Episode 26

3308 Words

Mariin akong napapikit nang maramdaman ang sakit ng ulo ko. Pupungas pungas pa akong bumangon habang sapo sapo ang ulo ko. "Napapala ng mga lasenggera. Oh 'eto, inumin mo!" Napatingin ako sa paanan ng kama ko nang makita ko ang nakakunot na mukha ni Papa. Ngayon ko lang napansin na nakaupo pala siya sa couch sa may paanan ko. Inabot niya sa 'kin ang isang piraso ng gamot at saka ako inabutan ng tubig. "Ano 'to Pa?" taka kong tanong. "Advil, para sa umiikot mong mundo," ngumiwi nalang ako bago inumin ang gamot na binigay niya. Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Nang unti unti nang luminaw sa 'kin ang memorya kagabi ay napatakip nalang ako sa bibig ko. "Pucha," mahina kong bulong. "Naalala mo na ang mga kagagahan mo kagabi? Diyos ko ka, Salve! Nakakahiya ka!" Napakurap ku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD