NAKAUPO ako sa kama at nakasandal ang ulo sa headboard habang pinagmamasdan ang dalawang bruha na tumatawa. Wala akong ibang magawa kundi ngumuso at umirap dahil naalala ko na ang mga kahihiyang ginawa ko noong isang gabi. "Grabe talaga! Hindi na ako makahinga!" tatawa tawang ani ni Camille. Inirapan ko ito. "Makatawa wagas! Akala mo naman walang may ginawang kahihiyan sa bar! Amp!" "Mas nakakahiya kasi ang ginawa mo, bruha ka!" at muli na naman itong tumawa. "Tanungin mo ba naman ang Tatay mo kung virgin pa ba siya sa harap ng maraming tao!" Naalala ko na. No'ng oras na malasing ako ay wala na akong balak na tumigil sa pag-inom no'n. Ang isip ko ay wala na sa tamang andar dahilan para lumabas ang mga hinanakit kong matagal ko nang naipon. At pagkatapos ko ngang magdrama, do'n na lumab
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


