Episode 9

2481 Words
Sinabi ko kay Camille na nagbalik na ng Pilipinas ang dati niyang jowa na si Nazee. Hindi nga siya nagulat pero agad na nagsalubong ang mga kilay niya. Marahil ay alam niyang dadating na talaga ang lalaki kaya 'di na siya nagulat. "Kailan mo pa alam, Camille?" tanong ni Leean. Lulan kami ng motor niya pauwi sa subdivision. "Noong isang araw pa. Nagchat siya sa dati kong account na uuwi na siya." dire diretso niyang sagot habang tutok sa daan. Inabot ko ang balikat niya at marahang tinapik iyon. "Basta kahit anong mangyari, nandito lang kami sa likod mo." "Naghihintay na manlibre ka ng empi." gumewang ang motor kaya napatili kami. Hinampas ko si Leean. "Gagi!" Nang mapadaan kami sa tulay ay automatic nang huminto si Camille. Nakahanda na kasi ang haring araw sa paglubog kaya kaniya kaniya kaming baba at lumapit sa railings. "Ang sarap talagang pagmasdan ng araw..." mahinang sambit ko, sapat lang para marinig nila. "Masarap nga kung tingnan pero may may malungkot namang kahulugan.." biglang sagot ni Camille at aba, rhyme pa! Napatingin kami sa kaniya na seryosong nakatingin sa palubog na araw. "Ibig sabihin, tapos na ang araw na ito at manghuhula na naman tayo kung ano ang posibleng mangyari sa kinabukasan." napaiwas ako ng tingin, na-ge-gets ang sinasabi niya. Napaisip ako. Ano kayang mangyayari kinabukasan? At sa mga susunod pang bukas? Crush ko pa rin ba kaya si Kyler o hindi na? O baka naman mas lalo pang lumala ang nararamdaman ko para sa kaniya? Omg. "Sa palagay niyo, anong mangyayari bukas?" wala sa loob na tanong ni Camille sa amin. Napangisi ako nang may maalala. "Ikaw? Ano sa tingin mo ang mangyayari sa SSC office bukas? Makakatikim—" "Tumigil ka Salve. Sasapakin kita.." banta niya. Pinakita niya pa ang kamao niya sa 'kin. Napairap nalang ako. "May jowa na ako.." Gulat kaming napalingon ni Camille kay Leean na nakatingin lang sa ibaba. "Anong sabi mo?" gulat kong tanong. Napaismid siya. "Ang bungol mo naman. Sabi ko, may jowa na ako." "Hala, sino?! Gwapo ba? Matangkad? Anong grade at ilang taon na?!" sunod sunod kong tanong. Aba, dapat pasok sa standards! Sumimangot ang maganda niyang mukha. "Hindi siya lalaki.." "A-ano? Anong hindi lalaki?" tanong ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Camille. "B-babae siya—I mean, Bi pala." nag-iwas siya ng tingin, nahihiya yata ang bruha. Nangunot ang noo ko. Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya. "Sinagot mo pala? Ang kulet no'n eh!" natatawang ani ni Camille kaya mas lalong nangunot ang noo ko. Ako lang pala ang walang alam. "Teka! Alam mo Camille?" tanong ko. "Mm, hindi ko na sinabi sa 'yo kasi akala ko ay nagpapapansin lang dito sa bruha na 'to. Hindi ko naman in-expect na papatulan pala niya." "Eh? Bakit gano'n? Bakit 'di lalaki? At saka ano ang bi na 'yan?" parehas silang natawa sa tanong ko. "Gagi, taga bundok ka ba? O baka naman bajao ka? Bi lang hindi mo alam?" malakas silang tumawa sa harapan ko. "Mga walang hiya kayo! Malay ko ba kung anong bi ang tinutukoy niyo?! One by one, gano'n?" mas lalo lang lumakas ang tawanan nila. Ano ba kasi ang bi na 'yan? Ngayon ko lang yata nalaman na pwede palang maging syota 'yan eh! Kung ano ano ba naman kasi ang pinang-iimbento ng mga kabataan ngayon. "Gago, tawang tawa ako do'n hahaha!" tatawa tawang saad ni Camille. Hinintay ko munang matapos sila sa kakatawa nila bago ako muling magtanong. "So ano nga 'yon?" Kinuha ni Leean ang cellphone niya at nagpindot pindot doon. "Five minutes. Makikita mo ang bi na tinutukoy ko." nakangising aniya. Maya maya lang ay may humintong kotse sa tapat namin. Bumukas ang passenger seat at bumaba doon ang isang matangkad na babae. Maiksi ang buhok nito na manipis, bahagya pa itong magulo dahil sa hangin. Maputi din ito at makinis. Natural lang ang ganda niya kung titignan. Naka liptint ito nang bahagya. Lumakad ito palapit sa amin, pero parang hindi siya makatingin sa mismong mga mata namin. "Uh, hi." kumamot pa ito sa batok niya sabay iwas ng tingin. Mahiyain.. Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni Leean. "Siya 'yung tinutukoy ko.." namilog ang mga mata ko na ikinatawa ni Camille at Leean. Tinignan ko ang babae mula ulo hanggang paa tapos pababa ulit. "Siya? Siya 'yung one by one?" nangunot ang makinis na noo ng babae. "Gagi haha. Oo, siya 'yun." sinipat ko pang muli ito. Ngayon ko lang napansin na naka-uniform pa ito at school mate pa namin! Kaso lang ay pang junior high ang uniform niya. "Her name is Jade...Jade, sila Camille at Salve..." pagpapakilala ni Leean sa 'min. "Uhm, nice to meet you.." alanganin itong ngumiti. Parang hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Hindi kasi ako makapaniwala na pwede palang mag-jowa ang mag kapwa babae. Ano kayang feeling no'n? "Hoy, loading kana naman!" pinitik ni Camille ang noo ko kaya nahampas ko ang kamay niya. "Aray ko, gagi ka!" Ngumiti nalang ako kay Jade at ibinuka ang mga braso ko. "Welcome to the family, Jade!" akmang yayakapin ko na ang babae nang bigla akong kurutin ni Leean. "Ah!" "Ang harot mo! Tabi!" inirapan ko nalang ang walang hiya. Napatingin kami sa harapan nang may humintong Mercedes sa harap namin. Mula sa driver seat ay lumabas doon si.. Syete, si president! Pero bakit magkasama ang dalawang 'to?! Agad akong napatingin kay Camille na ngayon ay nawala na ang mga ngiti. Salubong na ang mga kilay nito at halatang nawala sa mood. Nang bumukas ulit ang isang pinto ay napatingin akong muli doon at gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang lumabas doon si Kyler. Ang mga hakbang nila palapit sa gawi namin ay parang slowmo. Para silang mga hollywood action star sa mga seryoso nilang mga mukha. Mariin akong napalunok nang tumama ang paningin ko sa tsokolate niyang mga mata. Ang uri ng tingin ay parang...parang...may nagawa akong kasalanan. "Hudas..." dinig kong bulong ni Camille. Hindi inaalis ni Kyler ang mga mata niya sa 'kin kaya para akong naiilang na napaiwas ng tingin. Nangunot ang noo ko nang masulyapan ko sina Leean at Jade na pasakay na sa kotse ng babae. "Una na kami, love birds!!" kumaway pa ang bruha bago pumasok. Halos sabay pa kaming napamura ni Camille. "Salve..." napalunok ako bago muling salubungin ang kulay tsokolate niyang mga mata. "A-anong ginagawa mo dito?" tuluyan nang lumubog ang araw at takip silim na. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya bago niya hagudin ng mahahaba niyang daliri ang magulo niyang buhok. Syet, ang igop mo d'yan! "Come here..." ako namang parang robot na agad na tumalima sa kaniya. Ginaya niya ako sa sasakyan at binuksan ang shotgun seat. "Get in." Magrereklamo pa sana ako nang marahan niya akong itulak paupo saka niya sinara ang pinto. Umikot siya sa kabila at agad na ini-start ang makina ng sasakyan. Naalala ko si Camille kaya agad ko itong sinulyapan sa bintana ng kotse. Mukhang nagtatalo ang dalawa dahil salubong ang kilay ng kaibigan ko at nakakuyom ang mga kamao. Pero may napansin lang ako, bagay sila hmm? " How are you?" mahina niyang tanong kaya napatingin ako sa kaniya. Umaandar na kami ngayon at nakatutok lang ang mga mata niya sa daan. Naalala ko ang huli naming pag-uusap. Noong sabado pa 'yun, at iniwan niya pa ako sa cafeteria noon! Parang bumalik ang inis ko sa 'di malamang kadahilanan. Magtatanong pa talaga siya kung kumusta na ako ah? Jowa ko ba siya, aba! "Masaya naman." naisagot ko. Natahimik muna siya saglit. "I have a question." Gusto kong magtaray kaya itinaas ko ang isang kilay ko kahit 'di niya nakikita. "'Wag lang pang Miss Universe." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya parang tinambol na naman ang puso ko. Syete, ayukong mahimatay ulit! "Why did you lie to me?" nakita ko ang paglunok niya. "Huh? Ako? Nagsinungaling? Kailan naman 'yan?" gaging 'to, ngayon na nga lang namansin, pagbibintangan pa akong nagsinungaling sa kaniya. Abnormal din 'tong poging 'to eh. "You said you're in a relationship with Hermodo for three years." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Nahalata niya siguro iyon kaya muli siyang nagsalita. "Sinabi mo 'yan sa 'kin noong hinatid kita sa inyo." parang nag-sink in sa 'kin lahat ng sinabi niya kaya malakas akong tumawa. "Why are you laughing? I'm dead serious here." Napahawak pa ako sa tyan ko habang natatawa. Naalala ko na. Sinabi kong three years na kaming magkakilala ni Joshua haha langya, 'di ko expected na iba ang ibig sabihin no'n sa kaniya. "Type mo ba ako?" Natigilan siya sa tanong ko at maging ako rin. Bigla akong nataranta dahil 'yun ang kusang lumabas sa bibig ko. Syete! "I mean—" "What if I tell you I do?" nagtama ang mga mata namin nang humarap siya sa gawi ko. Parang tumigil ang lahat sa paligid ko at tanging siya lang ang nakikita ko. OA man pero parang gano'n talaga ang pakiramdam ko. "A-anong sinabi mo?" nauutal kong tanong. Ang loob loob ko ay nagwawala na sa kaloob looban ko. "I have a crush on you, Salve. Hindi ba halata?" Ay, syet! Hindi agad ako nakasagot sa pagkabigla. Ang dibdib ko ay dumoble pa ang pagbayo at medyo nahihirapan na rin akong makahinga dahilan para mawalan ako ng ulirat. .... Nagising ako sa mahinang pagtapik sa pisngi ko. Napaigtad ako at agad na napabangon dahilan para mauntog ako sa bubong ng kotse. "Are you afraid of me?" mahina pa itong natawa. Parang gusto ko ulit himatayin... Umayos ako ng upo at inalala ang mga nangyari. Sinabi niya sa 'kin na...OMG!! Omg talaga langya! Sinabi niya bang crush niya ako?! Parang gusto kong tumili! Lumingon ako sa bintana para itago ang pag angat ng gilid ng labi ko. Enebe, kenekeleg eke.. "Hala, gabi na pala?" pansin kong madilim na sa labas. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Yeah, you pass out in a half of hour." Hindi ako sumagot at hindi rin ako lumingon sa kaniya. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa katawan pataas sa mukha ko. Pangalawang beses na akong nahimatay sa harap niya, langya! "Bakit ka ba nagkakaganiyan? Are you that nervous when I'm around, hmm?" ako lang ba o parang nang-aasar ang tono niya? Naiilang na lumingon ako sa kaniya. "No comment." pasimple kong nakurot ang sarili ko. Muli na naman siyang natawa. Maya maya lang ay sumeryoso na naman ang aura niya habang matiim na nakatingin sa 'kin na ikinailang ko. Panay ang likot ng mga mata ko sa kung saan saang sulok ng sasakyan makaiwas lang sa kulay tsokolate niyang mga mata. Pero hindi ko inaasahan ang kaniyang ginawa! "Why aren't you looking at me?" hinawakan niya ang ulo ko at marahang nilingon sa kaniya. Nagkanda lunok ako nang magtama ang mga paningin namin. "Salve..." tumuon ang malilikot kong mga mata sa kaniyang mapanglunod na mga mata. 'Wag kang hihimatayin Salve!! "I have a crush on you.." Syete, inulit pa! "Damn, bakit parang ang hirap." bulong niya pero dinig na dinig ko naman. Unti unti ay kumalma ako nang bahagya. Gusto kong magpakatotoo sa sarili ko kaya sinikap kong ngumiti. Alam ko sa sarili ko na una ko palang na kita ko sa kaniya ay humanga na ako, 'yung tipong kahit ang layo layo niya sa kinaroroonan ko ay napapakaba niya ng husto ang loob ko. Sapat na siguro na patunay ang dalawang beses na hinimatay ako dahil sa presensya niya. "Kyler..." "Hmm?" sagot niya, ang kamay ay nasa ibabaw pa rin ng ulo ko. "May tanong ako." "Ge lang.." panggagaya niya sa tono ko kanina. "Bakit kulay tsokolate ang mga mata mo?" nangunot ang noo niya dahil sa 'di inaasahang tanong ko. "Eh? I don't know. Why do you ask?" "Naiinis kasi ako. Dahil tuloy d'yan ay MU na tayo." Sumeryoso ang mukha niya at dahan dahang inalis ang kamay na nakapatong sa ulo ko. "Naiinis ka ba sa 'kin? I should have not tell that I have a crush on you." nag-iwas siya ng tingin, nahihiya. Bahagya akong natawa. "Gagi hindi 'no! Pero totoo...crush mo ba talaga ako?" Kahit medyo madilim ay kitang kita ko ang pamumula ng tenga niya kaya mas lalo akong natawa. "Hoy, Kyler! Crush mo ba talaga ako?" pakiramdam ko ang saya saya ko ngayon. Kenekeleg den... "I don't want to repeat it." matigas na aniya, hindi pa rin makatingin ng deretso sa 'kin. "Okay, sige bahala ka. Si Joshua nalang—" "God! Yes, it's a yes. I have a c-crush on you, Salve. You heard it right. So don't let any guys buy you an ice cream except me, get it?" Wow.. Paano ba mag-react? Para akong natulala sa bigla niyang pagtaas ng boses, nainis na siguro. Pero ano daw? Hindi ko pwedeng hayaan na may lalaking manlibre sa 'kin ng ice cream? Saan niya naman nakuha 'yon? Tumikhim ako para alisin ang tensyon sa pagitan namin. Mabilis pa ang kaniyang paghinga habang nakatingin sa labas ng bintana. "Kyler.." "Bakit?" Ang sungit... "C-crush mo lang naman ako 'di ba?" tanong ko na ikinakunot ng makinis niyang noo. "Yeah, may problema ba do'n?" Tingnan mo 'to, kanina ang bait tapos ngayon ang sungit! Ang bilis mag bago ng emosyon ah? Sanaol. "Uhm..." bakit parang umurong yata ang dila ko? "B-bakit hindi ako pwedeng magpalibre ng ice cream sa iba?" Sayang kasi eh. Libre 'yon 'no! "Bakit din? Gusto mo ding nagpapalibre sa iba?" mababasa ko talaga ang inis sa mga mata niya habang sinasabi niya 'yon. "Oo naman 'no! Libre—" "Salve.." napalunok ako. Paano ba'y biglang sumeryoso na naman ang lolo niyo. "Uhm—a-ano?" "Masama ba ako kapag sinabi kong ako lang dapat ang manlilibre ng ice cream sa 'yo?" Matinding paglunok ang nagawa ko sa tanong niya. Pero sa kabila ng lahat ay humahanga din ako sa lakas ng loob niya. Hindi kasi lahat ng lalaki ay may kakayahang umamin nang harapan sa crush niya. Kadalasan ay through chats lang talaga. Another point na naman... "Uh, ano...hindi ka naman masama sa part na 'yun, selfish ka lang." Bago pa siya makapagreact ay sinundan ko na agad 'yun. "Pero sige lang, nakakakilig nga 'yun eh." Syete Salve, ano bang pinagsasasabi mo?! Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. Kahit 'di ko tignan ay alam kong namumula ang mukha ko ngayon! "Okay ka lang ba? Namumula ka." naramdaman ko ang paggalaw ng sasakyan. "Uh, okay lang ako." "Sure?" Tumango nalang ako. Mabilis na naman ang t***k ng puso ko kaya pasimple ko pang hinawakan ang dibdib ko. "You know what? I think I don't have a crush to you now." Halos mapabuga ako ng laway sa biglang sabi niya. Ginagago ba ako ng gwapong 'to?! "Gago ka ba—" "Because I think I like you na.." Dapak?! Feeling ko mahihimatay ako ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD