Episode 20

3592 Words
"ARE YOU FOOLING AROUND?" Nawala ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi ko habang nakatitig sa mga mata ni Kyler na matiim din na nakatitig sa 'kin. "I think I already know the answer." nang tingnan ko ang babae sa likod ni Kyler ay nakangisi ito habang nakatingin sa 'kin. Ano bang ibig sabihin ng babaeng 'yon? Napaangat ako ng tingin nang tuluyan nang makalapit sa gawi ko si Kyler at inilapag ang ice cream sa maliit na lamesa sa harapan ko. Seryoso itong nakatingin sa 'kin. "Let's eat outside." nauna na itong lumabas sa 'kin. Tumayo na ako at kinuha ang pagkain sa harapan ko. Bago ako lumabas ay sinulyapan ko pa muna ang mga cheer dancers sa counter. Hindi na sila nakatingin sa akin. "Kyler!" pagtawag ko sa lalaki nang makalabas ako. Huminto naman ito sa paglalakad at humarap sa gawi ko. Hinintay niya akong makalapit sa kaniya. "Ang bilis mo namang maglakad," hindi ito sumagot. "'Yung sinabi no'ng babae-" "'Wag natin 'yang pag-usapan dito, Salve. " putol niya sa sasabihin ko. Nangunot ang noo ko dahil ramdam ko sa tono niya ang pagkainis. Bakit? 'Di ba dapat ako ang maiinis sa kaniya? Siya 'yung dapat na nagpapaliwanag pero siya pa ang naiinis sa 'kin. "N-Naiinis ka ba?" 'di ko mapigilang tanong sa kaniya. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at marahang hinawakan ang kamay ko. "No-hindi naman sa gano'n, Salve." "Eh bakit parang naiinis ka?" 'di ko na naitago ang iritasyon sa boses ko. Nakita ko ang paglunok nito bago umiling-iling. "I-I didn't mean that. It's just-" "Anong ibig sabihin no'ng babae kanina sa loob?" bigla kong tanong. Napatitig ito nang husto sa mukha ko na parang pinag-iisipan pa kung dapat niya bang sagutin ang tanong ko o hindi. Napabuntong hininga ito at nag-iwas ng tingin. "It's just about my past. You don't have to worry." Napatitig ako sa kaniya. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti ito. "Just forget about it okay?" masuyo nitong hinaplos ang pisngi ko. Kahit naguguluhan ay napatango nalang ako. May mga tanong na bumabagabag sa isipan ko pero hindi ko 'yon magawang isantinig dahil pakiramdam ko magiging sanhi lang 'yon ng away namin. At ayaw kong mag-away kami. Ayukong kasisimula palang ng relasyon namin ay mag-away agad kami. Huminga ako nang malalim. "Okay." Naramdaman ko ang pag-akbay ng isa niyang braso sa balikat ko nang magsimula na kaming maglakad. Doon lang bumalik sa isipan ko na maraming mga matang nakatingin sa amin at mukhang walang pakialam itong katabi ko. "Saan tayo?" tanong ko, 'di tumitingin sa kaniya. Nilaro laro ko sa kamay ko ang cup ng ice cream na hawak ko. "Gusto mo bang manood ng laro? Bukas pa ang susunod nating number." aniya. "Kahit ano naman gugustuhin ko...basta kasama kita." walang gatol kong sabi. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Parang ikaw na ang nagpapakilig sa ating dalawa ah? Great." Tiningala ko ito. "Luh? Ibig sabihin... kinikilig ka?" Nag-iwas ito ng tingin. "Well, yeah." sumagi sa ilong ko ang mabango niyang hininga dahil sa nakatingala ako sa mukha niya. "Hala, totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Bahagyang napalakas ang boses ko kaya napatingin sa gawi namin ang ibang estudyante. Tumigil ito sa paglalakad ay inalis ang pagkakaakbay niya sa 'kin. Hindi ito makatingin sa mukha ko. Kita ko pa ang pamumula ng tenga niya. "Hoy!" sinundot ko ang balikat nito. "Kinikilig ka nga?! Kinikilig ka 'no?" natawa ako. Kumunot ang noo nito at inis akong tinignan. "Stop it, Salve." Malakas akong tumawa. Walang pakialam sa paligid. "Kyler... kahit saan mo ako dalhin, sasama ako dahil kasama kita... ayiiee, kinikilig 'yan!" tumawa pa ako upang mas lalo pa siyang asarin. Ang cute niyang tingnan. Parang ako. "Stop it, Salve! 'Di na ako natutuwa!" inis na sabi niya. Mas lalo pang namula ang tenga niya kabilang na ang magkabilang pisngi niya. Bigla'y natukso akong pisilin at panggigilan ito, dahilan upang samaan niya ako ng tingin. "Salve, what are you doi-" "Ang pula at init ng pisngi mo! Nanggigigil ako sa pisngi mo, Kyler!" Pinilit niyang tanggalin ang kamay ko pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakapisil do'n. Mas lalo niya akong sinamaan ng tingin. Tatawa tawa ako habang tinitingnan ang mukha niyang lukot na lukot na dahil sa inis. "I'm warning you, Salve. Bitawan mo na.." nambabantang aniya. Mas lalo akong ginanahan sa ginagawa. Wala na akong interes sa paligid ko at sa mga matang nakatingin sa amin dahil nasisiyahan ako sa ginagawa ko ngayon. Minsan lang 'to. Palagi kasing seryoso ang awra nitong tukmol na 'to eh. "Papakiligin kita, Kyler maghanda ka.." nang-uuyam akong ngumiti dito. Akma niyang tatangglin ang kamay ko pero hinigpitan ko ang pagpisil do'n. Napaigik ito na ikinatawa ko. I'm really enjoying this. "Ube ice cream ka ba?" tanong ko. "Sabihin mo bakit!" utos ko. Kahit gusot na ang mukha ay nakuha pa rin nito akong pagtaasan ng kilay. Paulit ulit kong pinisil ang pisngi niya. "Sabihin mo nga, bakit!" muli kong utos. Nang hindi ito magsalita ay pinanlakihan ko ito ng mga mata. Bigla'y nagbago ang awra ng mukha niya. Kahit nahihirapan ay malakas itong tumawa at 'di ko mapigilang hindi mapatitig sa kaniya. "Anong nakakatawa? Sabihin mo nga kasi bakit!" madiin kong pinisil ang mga pisngi niya na ikinatigil niya sa pagtawa. "Aw-okay fine! Bakit?" Agad naman akong napangiti. "Kasi gustong gusto kita! Hindi kita ipagpapalit sa kahit na anong flavor dahil ikaw ang paborito ko!" Hindi ito nagsalita pero nakita ko ang pamumula na naman ang tenga at pisngi niya. Natawa ako at binitawan ang mukha niya. "Kinikilig ka 'no?" pang-aasar ko. Tinuro ko pa ang mukha niyang namumula. "Y-You said..." para itong nakatulala habang nakatingin sa 'kin. "Hala siya! Kinikilig ka 'no? 'Di ko alam na ganiyan ka pala kiligin!" napahagikhik ako. Hindi ito sumagot at nanatili pa ring nakatitig sa 'kin. Tumigil ako sa pagtawa dahil pakiramdam ko nagmu-mukha nalang akong tanga. "Hoy! Ganiyan ka ba talaga kiligin? Nagiging mute?" simangot kong tanong at nag-iwas ng tingin. Kainis naman. Wala sa sariling napatingin ako sa paligid. Dinig ko ang mga hagikhikan ng mga estudyante na animo'y kilig na kilig sa nakikita. Sa 'di kalayuan ay nasulyapan ko si Joshua na matamang nakatingin sa amin. Nakasandal ito sa malaking puno. Nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay agad itong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring may inaayos sa bag niya. Napabuntong hininga nalang ako. 'Yung nararamdaman niya... hindi ko kayang suklian. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kaniya. Kagaya nga ng sinabi niya, ang atensyon ko ay naka-focus na sa iba, ang nararamdaman ko ay nakatuon na sa iba kaya wala nang puwang pang natitira para sa kaniya. Ibinalik ko ang tingin kay Kyler pero wala na ito sa tabi ko. Nangunot ang noo ko nang masulyapan ito na naglalakad papalayo sa gawi ko. Kung maglakad pa naman ay akala mo'y pag-aari niya ang buong solar system. Chos. Mabilis ko itong sinundan. "Kyler!" Bumilis ang lakad nito kaya halos lakad takbo na ang ginawa ko upang maabutan ito. Ang kaso ay ang haba ng mga binti niya kaya hindi ko siya maabutan. Kainis naman. Sinapian na naman siguro ng kaseryosuhan sa buhay ang lalaki. Parang kanina lang ay kinikilig ito tapos ngayon-hays, ayuko nalang mag talk. Sa parking lot na ng school ko ito naabutan. Sumandal ito sa kotse niya at pinagkrus ang mga braso habang nakatingin sa 'kin. Hinintay niya akong makalapit sa kaniya. Napahawak ako sa dibdib ko at naghabol ng hininga. Lintik naman kasi kapag sinusumpong ang lalaking 'to eh. Hindi ko yata maaatim na palagi niya akong gaganituhin. Baka sa ospital na ako nito tumira. "Whoa-bakit ka ba nang-iiwan?" Tumaas ang isa nitong kilay na parang nakarinig siya ng 'di inaasahang tanong. Ang mukha niya ay seryoso na naman as usual. "Busy ka kakatingin sa iba eh." seryoso nitong sabi na ikinabigla ko. Umayos ako ng tayo at humarap sa kaniya. "Hala magkasama kaya tayo! Sino namang tiningnan ko-" kusa akong napatigil sa pagsasalita nang may ma-realize. "Kyler..." "I was about to ask you but you're busy staring at him.." Mas lumapit pa ako sa kaniya. "Kyler... sandali ko lang naman siyang tinignan eh." Mas lalong sumeryoso ang mukha niya. "Kahit pa.. " matabang nitong sagot. Kumunot ang noo ko. Ang inis ko kanina sa cafeteria ay unti unting bumabalik. Bakit ba kasi big deal para sa kaniya ang pagsulyap ko sa kaibigan ko? At talagang pinahabol niya pa ako sa bilis ng lakad niya. Sulyap lang naman 'yun-saglit lang pero agad siyang nainis at nang-iwan? Samantalang hindi ko na nga siya kinulit pa tungkol sa sinasabi ng babae sa cafeteria kanina kahit kating kati akong magtanong. Ganito ba talaga siya? Sumpungin? "Kyler-anong big deal do'n?" inis kong tanong. Inis niya akong tinignan. "Seriously? Hindi mo ba alam ang pakiramdam na selos?" Napatigil ako. "Selos?" taka kong tanong. Ibig sabihin... "Naiinis ako sa sarili ko dahil nagseselos ako kahit na sa kunting bagay lang. Kagaya ng sinabi mo, hindi 'yun big deal... pero pa'no kung 'di ko mapigilan, Salve? Paano kung kahit anong pilit kong pigilan ay 'di ko mapigilan?" Parang bulang nawala ang inis ko. "Kyler.. " Napaigtad ako nang bigla itong yumakap sa 'kin. Shocks naman ang pusong marupok pa sa inaanay na kahoy. "I don't want to say this but...can you promise me one thing, Salve?" nang tumango ako ay naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. "'Wag kang titingin sa iba habang kasama mo ako...dahil hindi ko kayang tingnan na sa iba nakatuon ang atensyon mo.." "Kyler..." "Nasanay na akong palaging nasa akin lang ang mga mata mo, Salve. Hindi ba pwedeng panatilihin mo nalang 'yun sa 'kin?" Hindi ko alam ang isasagot ko. Ang puso ko ay parang sasabog sa halo-halong emosyong nararamdaman. Pakiramdam ko rin ay nanghihina ang tuhod ko. Bakit ba kapag kasama ko ang lalaking 'to ay nalulutang ako? Kapag kasama ko siya, nahahawa ako sa pagbabago-bago ng mood niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikainis, ikatuwa o ipagsa-walang bahala nalang ang bagay na 'yun. Binigyan niya ng distansya ang katawan namin upang tiim akong matingnan. Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niyang malamlam, na punong puno ng emosyong 'di ko mawari. "Mangako ka, Salve..." naramdaman ko ang paghaplos ng isa niyang kamay sa kanang pisngi ko. Napakurap ako. Pakiramdam ko maiiyak ako sa sinasabi niya. Parang tanga lang. Ang OA kong tingnan. "P-Pangako, Kyler.." Agad na gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mapupula niyang labi at parang gusto ko nalang 'yung tingnan. Gusto kong makita siyang palaging may ngiti sa labi. Parang hindi ko kayang mawala ang mga ngiting 'yun sa kaniya. Humiwalay ito sa 'kin at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at nakangiti akong hinarap. "Get in, may ipapakita ako sa 'yo.." aniya. "Saan? Sa loob?" Mahina itong natawa na ikinatanga ko. Kanina...lutang ito at 'di nagsasalita tapos bigla nalang itong nagselos dahilan para bahagya pa kaming magkasagutan. Tapos sumeryoso at ngayon ngingiti at tatawa. Seriously? Kailangan ko na bang ipa-mental 'to? Wala sa sariling pumasok ako sa loob. Agad naman itong umikot matapos isara ang pinto. Nang makaupo ito sa driver seat ay nakangiti pa rin ang lalaki, hindi man lang sinagot ang tanong ko kanina. Hindi ko na napigilan ang sariling magtanong. "Dapat na ba kitang dalhin sa mental hospital?" Nakangiti pa rin ito. "Hindi pa naman ako baliw na baliw sa 'yo para dalhin mo ako sa Mental Hospital, Salve.." "Gagu.." madiin kong wika na ikinatawa niya. "Ayaw ko pang mabaliw dahil mahihiwalay ako sa 'yo. Keep that in mind." Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Tuloy ay hindi ko na magawang sabihin pa sa kaniya ang dapat na sasabihin ko sana. Kainis naman kasi, bumanat pa ampucha. Ini-start nito ang makina ng kotse niya kaya agad akong napatingin sa kaniya. "Akala ko ba may ipapakita ka lang sa 'kin?" Ngumiti na naman ito. "Mero'n naman talaga. Kaso wala dito." "Sigurado ka bang wala tayong next number? Baka kasi hanapin tayo nila Camille eh." "Wala na. Kinausap ko si Dimin na ipagpabukas na ang next number natin kasi may pupuntahan tayo.." Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Hindi ito nakatingin sa 'kin dahil abala ito sa pagmamane-obra ng sasakyan. Nasa high way na kami ngayon. "Sira ka ba? Paano kung maraming may gusto na mag-perform tayo?" Ano bang iniisip ng lalaking 'to? "I don't care. Dimin already agreed kaya hayaan mo nalang.." balewalang sagot nito. "Teka nga, ano bang koneksyon niyo ni Dimin at madali mo lang siyang napapayag?" Matagal ko na talagang gustong itanong sa kaniya kung magkaano ano talaga sila bukod sa magkaibigan. Kaso palagi kong nakakalimutan na itanong 'yun sa kaniya dahil palagi akong lutang sa presensya niya. Hindi makapaniwalang tumingin sa'kin pero agad ding ibinalik sa daan ang paningin. "Hindi mo alam?" "Hindi. 'Di mo naman kasi sinasabi eh." Mahina itong natawa. "I thought you already stalked me that night kaya 'di na ako nagsalita pa tungkol do'n." Naalala ko ang gabing aksidente kong na-react ang i********: post niya na ilang taon na pala ang nakalipas. Grabe ang kahihiyan ko noon. 'Yun din ang gabing sineen niya lang ang mahaba kong chat sa kaniya. Bwisit. "H-Hindi ko na pinagpatuloy kasi...nalaman mo." mahina ko pang sabi. Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko namumula na naman ang mukha ko sa kahihiyan. Kung bakit ba naman kasi na-react 'yung post niyang 'yon eh. Edi sana, marami na akong nalalaman sa kaniya. Hindi na rin ako umulit pa dahil baka malito ako't maulit lang ang nangyari. Narinig ko ang tawa niya. "Magpinsan kami.." Agad akong napatingin sa kaniya. "Ano?" "Sabi ko, magpinsan kami. His Dad and my Mom are siblings." Saglit muna akong natigilan bago magsalita. "Kaya pala ang laki ng pagkakahawig niyong dalawa.." Halos magkasing-tangkad lang silang dalawa ni Dimin pero medyo malaki ang katawan niya. May bahagyang pagkakahawig din ang mukha nila, lalong lalo na sa ilong. Bagama't magkaiba ang mga mata nila dahil kulay tsokolate ang mga mata ni Kyler na siyang unang nagustuhan ko sa kaniya. Sa ayos naman, masasabi kong mas maporma pa si Kyler kesa kay Dimin. Nerd yata kasi ang isang 'yun dahil kapag nakikita ko'y palagi nalang namumungay ang mga mata sa ilalim ng makapal niyang salamin dahil sa antok. "Do you find him handsome too?" kunit noo nitong tanong. "Oo naman-" "What-" "-pero mas gwapo ka para sa 'kin." pagpapatuloy ko. Unti unting nawala ang kunot sa noo niya at unti unting sumilay ang mga ngiti sa labi niya. Abnoy talaga. "Mas gwapo ako kesa sa kaniya?" Tumango ako at ngumiti. "Mm, kahit tulog ka siguro ang gwapo mo.." puri ko. "Hell yeah," mahina akong natawa at nag-iwas ng tingin. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang maya't maya niyang pagsulyap sa 'kin habang nagmamaneho. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano bang ipapakita niya sa 'kin? Kahit ano man 'yun sigurado akong magugustuhan ko dahil galing sa kaniya. Muli akong napangiti. Nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. Sinagot ko ang tawag ni Camille. "Nasa'n ka?" agad niyang bungad. Agad naman akong napangiti. "Ah kasama ko si Kyler-" "Bumalik ka dito ngayon, Salve." nawala ang mga ngiti ko dahil sa napakaseryoso niyang tinig. Napalingon ako kay Kyler na pasulyap sulyap lang sa 'kin habang nagmamaneho. "B-Bakit?" sa 'di malamang dahilan ay bumilis ang t***k ng puso ko. "Si..." nag-aalangan nitong sabi. "Si ano kasi..." dama ko sa boses niya ang kabang nararamdaman niya kaya mas lalo din akong kinabahan. "Sino ba kasi Camille?" medyo inis ko nang tanong. "Si Leean-t-tinamaan ng malaking bato sa ulo.." pakiramdam ko ay huminto ang paghinga ko. "H-Hindi ko na alam ang gagawin ko-Salve, pumunta kana dito please..." Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko at hindi ako mapakali. Ang mga mata ko ay bahagya na ring nanunubig kaya bago pa ako tuluyang mapaluha ay nanginginig na nagsalita ako. "N-Nasa'n ka? Pupunta na agad ako d'yan!" tinignan ko si Kyler na saktong nakatingin din sa 'kin. "Sa h-hospital nila-Salve bilisan mo please..." napahagulhol na ito sa iyak. Pinatay ko na ang tawag at agad na binalingan si Kyler. "K-Kyler-pumunta tayo sa hospital-bilisan mo!" Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Niyuyugyog ko na rin ang balikat ni Kyler dahil sa kabang nararamdaman. Nag-aalala ako sa kaibigan ko, sobra. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Leean. "Hey, calm down, Salve. Ano bang nangyayari?" hinawakan nito ang magkabila kong pisngi. Hindi ko namalayang nakahinto na pala ang sasakyan dahil sa pagka-aligaga ko. "Kyler please! Nag-aalala na ako sa kaibigan ko-pumunta na tayo sa hospital! Bilisan mo, Kyler..." 'di ko na napigilan ang hikbing lumabas sa bibig ko nang kabigin ako ni Kyler. "Hush, we'll get there, but calm yourself first. Nag-aalala ako sa 'yo.." Wala akong narinig na angal nang mula sa kaniya nang tuluyan ko nang mabasa ng mga luha at pinaghalong sipon ko ang damit niya. Patuloy pa rin ito sa paghagod sa likod at ulo ko na nagpaparamdam sa 'kin ng kapayapaan at kaginhawaan. Nang tuluyan na niya akong mapakalma ay sinabi ko sa kaniya kung saang hospital dinala ang kaibigan ko. Ang hospital na 'yun ay pagmamay-ari ng mismo ng pamilya nila Leean kung saan nagta-trabaho ang mga magulang niya. Naisip ko ang mga magulang ni Leean. Sigurado akong nag-aalala sila sa nangyari at kami ang unang tatanungin nila, at wala akong maisasagot dahil wala akong alam. Wala akong kwentang kaibigan. Nang makarating kami ay mabilis akong bumaba. Hindi ko na hinintay pa si Kyler at agad na nagtanong sa nurse na nakasalubong ko. "Nurse! Saan po dinala ang kaibigan ko?" humahangos kong tanong. "Si Miss Leean po ba?" agad akong tumango. "Nasa ER na po siya ngayon Ma'am. Deretsuhin niyo lang po ang hallway na 'yan then kumanan po kayo. Makikita niyo po ang hallway papunta sa ER." Agad akong nagpasalamat sa nurse at sinunod ang sinabi niya. Agad kong nakita si Camille na umiiyak habang nakaupo. Sa tabi niya ay si Joshua na pilit siyang pinapakalma. "Camille!" agad akong lumapit sa kanila. Agad naman itong tumingin sa gawi ko. Hindi ko na rin napigilan ang luhang bumagsak sa mga mata ko dahil sa pag-iyak ni Camille. "A-Anong nangyari kay Leean? Nasa'n siya?" "N-Nasa ER na siya-Salve, 'di ko na alam ang gagawin ko! Nag-aalala ako sa kalagayan niya.." Hindi na ako nakasagot dahil naunahan na ako ng hikbi ko. Sinulyapan ko sa gilid si Joshua na ngayon ay nakatingin din sa 'kin. Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Camille nang bigla nalang itong tumayo. Ang paningin niya ay lagpas sa 'kin kaya sinundan ko ito ng tingin. "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita dito! Hayop ka!" nagulat ako nang bigla niyang duruin ng kaniyang hintuturo si Kyler. "Anong sadya mo ha? Ipapamukha mo ba sa akin-sa amin na wala kaming kwentang kaibigan?! Walang hiya ka akala ko counted ka sa lahat ng mga mabubuting tao sa mundo pero-napakagago mo pala! Isa kang malaking hayop na patalikod kung mambiktima, Kyler!" Ang talim ng mga mata ni Camille habang nakatingin kay Kyler na 'di ko naman kakikitaan ng emosyon sa mukha ngayon. Maging si Joshua ay napatayo na rin. Seryoso ang mukha nito bagama'y nakakuyom ang mga kamao. "Camille!" saway ko dito. Naguguluhan ako at wala akong alam sa nangyayari kaya nalilito ako sa kinikilos ng lahat. Bakit ganito kung umasta si Camille kay Kyler? At bakit wala man lang naging reaksyon si Kyler dito na para bang inaasahan na niya ang mga naririnig? Parang sasabog ang ulo ko sa dami ng isipin. "Kingina mo nagdidilim ang paningin ko sa 'yo-bakit ha?!" napasinghap ako nang bigla nalang niyang sampalin nang malakas si Kyler. "Camille, ano ba?!" medyo inis kong sigaw. Agad kong hinawakan ang kamay niya nang akma niyang sasampalin ulit sa kabilang pisngi si Kyler. Inis ko itong tinignan. "Ano bang nangyayari sa 'yo, Camille?!" Muli niyang dinuro sa mukha si Kyler. "'Wag na 'wag ka nang lalapit pa sa kaibigan ko! Sinasabi ko sa 'yo Kyler-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" "Camille, ano bang pinagsasasabi mo?! Tumigil kana nga!" muli kong sigaw dito ngunit 'di man lang niya ako tinapunan ng tingin. Kita ko sa mata niya ang matinding galit na 'di ko alam kung saan nagmula. Bakit Camille? Tuluyan na akong napayakap sa kaniya nang akma niyang susugurin ulit si Kyler. Nang magtama ang paningin namin ni Kyler ay nakita ko kung pa'no 'yun nalagyan ng samu't saring emosyong 'di ko mapalanganan. "Layuan mo na si Salve, Kyler! Ayaw ko nang pati siya ay masaktan mo! Tama na ang isa! Lumayo kana at 'wag ka nang magpapakita pa sa 'min!" muling bulyaw ni Camille sa kaniya. Ang isip ko ay napuno ng maraming katanungan. Unti unti akong nakakabuo ng mga konklusyon pero ayaw kong paniwalaan. Pero ang galit ni Camille...hindi basta basta. Sa ilang taon naming magkakasama ay ngayon ko palang siya nakitang ganito ka-galit na kunti nalang ay ilabas na niya ang litid niya sa kasisisigaw. "Camille..." mahina kong tawag dito. Umayos ako ng tayo at seryoso siyang tinignan. Ang mga luha ko mula kanina ay unti unting tumitigil at natutuyo sa aking mukha. "Gago siya, Salve kaya lumayo ka sa kaniya.." matigas niyang wika, ang paningin ay na kay Kyler. Tinignan ko si Kyler na ngayon ay seryoso na ring nakatingin nang diretso sa 'kin. "Kritikal ngayon si Leean nang dahil sa kagaguhan niya..." Sukat ay parang tumigil ang paghinga't mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD