Episode 7

3187 Words
"ANO BA KASING ginagawa mo sa tapat ng bahay ng mga Vezcarra?" tanong ni Joshua habang lulan kami ng taxi. Dumikit ako sa kaniya. "Mahabang kwento.." may trauma na ako sa taxi kaya todo kapit ako kay Joshua na pulang pula na ang mukha. Nakatingin lang ako sa driver at pinag-aaralan ang kilos niya. Mahirap na baka isa pa 'tong lintik eh. "S-Salve, umusog ka do'n." agad akong napailing sa sinabi niya. "Ayuko nga! Dito lang ako!" kahit pa halos nakayakap na ako kay Joshua ay wala akong pakialam. "Grabe ka naman makatingin miss." natatawang ani ng driver nang mapansin ang titig ko sa kaniya. Irap lang ang naisagot ko sa kaniya. "Ano bang problema mo? Makadikit ka wagas ah? Type mo na ba ako?" sa sinabi niyang iyon ay agad akong napahiwalay sa kaniya. "Neknek mo!" tumawa lang ang loko. Hindi nalang ako muling umimik pa hanggang sa makarating kami sa bahay. Kasunod kong pumasok si Joshua. Naabutan kong nanonood ng TV si Papa at naglalaro naman sa cellphone si Aldrin. Si Mama naman ay nahagilap ng paningin ko na nag-aayos ng hapag kainan. Busy sila kaya siguro ay wala silang alam sa nangyari sa 'kin. Pero mas mabuti na rin 'yon para 'di na sila mag-alala pa sa 'kin. Pumasok ako sa bahay na parang walang nangyari. "Oh? Nandito na pala kayo!" ani ni Mama pero ang mata ay kay Joshua nakatingin. Malamang, manok niya 'yan eh! Lumingon sa gawi namin ang dalawa sa sala at hindi nakatakas sa malaki kong mata ang pagbusangot ni Papa pagkakita niya kay Joshua ngunit kalauna'y ngumiti rin naman. Ang plastik lang, parang si Aldrin. Speaking of devil, umirap lang ang impakto sa 'kin at muling tinuon ang paningin sa cellphone niya. "Magbihis kana Salve. Kakain na." at iyon nga ang ginawa ko. Pagkababa ko ay nasa dining na silang lahat. "Kumusta si Kyler?" muntik pa akong matapilok kung hindi lang agad ako nakakapit sa upuan. "M-malay ko!" biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina. Grr! "Bukas, imbitahin mo siya dito sa bahay." dagdag pa ni Papa. "Bakit naman?" "Gusto ko siyang makita." seryosong aniya na halos ikasamid ko ng laway. Seriously?! " Bading kana ba, Althon? Sabihin mo lang at ako pa mismo ang maghahatid sa 'yo sa lalaking iyon!" nakataas ang kilay na ani ni Mama. "Eto naman nagseselos agad parang tanga. Gusto mo lang sigurong mahalikan eh!" "Pwetan mo!" Dinig ko ang mahinang tawa ni Joshua. Sanay na kasi siya sa ganiyang ugali ng dalawa kasi madalas din naman siya dito sa amin. "Mamaya na ha? Kumakain pa ako eh hehe. Balak mo na bang sundan si Aldri-" "Kadiri ka talaga!" napangiwi nalang ako. Nag-kwentuhan lang kami tungkol sa school. Himalang hindi ako inasar ng kapatid ko tungkol sa BTS, madalas niya kasi iyong ibida sa hapag sabay lait sa akin. Nang sumapit ang alas otso ay agad na nagpaalam si Joshua. Nagpasalamat pa ito at si Mama naman ay wagas na wagas kung makangiti at pinilit pa akong ihatid siya sa gate. "Salamat ulit sa hapunan.." nakangiting aniya nang makarating kami sa gate ng bahay. "Para kang tanga haha!" Paano eh parang ibang Joshua yata ang nakikita ko ngayon. Ang pormal niya kasi kung magsalita at kumilos. "Ba't naman?" kunot noo niyang tanong. "Ang pormal mo lang, 'di ako sanay." "Ahh.." kumamot pa siya sa batok niya. "Sige,una na 'ko.." "Mm, kita kits bukas!" kumaway pa ako sa kaniya bago pumasok sa kabahayan. Naligo lang ako at nahiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa message kung kaninong number ba ang nasendan ko kanina habang nasa taxi-grr! Ayuko nang alalahanin! "Tsk!" sa number ni Leean ako nakapag compose ng message kaso 'di pala nasent kasi wala akong load! Ang dukha ko talaga! Komunek nalang ako sa wifi at in-open ang sss account ko. Wala namang masyadong ganap, nag share share lang ako ng mga updates ng BTS sa i********:. Magla-log out na sana ako nang may pumasok sa isip ko. Sinearch ko ang pangalan niya pero ibang mga mukha ang lumalabas. Nag try pa ako na i-search ang buong pangalan niya pero gano'n din ang nangyari. Huminto nalang ako dahil mukhang kahit rambulin ko pa ang pangalan niya ay wala talagang lumalabas. Kainis naman! Pumunta nalang ako sa i********: para tingnan ang mga post ng BTS sa mga account nila. Hindi naman ako nabigo dahil lahat silang pito ay may post ngayong araw. Nang makita kong may IG story si Jungkook ay agad ko 'yung tinignan. Kahit alagang aso niya lang ang nakalagay ay napangiti pa rin ako. Iniisip na sana ako nalang 'yung naging aso tapos kakagatin ko siya hihihi. Nang matapos ang ipakita ang IG story niya ay may nag-appear na tatlong account. Recommend daw na i-follow. Marahil ay ganito rin ang nangyari kay Taehyung na accidentally niyang nai-follow ang account ni Jennie Kim, blackpink member. Lumikha iyon ng malaking issue at nagdigmaan pa daw ang mga fan ng magkabilang panig dahil sa sinisisi ng ibang army si Jennie. Parang mga tanga lang. Dahil walang magawa ay pinindot ko nalang ang account na irenecommend. Napatigil ako sa pagpindot nang mapansing pamilyar sa 'kin ang pangalan ng isa. kj_caloste T-teka...last name 'to ni Kyler ah? Ayy shunga, Salve! Si Kyler nga 'to!! Lintik, kaya pala wala sa sss eh nandito sa i********:! Halos makalkal ko na lahat sa sss at wala pa ring lumalabas! Agad kong pinindot ang account niya at nakita kong naka-follow na sa kaniya sina Camille at Leean! Ako nalang pala ang nahuhuli! Walang alinlangan ako nag-follow sa kaniya. Wala naman sigurong masama kung i-follow ko siya 'di ba? Wala namang malisya 'yon. Marami siyang followers at marami ring nag-lalike sa mga posts niya! Dahil naka-follow na ako ay malaya kong nakikita ang mga pinag-gagagawa niya. May IG story sin siya kaya agad ko 'yung tinignan. kj_caloste Someone stocked in my mind. I can't sleep! Ceiling lang ang picture ng IG story niya. Pagkatapos kung tignan ang story niya ay nag-scroll nalang ulit ako sa mga posts niya. Wala naman akong pakialam kung sino ang nakabara sa utak niya-what?! Sino kaya ang iniisip niya? Babae ba? Aish! Salve, kalma. Crush mo palang naman kaya wala kang karapatang magselos! Ano daw? Crush? Baka nga. Hindi naman masamang magkacrush 'di ba? Hihi, crush lang naman! Crush lang talaga! Accidentally kong na-double tap ang picture niya 2 days ago. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at agad na binawi ang like. Syete. Naging maingat na ako sa pag scroll dahil baka ma-like ko na naman, mahirap na, baka mag-assume pa siyang inii-stalk ko kahit totoo naman. Nakita kong may nag message kaya agad ko 'yung pinindot. Baka kasi nagreply na si Jungkok sa message ko eh hahaha. Napalis ang isiping iyon nang ibang pangalan ang makita ko. Agad ko 'yung pinindot. kj_caloste Done stalking? Langya! Dalawang salita lang iyon pero parang binuhol ang puso ko! Hindi ko manlang napansin na naka-online pala siya at ang IG story niya kanina ay 5 minutes ago lang! Tangik, Salve! Nagdadalawang isip ako kung rereplayan ko ba siya o hindi pero sa huli ay nanaig ang parte sa 'kin na replayan ang message niya. salve_gondaya Pake mo? Ba't mo nga pala ako iniwan kanina? Napakagat nalang ako ng pang-ibabang labi nang mai-sent ko na ang reply ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't 'yun ang reply ko sa kaniya. Hindi nagtagal ay nag-reply siya. kj_caloste You said to. Ha? Ako ang may sabi? Tsk, ediwao nalang. Pero bakit ba ang ikli ng reply niya?! salve_gondaya Woi, sinabi ko lang naman na gusto kong malaman ang pangalan ng SSC president, hindi ko sinabing gusto kong magpaiwan! Hindi mo ba ako naintindihan o ayaw mo lang talagang ipaalam? Mariin kong hinawakan ang cellphone ko dahil sa kaba. Bakit parang... assuming ako sa lagay ko?! Nakita kong na-seen niya na ang message ko pero 'di ko na nakitang nagtatype siya. Lumipas ang minuto at nawala na ang green na bilog sa profile niya. Hala, seen lang ako?! Hanggang sa mag-umaga ay iyon pa rin ang iniisip ko. Pakiramdam ko napahiya ako kagabi. Parang pinagsisihan ko tuloy na nagreply pa ako ng mahaba sa kaniya. Imagine? Ang haba haba ng message ko pero seen lang niya?! Kung hindi lang talaga siya gwapo ay wala talaga siyang karapatan. Ang umaga ko ay naging normal lang. Sinundo ako ni Camille pero bago niya ako pasakayin ay pinagalitan niya pa ako. Bakit daw ba kasi hindi ako nagpaalam kapag aalis ako. Pero hindi ko naman sinabi sa kanilang dalawa ang totoong nangyari, gusto kong itago nalang 'yon sa kanila. Bakante kami sa sumunod naming subject dahil absent ang teacher namin. Wala naman kaming magawa kaya naglakad lakad nalang kami sa paligid ligid. In-appreciate ang ganda ng view ng school. "Picture tayo!" wala namang may umayaw sa suggestion ko. Nag selfie lang kami bago naupo sa mga bench na nasa gilid gilid. "Kumusta ang love life mo Salve?" halos mailuwa ko ang ice cream na kinakain ko sa biglang tanong ni Camille. "Mukha ba akong may love life?" "Ah, kalandian lang ba ang mero'n ka?" hirit naman ni Leean. "Kadiri ka talagang magsalita! Mukha bang kaya kong lumandi?" "'Wag ka ngang feeling inosente! Langyang 'to, 'kala mo naman grade 7!" I just rolled my eyes to them. Ako? Lalandi? Kanino naman? Crush lang naman ang mero'n ako at hindi pa pumapasok sa isip ko ang makipag-landian 'no! "Crush lang ang mero'n ako." biglang sabi ko na pinagsisihan ko. "Sus, alam na namin 'yan!" magkasabay pa nilang sabi. Tinaas ni Camille ang isang daliri niya sa mukha ko. "Alam mo, ang unang palatandaan kapag may crush ka sa isang tao ay kapag interesado ka sa lahat ng bagay na tungkol sa kaniya." Itinaas din ni Leean ang dalawang daliri niya. "Pangalawa, kapag automatic na naaagaw ang atensyon mo kapag naririnig mo ang pangalan niya." "Gags, para kayong mga tanga! Alam ko na naman 'yang mga 'yan 'no!" Nagkibit balikat silang dalawa. "Sinasabi lang namin dahil baka love na 'yan at hindi na admiration." "Gagi!" Napatingin kami sa building na katabi namin. Building 'yon ng nga grade 12. Nakita kong may nakatambay sa labas no'n at nakasandal sa railings. Lima sila, agad kong nakilala ang dalawa dahil hindi naman talagang kalayuan ang building nila sa tinatambayan namin. "Si Kyler 'yun 'di ba?" ang bruhang si Leean ay tinuro pa ang lima. "'Wag mo ngang ituro! Baka mamaya makita ka, nakakahiya!" She just rolled her eyes to me. "Si president 'yun 'di ba?" "Ang gwapo nilang lima, may mga jowa kaya 'yang mga 'yan?" dugtong pa niya. Nagkibit balikat lang ako at hindi na sumagot. Tahimik lang kaming nakamasid sa kanilang lima na nagtatawanan habang nag-uusap. Mukhang tropa tropa sila. Sayang at hindi ko man lang makita ang pagtawa ni Kyler kasi nakatalikod ito sa gawi namin. Pagsapit ng ala-una ay kaniya kaniya na kaming ruta. Halos lahat ay busy dahil sa nalalapit na sports festival. Mga nag-eensayong cheerleaders, gumagawa ng mga banners at karamihan ay todo linis talaga. Agad akong nagtungo sa clubroom namin dahil sabi ni Joshua ay ngayon daw mag-sisimula ang practice ng banda namin. Kasali na ako kaya namin. Pagkapasok ko ay ang dami ng member ang naroon. More than one hundred ang bilang namin kaya talagang marami kami. Karamihan ay mga galing sa junior high school department. "Ate Salve!" nakita ko si Meisha na papalapit sa gawi ko. "Nakita mo ba si Kuya?" Natawa naman ako. "Sinong Kuya ba?" "Si Ate Salve talaga oh! Malamang si Kuya Joshua! Alangan namang si Kuya Marion, eh hindi naman napapadpad dito 'yun." napa-ismid nalang ako sa pangbabara niya sa 'kin. "Hindi ko nakita eh. Baka may klase pa." "Mm, ge!" maarte niyang saad habang kumaway pa. Hindi man lang nagpasalamat amp! Napalingon ako sa pinto nang biglang bumukas 'yon at pumasok si Kyler. As usual, fresh na fresh ang lolo niyo sa suot niyang polo. Sa bawat hakbang niyang papunta sa front ay nakasubaybay ako, humahanga dahil sakto ang layo ng bawat hakbang niya. Ewan ko, pero kinabibiliban ko ang kaunting bagay na 'yun sa kaniya. "Members of band, come here infront." automatic akong napatayo. Members of band daw eh. Sakto namang dating ni Joshua, mukhang bagong gising dahil pumupungay pungay pa ang mga mata at ang gulo din ng buhok. Lumapit ito sa 'kin. "Nagsisimula na?" "Magsisimula pa lang." sabay kaming naglakad. "Nakatulog ka?" tanong ko. Narinig ko ang paghikab niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita kong may dumi ang buhok niya kaya tumingkayad ako upang abutin 'yon. "Ayiiiieeee!!" "Gagi, kunting respeto naman lovebirds!" Nagulat pa si Joshua sa ginawa ko at nakita ko ang pamumula ng tenga niya dahil sa tuksuhan ng mga clubmates namin. "Bakit namumula tenga mo?" mahina pa akong napatawa nang pilit niyang iiwas ang paningin niya sa 'kin. Naputol lang ang tawa ko nang makita ko si Kyler na salubong ang kilay na nakatunghay sa amin. Ngayon ko lang na-realize na nasa tapat na niya pala kami. Pero bakit salubong ang kilay niya? "Landian ay dapat na nakalugar." napalunok ako sa pagtagalog niya. "Nakakadiring tingnan." pahabol pa niya. T-teka-ANO DAW??!! Magsasalita na sana ako pero naunahan niya na ako. "We're starting to practice now. I don't want a member with a turtle like to move and making lovebirds moments on my sight while we're practicing. Got it?" nakanganga lang ako sa kaniya, 'di makapaniwala. Anong ibig niyang sabihin do'n? Landian? Wtf??!! Umakyat na siya sa stage at napasunod naman ang dalawa pa naming member bago kami ni Joshua. Parang nakatulala lang ako at pilit na iniintindi kung anong ibig niyang sabihin. Pinaliwanag niya ang mga kantang i-a-arrange namin. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagpapaliwanag siya sa harap naming apat. Sa bawat bukas ng bibig niya ay wala akong maintindihan dahil abala ang isipan ko sa kakaintindi ng inakto niya kanina. Parang tanga lang. Landian daw? Lovebirds? Mukha ba akong ibon-teka! Ibon ang kwago 'di ba??!! Gagi, kwago pala ah! Hindi ko alam kung paano ako nakasunod sa mga pinahsasabi niya. Basta nalang bumuka ang bibig ko para kumanta pero gano'n pa rin ang sitwasyon ng isipan ko. Para akong nakalitaw. So I'm not moving... I'm not moving... Nang matapos ang unang kanta ay parang bigla akong nagising dahil sa pagpitik ni Joshua sa noo ko. "Gusto mo ice cream?" mahinang aniya. Tumitingin tingin pa siya kay Kyler na ngayon ay abala sa kung ano, hindi ito nakatingin sa amin. "Tinatanong pa ba 'yan?" mahina akong natawa. "Gawin mong lima." Agad siyang bumusangot. "Grabe ka naman! Ano ako, sugar daddy mo?" Natawa naman ako. "Pwede ring sugar brother." "Salve..." napatingin ako kay Kyler nang bigla niyang banggitin ang pangalan ko. "B-bakit?" "Can you accompany me?" hindi siya tumitingin sa gawi ko. Sasagot na sana ako kaso biglang nagsalita si Joshua. "So, Salve, lima ba?" nakangiting tanong niya. "Oo-" "Salve.." Ano ba naman 'yan?! "Uh, b-bakit ba?" napalunok ako nang bigla niyang ibaling sa 'kin ang mukha niya. "Do you want me to repeat it?" salubong ang kilay na tanong niya na nagpaurong ng dila ko. "Salve...kung walang ube, anong ipapalit ko?" Tsngina, 'di ako makasagot dahil hindi ko naman alam kung sinong unang sasagutin ko. Kapag sasagot naman ako ay magsasalita naman ang isa! Seriously?! "Uh, saan ba?" sa huli ay si Kyler ang hinarap ko. Makapaghintay naman ang pagkain eh! "Sa library.." napatango naman ako. "Uh, Joshua, kapag walang ube, 'wag ka nalang bumili." humarap naman ako sa isa. Agad naman siyang ngumiti. "Sana lang walang ube para walang gastos." mahina ko namang sinabunutan ang buhok niya. "Aray!" "Ang damot mo-" "Let's go." agad akong napahiwalay nang bigla akong hawakan ni Kyler sa kwelyo at hinila pababa ng stage. Ngayon ko lang napansin na nasa labas pala lahat ng clubmates namin, nag break. "Aray ko naman!" binitawan niya lang ako nang makarating kami sa labas. Hindi niya ako pinansin at agad na naglakad. Agad naman akong humabol. "Ano bang gagawin natin sa library?" inayos ko ang blouse kong tumaas dahil sa pagkakaangat niya sa kwelyo ko. "Maglalaba." What the hell? "Para saan ba ang library?" Huminto siya at tinaasan niya ako ng kilay ngunit imbes na mainis ay napangiti ako. Hindi ko lang kasi akalain na inaya niya akong samahan siya sa library. Close na ba kami? Wala pa ngang isang linggo, ilang beses nang nagtagpo ang landas naming dalawa. "Why are you smiling, woman?" umiwas ako ng tingin at ngingiti-ngiting linampasan siya. "Hey!" mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. "Nasisiraan kana ba kaya ka ngumingiti?" mahina akong natawa sa kaniya. "Baka nga haha. Nakakabaliw ka kasi eh!" napatakip ako sa bibig ko sa mga salitang biglang lumabas sa bibig ko. Mabuti nalang at walang gaanong tao sa hallway na linalakaran namin dahil kung hindi-tengene leng. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko pero sigurado akong narinig niya 'yun dahil sa lakas ng boses ko. Hindi ko nakita kung ano ang naging reaksyon niya pero napansin kong bumagal ang lakad niya dahil medyo malayo layo na ako sa kaniya. Syete Salve! Baka nga talagang nasisiraan kana! Hinawakan ko ang pisngi ko at bahagya iyong kinurot para mawala ang init no'n. Mahina pa akong napamura nang mahawakan ko ang tagyawat kong bagong sibol. Nang makarating sa library ay hinintay ko na siya dahil hindi ko naman alam kung anong gagawin niya dito. Nang makapasok siya ay hindi niya ako pinansin at basta lang dumiretso sa mga book shelves. Parang wala sa sarili at hindi ako napansin na nakatayo sa hamba ng pinto. Sumunod nalang ako sa kaniya. "May hinahanap ka bang libro?" tanong ko. "Sa tingin mo?" tumaas na naman kaliwang kilay niya. "Suplado." bulong ko. Hinayaan ko nalang siyang maghanap. Kapag lumilipat siya ng ay lumilipat din ako para pagmasdan ang ginagawa niya. "Parang wala ka namang hinahanap eh!" pansin ko kasing panay lang ang kalkal niya pero ang mga tsokolateng mga mata ay pasulyap sulyap sa 'kin. "May hinahanap ako." basta nalang siyang kumuha ng kung anong libro at walang tingin tingin na ipinakita sa 'kin. "I'm just looking for this." Nang tignan ko ang libro ay 'di ko na napigilan ang tawa ko. "Seriously?! Eh, alamat ng tipaklong 'yan eh!" Mukha namang hindi siya nagbabasa ng mga gano'n eh. Halatang nagsisinungaling. Agad niya naman 'yung tinignan at nakita ko ang pamumula ng tenga niya. "S-so?" Mas lalo akong natawa. "Nagbabasa ka pala niyan? 'Di ko expected." "Stop laughing." mas lalo pa akong natawa dahil hindi siya makatingin sa 'kin. Narinig ko ang saway ng librarian dahil sa ingay ko kaya walang atubiling hinatak ko sa polo si Kyler palabas. Sa ginawa ko ay naaalala ko na naman ang paghawak niya sa kamay ko. Grr! "Alam kong wala ka naman talagang gagawin sa library eh. So, bakit mo ako pinasama?" tumaas ang kilay ko. "I told you, I have something to do." "Eh? Ang hiramin ang aklat ng alamat ng tipaklong?" natatawang ani ko. "No.." sumeryoso ang tinig niya kaya napalis ang tawa ko. "H-ha?" "Ang patawanin ka...I just want to see you laughing.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD