Lumilipas ang minuto at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi kasi ako mapalagay dahil katabi ko lang siya. Naiilang ako, syete!
Minsan siyang napapalingon sa 'kin at gano'n din naman ako sa kaniya. At kapag nagtatama ang mga paningin namin ay paunahan nalang kami ng iwas. Sa totoo lang ay para kaming mga tanga sa ginagawa namin.
"Where's your place?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"V-vezcarra subdivision.." tumango naman siya at hindi na muling nagsalita.
Sa pagkakaalam ko ay medyo malayo pa ang subdivision namin. Sa high way kasi kami dumaan. Kapag kasi sumasabay ako kay Camille ay sa short cut kami dumadaan. Wala kasi kaming helmet ni Leean at baka matikitan kami.
"U-uhm, ilang taon ka na?" pagsisimula ko ng usapan. Tumingin naman siya sa 'kin pero agad ding ibinalik sa daan ang kaniyang paningin.
"19.."napatango naman ako.
"So, grade 12 ka na?"
"Yeah.." bakit ba ang iksi ng sagot niya?!
"Uhm, transferee ka 'di ba? Saang school ka galing?"
"Athena.."
"Bakit ka nag transfer?"
"Because I want to.."
Mukha naman akong imbestigador sa mga tanong ko. Isang tanong isang sagot lang talaga ang Lolo niyo. Nag-isip pa ako ng mga tanong na pwede kong itanong sa kaniya.
"Uh, may jowa ka?"
Wtf Salve?!
"U-uh, I mean—"
"No, I don't have.." sinabi niya 'yun habang nakatingin mismo sa mga mata ko kaya napalunok ako.
"Ah, okay."
"How about you?"
"H-ha?"
"How long was you're relationship with Joshua?" napaisip naman ako kung ilang taon na kaming magkaibigan ni Joshua.
"Mm, mga 3 years na. Grade 8 kami noong magkakilala kami.. " tumango naman siya at nakita ko ang bahagya niyang paglunok.
"I see.." wala na muling may nagsalita sa amin pagakatapos no'n. Sa labas nalang ako ng bintana tumingin at inaliw ang sarili sa pagtingin sa langit na papadilim na.
Nang tignan ko ang oras sa phone ko ay 5:27 na at mukha nang padilim. Naalala ko na naman ang mga kaibigan ko kaya pinigil ko ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Ang langit kasi ang madalas naming pagtripang tatlo, gumagawa kami ng iba't ibang mga drawing gamit ang mga ulap.
"Kyler..." tawag ko sa pansin niya.
"Yeah?"
"P-pwede bang ibaba mo nalang ako do'n sa may bridge?" patukoy ko sa tulay kung saan ay madalas naming tambayan.
Tumaas ang isang kilay niya nang tumingin siya sa 'kin. "U-uhm, may gagawin lang ako."
"Are you planning to commit sui—"
"Hoy, hindi ah! Grabe ka naman! Magpapahangin lang ako at pagmamasdan ang kalangitan habang padilim. 'Yun kasi ang madalas naming gawin eh. Pwede mo naman akong iwan, magpapasundo nalang ako.." dire diretso kong saad.
Tumango naman siya. "Okay.."
Nang makarating sa bridge ay agad akong bumaba. Walang gaanong sasakyang dumadaan dito kapag hapon kaya dito kami madalas tumambay. Lalo na noong walang pasok. Hobby na kasi namin ang manood ng sunset tuwing hapon kapag maganda ang panahon.
Kumapit ako sa railings at nilanghap ang sariwang hangin. Hindi ako tumitingin sa ibaba dahil alam kong mataas ito at isa pa ay may phobia ako sa matataas. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang dinadama ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko.
"Iwan mo nalang ako dito.." nakapikit na saad ko. Pero imbes na marinig ang pagharurot ng sasakyan ay naramdaman ko ang mga yabag niya palapit sa kinatatayuan ko.
"I can't." mabilis akong napamulat ng mga mata at gulat na tumingin sa kaniya.
"B-bakit?" OMG! Nag-aalala ba siya sa ak—
"I'm the last person you bumped to so I will be the suspect if something's happened to you.. "
Teka! Naguguluhan ako sa sistema ko! Dapat ba akong kiligin o hindi? Pero hindi naman siya nag-aalala dahil—sarili niya ang inisip niya! Ediwao nalang Salve, asa kapa.
"Ah," hindi nalang ako umimik at ibinalik nalang ang atensyon sa langit na ngayon ay padilim na. Pinabayaan ko nalang siya at hindi siya pinansin kahit pa nagwawala ang loob loob ko sa isiping kasama ko siya ngayon.
Sinong mag-aakalang noong isang araw ko palang siyang nakita at kanina palang kami nagpakilala ng pormal ay nagkasama na agad kami ng ganito? At ihahatid niya pa ako sa amin! Pero agad ding napalis ang magandang isiping iyon nang mapagtanto kong wala namang ibig sabihin iyon.
Hindi na talaga ako magkaka-lovelife. Lol.
"Ang ganda ng langit." 'di ko mapigilang hindi ibuka ang mga bibig ko dahil sa ganda ng kalangitan.
Kinuha ko ang phone ko at agad na kinunan ng litrato ang kalangitan. I love sunsets. Marami na akong collection ng sunset pictures na ako mismo ang kumuha. Palagi kasi akong kumukuha ng litrato kapag may pagkakataon at iniipon iyon. Parang katumbas ng pagmamahal ko sa BTS ang pagmamahal ko sa sunsets, stars and moon.
Matapos kong kunan ang kalangitan ay agad ko itong inadd sa story ko sa f*******:. Ang caption ko lang ay time. Pagkatapos kong mai-add ay agad kong itinago sa bulsa ko ang phone ko.
Dahil madilim na at naisipan ko nang umuwi. Nang lingunin ko si Kyler ay salubong ang kilay niya habang nakatingin sa likod. Sinundan ko naman ang tingin niya pero wala naman akong may nakikitang kakaiba.
"M-may problema ba?" hindi ko mapigilang tanong.
"I think someone's watching us." pagkasabi niya no'n ay naglakad na siya papuntang sasakyan at binuksan ang passenger seat.
"Get in." naghuhurumintado man ang sistema ko ay nakaya ko pa ring maglakad papasok sa sasakyan.
Gentleman.
Umikot siya patungong driver seat at agad na pinausad ang sasakyan. Sa una ay dahan dahan lang ang pagpapatakbo niya ngunit kalauna'y napakapit na ako sa upuan nang bigla itong bumilis.
"s**t, fasten your seat belt!" kahit nasa ganito kaming sitwasyon ay nakuha pa ring kiligin, mga 40%.
Sa salamin na nasa bintana ay nakita ko ang pulang kotse na sa tingin ko ay sumusunod sa amin. Nang lumiko kami ay lumiko din ito kaya 'di ko na napigilan ang kabang namumuo sa dibdib ko.
Djnig ko ang mahinang mura na binubulong bulong ni Kyler sa bawat sigundong bumibilis ang takbo ng sasakyan.
"S-sino ba ang sumusunod sa 'tin?!"
"I don't know!" tinignan kong muli ang sasakyan sa salamin ng bintana at nakasunod pa rin ito.
"s**t!"
Hindi ko na mapigilan ang kaba sa dibdib ko. Paano nalang kung mga holdaper ang laman ng sasakyang iyon? O 'di kaya'y mga mamamatay tao? Pero bakit naman kami, eh wala naman kaming ginagawang masama? Hindi kaya—
"What's that stare for?" aniya nang mapansin ang kakaiba kong tingin sa kaniya.
"Baka naman drug addict ka at ikaw ang hinahabol nila?" Naku lang talaga, pag nagkataon, talagang uncrush sa 'kin 'to!
"What the hell?" agad niyang bulalas. "A handsome drug addict? I doubt that."
Bakit kaya kahit ang hangin ng pagkakasabi niya ay hot pa ring pakinggan?
Siya lang yata ang taong nakilala kong mayabang na hot. Oh well, totoo naman ang pinagmamayabang niya.
Kung saan saan kami lumiko para lang iligaw ang sumusunod sa amin. Halos abutin pa kami ng ilang oras. Ramdam ko ang pag-vibrate ng phone ko kanina pa pero masyado akong aligaga sa sitwasyon para masagot ang mga iyon.
Quarter eight pm na nang tuluyang maligaw namin ang sasakyang sumusunod sa amin. Kapwa habol ang hiningang napasandal kami sa kaniya kaniyang sandalan.
"Sino kaya ang mga iyon? Grabe naman, ang tindi nila! Ano kayang kailangan nila't hinahabol tayo?" nagmukha lang akong ewan dahil wala akong may nakuhang tugon mula sa kaniya. Nakatingin lang siya sa manibela at halatang malalim ang iniisip.
Muling nag-vibrate ang phone ko kaya sinagot ko na 'yon. Hindi ko pa man tuluyang naididikit sa tenga ko ang phone ay agad ko ring nailayo dahil sa lakas ng boses na sumalubong sa 'kin.
"POR DIOS POR SANTO, SALVE!! NASAAN KA BANG BATA KA'T 'DI KA PA UMUUWI?! HINDI KA RIN SUMASAGOT SA MGA TAWAG NAMIN! TINANONG KO SILA CAMILLE AT LEEAN KUNG NASAAN KA PERO WALA RIN SILANG ALAM!! ALAM MO BANG MARAMING LOKO LOKO SA LABAS AT BAKA KUNG MAPA'NO KA?! NAG-IISIP KA BA, HA SALVE?! BAKIT 'DI KA NAGSASALITA?! YOBOSEOYEO?!" Ang OA kong tatay, bow.
" Paano pa ako makakapagsalita eh wala kayong preno? Tsk."
"ABA KANG BATA KA! NASA—"
"'Wag ka nga pong sumigaw! Humihiwalay na tenga ko!"
"Eh, nasa'n ka nga?"
Napatingin naman ako kay Kyler na nakatingin din pala sa 'kin.
"U-uh, I'm with my friend. G-gumagawa po kami ng reports."
Oh, God, sorry for lying!
" Eh, gabi na ah? Hindi pa ba tapos 'yan?"
"Actually, pauwi na po ako. Traffic lang."
"Aba, umayos ka Salve! Kapag nalaman kong bunt—"
"PA!"
"'Wag mo 'kong masisigawan! Ina-advance ko lang!"
"Ediwao,bye!"
"T-teka—" pinatay ko na ang tawag at umayos ng upo.
"T-tayo na. Hinahanap na ako sa 'min."
"You lied." saad niya bago buhayin ang makina ng sasakyan.
"Walang choice e," Kahit 'di ko tignan ay ramdam ko ang pagtaas niya ng kilay. Ewan, ramdam ko lang.
"You should have told the truth." bakit parang disappointed ang tono ng pananalita niya?
"U-uh, hehe." wala naman akong maisasagot kaya pekwnv tawa ngiti nalang ang itinugon ko. May point naman siya kasi, dapat nagsasabi ako ng totoo sa tatay ko.
Hays.
Pero kasi, OA 'yun e.
Pagdating sa subdivision ay nagtaka ako kung bakit 'di muna kinilala ang driver o 'di kaya ang nakasakay. Yumuko pa nga ang dalawang guard at parang kilala nila ang kotse. Nakapagtataka lang dahil hindi naman taga dito si Kyler.
Malawak ang subdivision kaya nakadalawang ikot pa bago marating ang bahay namin. Ipinarada niya iyon sa tapat ng gate namin.
Bakit parang kinabahan ako bigla? Parang naiilang ako na ewan.
"U-uh salamat nga pala.." sa uulitin.
Syete ka, Salve!
"Don't mention it." malamig na malalim na boses na aniya. Tumingin siya sa 'kin at nagtama ang paningin namin. Ayon na naman ang uri ng pagtitig niya na parang naaaliw sa nakikita. Pero, mahirap mag assume.
"Uh, una na 'ko. Ingat pauwi.." naiilang na sabi ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto pero naka lock iyon kaya muli akong napatingin sa kaniya.
"Kyler, 'yung pinto, naka lock." para siyang natauhan na ewan.
"Ah—yeah. Sorry," tumango naman ako at ngumiti muna bago lumabas ng sasakyan.
"Palabasin mo,"
Ayy!
Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Papa na 'di ko alam na nasa gilid ko pala't nakatunghay. Ang mukha niya ay seryoso at ma awtoridad din ang tono ng pananalita niya.
"H-ha?"
"I said, palabasin mo ang driver." napalunok naman ako nang mariin.
Teka, pa'no ba 'to?!
Akmang kakatukin ko na ang bintana ng sasakyan nang biglang bumukas ang pinto sa kabila at lumabas si Kyler.
"Good evening ho," nag bow pa ito. Heto't ang puso ko'y naghuhurumintado na naman sa kinalalagyan nito.
Wala siyang may natanggap na tugon kay Papa kaya liningon ko ito. Nakabukas nang bahagya ang bibig nito at nanlalaki ang mga mata.
Pusta ko, OA na naman ang tatay ko..
"Oh my God.." bulong niya.
Akala ko ay magagalit si Papa o 'di kaya'y kikilatisin si Kyler pero laking gulat ko nang kabaliktaran ang ikinilos nito.
"Come in hijo. Get inside!" inalalayan niya pa ito papasok ng gate samantalang ako ay hindi pinansin.
Hello, ako ang anak dito!
So Kyler naman ay walang nagawa kundi sumunod kay Papa dahil hinawakan siya nito sa balikat at pilit na pinapasok. Nagtatawag pa si Papa kayla Mama na animo'y nakakita ng ginto sa labas.
Naiiling na sumunod nalang ako. Akala ko pa naman ay yayakapin agad ako ni Papa kapag makita niya ako dahil ang OA niya kanina sa phone habang magkausap kami tapos nang makita niya si Kyler ay inasikaso niya agad ito.
Nang makarating sa loob ng bahay ay nagulat ako nang makita sina Camille, Leean at Joshua na nasa sala. Nang makita ako ay agad silang nanakbo papunta sa gawi ko at agad akong niyakap.
"God, Salve! Nag-alala kami nang sobra sa 'yo! Bakit ba kasi umalis ka nalang bigla nang hindi kami hinihintay?!" nangunot ang noo ko at humiwalay sa yakap nila.
"Nagbibiro kaba Camille? Ikaw 'tong may sabing mauuna na kayo kasi may lakad pa kayong dalawa tapos magtatanong ka kung bakit 'di ko kayo hinintay?"
"Wait, what do you mean? Wala naman akong sinabing gano'n ah? Hindi nga tayo nagkausap buong araw!"
"Eh, 'yun ang sabi ni Claire!" patukoy ko sa isa naming kaklase na nagsabi sa 'kin kanina.
"Wala kaming may pinuntahan. Actually, hinintay ka pa nga namin sa labas ng gate eh." mukha namang totoo ang sinasabi niya pero paano naman ang sinabi ni Claire?
"It doesn't matter. God, we miss you Salve!" at yumakap ulit siya sa 'kin. I can't deny the fact na namiss ko rin sila kahit isang araw lang kaming hindi nagakausap.
"Leean?" pagtawag ng pansin ni Camille dito. Napangiti ako nang hindi niya magawang makatingin ng deretso sa 'kin.
Ako na mismo ang lumapit at yumakap sa kaniya. "Sorry, sorry talaga! Promise, hindi ko na kayo tatanungin kung may problema kayo.." kahit parang unfair pakinggan.
" Salve.." gumanti rin siya ng yakap sa 'kin at naramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya kaya napaiyak na rin ako.
"S-sorry rin Salve...Hindi ko sinasadya ang mga sinabi k-ko kanina sa 'yo.."
"Hush, okay na 'yun.." naramdaman ko ang pagyakap ni Camille sa aming dalawa at lahat mg kalungkutan kong naramdaman kanina ay unti unting nawawala.
"'Wag na ulit tayong mag-aaway ah?" alam kong pinipilit lang ni Camille na patigasin ang boses niya kahit basag na ito. Hindi niya kasi kayang ipakita ang mahinang side niya sa 'min kasi kung baga ay siya ang pinanghuhugutan namin ng lakas ni Leean.
Tumango nalang kaming dalawa ni Leean. Nang maghiwalay kami ay saka lang bumalik sa isip ko na kasama ko pala si Kyler.
"May hinahanap ka?" sumisinghot pang tanong ni Leean.
"Hinahanap ko si Kyler. Nakita niyo ba?"
"Hindi ko nakita si—ANO?! NANDITO SI KYLER?!" gulat na tanong ni Camille.
Tumango naman ako. "Siya ang naghatid sa 'kin."
"Hala, hoy Camille! Akina isang libo!" tatawa tawang ani ni Leean na animo'y hindi umiyak kanina.
"Ang daya naman! Utangin ko muna!"
"Hindi 'yan kasali sa usapan, Cagadas!"
"Tsk, mayaman kana naman eh! Baka pwedeng kalimutan nalang natin ang pustahan?"
Hinagilap ng paningin ko si Kyler pero hindi ko na ito makita. Wala rin sina Mama at Papa, pati na rin ang kapatid kong tukmol. Sa kalilibot ko ng paningin ay iba ang nakita ko. Nakapamulsang nakatayo si Joshua habang matiim na nakatingin sa 'kin. Hindi ko na siya napansin kanina dahil nakatuon ang atensyon ko sa dalawang 'to.
"Tama na ang daldal, Cagadas. Akina ang isang libo." kapag seryoso si Leean ay tinatawag niya na kami sa mga apelyido namin.
"Utang nga muna.."
"Ano bang pinagtatalunan niyo d'yan?" tanong ko habang iniiwasan ang tingin ni Joshua. Nakakailang kasi siya kung tumingin eh.
"'Wag mo kaming intindihin. Intindihin mo si Kyler.." napangiwi nalang ako sa nanunukso nilang tingin.
Parang alam ko na. Tinuloy nga yata nila ang pustahan nila noong nakaraan. Mga bruha. Mahal kong mga bruha.
"Wala akong dalang salapi!"
"Edi, puntahan natin sa inyo!"
"Hala, ang desperada mo naman. Talagang uuwi pa ako sa amin para lang kumuha ng isang libong pambayad sa 'yo?"
"Natural!"
"Hindi na ba natin magagawan ng paraan 'yan?" parang mabigat na problema ang pinapasan ni Camille sa tono ng pananalita niya.
"Hello? Isang libo lang 'di mo mabayaran?"
"Para sa'n pa't tinawag akong kuripot 'di ba?"
"Aish, halika na! Bayaran mo ang isang libo!" hinila niya si Camille hanggang sa makalabas sila ng kabahayan. Kaya ang ending ay naiwan kaming dalawa ni Joshua.
Nasaan na ba kasi si Kyler? Kinakabahan ako dahil baka kung ano na namang pinagsasasabi nila Mama at Papa sa kaniya. Lalo na ang kapatid kong tukmol! Malamang ay sinisiraan na ako no'n sa kaniya!
"Salve..." napalingon ako kay Joshua.
"B-bakit?" kinakabahan kasi ako sa uri ng tingin niya sa 'kin eh. Para bang may kasalanan akong nagawa, gano'n.
Lumapit siya sa 'kin at parang slow motion iyon sa paningin ko. Parang ibang Joshua ang nasa harap ko ngayon. Nang tumigil siya sa paglakad ay isang metro na lang ang pagitan namin.
"Saan ka nanggaling?" Bakit ang lamig ng boses niya?
" Ah—k-kasi ano... d'yan lang." napayuko ako dahil hindi ko magawang tumingin sa kaniya.
Nagulat ako nang bigla nalang niya akong yakapin nang mahigpit.
"Akala ko may nangyari nang masama sa 'yo. God, I think 'di ko mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak ka't wala ako sa tabi mo.."
Ano bang sinasabi niya?
Kahit naguguluhan ay yumakap nalang ako pabalik sa kaniya. Baka nag-alala lang talaga siya kaya niya nasasabi ang mga katagang iyon.
"P-pasensya na kung napag-alala kita—"
"No, ayos lang. Hindi mo kasalanan."
Ang gulo niya.
Ramdam kong may nakatingin sa 'kin kaya pasimple kong niligid ang paningin ko—
Syete, ang puso ko!!!
Nakita ko si Kyler na nakatingin sa aming dalawa ni Joshua. Akma na akong bibitaw sa yakap ni Joshua pero mas lalo pa niya iyong hinigpitan.
"A minute, Salve. A minute." wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya nalang. Nakatalikod kasi siya sa gawi ni Kyler kaya hindi niya ito kita.
"Hindi mo alam kung ga'no ako nag-alala sa 'yo, so please let me hug you in a minute."
Sabi ko nga..
Hindi ko alam pero kusa akong napapatingin kay Kyler na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa 'min. O mas tamang sabihing sa akin!
Ang uri ng tingin niya ay hindi ko mawari. Ang hirap niyang basahin! Though, hindi ko naman talaga alam kung ano ang tinatakbo ng utak niya. Pero gusto kong malaman! Gusto kong malaman kung anong iniisip niya!
Nang bumitaw si Joshua ay ngumiti siya sa 'kin. "Salamat.." ngiti lang ang tinugon ko sa kaniya.
"Kyler.." iyon ang kusang lumabas sa bibig ko.
Napatingin sa gawi niya si Joshua. Heto't ang puso ko'y dumagungdong na naman nang dahan dahan siyang maglakad papunta sa gawi namin.
"Salamat nga pala pre, sa pag hatid kay Salve.." nakangiting ani ni Joshua nang huminto ito pero hindi man lang nagbago ang mukha ni Kyler.
Ang masaklap pa ay nakatingin lang ito sa 'kin!!
Syete, ang tips kung paano pakalmahin ang nagwawala kong puso?!
"U-uh, uuwi kana ba?" tanong ko.
"Ihatid mo 'ko.." sagot niya na ikina-tanga ko.
"H-ha?"
"Ihatid mo 'ko...sa gate." tinignan ko si Joshua at tumango naman ito.
"Uh, s-sige." nauna na akong maglakad papuntang pinto at agad namang nakasunod si Kyler.
Awkward.
Walang may nagsasalita sa aming dalawa habang naglalakad papuntang gate. Hanggang sa makarating kami sa harapan ng sasakyan niya ay wala kaming imik. Pasulyap sulyap lang ako sa kaniya at gano'n din naman siya sa 'kin, parang mga tanga lang.
"Uh—uwi kana." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang itinuon niya ang paningin sa 'kin.
"Pinapauwi mo na ako?"
"Uy, hindi ah! A-ano, kasi...gabi na rin eh. Baka hinahanap kana sa inyo."
"Pinapauwi mo na ako." akma na niyang bubuksan ang pinto ng driver seat nang habulin ko siya at hawakan ang laylayan ng polo niya.
Hindi talaga ako humawak sa balat niya dahil alam kong awkward iyon kaya sa laylayan nalang ng polo niya.
Tinignan niya ang kamay kong nakahawak sa laylayan ng polo niya bago direktang tumingin sa mukha ko na ngayon ko lang napansin na ilang metro lang pala ang pagitan ng sa kaniya.
Ang puso ko, ang puso ko!!!
"Uh, salamat nga pala ulit." napalunok pa ako sabay iwas ng tingin.
"Nandidiri kaba sa 'kin?"
"H-ha?"
Napakurap kurap ako nang hawakan niya ang kamay ko at alisin iyon sa pagkakahawak sa laylayan ng polo niya. Napatingala ako sa gwapo niyang mukha nang hindi niya bitawan ang kamay ko na naghatid ng mala kuryenteng epekto sa nagwawala kong sistema.
"Sa susunod na gusto mo akong pigilan, kamay ko ang hawakan mo.."
"...at hahawakan kita pabalik." pagsabi niya no'n ay pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.
RIP. My heart.