo akong umiling. "No ma'am! I'm not tired. Actually, n-nag-eenjoy nga po ako eh hehe." Tumaas ang isang kilay niya. "Is that so? Solve this on the board." "H-ha?" Syete, 'di ko alam na Mathemashit pala ang subject ngayon! Patay! "Anong ha? You said, you're enjoying my subject right? Now solve this." Matindi akong napalunok. Tumingin ako kela Camille at Leean para humingi ng tulong pero tinawanan lang ako ng mga bruha. "Come here in the board, Gondaya." Feeling ko nangangatog ang tuhod ko sa kaba habang naglalakad palapit sa board. Mahina ako sa math at ayaw ko talaga sa math! Pakiramdam ko, mahihimatay ako kapag nakakakita ako ng mga x y x y sa board eh. Mag solve pa kaya? Plus lutang pa ako kanina kaya hindi ko narinig ang discussion ni ma'am. Sinulat ko nalang kung ano sa tingin ko ang dapat. Pasulyap sulyap pa ako sa mga kaibigan kong ngingisi-ngisi lang habang nakasubaybay sa 'kin. Ang mga kaklase ko naman ay tutok rin sa ginagawa ko. Nang matapos kong isulat ang mga naisipan kong isulat ay nakayuko kong inabot kay ma'am ang chalk. "That's it?" "Y-yes ma'am." "Tsk, sa susunod makikinig ka sa klase ko Salve. Senior high school kana at hindi mo pa rin maintindihan ang mga discussion ko. You may take your sit now." Nakatungo akong bumalik sa upuan ko. Hindi naman ako nahihiya sa mga kaklase ko, nahihiya ako sa sarili ko. Lahat naman talaga ay napapasabak pagdating sa math, hindi lang naman ako. Pero parang kasi, pakiramdam ko ay nahuhuli ako at kailangan ko talagang matuto! Ayaw ko namang ako lang ang walang alam pagdating sa Mathemashit—Mathematics pala. "Listen class!" napatingin ako kay Ma'am nang bigla siyang magsalita. "Mathematics are good and enjoyable if you learn how to understand it. Alam kong marami pa rin sa inyo ang hindi makaintindi sa mga topics na dini-disscuss ko at alam ko ring hirap na hirap kayong umintindi. I know that because I'm once on your position." Tahimik ang lahat at halatang nakikinig sa biglaang speech ni ma'am. Hindi naman siya galit pero mahahalata mo sa tono ang inis niya at pangangaral. "Hindi mahirap ang subject na Math kung lalawakan ninyo ang pang-unawa niyo. Mathematics is only all about adding, subtracting, multiplicating and dividing. Nahihirapan lang kayo dahil sa mga iba't ibang process but pinapaikot lang niyan ang pang-unawa ninyo. Can you get it? All you need is to understand! Just understand the different process and you will learn!" huminga siya ng malalim bago muling bumaling sa klase. "Just understand my discussion class...and please, please, please! Ask me kung mayroon kayong hindi maintindihan! I noticed that every time I asked if you all get my points, you all always said yes! But when quizes time—my God! I-ilan Ilan lang ang nakakasagot!" Nang matapos ang pangangaral ni Miss Yuna sa amin ay nag-dismiss na rin kami. Naubos daw ang oras niya sa pangangaral sa amin. Pero dahil sa speech niya kanina ay para akong may pasan pasang HOPE ngayon. Feeling ko may pag-asa pang maging maalam ako sa Mathemashit. "Anyare sa 'yo?" tanong ni Camille nang makaupo kami sa table namin sa cafeteria. "Anong anyare ba?" pabalik kong tanong sa kaniya. Bigla namang sumingit si Leean sa usapan. "Nag-oover thinking na naman yata ang bruha." Napasimangot naman ako. "Ano ba kasing iniisip mo?" tanong naman ni Camille. Napaisip naman ako kung dapat ko bang sabihin sa kanilang dalawa ang status ng love life ko. Pero malamang kasi sa malamang ay aasarin lang nila ako at hindi talaga sila titigil sa pangangatyaw sa 'kin. Hays. Sa huli ay naisipan ko pa ring sabihin sa kanila. "Kasi...ano...si Kyler kasi.." "Ha? Teka! Teka! Order lang ako, pause muna!" natawa naman ako kay Camille habang sinusundan siya ng tingin sa counter. "Salve.." Napatingin ako kay Leean at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa 'kin. "Bakit?" "I know na may gusto ka kay Kyler. And I'm happy for you." napalunok ako. "But promise me na, hindi mo hahayaang masaktan ka niya." "Anong ibig mong sabihin?" Napabuntong hininga siya. "I'm just concerned, Salve. Kaibigan kita at kapatid na rin ang turingan natin sa isa't isa, at ayaw kong makitang nasasaktan kayong dalawa ni Camille, lalo kana." Nangunot ang noo ko. "Anong lalo na ako?" "First time mo 'to 'di ba? At alam kong hindi mo pa nararanasan ang masaktan. Inosente pa ang puso mo, Salve." Parang naguguluhan tuloy ako sa mga sinasabi nitong si Leean. Ano bang ibig sabihin niya? Haaay, ewan. Sinikap ko pa ring ngumiti sa kaniya kahit 'di naman ako maka-relate sa mga sinasabi niya. Maya maya lang ay dumating na si Camille dala ang order namin. Kasunod niya si Joshua na siyang may bitbit ng pagkain ko. May ice-cream! May biniling ice cream si Joshua para sa 'kin. Pasimple kong nilibot ang paningin ko dahil baka mamaya ay bigla siyang pumasok at makita akong kumakain ng ice cream na 'di naman ako ang bumili. Feeling ko, nagkakasala ako sa kaniya. Ang OA lang! "Ano nga 'yun Salve?" tanong ni Camille nang makaupo sila sa table kasama si Joshua na nasa tabi ko. Napalunok muna ako. "K-kasi...si Kyler umamin na sa 'kin." mahina kong sabi. Kita ko ang panlalaki ng mga mata nila except kay Joshua na hindi ko mapangalanan kung ano bang tawag do'n sa reaction niya. "G-gusto niya daw ako.." Walang may nakapagsalita sa kanilang lahat kaya medyo nakaramdam ako ng kaba. Baka kasi kung ano anong mga iniisip nila eh. "Oh my God!" unang naka-recover si Camille. "For real?! Omg, may love life kana!" Napatingin ako kay Joshua na ngayon ay seryoso nang nakatingin sa pagkain niya. Mahina ko naman siyang siniko. "Hoy." "Ah, bakit?" "Ang tahimik mo naman yata? Anyare sa 'yo?" Napatingin din sa 'min ang dalawa. "Naku, malaki ang problemang pasan pasan niyan!" hindi ko alam kung natatawa ba o ano si Camille habang sinasabi 'yon. "May problema ka?" tanong ko pero umiwas lang siya ng tingin. Pero 'di nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng kakaibang lungkot sa mga mata niya. "Ayan, babagal bagal kasi." Naguluhan ako sa sinabing 'yon ni Leean. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero alam kong si Joshua ang tinutukoy niya. "Pwede ba kitang hiramin?" Agad akong napaangat ng tingin nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Napaka gwapo niya sa suot niyang uniform. Bakit ba kahit uniform lang namin ang suot niya ay nagmu-mukha pa rin siyang modelo? Sanaol lang. Tapos, shete! Ang bango niya pa! Parang mas mabango pa nga yata kesa sa 'kin 'to eh! Papasa pa siguro siyang dalaga kesa sa 'kin. "Pwede mo ring iuwi nalang!" agad kong tinapunan ng masamang tingin si Camille. "May Hiram hiram ka pang nalalaman eh, malamang hindi mo na 'yan ibabalik!" sigunda naman ni Leean. "Tumahimik nga kayo!" hindi ako makatingin nang deretso kay Kyler. Nahihiya rin ako, inaamin ko, marami kasing mga matang nakatingin sa amin. "Hoy, Salve! 'Wag nang pabebe! Sayang ang love life oh, sige ka!" pinandilatan ko naman ng mata si Camille. "Love life na mismo ang kusang lumalapit oh. Taray naman, sinusundo!" muling banat ni Leean. Agad akong tumayo dahil baka kung ano pang masabi nitong dalawang bruha na 'to. Nang lingunin ko si Joshua ay hindi ito nakatingin sa akin, kundi kay Kyler. "Uh—una na muna ako ah?" 'di ko alam kung bakit kailangang maging alanganin ang tono ko sa kaniya. Ngumiti naman agad ang lalaki. "Bakit nagpapaalam ka pa? Tatay mo ba 'ko?" biro niya. Napaikot ko nalang ang mga mata ko bago magpatianod kay Kyler. "Hihiramin talaga?" baling ko kay Kyler. Umupo kami sa dulo, 'yung medyo walang taong nakaupo. Medyo naiilang pa nga ako dahil alam kong maraming nakatingin sa aming dalawa. "Alangan namang bilhin kita 'di ba?" "Ediwaw." hindi ko pinahalata na kinilig ako sa sinabi niya. Tumayo muna siya para mag-order ng pagkain at maya maya lang ay agad din siyang bumalik. Wala namang may nagsalita sa amin habang kumakain. Nagpapakiramdaman lang sa isa't isa. Nang kunti nalang ang natitira sa mga plato namin ay sumandal siya at pinag-cross ang mga braso habang nakatingin sa akin! Naiilang ako! Pilit kong iniiwas sa kaniya ang paningin ko at minadali ko na rin ang pagsubo. Ngunit nang akmang isusubo ko na sana ang kutsara ng pagkain nang biglang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi dahilan para mabilaukan ako. Tsk! Ano bang nangyayari sa 'kin?! Hindi naman ako dating ganito ah?! Inabot sa 'kin ni Kyler ang baso ng tubig na agad ko namang tinanggap. Medyo natatawa pa nga siya pero pilit niyang pinananatili ang seryoso niyang mukha. "Pwede kang tumawa. 'Wag mong pigilan at baka mautot ka pa d'yan!" biglang sabi ko. Pagkasabi ko no'n ay tumawa na siyang talaga kaya napatitig ako nang matagal sa kaniya. Tinuturo turo pa ako ng hintuturo niya habang tawang tawa. Agad kong kinuha ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato. Natulala talaga ako sa tawa niya kaya 'di ko namalayang maraming beses ko siyang nakunan. Tumigil siya sa pagtawa at inis na tumingin sa 'kin. Bilis talagang magbago ng mood oh! "Delete it." Agad ko namang tinago ang cellphone ko at patay malisya siyang tinignan. Asa naman siyang buburahin ko 'yun 'no! "Ang alin?" pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at 'di pinansin ang sinasabi niya. "I saw you stole a photo of me! Akina, buburahin ko." Asa! "A-anong buburahin? Wala kang dapat burahin!" "Burahin mo 'yon, Salve." Imbes na masindak sa sinabi niya ay hindi ako nagpatinag. Agad akong tumayo at mabilis na naglakad palabas ng canteen. Maraming taong nakatingin sa akin pero nakatuon ang atensyon ko kay Kyler na pilit na kinukuha ang cellphone ko. "Ayaw ko ngang burahin! Asa ka naman!" Umabot pa kami sa likod ng building ng mga seniors. Mabuti nalang at halos lahat ng estudyante ay nasa cafeteria kaya walang gaanong nakakakita sa paghahabulan namin. "Burahin mo na Salve!" Pero 'di ko itatago sa sarili kong nag-eenjoy ako sa pagpapahabol sa kaniya. Ang saya lang sa pakiramdam at parang gusto kong araw araw ko 'tong maramdaman. Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong kamay at dinala sa likuran ko. "Bitiw Kyler!" "Where's your phone?" Nang hindi ako sumagot ay kinapa niya ang bulsa ng palda ko at doon niya nakuha ang cellphone ko. Agad niya naman akong binitawan nang makuha iyon. "Anong pin?" Hahahaha! Bakit ba 'di ko naisip na may password pala ang phone ko at hindi niya 'yun mabubuksan kapag 'di ko sinabi?! Tsk, engot. "Malay ko." sumandal nalang ako sa pader at pinanuod siyang inis na nakatingin sa phone ko. "Hindi mo sasabihin?" tanong niya, nakatingin na ngayon sa 'kin. "Hindi!" "Okay, then." Napaayos ako ng tayo nang bigla niyang ibulsa ang phone ko at agad na tumalikod. "T-teka! Bakit mo binulsa ang cell phone ko?" Nakangisi siyang lumingon sa 'kin. "I have no choice." pagkatapos ay tuluyan niya na akong iniwan. Hanggang sa sumapit ang hapon at maglakad ako patungo sa clubroom ay ang cellphone ko pa rin ang iniisip ko. Marami nang members ang nando'n pagdating ko. Agad naman akong nagtungo sa mini stage dahil ako nalang ang kulang sa banda. Nando'n na rin si Joshua na kapansin pansin ang pananahimik. Kahit malayo ang pagitan ko sa kaniya ay kitang kita ko ang pagtamlay ng kaniyang mukha. Mukha rin siyang tulala at parang 'di nakikinig sa mga sinasabi ni Kyler sa unahan. Ramdam kong nakatingin sa akin ngayon si Kyler pero na kay Joshua ang paningin ko. Nag-aalala ako para sa kaniya, dahil baka mayroon siyang problemang 'di sinasabi sa akin. Nang tignan ko si Kyler ay seryoso lang itong nakatingin sa akin. Nagsasalita siya pero nasa akin ang mga paningin niya. Napatingin tuloy sa akin sina Kio at Bryan, ka banda namin. Si Kio ay Grade-9 samantalang Grade 10 naman si Bryan. "Asuuus! Eh, kay Ate Salve kalang naman nakatingin Kuya Kyler eh!" "May spark! May spark!" "Hahahaha!" Sabay kaming nag-iwas ng tingin at nahagip ng mga mata ko si Joshua na ngayon ay nakatingin na sa 'kin. Hindi ko mabasa kung anong mero'n sa mga mata niya. Kaya naman lumapit na ako sa kaniya. Nag-aalala talaga kasi ako. "Ayy, lumipat ang spark." dinig kong bulong ni Koi pero 'di ko na siya pinansin. "Hoy." mahina kong tawag kay Joshua. "B-bakit?" "May problema ka ba? Ang tahimik mo kasi eh, hindi ako sanay." "Dapat ba lagi akong maingay?" natatawang aniya. Napanguso nalang ako. "May problema ka ba? 'Wag kang mag-alala. Wala namang bayad ang pagsasabi ng problema kaya 'di kita makokotongan." Mahina siyang natawa at umiling iling. "Wala akong problema. Salamat." "Sigurado ka? O baka gusto mong magpasapak muna?" "Wala haha. Okay lang ako. Bumalik kana do'n sa pwesto mo at nanlilisik na ang mata ng manliligaw mo." napatanga naman ako sa sinabi niya. "Manliligaw? Sinong manliligaw?" tanong ko. Nginuso niya naman ang likuran ko kaya napatingin ako do'n. Nakita ko si Kyler na masama ang tingin sa 'kin. Muli kong binalik ang paningin ko sa kaharap ko. "Hindi pa naman nanliligaw 'yan. Masyado kang excited. Sige!" Parang ang bilis naman kung manliligaw siya agad eh hindi pa nga kami isang buwan na magkakilala. 'Yung pag-amin niya ngang may gusto siya sa 'kin ay nakakagulat na eh! Bumalik na ako pwesto ko. Hindi ko pinansin ang mga mata ni Kyler na nakatuon sa 'kin. O mas tamang sabihing, pinipigilan ko ang sariling lumingon sa kaniya. Why ba? Naiinis ako dahil sa pagkuha niya ng phone ko! Si Jungkook pa naman ang wallpaper ko. Nagsimula na kaming tumugtog. Ipinaliwanag ni Kyler sa kanilang tatlo ang mga inensayo naming dalawa noong sabado. Ako naman ay kumanta lang at pasimpleng iniiwasan ang mga tingin ni Kyler. Pumunta ako sa room after sa club. May klase kami ngayon at wala si Camille. Kaming dalawa lang ni Leean ang magkatabi sa upuan namin habang nakikinig sa discussion. Nag-discuss lang naman ang lecturer at agad kaming dinis-miss. Nag-aayos ako ng gamit nang biglang pumasok si Camille sa pinto. Salubong ang kilay nito at nakakuyom ang mga kamao. "Hoy! Anyare sa 'yo?" naunang magtanong si Leean. Nagsilabasan na rin ang iba naming mga kaklase kaya kunti nalang ang nasa loob ng room ngayon. "Naulit na naman ba?" hindi niya ako sinagot. Umupo siya sa isa sa mga upuan at yumuko do'n. "Camille.." agad kaming lumapit ni Leean sa kaniya nang makitang sunod sunod na tumulo ang mga luha niya. "Bakit ba ang kikitid ng mga ulo nila?! Bakit hindi sila marunong umintindi ng kapwa? Kayo? Naiintindihan niyo naman ako tapos sila, hindi? Wala naman akong ginagawa sa kanila para ganituhin nila ako!" Nakaramdam ako ng awa kay Camille. Hindi lingid sa kaalaman namin ang mga nangyayari sa kaniya. At hindi kami magsasawang iparamdam sa kaniyang nandito lang kami palagi sa tabi niya. "Hindi ko sila maintindihan! Ang kikitid ng mga ulo nila!" Patuloy lang kami ni Camille sa pag-aalo sa kaniya. "Hayaan mo na, Camille. 'Wag mong intindihin ang mga taong ganiyan. Hindi mo kasalanan kung makikitid ang ulo nila." pag-aalo ko sa kaniya. "At saka, ang mga ganiyang tao ay hindi dapat na pinapansin. Naiinggit lang siguro ang mga 'yan dahil sa haba ng buhok mo." kamuntikan ko nang mabatukan si Leean dahil sa sinabi niya. "Okay na. Okay na 'ko. Salamat." Pinahid niya ang mga luha niya at nakangiting tumayo. "Nakalimutan kong sabihin, Salve." Agad akong napatingin sa kaniya. "Ang alin?" "Nakita ko nga pala si Kyler d'yan sa may hagdanan. Mukhang hinihintay ka. Sorry ngayon ko lang nasabi." Hindi ko pinahalata na nagulat ako sa sinabi niya. "S-sige. Tara na, sabay sabay na tayong bumaba." "Uh—magkikita kami ni Jade ngayon eh." nahihiyang ani ni Leean. "Hala sige. Kayo na ang may love life! Una na 'ko at baka gabihin pa ako sa daan." "Pwede namang sumabay nalang ako sa 'yo, Camille." nakangiting ani ko sa kaniya. Nag-aalala kasi ako dahil mag-isa lang siyang uuwi. "No, hindi na. Naghihintay si Kyler sa 'yo kanina pa. Kaya ko naman kaya uuwi na ako." "Mag-iingat ka ah?" Tumango naman siya at nauna nang lumabas ng pinto. Tinapos ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko at sabay na din kaming lumabas ni Leean. "Hindi naman ako dapat mag-alala 'di ba?" wika niya habang naglalakad kami sa hallway. "Mag-alala saan?" natatawang tanong ko. "Kagaya ng sinabi ko sa 'yo sa cafeteria kanina. Hindi ka naman niya sasaktan 'di ba?" "Ano ka ba naman! Hindi pa nga nanliligaw 'yun eh!" "At least, may nararamdaman ka na sa kaniya." Napatigil ako sa paglalakad. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Kyler na nakaupo sa hagdan habang nakatungo. Panay rin ang hampas niya dahil sa lamok. "Gano'n ba ako kahalata?" seryosong tanong ko sa kaniya, ang paningin ay na kay Kyler pa rin. "Halata ka pa sa halata, Salve. Alam kong may nararamdaman rin siya para sa 'yo pero hindi ko lang talaga maiwasang hindi mag-alala. Naloloka na nga ako kay Camille eh, paano pa kaya kung dumagdag ka pa?" "H-hindi ko rin alam, Leean. Pero pakiramdam ko ay masyado naman yatang mabilis ang nararamdaman namin sa isa't isa. Imagine? Ilang weeks palang kaming magkakilala! Tatlo o apat ba? Kaya nga nagulat talaga ako nang umamin siya sa 'kin na may gusto siya sa 'kin eh." "Well, that's feelings. Ano ba naman ang malay ng pakiramdam sa panahon? Basta't alam niyang may nararamdaman siya eh, sige lang nang sige 'di ba?" Napabuntong hininga nalang ako bago maglakad ulit. "'Wag kang mag-alala, sigurado naman akong hindi niya ako masasaktan. Baka nga patay na patay 'yan sa 'kin eh hahaha!" Natawa rin siya. "Ang yabang mo!" "Pero salamat na rin sa pag-aalala. Hindi ko pinagsisihan ang pang-aaway ko sa 'yo noong mga bata pa tayo dahil kung hindi, hindi kita makikilala." "Pakyu ka Salve!" Natawa nalang ako. Agad namang napalingon sa gawi namin si Kyler nang marinig ang ingay namin. Agad siyang tumayo at diretsong tumingin sa 'kin na pasimple kong ikinalunok. "Ge, una na 'ko ah? Chat ka kapag nakauwi kana." "Pakyu, ano ka? Jowa?" "Kadiri ka, gagi!" mahina naman akong natawa at tinanaw siyang makababa ng hagdan. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang makitang seryosong nakatingin sa 'kin si Kyler. "B-bakit ganiyan ka makatingin? Saka...asan na selpon ko?" "Ibibigay ko sa 'yo later. Let's go." nauna na siyang bumaba ng hagdanan. Kibit balikat akong sumunod sa kaniya pababa ng building. Sa parking lot kami dumiretso. Naabutan ko pa ang tukmol kong kapatid na naglalaro sa cellphone niya habang naglalakad kaya 'di niya napansin ang paglapit niya sa 'kin. "What the..." inis siyang tumingin sa 'kin. "Malas talaga—aray!" tinapakan ko ang paa niya. "May sinasabi ka?! Tukmol ka talaga! Kahit naglalakad ka eh, panay ang laro mo! 'Di ka tumitingin sa dinadaanan mo!" "Ang ingay mo! Lalong lumalaki 'yang mga mata mo!" "Aba'y gago ka talaga—" "Alis nga! Nakakainis ka naman!" padabog siyang umalis at nagtungo sa bike niya. Ako naman ay lumapit na sa sasakyan ni Kyler. Nakita ko naman ang lalaki na nakasandal habang pinapanood akong naglalakad palapit sa kaniya. Limang hakbang nalang sana ay mararating ko na siya ngunit may biglang tumama sa ulo ko dahilan para tumalsik ako. Namilipit ako sa sakit at wala na akong gaanong naririnig. Naramdaman ko ang matipunong braso na nakapalibot sa 'kin. Bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay nakita ko pa ang nag-aalalang mukha ni Kyler. Bumubuka ang bibig niya pero 'di ko maintindihan ang sinasabi niya. Hanggang sa wala na talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD