Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa mga mata niyang minsa'y nagparamdam ng kapayapaan sa 'kin. Ang mga mata niyang dati ay punong puno ng emosyon kapag tumitingin sa 'kin, ngayon ay wala na. Wala na akong makita. "A-Anong sinabi mo?" mahinang tanong ko. Parang kasing hindi ko matanggap ang sinabi niya—hindi ko kayang isipin. Masyadong masakit sa pandinig ang mga salitang 'yon na parang namanhid nang buo ang puso ko. "I'm just toying you around. Sorry but I don't feel anything special towards you..." Puno ng hinanakit akong tumitig sa kaniya. Wala akong pakialam kung nababasa na ako ng ulan at kung punong puno ng luha ang buong mukha ko habang nakatingala sa kaniya. "Ang sakit naman..." halos pabulong kong saad. Buong buhay ko, hindi ko minsa

