Nagdaan ang mga araw na para akong wala sa sarili. Hindi ako maka-get over sa sinabi ni Kyler noong isang araw. Gusto niya akong makitang tumatawa? Bakit?
Aish! Ang gulo ng utak ko!
Plain na white shirt at maong na pantalon lang ang suot ko. Sabado ngayon at may practice kami sa banda. Medyo dinalian ko pa ang kilos ko dahil naalala kong ayaw nga pala ng presidente sa mga babagal bagal.
Letseng Kyler, pinapagulo ang utak ko.
Halos liparin ko na ang hagdan sa pagmamadali dahil late na ako nagising. Ang usapan namin ay seven ng umaga, dapat ay nando'n na kaming lima, pero nagising ako mga eight na! Kasi naman, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung anong meaning no'ng mga pinagsasasabi ni Kyler. Hindi niya naman nilinaw sa 'kin 'yun dahil pagkatapos ng hapon na 'yun ay hindi niya na ako pinansin.
"Oh? May lakad ka?" bungad ni Mama.
"Oo, Ma! Sa school lang ako!" kaagad akong lumabas ng bahay pero narinig ko pa ang sigaw niya.
"Magsuklay ka babaita! Mukhang pugad 'yang ulo mo!" napasimangot nalang ako.
Gustuhin ko mang magsuklay ay 'di ko na magawa dahil sa pagmamadali. Saktong paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Papa na pasakay palang ng sasakyan niya.
Agad akong tumakbo papasok sa campus pagkatapos akong ihatid ni Papa sa gate ng school namin. Pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyanteng nakakakita sa 'kin dahil malamang sa buhok kong mukhang pugad ika nga ni Mama.
Tinakbo ko ang daan papunta sa clubroom namin. Halos magkanda talisod pa ako sa pagmamadali, makarating lang. Bukas ang pinto pagkarating ko kaya agad akong pumasok pero...
Walang tao.
"You're late..." halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa likod ko si Kyler.
"N-nasaan ang iba?" tanong ko, hinihingal pa.
"Nasa mga damit nila."
What the hell?
Napanganga ako sa pamimilisopo niya. "Pilosopo!"
"Why bother to ask me if I don't know where they are?"
Nangunot ang noo ko. Kinakabahan ako sa pamimilisopo niya gayong matitino naman ang mga tanong ko sa kaniya. Seryoso, may sapi ba 'to?
"Sabi mo may practice ang banda?" nagkibit balikat lang siya.
"Hindi ka ba nagbasa sa group chat kagabi?" siya naman ang nangunot ngayon. Akmang kukunin ko na ang cellphone ko sa bulsa ko pero wala akong makapa.
Syete, naiwan ko sa kwarto!
"Uh, hindi ako nag-online kagabi." nawala sa isip kong mag-online dahil sa mga salitang binitawan niya noong mga nakaraang araw. Halos gabi gabi ko yatang iniisip ang ibig sabihin no'n kaya palagi akong puyat.
"Uh—kinansel mo ba ang practice? Uuwi n-nalang—" nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang niya ang daklutin ang kwelyo ng t-shirt ko kagaya ng ginawa niya.
"A-ano ba!"
"May practice tayo kaya 'di ka pwedeng umuwi.." e bakit kailangang daklutin pa ang kwelyo ko?
Nang bitawan niya ako ay napairap nalang ako sabay habol ng hininga. May kinuha siyang gitara at umupo sa upuang malapit sa 'kin. Umiwas ako ng tingin pero agad ding napabaling sa kaniya nang bigla niyang tadyakan ang isa pang upuan palapit sa 'kin.
"Sit down." ako naman na parang aso ay agad na umupo.
Nag-practice kami gaya ng sinabi niya. Nag-arrange kami ng ilang mga kanta tapos sabi niya ay ituturo nalang daw namin bukas sa tatlo pang myembro. Nagtataka lang talaga ako kung bakit sila pa ang wala gayong mahalagang sila ang unang makakaalam ng arrangements. Ang gulo talaga nitong si Kyler, parang mga salita niya lang.
Siya ang nagkakaskas ng gitara, kadalasang solo akong kumakanta at may pagkakataon namang duet kami. Depende lang sa tono at lyrics.
Halos limang oras din kaming gano'n. Habang tumatagal ay nag-eenjoy din ako. Nagkakasundo kaming dalawa pagdating dito, minsan pa kaming napapatawa dahil minsan kaming nagkakamali o 'di kaya'y pareho kaming nakakalimot sa lyrics. Parang nawala lang bigla ang awkward sa pagitan namin, ngunit nando'n pa rin ang minsang pang-aasar niya.
"Kyler.." pag-agaw ko ng atensyon niya. Naglalakad kami ngayon sa labas ng campus, bumili kami ng fishball pagkatapos ng practice namin.
"Hmm?" nagtama ang mga mata namin kaya napalunok ako.
"Uh—k-kasi...about do'n sa sinabi mo noong nakaraang araw..." syete, nakakahiya 'tong ginagawa ko!
"What about that?" tanong niya na parang wala lang 'yon sa kaniya. Wow lang.
"A-anong ibig sabihin no'n?" please, sagutin mo na para maging maayos na ang tulog ko mamayang gabi!
"Ano bang sinabi ko?" balik niyang tanong na ikinatanga ko.
"H-ha? Hindi mo alam?"
He shrugged. "Nakalimutan ko na eh." napakurap kurap muna ako habang nakatingala sa kaniya bago tumawa ng peke.
"Ha, ha, ha? Okay." napailing iling pa ako, 'di makapaniwala. "Seriously?" bulong ko at nag-iwas ng tingin.
"If it's not important, I'm easily to forgot.." sagot niya na ikinagulat ko.
Kung gano'n, hindi importante sa kaniya ang sinabi niya?!
Gagi!
" Ibig s-sabihin, hindi 'yun importante sa 'yo?" mahina kong tanong. Tuluyan na kaming napatigil sa paglalakad at pagkain. Hindi ko alam at nakakaramdam ako ng inis gayong hindi naman dapat. Sa pagkakaalam ko.
Nagkibit balikat siya. "Maybe.." para akong nanghina sa sinabi niya.
Tangina, ilang gabi akong puyat kakaisip no'n tapos wala lang palang halaga sa kaniya?! Kung pwede lang sanang pati sa 'kin ay wala ring halaga—kaso hindi eh! Pinapagulo niya ang utak ko!
"Pa-fall ka alam mo 'yun?" inis na tanong ko sa kaniya.
"What?" dahil siguro sa inis ay basta ko nalang siyang iniwan do'n sa labas at pumasok na sa loob ng campus. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya. Hindi ko rin alam na may gano'ng side din pala siya! Seriously? Ang dami naman na yatang nalalaman ko tungkol sa kaniya?! Crush pa ba 'to?!
"Crush mo lang 'yon Salve, 'wag kang ano." pagkausap ko sa sarili ko nang makapasok sa banyo upang makapag-hilamos. "Ayan, may pa tanong tanong ka pa kasi e! Iyaq ka tuloy ngayon!"
Naghilamos ako pero maya maya ay nagsalita ulit. "Eh, bakit sa dinami dami ng lalaki siya pa naging crush ko?! Manhid naman ampucha! Gwapo nga, pa-fall naman!"
Tinapos ko na ang paghihilamos ko dahil mukha na akong takas mental na kinakausap ang sarili ko sa salamin. Nang buksan ko ang pinto ay halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siyang nakahalukipkip na nakasandal sa pader at mukhang naghihintay sa 'kin.
"Sinong kausap mo? I even heard you cursed." His brows frowned.
"Uh—" nag iwas ako ng tingin, naghahanap ng maisasagot. "—tumawag kasi si...si...si—Joshua! Tama si Joshua! Tumawag kasi kaya ayun, m-minura ko."
"You cursing each other?" nagtatakang tanong niya. Sunod sunod naman ang naging pagtango ko.
"O-oo naman! Gago 'yun eh!" napapikit ako. Paniguradong maiinis 'yun sa 'kin kapag malaman niya ang ginawa ko na namang kalokohan at baka hindi na ako ilibre ng ice cream! Oh Joshua, patatawarin!
Nanatiling kunot ang noo niya pero marahan siyang tumango.
"Halika na."
"Saan?" taka kong tanong.
"Cafeteria." maikili niyang sagot at nauna nang maglakad sa 'kin.
Tsk, hindi naman 'to ang plano ko noong mag-walk out ako eh! Parang gusto ko 'yung drama keneme kagaya sa mga K-drama? Parang gano'n, gusto kong mag-drama! Pero lintik, dahil manhid at walang pakiramdam ang lalaking nauuna sa 'kin ay siguro ay wala lang 'yun sa kaniya!
Nakakainis! Grr! Ang gulo gulo ng isip ko tungkol sa mga pinagsasasabi niya sa 'kin nitong nakaraang linggo! Pa-fall talaga amp!
Parehas kaming ice cream lang ang in-order at parehas din kami ng flavor! Hindi nalang ako nagsalita pa at tahimik nalang na kumain. Naiinis pa rin sa kaniya.
"Uuwi kana ba pagkatapos nito?" pagbasag niya sa katahimikan. Medyo tahimik ang cafeteria dahil kunti lang naman ang estudyanteng nandito, karamihan ay mga varsity players at cheerleaders.
Pasimple kong inikot ang mga mata ko. "Oo naman. Wala naman na akong ibang gagawin eh." pagkatapos niyon ay hindi na ulit siya nagsalita.
Parang 'yung awkward na naramdaman ko noong unang mga araw ay biglang nanumbalik ngayon dahil sa wala kaming kibuan hanggang sa matapos. Idagdag mo pang siya ang nagbayad ng kinain namin dahil wala akong dalang pera!
Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya. Nakatingin lang kasi siya sa mga estudyanteng dumadaan na pasimpleng nagpapakyut sa kaniya. Kairita lang.
"Uh—uuwi na 'ko.." sabi ko sa mababang boses. Hinintay kong magsalita siya pero nanatili sa labas ang mga mata niya.
"Hoy, sabi ko, uuwi na 'ko!" saka lang siya napatingin sa 'kin, parang nagising.
"Ah, sige. Una na rin ako." pagkasabi niya no'n ay basta nalang siyang lumabas ng cafeteria at iniwan ako.
Great. Bawas pogi points!
Inis akong tumayo at naglakad palabas, walang pake sa mga nakatingin. Pero dahil sa talagang kyut nga ata ako ay may pumansin pa din.
"Hi!" lumapit sa 'kin ang isang matangkad na babae na hinuha ko ay ka-level ko lang. "Salve, right?"
"Ako nga." sagot ko naman.
Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi para itago ang kaniyang malapad na ngiti. "I'm Sirene, from STEM."
Matalino. Nasabi ko nalang sa isip ko.
"Anong kailangan mo?" pinilit kong hindi pataasin ang kilay ko habang casual na nakatingin sa kaniya. Bad mood ako ngayon.
"Uh—close ba kayo ni Kyler?" doon na talaga tumaas ang kanang kilay ko. Anong kailangan nito sa crush ko?!
"Oo naman. Bakit?" palihim kong kinagat ang dila ko. 'Di ko alam kung kasinungalingan ba ang sinabi ko o hindi.
"Pwede mo ba akong ipakilala sa kaniya? I think single naman siya at magkaibigan lang kayo, baka magustuhan niya ako, you know? I'm an ideal girl naman." umirap ako sa kaniya na ikinataas ng isang kilay niya.
Mas lalo akong nainis! Palagay ko kumukulo na ang dugo ko at pwede nang ibuhos sa haliparot na 'to.
"May jowa ang gagong 'yun!" sagot ko na ikinalaki ng mga mata niya. "At saka...h-hindi ko siya kaibigan." inis na tinalikuran ko siya.
Napapikit nalang ako. Umaga palang pero parang ang dami ko nang nagawang kagagahan! Nakakainis! Gusto kong magpapadyak padyak sa inis!
Muli kong nilingon ang babae kanina na nakita kong nakatingin pa rin sa 'kin. Pati ibang mga estudyanteng nasa gilid gilid ay napapatawa ng mahina.
"K-kung gusto mo siyang puntahan, nasa music clubroom siya!" sigaw ko na ikinaliwanag ng mukha niya. Dagli itong tumakbo patungo marahil doon.
Tsk, ano namang gagawin ng haliparot na 'yun pagkadating niya do'n? Aakitin niya gano'n? Aish, bakit ba kasi sinabi ko pa—teka, sa pagkakaalala ko ay aalis na si Kyler gaya ng sabi niya sa cafeteria kanina.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang may ngisi sa labi. Mukhang walang madadatnang Kyler ang haliparot na 'yun sa clubroom hahahaha. Ang bad mo Salve!
*
Ilang linggo nalang at magsisimula na ang Sports Festival kaya todo practice kami ngayon ng banda. Tuwing umaga't uwian na nga lang kaming nagkikita at nagkakasama ng mga kaibigan ko dahil busy din sila. Kaya tuloy, parang gusto ko nang magsawa sa pagmunukha nitong kaharap ko dahil palagi nalang siya ang kasama ko. Idagdag mo pang palagi akong wala sa mood nitong mga nakaraang araw. Hindi dahil sa hindi ako pinapansin ni Kyler ah! Promise, hindi talaga!
"Suplado.." bulong ko habang pinagmamasdan si Kyler na seryosong seryoso habang may ginagawa sa prente.
"Patay na siguro ang presidente natin kung nakamamatay lang ang mga titig mo.." puna ni Joshua na nasa harap ko at mahinang kumakaskas ng gitara.
Inirapan ko muna ang tinitignan bago iiwas ang paningin ko sa kaniya. "Pake mo?"
Mahina siyang natawa. "Bakit ba kasi ganiyan ka kung makatingin? May atraso ba 'yan sa 'yo?" napalunok naman ako sabay iwas ng tingin.
Wala namang atraso sa 'kin ang gaging 'yun eh! Naiinis lang talaga sa mga inaasta niya! Sa pagkakatanda ko ay okay naman kami noong sabado pero ang sungit sungit niya na ngayon! Parang ang dali lang kung magbago ng mood niya! Hindi pa siya namamansin—eh bakit ba naman ako papansinin? Sino ba naman ako 'di ba? Aish, pero talagang naiinis ako na ewan dahil sa ginagawa niya!
Kagaya nalang kanina, pinaghiwalay niya ang pwesto namin ni Joshua! Medyo malapit kasi ako kay Joshua sa pagkakaayos namin pero nakipagpalit siya sa 'kin!
Seriously, anong problema niya?;
Break namin ngayon kaya nakatanga lang ako. Naisip kong mag-sss nalang dahil wala namang magawa, saka isa pa, ilang araw na din akong hindi nakakapag-online baka kung ano ano nang ginagawa ng pinto kong asawa sa Korea.
"Hoy!" inis akong napatingin sa kaniya.
"Ano?"
"Galit? Hindi mo pa kasi sinasagot ang tanong ko."
"Ah, ano nga palang tanong mo?"
"May atraso ba siya sa 'yo? Gusto mo jumbagin ko eh!" pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Wala! Wala siyang atraso sa 'kin!" agad ko nang tinutok ang mga mata sa cellphone ko dahil mukhang hihirit na naman siya.
Hindi na siya nangulit pa kaya payapa akong nakapag-sss. Pasimple ko ring ini-stalk si Kyler, magagawa lang ng account niya noong isang linggo. Sabi pa niya, napilitan lang daw siyang gumawa para sa gc namin. Nakaka-touch lang ang lalaking 'yon.
'Admiring her eyes...'
Pagbasa ko sa bio niya. Naningkit ang mga mata ko, iniisip kung sino ang tinutukoy niya. Posible kayang ako 'yun—heh! Marami ngang nagsasabing malaki daw ang mga mata ko! Tanging ang mga kaibigan at sarili ko lang ang pumupuri dito! Kaya malamang sa malamang na hindi ako ang tinutukoy niya! Naalala kong minsan niya na din akong tinawag na kwago na ikinairita ko nang husto!
Pucha, sino ang tinutukoy niya??!!
Tsk, dagdag isipin na naman!
Nang i-dismiss na niya kami ay agad kaming lumabas ni Joshua. Para lang akong nakalutang at hindi malaman kung ano ang nararamdaman. Aaminin kong hinihiling ko na sana ako ang her na sinasabi niya kahit alam ko sa sarili ko na malabo iyon!
Habang naglalakad kami ay pa-scroll scroll lang ako sa sss at pa-sher sher lang ng mga updates ng BTS. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang post ng pamilyar na lalaki sa 'kin. Nakasuot ito ng sweater at naka-maong pants habang may hila hilang maleta sa airport. Ang caption niya ay...
'Welcome me back!'
"Omg!" napatakip pa ako sa bibig ko sa sobrang gulat. Agad na lumapit si Joshua sa 'kin.
"Bakit? Anyare?"
"Omg! Omg talaga! Nakauwi na siya!" napapatingin sa amin ang ilang mga estudyanteng naglalakad lakad pero wala akong pake. Kailangan kong makita si Camille!
"Sino? Para kang tanga!" agad ko siyang binatukan pero 'di siya umangal at tumingin nalang sa tinitignan ko.
"Bumalik na si Nazee.." mahina kong sabi habang nakatingin sa litrato niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Camille kapag malaman niya 'to.
Itinago ko na ang cellphone ko at hinila si Joshua papunta sa SSC office.
"Hoy, teka! Parang baliktad yata!" reklamo niya kaya napatigil ako.
"Ano?" bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko at siya ang humatak sa 'kin. "Dahan dahan naman aba!"
"Anong oras naba?" tanong niya.
"Four na yata." sagot ko naman matapos tignan ang wrist watch ko.
"Nice."
Nang makarating kami ay nagtutulakan na kaming dalawa kung sino ang papasok sa opisina. Malaki ang opisina ng SSC o kung matatawag pa ba 'tong opisina eh parang bahay lang eh. Tatlong palapag 'yun at sigurado akong malawak ang loob no'n.
"Ikaw na kasi ang kumatok!" tulak niya sa 'kin sa pinto.
"Gagi ikaw nga! Nakakahiya baka nandyan silang lahat!" siya naman ngayon ang tinulak ko pero parang hindi man lang siya nagalaw.
Bato yata ang lintik.
"Malamang nandyan silang lahat! Tsk, bakit ba kasi nahihiya ka eh mas maganda ka naman kesa sa mga babaeng nasa loob niyan?" napatigil ako pero agad ding nakabawi.
"Bolero amp! Sarap mong jumbagin!"
"Sus, pero sa katunayan ligayang ligaya sa sarili."
"Joshua!" inis na sabi ko.
"Nak ng—eto na nga!" 'di pa man niya nahahawakan ang siradula ng pinto nang bigla 'yung bumukas at lumabas si...
President!
Natigilan si Joshua, maging ako rin. "Good afternoon, president." halos magkapanabay pa naming bati.
"What are you two doing here?" inayos ng kaniyang mahahabang daliri ang kaniyang malaking salamin.
"Hinahanap ho namin si Camille.." ako na ang sumagot.
Maya maya lang ay nakarinig kami ng kalabog mula sa loob kaya napatingin kami doon. Ang mga mata ni president ay nanatili sa amin.
"She's not in her real state now." sabi niya na ikinakunot ng noo namin ni Joshua.
"Pisti ka talagang nerd ka! Walang hiya ka ugh! Magnanakaw ang pota! DIMIN!!!"
"S-si Camille 'yun ah?" Kilala ko ang boses ni Camille, at sigurado akong siya 'yung nagmumura sa loob.
"I told you, she's a monster now." pahabol pa ni president pero napasinghap kami nang bigla nalang siyang tumalsik paharap sa amin.
"Gago ka—" hindi na natapos pa ni Camille ang sinasabi dahil sa nakita. Sinipa niya sa likuran ang president sanhi para ito'y mapadapa sa labas ng pinto.
Tumingin ang nanlalaking mga mata niya sa amin. "A-anong ginagawa niyo dito?" hindi kaagad namin siya sinagot dahil tinulungan naming tumayo si president.
Tinignan namin ang dalawa. Ang inaasahan namin ay gaganti o magagalit ang lalaki sa kaibigan ko pero mapang-asar lang itong ngumisi sa kaniya.
"I wanna do it again.." pagkatapos ay tumalikod na siya papalayo sa amin.
Tumingin ako sa kaibigan ko at mapang-asar siyang tinignan.
"Mukhang naka-move on ka nang bruha ka..."