NAKAKAINIS.
Hanggang sa mag lunch time na ay hindi ko nakita ni anino man lang ni Kyler. Hindi sa hinahanap ko siya ah, pero—parang gano'n na nga. Eh kasi nga, siya ang nagdala sa 'kin k-kaya, dapat ay dumalaw man lang siya.
Pero bakit nga naman ako maiinis kung hindi siya dumalaw eh wala naman siyang pake. Oo nga naman, bakit naman siya magkakaroon ng pake?! Ha?! Bakit?! Sino ba naman ako—
"Aish! Bakit ba kasi hindi ka nagpakitang bwisit ka?!" tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at para akong bagong panganak sa hitsura ko.
Magulong buhok.
Maputlang labi.
Hays, hindi talaga maganda sa kalusugan ang lalaking iyon.
Pagkatapos kong kausapin ang sarili ko sa loob ng banyo ay lumabas na ako. Ala una na at kelangan ko nang pumunta sa clubroom—that's it! Tignan ko lang kung hindi pa kita makita sa clubroom nito!
"Hoy!"
"'Wag mo 'kong kausapin!"
"Anyare sa 'yo?!" hindi ko tinapunan ng tingin si Joshua na nakasunod lang sa 'kin.
"Wala ako sa mood!"
"Sinong may pake?" pumantay siya ng lakad sa 'kin. "Wala naman akong pake kung wala ka sa mood."
"Tsh!" inirapan ko lang ang luko at nauna nang maglakad sa kaniya.
"Hoy, wala daw ang president kaya walang pasok sa clubroom ngayon!" napahinto ako sa paglalakad.
"A-anong sabi mo?"
"Sabi ko, wala ang president—"
"Bakit daw?!" bigla ay bumagsak ang balikat ko.
Nagkibit balikat siya. "Malay ko.."
Napasabunot nalang ako sa buhok ko baka sakaling magising ako sa mga tumatakbo sa isip ko. Bakit ko naman kasi hinahanap ang lalaking 'yon? Parang ang dami kong iniisip at sumasakit ang ulo ko kahit wala naman talaga akong iniisip kundi ang lintik na Kyler na 'yon!
Feeling ko mabubuang na 'ko eh!
"Hoy, anyare sa 'yo?!" inayos ko ang buhok ko at huminga ng malalim.
"Tara, bili tayo ng ice cream!" sa ice cream ko nalang ibubuhos ang atensyon ko, buti pa 'yun may pakinabang.
Lumiwanag ang mukha niya. "Libre mo?!"
"Malamang libre mo!" napangiwi siya pero kalauna'y ngumiti at umakbay sa 'kin.
"Anong oras ang balik nila Camille at Leean?" kalauna'y tanong niya. Ewan ba kung imahinasyon ko lang na ang giliw ng boses niya.
Nagkibit balikat ako. "Ewan, alam mo naman ang mga iyon, susulpot kapag unexpected." natawa naman siya. Ang saya niya talaga oh!
"Ang saya mo yata?" 'di ko mapigilang tanong.
Nakapagtataka lang kasi kanina, poker face siya tapos ngayon happy happy na? Sana ako den 'di ba? Hays.
"Kasama kita eh!"
"Neknek mo!" humiwalay ako sa pagkakaakbay niya at nauna nang pumasok sa cafeteria.
Umupo ako sa paborito naming upuan habang siya naman ay dumiretso sa counter.
Kanina ko pa talaga iniisip na may nagbabago kay Joshua eh, o mas tamang sabihing kagabi pa. Habang pinag-mamasdan ko siyang nakikupag-usap do'n sa taga serve ay napagtanto kong matagal na rin pala kaming magkaibigan.
Second year high school palang kami no'ng magkakilala kami. Magaan na agad ang loob ko sa kaniya noon at madali lang din siyang mapagkatiwalaan. May mga oras na ding nagsasabi ako sa kaniya ng mga problema ko at mga sikreto ko. Siya lang ang lalaking naging malapit sa 'kin at hindi ko itatagong nagkagusto ako noon sa kaniya, pero noong tumagal ay naging parang kapatid ang turing ko sa kaniya. Kaya kung tama man ang nasa isip ko ay hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Sana nga mali.
"Eto na, mahal na kwago."
"Sasapakin talaga kita, makikita mo!" tawa lang ang itinugon ng luko. Inabot ko ang ube cream line at nagsimula nang lantakin ito.
"May pasok kayo? Kami kasi mero'n eh, baka 'di na kita masamahan."
"Wala na yata. Okay lang namang mag-isa, makakapag relax pa ako."
"Sinasabi mo bang ini-stress kita?" gulat niyang tanong.
"Oo—I mean hindi ah! Ano, wala lang, gusto ko lang mapag isa." hindi niya inalis ang mata niya sa 'kin kaya medyo nailang ako at napaiwas ng tingin.
"Dalhin ko na 'to hehe. Lilibutin ko nalang ang buong campus."
Engot, Salve! Lilibutin talaga ha? Sa laki ng paaralan na 'to?! Good luck sa kasinungalingan.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad na akong lumabas bitbit ang ice cream ko. Habang naglalakad ay lilinga linga pa ako sa paligid, baka lang kasi mahagilap ko si Kyler—teka, wala nga dito 'di ba? Bakit ko hahanapin?! Tsk.
I was about to scoop nang mapansin kong wala na akong hawak sa isang kamay at tanging kutsara nalang sa isa ko pang kamay.
"A pay for bothering the precious me.."
Wtf??!!
Then, inisang laklak no'ng matangkad na lalaki ang ice cream ko. Pagkatapos ay tinapon niya iyon sa malapit na basurahan bago humarap sa 'kin.
Napalunok ako nang magtagpo ang mga paningin namin.
Bahagyang napaawang ang labi ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang puso ko ay heto't tumatakbo na naman sa marathon.
"Okay kana ba?" tanong niya na nagpa talbog ng husto sa dibdib ko. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko dahil baka mahimatay na naman ako kagaya kanina.
Hindi ko magawang sumagot dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya ngayon samantalang halos kausapin ko na ang sarili ko kanina sa paghahanap sa kaniya.
"Hey, woman!" ipinitik niya ang mahaba niyang daliri sa harap ng mukha ko kaya para akong nagising na parang tanga.
"U-uh, 'yung ice cream k-ko.." iyon ang kusang lumabas sa bibig ko na ikina mura ko nang mahina.
Engot! Ano na ngayon ha? Nakita mo na Salve, anong gagawin mo?
Ngayon ko lang naisip kung ano bang gagawin ko kapag nakita ko siya. Hindi naman ako pwedeng tumambling sa harapan niya.
"It's a pay for bothering me.." sagot naman niya.
"Uh—hindi ko n-naman sinasadyang abalahin ka k-kanina, m-malay ko b-bang sumunod ka p-pala." syete.
"Really?" hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko sa pag-ngisi niya.
Nakatanga lang ako hanggang sa unti unting nawala ang pagka-ngisi sa mga labi niya. Napalunok ako at nag iwas ng tingin.
"I gotta go now." ngayon ko lang napansin na may sukbit siyang bag sa likod niya at hindi siya naka-uniform.
Gusto ko sanang magtanong pero tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad palayo sa 'kin. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba ang gusto kong sabihin pero sa huli ay nakumbinsi ko rin ang aking sarili.
"Kyler! Salamat!" huminto siya saglit. Lilingon sana siya sa gawi ko pero kumaripas na ako ng takbo palayo. Ayaw kong makita niya ang mapula kong mukha habang nagpapasalamat sa kaniya 'no!
Hindi ko alam pero parang naging good mood ako bigla. Parang noong makita ko na ang hinahanap ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. Kahit 'di ko na siya natanong kung bakit 'di man lang siya dumalaw ay parang nawala lang nang bigla lahat ng init ng ulo ko kanina. Parang magic lang —teka! Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko? Grr!
Dahil walang magawa ay naisipan ko nalang na lumabas muna ng campus. Balak kong bumili ngayon ng bagong published na libro ni Owwsic. Kahit pinapatay niya ang mga karakter niya, still, fan niya pa rin ako.
Nag-grab lang ako ng taxi papunta sa pinakamalapit na bookstore. Pagbaba ko ay agad akong nagbayad sa driver.
Hindi din naman ako nagtagal sa pagbili dahil agad ko rin 'yong nahanap. Tatlo ang binili ko para na rin kena Camille at Leean. Pero—yah! 'Di 'to libre 'no! Pababayaran ko 'to syempre sa kanila. Talagang good mood lang ako't dinamay ko na pati sila.
Ngingiti-ngiti pa ako palabas habang sinisilip ang paper bag ng tatlong libro. Naeexcite kasi akong basahin eh hehe. Parang 'di na magawang makapaghintay ng mata't utak ko na basahin ang nakasulat dito.
Hays, tiis lang! Malapit nang mag-uwian!
Nang dumating ang taxi na binok ko ay agad akong sumakay. Pansin kong may mali at may napansin akong kakaiba pero 'di ko na pinansin.
Pansin ko ang pagbilis ng takbo ng taxi kaya nakaramdam ako ng kaba. At mas nadagdagan pa ang kabang nararamdaman ko nang mapansin kong naka-bonet ang driver at nakatingin sa 'kin.
"Tulog ka muna..." pagkasabi niya no'n ay may pinindot siya sa sadakyan niya at may lumabas na usok. May kinuha siyang pantakip sa ilong niya pero sa 'kin wala.
Unti unti nang dumadami ang usok at nahihirapan na rin akong huminga. Sinubukan kong buksan ang bintana sa tabi ko pero naka-lock iyon!
Syete!
Hindi ko na alam ang gagawin ko, isabay mo pa ang kalabog ng dibdib ko na nagpapadagdag sa pagkataranta ko.
Lumilipas ang bawat sigundo at unti unti ring akong nawawalan ng pagasa. Hindi ko alam kung saan patungo ang sasakyan na 'to at wala akong ideya!
Mas lalo pang dumami ang usok at nanghihina na rin ako. Pero naisip ko pa rin kung paano nakakapagmaneho ang lintik na driver na 'to. Dahil sa usok ay hindi niya napansin ang pagdukot ko sa phone ko. Nag message ako sa kung sinuman. Hindi ko na nakita pa ang pangalan dahil nanlalabo na ang paningin ko sa luha at nahihirapan na rin akong huminga.
"T-tulong..."
****
"Why did you go alone huh? Tsk, you're so stubborn!"
"You almost died! Can you hear me? Muntikan ka nang matuluyan!"
"You're just near! Too near to pass out!"
May naririnig akong boses!
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa loob pa rin ako ng sasakyan pero wala nang usok. Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko dahil mukhang hindi na ako makakauwi nang buhay nito. Hindi ko na matutupad ang pangarap kong makita ang BT—
Halos mahulog ako sa kinahihigaan ko nang biglang tumigil ang sasakyan buti nalang at napakapit ako agad sa upuan.
"Why are you crying?!" napatigil ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kilalang kilala ko kung kaninong boses iyon.
Napahagulhol nalang ako dahil imposible namang mapunta siya dito. Baka nga nananaginip lang ako!
Naramdaman ko ang pag-upo ng kung sinuman sa may paanan ko kaya napatigil ako sa pag-iyak. Kakaibang lukso ang naramdaman ko sa puso ko nang maamoy ang pamilyar na pabango.
Maya maya'y naramdaman ko ang mga kamay na humawak sa magkabilang braso ko upang iupo ako nang tuwid. Hindi ko pa rin iminumulat ang aking mga mata dahil kung panaginip man ito...ayaw ko pang magising.
"Hey!"
'Wag kang didilat Salve!
"Salve.."
Hindi si Kyler 'yan! Guni guni mo lang ang boses niya!
"Tsk, hey! Open your eyes!"
Masama ang driver na 'to...pati ba naman boses ni Kyler gagayahin?!
"Salve, ope—" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Agad na lumanding ang kamao ko sa pagmunukha niya.
Nang idilat ko ang mga mata ko ay muntikan na akong mapatalon sa gulat dahil..
Syete!
"K-Kyler?" nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. Sapo sapo niya ang kaniyang kanang mata na siyang tinamaan ng kamao ko kanina.
"What have you done?!"
Hala, nagalit!
"K-Kyler, sorry! H-hindi ko naman kasi alam na—"
"Tsk, get out!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"A-ano?!"
"I said, get out!" nagulat ako sa bigla niyang sigaw pero napalitan din iyon ng awa at konsensya.
Bakit ba kasi hindi ko pa minulat ang mga mata ko—omg!
Lalabas na sana ako nang may maalala ako. "Kyler, pa'no ka napunta di—"
"Get out." madiin niyang sabi habang nakatakip sa isa pa niyang mata.
"Nagtatanong lang eh.." bulong ko at lumabas na ng sasakyan. Tinignan ko pang mabuti ang sasakyan at hindi na ito ang taxi na sinakyan ko kanina!
Ano bang nangyari?
Hindi pamilyar sa 'kin ang lugar nang lumabas ako. Nagpalinga linga pa ako pero wala akong may makitang pamilyar na lugar sa 'kin. Maya maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan at niluwa no'n si Kyler na masama ang tingin sa 'kin.
May side pala siyang gano'n? Another kaalaman! 'Wag susuntukin sa mata..
Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil nakokonsensya ako sa ginawa ko.
Naglakad siya papunta sa malaking bahay kaya napatingin ako sa kaniya. Wala naman siguro siyang balak na magnakaw 'di ba?
"Ano, d'yan ka nalang?" nagulat ako ng bigla niya akong sigawan pero agad din namang nakabawi at napaturo sa sarili ko kung ako ba ang tinutukoy niya.
"Ako?"
"Ayy, hindi!" puno ng sarkasmong aniya.
May pagka-pilosopo din pala siya hihihi...
Pansin kong high blood siya kaya sumunod nalang din ako kahit wala akong kaide-ideya kung kaninong bahay 'tong pinapasok namin.
"Nasaan ba tayo—"
"Don't talk to me." napanguso nalang ako dahil sa kasungitan niya.
Nag linga linga ako sa paligid dahil sa lawak ng bahay. Ngayon ko lang din napansin na hapon na at baka hinahanap na ako sa amin.
Pumasok kami sa isang malaking pinto na halos ilang metro ang taas kesa sa 'kin. Napa wow nalang ako nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Ang lawak ng loob na parang palasyo, magara din ang mga furniture at halatang mamahalin. Ang iba namang mga aning aning ay tiyak ko ring mamahalin dahil nakita ko na ang mga ito sa mga mamahaling pamilihan na disenyo ng mga sikat na artista.
Pero nakapagtataka lang dahil sa lawak ng bahay ay wala akong makitang tao kagaya ng mga kasambahay. Kung kanino mang bahay 'to ay tiyak naman akong mayaman sila at afford nila ang mga maids pero kahit butler ay wala akong makita.
May nakita akong lalaki na pababa ng hagdan. Maamo ang mukha nito at...parang may ka-mukha. Pamilyar ang mukha niya sa 'kin at parang may nakita na akong tao na ka-mukha niya.
Nang tuluyang makababa sa mahaba't malaking hagdan ay kaagad siyang lumapit sa amin at ngumiti.
Ang gwapo niya pero mas gwapo pa rin si Kyler—
"Kuya Jin!" salubong niya. Muntik ko nang makalimutan na Jin pala ang pangalawang pangalan ni Kyler.
"Where's Dimin?" tanong ng kasama ko. Syempre sa malalim at malamig na paraan.
"Nasa taas. Wait, anong nangyari sa mukha mo?" napaiwas na ako ng tingin sa oras na 'to. Nagkunyari akong titingin tingin sa mga painting na nakasabit sa paligid.
"Some owl hit me.." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero 'di ko pinahalata. Pati ba naman siya, nakiki-kwago na rin?!
"Huh?" ito namang isa ay tila 'di naka gets.
"That owl with a big big eyes, hit me. That animal must get in jail!" hindi ko na napigilan ang sarili kong humarap sa kaniya.
"Yah—!"
"I'm going upstairs.." aniya at walang lingon na naglakad paakyat ng hagdan.
"Walang hiya.." bulong ko.
"You are?" napalingon ako sa nagsalita.
"S-Salve..." ngumiti naman siya.
"I'm Devoon.." inilahad niya ang kamay niya sa 'kin na agad ko namang tinanggap.
Medyo naiilang ako sa ngiti niya kaya napaiwas na ako ng tingin sabay bawi ng aking kamay.
"You're familiar tho.." napatingin naman ako sa kaniya. Nakapamulsa ito at maganda rin ang tindig, hula ko mga junior high school palang 'to dahil hindi pa siya masyadong matured.
"We didn't met before." sagot ko naman.
"Yeah, but you're really familiar to me." ngumiti siya. "Anyways, why are you with Kuya Jin?" napalunok naman ako sabay ng pag-iwas ng tingin.
Ano bang isasagot ko eh hindi ko din naman alam kung bakit? Basta ang naaalala ko lang ay nasa taxi ako kasama 'yung lintik na driver eh. Grr, parang may trauma na yata ako sa mga taxi ngayon.
"U-uh hindi ko din a-alam eh hehe." kung pwede lang sana akong tumakbo baka kanina ko pa ginawa.
"Eh?" natatawang aniya.
"Kasi...nagising nalang ako na nasa sasakyan niya na ako."
"Oh? He kidnapped you?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit ba 'di ko naisip 'yun kanina?
"Hala, kidnapper si Kyler?"
"Haha just kidding. I know he can't do that." patawa rin 'tong isang 'to eh kung 'di lang sana gwapo.
Nameke nalang din ako ng tawa para 'di siya magmukhang tanga kakatawa mag-isa.
"What? She must be insane!"
"Yeah, told yah. She will definitely do whatever she thinks just to get what she wants."
"She's obsessed, Jin."
"I don't know what to do."
"Of course it will cause big trouble now that she planning to get back here."
Narinig namin ang mga pamilyar na boses at mga yabag pababa ng hagdan. Una kong nakita si Kyler na parang stress na stress sa buhay at may malaking problemang kinakaharap. At—
Hala!
Pamilyar sa 'kin ang nakasalamin na kasama niyang pababa ng hagdan. Inisip ko pa kung saan ko nakita ang lalaking 'to—
Ang SSC president!!
Siya 'yung humarang sa daraanan namin kanina lang. Bakit ko ba nakalimutan agad eh sa gwapo niyang 'yan? Siya 'yung tipong maiisip mo minu-minuto. Pero anong ginagawa niya dito?
Hanggang sa makalapit sila sa amin ay 'di ko pa rin magawang alisin sa kaniya ang mga magaganda kong mata. Hindi kasi ako makapaniwala na makikita ko siyang...naka sando at shorts lang, kumpara kanina na naka uniform at may nangangalingasaw na authority.
Ang hot niya..
Sa kakatitingin ko sa kaniya ay hindi ko magawang pansinin si Kyler na nasa tabi niya lang. Bakit ko naman siya papansinin eh tinawag niya akong kwago kanina? With matching big big eyes pa ang pucha.
Tumingin sa 'kin ang SSC president kaya nginitian ko siya ng matamis.
"Annyeong, president!" nag bow pa ako ng slight para feel na feel ang korean gestures ko.
"I think I've seen you.." antok ang boses niya pati ang mga mata niya.
"Ah, yes. Kami 'yung hinarang mo kanina sa school."
"Marami akong hinarang sa school."
"Uh, isa ako sa kasama ng Vice president kaninang umaga na hinarang niyo.." Hindi ko alam kung anong mero'n sa 'vice president' na bigla nalang siyang nag-iwas ng tingin at napalunok.
"I see.." naituran niya nalang.
"We gotta go. I see you tomorrow." singit ni Kyler pero 'di ko pa rin siya tinapunan ng tingin. Nanatili kay president ang mga mata ko.
"Okay."
"Let's go.." alam kong ako ang sinasabihan niya pero 'di pa rin ako nagpatinag.
"I said let's go.." seryosong aniya pa. "Salve.."
"Uh, ano nga palang pangalan mo?" tanong ko kay president para 'di ako magmukhang tangang nakatingin lang sa kaniya.
Inayos niya ang salamin niya gamit ang kaniyang mahahabang daliri bago sumagot. "Dimi—"
"He got the most ugly name in the universe.." biglang singit ni Kyler tapos ay hinila ako palabas ng bahay.
Nabaling ang atensyon ko sa dibdib kong bumabayo na naman dahil sa pagkakahawak niya sa 'kin. Ito ang pangalawang pagkakataon na hinawakan niya ang kamay ko. Pero agad din siyang bumitaw nang makarating kami sa sasakyan niya. Madilim na sa labas.
"Get in." pinakalma ko muna ang paghinga ko bago ako humarap sa kaniya.
"Ayuko nga." pagmamaktol ko. Nawawalan talaga ako ng hiya sa katawan kapag may kasalanan sa 'kin ang isang tao.
"Gusto mo bang magpaiwan dito?" kunot noo niyang tanong.
"Kung pwede sana. Gusto ko kasing malaman ang pangalan—"
"He got the most ugly name in the universe." pakikipagtalo niya pero aba naman, army 'to!
"Eh ano naman? Gusto ko siyang makilala eh! Kahit pa Pedro Penduko ang pangalan niya!"
"Aish, seriously?" ang mahahabang daliri niya ay marahang humagod sa buhok niyang palaging messy. "Fine, maiwan ka dito." pagkasabi niya no'n ay agad siyang sumakay at pinaharurot 'yun palayo.
Nakatanga lang ako at 'di makapaniwala sa ginawa niya. Nang maka-recover sa pagkabigla ay napa-upo ako sa semento at sinabunutan ang buhok ko.
Iniwan niya ba talaga ako dito??!!