ISANG LINGGO NA ANG NAKALIPAS. Mula no'ng mangyari ang insidente sa loob ng hospital noong isang linggo ay 'di ko pa nakikita si Kyler. Pagkatapos ng pangyayaring 'yun ay bigla nalang itong umalis nang walang paalam sa 'kin. Nang akma ko naman itong hahabulin ay matinding pagpipigil ang ginawa ni Camille sa 'kin. Napabuntong hininga ako. "Pangatlong buntong hininga mo na 'yan.." pagpuna ni Joshua sa gilid ko. Magkatabi kaming nakaupo sa bench habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagdadaanan. Pangalawang linggo na ng sports fest at nasa Athena University na kami, ang former school ni Kyler. Nakaka-limang performance na rin ang banda na wala siya. Marami ang nagtataka sa biglang pagkawala ng presensya niya at karamihan sa kanila ay ako ang tinatanong. Nanatili naman akong natahimi

