Episode 22

3519 Words

Sinag ng araw na nagbibigay buhay at liwanag sa mundo, na siya ring nagbibigay enerhiya sa ating mga tao. Ang araw na unang bubungad sa 'yo sa pagmulat mo ng mga mata sa umaga. Ang araw na pinagmumulan ng init upang tayo ay mabuhay. Ang araw na hindi ko makita ngayon. Matamlay akong bumangon sa aking kama na hinihigaan at tumingin sa bahagyang nakabukas na bintana. Sa labas ay maririnig mo ang malakas na pagbuhos ng ulan na tila matagal nang naipon sa kalangitan. Madilim din ang paligid na animo'y gabing gabi ngunit nang tignan ko ang orasan sa dingding ay alas-otso na pala ng umaga. Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Wala akong gana sa lahat ng bagay, pakiramdam ko. Para akong lanta na walang lakas. Akala ko panaginip lang 'yun, pero malinaw pa sa malinaw na naaalala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD