Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa kanila, maging ang mga paa ko'y tila nakapako't ayaw gumalaw upang lumayo sa gawi nila. Habang tumatagal ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko sa aking nakikita. Bakit kailangan ko pang makita 'to? Bakit... nasasaktan ako nang ganito? "Zeyah..." dinig kong sabi ni Kyler. Nakaharap siya sa gawi ko pero hindi niya man lang ako magawang tapunan ng tingin kahit alam niyang nandito ako. Mapait nalang akong natawa sa aking isipan. Bakit niya naman ako lilingunin pa kung nasa harap na niya ang babaeng nakatakda para sa kaniya? Bakit niya pa pag-aaksayahang lingunin ang laruan niya? Nakatutok lang ang paningin ko sa kanilang dalawa. Ang pagyakap ng babae sa kaniya... pakiramdam ko papatak na ang luha sa mga mata ko nang dahan dahang umangat ang mga

